Chapped lips


Nabo-bored ako dito sa office. Wala akong ibang mapagkaabalahan kundi ang kutkutin ang nanunuyo kong labi.

Lagi ko namang pinapahiran ng lip balm at petroleum jelly, pero bat ganito pa rin. Naisip ko baka ngayon na lumalabas yung mga side effects ng paggamit ko ng mga mumurahin ngunit pekeng lipstick noon (like yah, 10 pesos each)

Kumusta na nga pala ako ngayon? Heto, napagsasabay ko naman yung dalawang trabaho ko. Nakakapagtranslate na ako ng official documents ng CCC, and at the same time nagpapublish pa rin ako ng mga ads sa TFC.

Kailan nga ba ako maglalast day sa ABS? Sabi pwede na ng May 2. Or May 15. Pero ewan ko, hindi pa yata ako handang iwan ang trabahong ito. Need ko pa mag-grind para mas marami akong sasahurin sa mga susunod na cut off, mas marami akong pera, mas marami akong magagawa in life.

Atsaka, kahit may mga moments na nafe-fed up ako sa mga katrabaho ko, hindi ko pa sila maiwanan. Isa sila sa nagpapasaya sa araw ko eh haha. Mababait naman yung mga bagong katrabaho ko, kwela din, pero tingin ko medyo matagal pa bago ko sila maging close. Hindi ko pa inoopen masyado yung sarili ko eh.

At isa pa sa mga dahilan, gusto ko hangga’t maaari occupied ako. Ayoko na ng walang ginagawa. Ayoko nang ma-bored, kasi magiging clingy na naman ako sa memories ng nakaraan tapos malulungkot na naman ako. Which is contradicting kasi, it’s either nalulungkot pa rin ako kahit super busy ako, or nabobored pa rin ako sa dalawang trabaho ko kaya naghahanap pa rin ako ng attention, gusto ko pang madagdagan mga gawain ko. So sabi ko, sige, hangga’t wala pang kapalit yung papalit sakin, magrerender pa rin ako.

Overwork ata ang papatay sa akin, okay lang, at least hindi na heartbreak. Gusto ko lang naman eh malunasan na yung kalungkutang nararamdaman ko, pero ang hirap, paano? Nasosolusyunan ba ng pera ang kalungkutan? Dati sabi ko, pag marami na akong pera, magiging ok na ako, pero bakit ngayon hindi pa rin sapat yun. Money doesn’t matter after all. Tao pa rin pala ang kasagutan. Yung taong feeling mong siya ang sagot sa problema mo, siya pala ang gumagawa ng problema mo. Gusto kong maging masaya, pero hindi yung temporary lang, na after ng ilang oras bored na naman ako. Satisfied ganern.

Ayoko namang i-claim na depressed ako. Kasi di naman talaga. Sobrang melancholy lang. Siguro magfocus na nga lang talaga ako sa goal ko na makapag-ipon hanggang sa pwede na akong mag-abroad. Siguro pag nagawa ko na yun, maiiwan ko na yung mga bagahe ng kalungkutan ko.

May nabasa ako na, bakit nga ba kinukutkot mo pa rin yung labi mo kahit alam mong masakit at magsusugat? Ewan, pero nakaka-satisfy di ba? Once na umpisahan mo, di mo na matigilan. Ganun din siguro ako towards sa kanya, hahahaha. Pasaway.

Napapakanta na lang ako dito ng, “My loneliness is killing me, and I-”

follow my Tumblr blog!

Binyag


Bihira lang ako makapunta sa mga ganitong kaganapan. Binyag. Kasal. Lamay pati haha. Bukod sa bihira lang na may ganito sa pamilya namin, wala akong masyadong friends in real life kaya walang nag-iimbita sakin hahahahahahaha. Wala pang nag-aalok sakin na maging ninang, bukod sa kailangan kong magpaka-ninang sa mga pinsan ko at dapat palaging magbigay tuwing pasko. Ugh perks ng pagiging panganay sa generation namin. Pero ok lang din naman na wala akong inaanak, may kuripot tendency ako haha madamot ako kaya di palaging nagbibigay.

So heto nagde-daydream na naman ako. Paano pag ako naman ang nagpaganap ng binyag. Una, pag ako nagkaanak, ang gusto kong magiging pangalan niya eh Chio, Chantal, o Millicent pag babae, or any name na nag-uumpisa sa Ch-. Tas Nigel or Amiel pag lalaki (ang cute kaya ng Amiel hehe) or any name na -iel or -el ang dulo. Kasi. Ang. Cute. Talaga.

