βWriting is the only way I have to explain my own life to myself.β
β Pat Conroy, My Reading Life.
Para sa mambabasa:
Bakit ka muna nandito? Ini-istalk mo ba ako? Lol joke lang. Marahil ay naligaw ka lang sa pahina na to. Well, nandito ka rin naman, hayaan mong ikwento ko sayo kung anong meron dito.
Welcome sa blog na walang site title at wala ring blog description! Magpapaka-anonymous ako kunwari, pero sa totoo lang eh wala talaga akong maisip na ilagay. Di naman ganun ka-importante ang part na to, it’s still the content that counts!
THIS IS A PERSONAL BLOG. Just like an ordinary journal or diary, this is my permanent personal documentation record of events, thoughts, ideas, and experiences throughout my journey in life. By the way, this blog is written in Filipino.
Ang nilalaman ng aking blog ay madalas tungkol sa mga kaganapan at pinagdadaanan ko sa buhay; yung mga masasayang alaala ng nakaraan; yung mga pangarap, ambisyon at pag-aassume ko sa mga bagay-bagay; mga regrets, failures at disappointments; imaginations, reflections, realizations, assumptions, frustrations at iba pang -tions na alam ko!
Tahimik ako sa tunay na buhay, di ako nagsasalita talaga hangga’t hindi ako tinatanong o kinakausap! Pero kung mapapansin nyo dito ay mahahaba ang mga posts ko. Dito ko lang kasi nailalabas lahat nang nasa isip ko. Hindi naman kasi lahat ay nasasabi/naikukuwento ko sa iba, at ako talaga ay hindi nagbabahagi ng kwento sa iba. Dito lang ako nagiging madaldal. Kapag sa blog ka nagkwento ng mga very personal na bagay, yung mga nakakaalam/nakakabasa, mga taong di ka naman kilala, di ka nila huhusgahan, di tulad nung mga taong nakakasalamuha natin sa realidad na umiiba ang tingin satin. Kaya kahit mga deepest secrets ko pa ang ibahagi ko, alam kong okay lang na dito ko isulat.
Ayun, meron namang natutuwa sa mga pinagsususulat ko dito, buti na lang, akala ko ako lang ang masaya sa mga posts ko eh. Habang bina-backread ko ang mga sinusulat ko, dun ko napapagtanto na iba pala talaga ang personalidad ko rito, kaysa sa ‘ako’ na kinagisnan na ng mga tao. Feeling ko dito lang ako nagiging totoo, yung walang limitasyon/restriksyon, yung di ko na kailangang isipin yung iko-komento ng iba, yung di ko na kailangang magpanggap at magkunwari, charot!
Pero kung kakilala man kita tapos nabasa mo na yung mga posts ko, wag naman sana maging negatibo ang tingin mo sakin, yung mga tipong, ‘nagbabalatkayo’ at ‘tahimik na nasa loob ang kulo’, huwag naman ganun. Iba’t-iba ang paraan ng mga tao pagdating sa paglalabas ng damdamin, and this is my way. And I think my way is better than yours π
Akala siguro ng lahat magaling akong sumulat, akala ko rin eh! Pero hindi pala, kasi madalas pa rin akong name-mental block. Bukod pa riyan ay wala akong creativity. Tapos hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong magpost ng Ingles, mas madali ako makapagpahayag ng aking mga saloobin sa wikang Filipino. Pero para sa akin, mas madali pa rin ang magsulat kaysa magsalita. Di ako professional blogger. Di rin ako creative writer. Purong kalokohan lang ang site na ito!
Tapos kung may negative thoughts ka tungkol sa mga posts ko – may nakita kang mali, na-offend ka, kung nag-plagiarize man ako, etc., sabihan mo lang ako. Kahit binabagabag ako ng sobra kapag nakikitaan ng mali, dadamdamin ko rin yun syempre sa umpisa pero makakapagmoveon din naman ako dun. Basta kung meron kang opinyon, suhestiyon, maski violent reaction, just comment. Wag nyo ireport ng basta-basta lang pls! Ganon yung nangyari sa Tumblr blog ko. Ayun naglahong parang bula lahat ng content ko. Sad.
Salamat sa lahat-lahat ng mga nagbabasa at nakaka-appreciate sa mga sinusulat ko! Akalain mo yun mahigit 200 na pala lahat, pakiramdam ko ay malapit na ako makabuo ng isang libro ng kasaysayan ng aking buhay. Sana di kayo maumay hahaha! Salamat din sa mga nagla-like at nagfa-follow ng munting talaarawan na ito! Sigi yun lang.
– Shai
Wait lang pala, nakikita mo yung mga password-protected posts? Actually may mga deepest secrets kuno ako dyan, charot! Hindi puro kadramahan and shits lang yan, nilagyan ko ng password kasi nakakahiya na makita sa feed yung mga ganung klaseng post.
Pero kung mag-uumpisa ka pa lang na basahin eto at hindi mo alam kung saan magsisimula, heto yung mga best posts ko: https://shairamaec.wordpress.com/tag/worth-reading-posts/
Heto naman ang categories of posts ko na pwede mong pagpilian, depende sa trip mo:
- ARTICLES – opinions/commentaries on social, political, and economical issues; dito lumalabas ang dugong Journalist/Aktibista side ko, cheret!
- LOVE – posts about love, random quotes, etc.
- KEME – random posts, like tag memes, blog awards, at iba pang mema (me-maipost lang)
- KOLEHIYO – happenings during my 4 years in STI as an ABCOMM student; posts about school activities, classmates, etc.
- HANASH – Hanash is a bekimon word for ‘problema’ or ‘kaganapan’. Posts are about my daily struggles in living this life in general, lahat ng mga hinanakit at pinagdadaanan ko, pero madalas OA lang yung mga posts ko dito, kasi madalas may anxiety o paranoia ako eh
- KALANDIAN – my main reason for blogging – to express my other side – yung malandi sa crush hahahaha. Yes puro mga posts to tungkol sa mga crush ko, marami sila hahahaha
(If you want to talk to me in private, you can reach me thru my social media accounts shown in the sidebar of this blog)
PS: MY TUMBLR BLOG’S BACK – follow http://makakalimutin.tumblr.com/
Salamat din sa pagfollow at pagbabasa ng posts ko πππ keep writing and writing hehe
LikeLike
Hi Shaira! Thank you sa pagfollow! Natuwa ako dito sa post mo. Nakakatuwa na malaman na meron din palang ibang tao na katulad ko. Kaparehas kita sa part na naeexpress natin ang sarili natin through blogging.
High five! π
LikeLiked by 1 person