Blank Slate


Wala akong maalala.

Nahimatay daw ako kanina. Tapos paggising ko. Wala talaga akong maalala.

Hindi ko pa alam yung mga eksaktong detalye pero. Naghahallucinate na pala ako kanina. Shet.

So heto na, pagkagising ko ang sakit ng ulo ko, malakas daw yung pagkakabagok ko. Ganito yung nangyari. Buong friday wala akong ibang ginawa kundi matulog lang. Nagpapahinga ako since galing ako sa writeshop. Wala ako sa mood maglamyerda ng biyernes.

Etong part na to hindi ko na maalala. Ginising nila ako ng 7pm para maghapunan. Pagkabangon ko daw, bigla na lang ako bumagsak, diretso daw, as in tumama yung ulo ko. Tapos ayan na sinaklolohan ako, tinawag sila Ate Marisa at Ate Wen. Hindi ko maalalang nakita ko sila kagabi. Tapos pinakain daw ako ng kanin at noodles. Again. Hindi ko maalala.

May malay na ako pero wala akong maalalang kahit ano. Nakita ko na lang sa message history ko, paulit ulit ako nagchachat na, “wala akong maalala” at “paulit ulit ako”, paulit ulit ko yun sinasabi. Natataranta na sila dito.

Nagising ako around 5, bago pumasok si Don2. Tinanong ko, “Anong nangyari?” Wala pa ako sa sarili ko non. Tapos ayun sinabi niya na. Tapos natulog ulit ako pagkaalis niya. Gumising ulit ako umaga na, tinanong ko na naman si Anye, “Anong nangyari?” kasi again – wala akong maalala. Ang sakit nung part ng ulo ko na tumama sa semento. Masakit din yung leeg at pwet ko banda, mukhang malakas nga ata ang pagkakabagsak ko.

Naiiyak nako non, naalala ko yung mama ko, ganyan na ganyan din yung nangyari. Bigla na lang siyang nagcollapse tas sinugod sa ospital, then ICU, then after 7 days, nawala na siya.

Pero hindi ako makapagpaospital. Wala akong pera dito. Wala na rin akong HMO. Tsaka naalala ko nung kay Venice, ilang araw siya naconfine nun, ayoko huhu. Kailangan ko pa pumasok next week. Kailangan ko daw magpa-CT scan or MRI, kaso ayun, san ako kukuha ng pera?

Ngayon lang ako nagkaganito. Di ko alam kung dahil ba overfatigue? Stress? Buntis? (Wait what)

Alam mo feeling ko kinakarma na ako eh. Binabawian na ako. 😦

Dulo ng Hangganan. IV of Spades.


Piano cover. 10th.

Tulay


Ang mga tulay ang nagkokonekta sa atin patungo sa iba.

It takes both sides to build a bridge. Pag mahina ang pundasyon ng isa, madali itong magigiba. But instead of building bridges, we build up walls.

Hindi mo nakikita kung ano ang meron sa kabila hanggat hindi ka tumatawid sa tulay.

May mga tulay na mahirap daanan, pero yun pala ang tanging daan palabas sa lugar kung saan ka naliligaw.

May mga tulay na tinatawid, at meron ding sinusunog lang.

May mga sinusunog tayong tulay upang hindi na natin tawirin, o maski lingunin ang nakaraan.

May mga sinusunog tayong tulay dahil ang liwanag nito ang magdadala sa atin sa magandang buhay.

May mga sinusunog tayong tulay pero in the end, na-stranded na tayo dito. At huli na ang lahat.

May taong pagmamasdan ka lang habang tumatawid ka sa tulay papunta sa kanya. At may taong sasalubungin ka sa gitna at sasamahan ka sa pagtawid sa makitid na tulay patungo sa masayang kinabukasan. Know your worth πŸ™‚

Triangulo


May mga pagkakataon ba sa buhay mo na, pag napapatingin ka sa salamin eh nasasabi mo na, “Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi na ako to.”

Dahil sa kagustuhan mo na ma-please yung ibang tao. Para maka-keep up ka sa environment na ginagalawan mo, eh kailangan mong bitawan at isakripisyo yung mga simpleng bagay na makakapagpasaya sayo. Yung mga bagay na dati nagagawa mo ng malaya eh hindi mo na magawa kasi natatakot ka sa negative na impression ng iba.

Bakit ganun no, ang dali para sa iba na mawalan ng pake sa sasabihin ng iba. Samantalang tayo very cautious tayo sa actions natin kasi one wrong move, sira agad tingin sayo.

Eh ayun, tayo lagi ang nag aadjust sa needs ng iba. Paano naman sila? They just gonna stand there and watch me burn. But that’s alright because I like the way it hurts. Joke lang.