Tapos gusto ko dun sa parish sa kanila ipagdiriwang, pero yung officiating priest eh yung paborito kong pari. Ewan ko kung pwede yun na bumiyahe siya at sa ibang simbahan mag officiate ng binyag. Yung pari dito sa inattend-an kong binyag, parang tamad na tamad haha bat ganun. Di ko makita yung enthusiasm.

Tapos yung reception, hmmm, wala pa ako maisip, basta gusto kong ihanda yung hindi common na hinahanda sa handaan. Tapos tulad nung sa kasal, gusto ko may banda ulit hahahahahaha or dance floor, or karaoke. Basta yung walang ma-o-op na bisita.

Tapos yung souvenir gusto ko nakagarapon din instead of plastic. Di ko pa gaanong ma-visualize, basta gusto ko yung mapapakinabangan nila ng matagal-tagal.

Tapos yung mga magiging ninong at ninang, again, tulad ng sinabi ko noon, wala pa akong maalok at the moment na maging ninong at ninang, kasi wala akong friends in real life 😭😭 I mean sobrang close na kaibigan na pwede kong alukin gawing ninong at ninang.

Pero wait lang, bat nagpaplano ako ng binyag eh dapat kasal muna. Naku mahirap na mauna ang binyag sa kasal!! Teka, di pa nga ako sigurado kung maikakasal pa ba ako. May mag-aalok pa ba sakin neto, eh mukhang tatanda ako mag-isa. Or baka maging mistress na lang din (sa hitsura mong yan, lakas mo gurl).

Tsaka wait lang, magastos lahat ng to, kailangan ko muna mag-ipon para maitawid ko tong mga kaganapan na to.

Nga pala ginanap yung binyag sa Paliparan. Ilang taon na rin mula nung huli akong mapadpad dito. Nung college ako, madalas ako dito haha. Taga dito si Patrick, yung crush ko nun. Tapos dito kami nagpapractice ng mga sayaw. Ang nostalgic lang.

follow my Tumblr blog!

Kampanya


Isang hapon, napagdesisyunan kong magluto ng adobo. Ilang beses na rin akong binubulyawan ng pinsan ko na, “Minsan ka na nga lang umuwi dito sa bahay, magluto ka naman ng ulam.” They miss my cooking hahahaha charot. So heto na, nakabili na ng rekado, kaso kulang pala ng dahon ng laurel. Lumabas ulit ako para bumili. Nagkataon na dadaan pala yung motorcade nila Congressman, Mayor and team dito. Oh nice. Malayo yung subdivision namin sa kabihasnan (town proper) kaya bihira lang din na pupunta sila dito. Eh di inabangan ko din. Pagdaan nila, nagtapon, este nagpamigay sila ng kung ano-ano. Mga kendi, Oishi shrimp crackers, leaflets, pamaypay, shirts, atbp. Yung mga tao, parang mga fangirls nung dumaan na sila, nagtititili, sa ganung edad nila, haha wow. Tapos hindi magkandaugaga nung nagpamigay na ng mga chenes. Willing magpasagasa makakuha lang ng kendi, ganern. So ako andun lang, ayoko na makipag-agawan. Pero yung isang patrol dun inabutan ako ng pamaypay. Thank you.

Wala naman akong napansin na abutan ng sobre dito. I’m proud to say na matino ang mga pulitiko dito haha (talaga ba). Yung mga campaign jingle? Merong okay, merong sobrang cringy. Malamang sa malamang ay sila ang maiboboto ko ngayong halalan, kasi wala akong ibang choice. Sila ang ruling party dito sa amin (mula pa ata nung lumipat kaming Cavite nung 2001), wala akong makitang poster ng kalaban. Eh baka nga wala silang kalaban. Ok naman, naalala ko nung elementary ako, tuwing pasukan eh palaging namimigay noon si mayor ng mga school supplies. Napakinabangan ko naman ang mga iyon. Bukod doon eh talagang nagprogress yung bayan namin mula sa dating puro bukid lang, ngayon city na, ngayon ang dami nang manufacturing factories dito. Okay naman sila.

Sa provincial government, 60-40 ako kay Remulla/Maliksi. Nararamdaman ko noon mga proyekto ni Maliksi, kasi sa Imus ako naghayskul. Kay Remulla hindi masyado, pero ang cool niya haha. Ewan ko kung siya ba talaga yung nagpopost tuwing walang pasok, o baka ang PR team niya ang nag-iisip ng mga witty lines niya. Ewan ko. Basta pag si Remulla ang gov, mas madalas na walang pasok.

Sa senatorial, hindi pa ako desidido. Malapit na pala ano, pero wala akong tiwala sa karamihan sa pagpipilian haha kahit dilawan ako ayoko kay Mar. And please, huwag nang iboto yung mga nakulong. Sabi nga nung HR namin, hindi ka pinanganak kahapon. Hindi ka nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo para bumoto ng mga maling tao.

Wait lang, magluluto pa pala ako ng adobo. Ang dami kong hanash.

follow my Tumblr blog!

Mirror


Β 

Β 

Β 

Nagde-daydream na naman ako. 5 years ago, nung unang beses ko tong marinig, nangarap din ako, sana pag ikinasal ako eto ang tugtog. Lahat naman tayo nangangarap na sana matagpuan natin yung other half natin, yung reflection mo. Hindi naman sa kapareho mo ng attitude o personality, pero nagbeblend or complement kayo pareho. Para walang maging conflict, para magstay kayo hanggang sa pagtanda. Sabi nga ni JT –

“One of the most valuable things in a relationship is being able to constantly change and be individual, but look to the other side to the person that you’re with and know that they’re changing as well individually, but somehow you two can mirror each other and be the other half of that world that you both create.”

Kumbaga hindi yung isa lang ang nagbabago, pareho kayong nag-eevolve. Ipinapakita sa music video nito hindi lang yung happy moments ng relationship, pati na rin yung downside – yung mga panahong miserable ka then hinahayaan ka lang niya, which made you think to stay or to leave? Someone can still be your other half, but that doesn’t mean you’ll be happy or in a good place all the time. Bahagi na ng relationship yung mistakes at regrets. May mga tanong tayo na hindi mahanapan ng kasagutan, pero di natin nare-realize nasa harap na pala natin ang solusyon.Β 

“It was easy coming back into you once I figured it out, you were right here all along.”

Umasa ako sa mga naging lovelife ko na sana yun na yung the one. Hindi yung puro pakilig lang at magaling lang sa umpisa. 22 years old pa lang ako pero nasa phase na ako ng buhay ko na kung saan ready na ako mag settle down hahahaha. Gusto ko yung habang bini-build up ko yung career ko, andyan lang siya, bini-build up niya rin sarili niya at hindi masyadong pinaiikot ang mundo sakin alone. Navi-visualize ko na lahat to haha kaya sana this time hindi na ako mabigo. Please.

Β 

Β 

12. Rejected


Re:Zero. Episode 18. I just realized. This is happening to me now,

“Come and escape with me.”

Dahil sa mga nangyayari sa kanya, ang naisip niyang solusyon ay umalis na lang at mag-umpisa ng panibagong buhay sa Kararagi. Ang dami niya nang failures at paulit-ulit na lang siyang namamatay pati na ang mga kasama niya. So heto na, nagpaplano na sila ng future nila.

“The only path I see is to give up.”

Same sentiments with Rem, siya yung taong hindi ko nakikita na sumusuko agad sa gitna ng laban kaya lagi ko rin sinasabi na keep going. Marami siyang pangarap para sa future niya, at alam kong mafufulfill niya rin yun soon. Kahit sinasabi niya ngayon na heto wala siyang magawa, na ang hopeless niya. He had his time, his freedom, yet walang nangyayari. He hated himself for that.

“If you said you hate yourself, I hope you will know that I know a lot of good things about you.”

Heto na ata yung kasagutan ko sa mga tanong ko sa sarili ko, na bakit kahit na mali, bakit kahit ilang beses niya na akong tinalikuran eh hindi ko siya mabitiwan. So nakikita ko rin ba siya as hero? For melting my frozen heart before?

“That is why I believe no matter how tough life is, even if there is a possibility that you will lose, I will trust you more than anyone in this world. Even if you don’t believe in yourself. I will still believe in you.”

Kahit na talikuran siya ng mundo, ng lahat ng tao, kahit na ang hopeless niya, I still look up to him.

“I want to be able to see her smile. I want to help to build her future. Even if she said that I’m a burden to her, or asked me not to be near her, I still wishes to be by her side. If the future is too hard on her, I want to give her a future where everyone is happy.”

Ngayon ko lang narealize na oh shit, ganito rin pala pinagdadaanan ko ngayon haha (maka-Emilia pa naman ako), ang sakit pala ano. But guess what, tutulungan ko pa rin siya na ma-build yung future niya with her, kasi pinangako ko yun na susuportahan ko lang siya all the way, kahit hindi na ako part ng future niya. Kahit na mas magiging peaceful yung buhay niya na kasama ako, alam kong pipiliin pa rin niya yung path na kasama si Emilia. Di ba. Pero ok lang. I knew it.

Alam ko na ang kahihinatnan ng kwentong ito, pero ayan pinagpapatuloy ko pa rin. Alam kong masasaktan na naman ako ng malala balang araw, pero eto pa rin ang pipiliin kong path – ang alalayan si Subaru at samahan hanggang sa huli.

New Beginnings


So heto na nga, after 1 year, 4 months and 17 days, sa wakas, lilipat na ako ng trabaho!! (Pero hindi to sa Taiwan ha)

Tinatamad na ako magkwento kung paano ako nahire haha basta ayon, di ba nakwento ko na dati na since november pa lang, active na ako sa pagpapasa ng applications online. Ang dami ko nang pinag-exam-an, pero after nun di na nila ako ina-update for the next process. Ewan ko, mas malakas lang talaga mga competitors ko kaya di ako mapili pili.

Hanggang sa etong inapplyan kong government agency, ang bilis ng proseso, natanggap agad ako huhu di ako makapaniwala. Hala sa wakas. Bale yung sa Taiwan, aabandonahin ko na. Wala eh change of plans. I mean, wala naman talaga akong konkretong plano para sa buhay ko. Laging go with the flow.

So heto, umpisa na ko ngayong lunes sa bago kong work, but at the same time magrerender pa ako ng 30 days sa ABS so techinically dalawa ang trabaho ko ngayon haha. 8-5. 7-4. Keri?

Ang problema ko lang naman sa bago kong work eh 8AM ang pasok huhu di na ako sanay gumising ng maaga. Feeling ko aantukin ako neto sa tanghali at makakaidlip habang nagtatrabaho. Paano ko ito makokontrol?

Nung una excited pa ako kasi sa wakas makakaalis na ako sa paulit ulit at nakakabored na routine na ginagawa ko. Pero narealize ko, maraming mawawala. Una, hindi na ako makakapag-ML at telebabad during working hours haha. Hindi na pwedeng overbreak. Hindi na pwedeng pumunta ng Trinoma (during working hours din to). Di naman sa tamad at talaga ako magtrabaho ah haha, syempre kailangan mas mag mature na ko at hindi puchu puchu na lang ang ginagawa ko. Ayun siguro yung minahal ko dito sa first job ko, kasi feeling ko estudyante pa rin ako. I get all the perks. Kumbaga chill chill lang kami dito, mga pasarap sa buhay ganern. De, yung mga taong nakakasalamuha ko araw araw. Kahit may mga panahon na nakakainis sila, pero mami-miss mo din yung mga pangungulit nila eh. Dati nung unang buwan ko sa trabaho, sobrang antisocial ko talaga. Nasa upuan lang ako palagi. Pero ngayon halos open book na yung kwento ng buhay ko sa buong office. Kumbaga may nadevelop akong personality dahil sa kanila. Yung sa lilipatan ko, alam ko mas seryoso na ang mga tao dun. Mahihirapan na naman ako makisama sa umpisa pero it takes time naman. Ang hiling ko lang eh una sana ok ako sa lahat, yung walang makukunsumi sa mga katangahan ko sa office, at pangalawa sana hindi na ako ma-stagnant sa paulit ulit na gawain. Yun lang naman.

So ayun malungkot ako kasi iiwanan ko na ang masaya kong buhay sa ABS, pero at the same time atat na atat na akong umalis kasi nauumay na ko sa office. Labo no.

With this new work I hope I could achieve my personal growth in career. But might as well pursue my dreams (which I will tell you eventually)

follow my Tumblr blog!

11. Black and White


July 31, 2017

April 11, 2019

It was almost two years. May nagbago ba? Kung titingnan mo sa mga litrato, parang wala. Panget pa rin ako. Haha.

Pero kung sa point of view mo, sasabihin mo meron. Mas naging optimistic. Hmmm okay

Pero kung sa point of view ko, parang wala. Kung ano yung way of thinking ko noon, parang ganun pa rin naman ngayon.

Dati nung unang beses ako makipagkita, natatakot ako kasi baka hindi niya ako matanggap sa kung ano ako. Nakita niya lang naman ako sa black and white kong profile picture sa facebook. Mapanlinlang. Dati, wala akong kamuwang-muwang sa kung paano ko siya tatratuhin, paano ko siya pagsisilbihan, paano ko siya mamahalin hehe. Ngayon ba, alam ko na nga ba kung paano? O nangangapa pa rin ako? Marami nang nagbago. Nakaka-cope pa ba ako?

Napapaisip ako, nung nakilala niya ako, ganun pa rin ba kaya ang tingin niya sakin? Ako pa rin ba yung innocent little girl? Or bitch na ngayon?

Habang tinitingnan ko itong mga lumang litrato, narealize ko lang na, gustong-gusto niya akong kunan kahit ang panget panget ko, kahit ayoko, kahit bagong gising ako. Lagi niya rin akong sinusulatan, kung saan-saan. Siguro kung may mamimiss ako, eto yun.

Wag kang mag-alala. Lahat ng mga kuha mo sakin na pictures, naka-save pa rin. Lahat ng mga sulat mo, nakatago pa rin.

follow my Tumblr blog!