Sa huli talo ka pa rin. Kasi nakuha mo nga yung satisfaction ng iba. Pero in the end, hindi ka pa rin masaya kasi a part of you has been lost. At kahit ilang beses mo pang i-try, ang gulo-gulo talaga.

Backup


Maayos na yung PC namin sa bahay. Pero mabagal pa rin haha di pa rin ako makapaglaro. Tapos nandito pa pala yung mga files ko nung post-college days. Nung mga panahong hirap pa ako maghanap ng trabaho hahahahaha. Hala tinitingnan ko, ang nostalgic. This was the greatest days of my life, kung saan I still have it all wow. Look.

Consistent honorable student. Yabang.
I cut this short then regret it afterwards.
Nung mga panahong malakas pa ako kumain.
Nung mga panahong malusog pa ako. At healthy ang relationship namin.
When I was on the top of the world.

Life motivation ko nung 2017.

Iniisip ko, yung buhay na pinapangarap ko nung time na yan. 2017. Eto na eh nandito na ako ngayon. Pero nasa akin na pala lahat non. I was always on the top of everything. Ang dami kong achievements sa school. Walang araw na nababakante yung utak ko. Focus sa life goals. Kaso ngayon. Sumasahod nga ako. Pero parang nasa rock bottom pa rin ako. Bawat araw na lumilipas, wala akong naaaccomplish na kahit ano sa buhay ko, unlike before.

Parang gusto ko na tuloy mag aral ulit. Baka bumalik yung passion ko haha.

Lover


At ngayon nga ay ni-release na ni Taylor Swift ang kanyang 7th album, kasabay ng music video ng title track. I feel so in love haha (aba bipolar ah, parang kahapon depressed shit ka pa ah).

Nakakatuwa kasi yung Taylor Swift na nakilala natin na ‘Queen of Brokenhearted Anthems’, ang babaeng pag nagkaka-bf eh parang nagpapalit lang ng damit, at kung ano pang negative things na naka-incline sa kanya, eh look at her now – mapapa-sana all ka na lang kasi sobrang happy niya na ngayon di lang sa love life eh pati sa career, kahit ilang beses pa siya pabagsakin ng mga kalaban haha charot.

So ngayon pinapakinggan ko pa lang yung buong album, di pa ako makapagdecide kung ano yung top picks ko. Pero favorite ko talaga yung ‘Lover’ mismo kasi feeling ko talaga kasal na sila ni Joe Alwyn, time for her to finally settle down. Ang ganda ng music video. Ganito yung buhay na ini-imagine ko eh, yung future with my own lover. Ang sarap ma-inlove. Sana all ❀

giphy
This is our place, we make the rules
tenor
Can I go where you go?
tenor (1)
Can we always be this close forever and ever?
tenor (3)
And ah, take me out, and take me home.
tenor (5)
Darling, you’re my, my, my, my lover πŸ™‚

Sabi niya sakin, heto na yung masayang buhay at kinabukasan na inaasam mo, nasa harap mo na, pero bakit mas pinipili mo pa rin yung taong binabalewala ka lang? Dahil ba sa tingin ng lahat yun yung tama? Kaya siguro hindi mo makita yung path na para sayo, kasi nabulag ka sa kakahabol sa mali at immature na pag-ibig and all that shit. Paano kung yung happiness na hinihintay mo, yung future na gusto mo, eto na pala? Yung tinatalikuran mo lang?

Yung buhay na pinapangarap ko. Nandito na pala sa harap ko…..

Pero teka, bat nabaling na naman sakin yung usapan eh yung album nga ang topic ng post na to!!

Ladies and Gentlemen, this is Lover by Taylor Swift. (link below)

https://open.spotify.com/album/1NAmidJlEaVgA3MpcPFYGq

Pero as a fake fan, charot, rep > 1989 > Red > Lover pa rin haha.

Edit:

Nakapagdecide na ko ng Top Favorites ko.

Death by a thousand cuts
The lyrics speaks to my soul. Hindi mo alam na malaking bahagi ng sarili ko ang nawala nung nawala ka. Ganon.

I think he knows
Ang bop neto ah

Cruel Summer
Yung beat niya kadugtong to ng Getaway Car eh. Dapat marelease to as single.

False God
This is dedicated to him char

I forgot that you existed
This is dedicated to my past lover. Charot ulit. It’s just indifference.

Paper Rings
Ang sarap mainlove besh

Miss Americana and the Heartbreak Prince
Lagi ko tong kinakanta, idk

London Boy

The Man

Afterglow

Protected: Pahiwatig


This content is password protected. To view it please enter your password below: