Blogger


So bukod sa Tumblr at WordPress ko, nagpapublish na rin ako ng blog sa VK, Reddit, at Plurk (yay!) ✨

De sabi din kasi ng kaibigan ko, baka daw may maka discover ng content ko tas kumita haha, sabi ko paano? Sino naman magkakainteres na magbayad para sa sinusulat ko eh puro hanash at kalandian lang naman ang pinopost ko – consistent since 2012 ah. Kailangan ko daw i-expand yung reach/audience ko, so kung mas maraming makakabasa, e di mas maganda. Since marami naman daw akong followers sa social media (3,007 sa twitter, 1,180 sa instagram, 880 sa tumblr, 491 sa wordpress, 165 sa reddit, 182 sa plurk) – biruin mo ganon karami yung makakabasa at makakaalam na ginagamit mo lang ako HAHAHAHAHA. Gamitin ko na daw ito for promotion. Kaso ang public na masyado ng buhay ko non. Mas dumadami haters ko (wow lakas naman talaga), kung dati walang nakakaalam na nagbblog ako, ngayon nga merong tatlong taong laging nag aabang ng updates sakin bwahaha yabang. Alam mo ba, ilang pagkakaibigan at relasyon na rin ang sinira ng blog na to. HAHAHAHA

Sa office namin, si Attorney pa lang ang nakakaalam na nagbblog ako (kaya ako nahire sa CCC dahil sinabi ko), so pag nalaman pa ng mga katrabaho ko nagsusulat ako, pati sila mawiwindang. Pero di pa ba ako sanay, bawat bagong environment ko eh ganon lagi reaction nila: “Hala parang hindi si Shai yung nagsusulat.”, “Hala hindi yan nagsasalita pero ang daming kuda sa blog.” “Hala si Shai walang maisulat na PR pero ang daming posts.” “Hala sinisiraan lang ako niyan thru social media.” De joke lang yung huli kong sinabi. I-pm nyo ko kung meron akong nasabing negative about sa inyo, marahil hindi ko yun sinasadya, dulot lang yun ng bugso ng damdamin.

Tsaka ayun kailangan ko lang siguro magmature ng kaunti kasi parang bawat rant ko publish ko agad (though nakaprivate naman), tsaka minsan nakakahiya na kasi medyo eskandalosa yung mga updates ko recently. Kailangan lang maging mas makulay yung buhay ko in real life ah para makulay din yung content ko. Kaya nga dinelete ko rin facebook ko para bawas nega eh.

Malapit na rin mag-400 yung posts ko. Sabi sayo eh, bubuo ako ng isang libro. Feeling influencer hahahahahaha masamang impluwensiya naman ang ibinibigay ko. Malay mo naman di ba sana yumaman tayo dito.

follow my blogs!
TUMBLR
REDDIT
VK

Advertisements

Protected: Toxic


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: –


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: –


This content is password protected. To view it please enter your password below:

North


Travel and tell no one. Live a true love story and tell no one. Live happily and tell no one. People ruin beautiful things.

 

The best moments of my life are the ones which are not captured by camera. These are safely locked in my mind as ‘memories’, sharing it with the best person I ever had.

BEST BIRTHDAY GIFT EVER!! Thank you love 😍

 

Next trip: WORLD YOUTH CLIMATE SUMMIT

SEPTEMBER 21

NEW YORK CITY

(sana maaprubahan ang US visa natin huhu)

follow my Tumblr blog!

Dark


Everytime he can’t look at the bright side,
I always sit with him in the dark.
But it turns out it was me, who was left alone in his shadows.

gif girl Black and White depressed depression sad anime pain alone black dark hoodie sadness darkness misaki

I did something bad.


I feel bad. Pero naghihiganti lang ba ako?

Dati, sila yung nagchachat ng patago. Nung time na yun iniisip ko kung bakit di ako enough. Yung tipong halos lahat ginagawa ko, lagi siya pinupuntahan sa kanila para hindi siya magkulang sakin. Binibili mga gusto niya, etc. Nung nalaman ko na may mga kausap siya ng palihim, nung nalaman ko na pinapunta niya sa bahay si M.A. na hindi ko alam, nag iiiyak na ako nun, ang sakit pag alam mong nagsisinungaling na sayo yung tao, pero wala akong ginawa. Nanlamig lang ako sa kanya. Yun na yung revenge point ko. Na tipong nagmemessage siya sakin nung anniversary namin pero hindi na ako naniniwala kasi I know may ginagawa siya behind my back. Ginagamit ko pa si Amiel nun para pagselosin siya kasi huy, wag kang pakampante. Gusto ko maramdaman niya yung ginagawa niya sakin nun.

Kaso in the end ipinagpalit pa rin naman ako kay Donlyn eh 😦 Ang sakit pa rin. Hanggang ngayon emotionally damaged pa rin ako, dahil sa nangyari.

Ilang buwan akong paralisado non. It wasn’t cheating pero parang ganun din ang kinahantungan nun. Wala na akong gana sa buhay ko kasi, ALAM KONG HINDI AKO ENOUGH. Syempre siya yung first bf ko, ang genuine nung pagmamahal na ibinigay ko (priority ko siya bago sarili ko tbh) tas biglang ganun lang yung outcome. Kahit anong gawin ko, iiwan at iiwan pa rin ako para sa iba.

Now the tables have turned. Ako na ang Julia Barretto sa kwentong ito.

Ang sama ko no. Nasaktan ako tapos heto nananakit na rin ako ng ibang tao. Sorry 😦

Ngayon ko lang narerealize na, ginawa niya na yun sakin, wag niya nang gawin pa yun sa bago niya. Wala nang bearing sakin yung actions niya, alam niya yun eh hindi na ako naniniwala sa kanya. Pag may problema sila lagi kong sinasabi, wag mo na hayaan ulit mangyari sayo yung kinahinatnan natin noon. Masaya ako sa bago kong jowa ngayon, pero nanghihina ako everytime maiisip ko siya, sila. Pati ako apektado ngayon.

Tas ang sakit din nung nalaman ko na, “dahil lang sa pera”, “ginagamit lang ako”, etc. Lahat na sila nagsabi sakin, pamilya ko, mga kaibigan ko, pero wala eh, di ko siya matiis. Kasalanan ko to eh, lagi ko na lang siyang tinotolerate sa mga ginagawa niya 😦

Protected: Haha


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Maliit na bagay


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Tuwentitri


Exactly two years ago, naalala ko, fresh graduate ako, isang buwan na akong istambay nun. Inaalagaan ko pa si Isha nung time na yun haha. Pero yun nga, exactly two years ago, eto yung unang beses na nag-apply ako ng trabaho. Sa call center, pero hindi ako makapasa-pasa maski initial interview, dahil sa social anxiety ko. Marami akong inaapplyan na company nun. Puro fail lahat.

Looking back, two years ago, malayong-malayo na sa kalagayan ko ngayon. Dati takot na takot ako sumagot ng telepono, well ngayon pa rin naman hindi ako sumasagot ng tawag lol. Pag nag-eenglish ako naba-blanko ako. Pag nakikipag usap ako sa ibang tao eh natataranta ako. Pero look at me now. Look at me now. Halos araw-araw may meeting ako. Every week may mga meetings outside the office. Ang dami ko nang connections sa mga propesyonal – lawyers, advocates, co-government employees, businessmen, atbp. Ako na yung ipinapadala sa mga conference para irepresent yung department namin, malayong malayo sa pinangarap ko two years ago. Di ko inexpect na mga bigating tao na lagi yung makakasalamuha ko ngayon. Pero joke lang hindi ako nagmamayabang ah, I mean, kung kilala mo ako personally, alam mo kung gaano ako ka-antisocial noon huhu. Nung nag-umpisa ako sa ABS nun, lagi lang talaga ako nasa harap ng PC, di ko kinakausap mga katrabaho ko non eh, no social interaction. May social anxiety pa rin naman ako hanggang ngayon in fairness, pero wala akong choice haha I have to talk to people. May mga araw pa rin na nagngangawa na ako dito kasi di ko na kaya yung trabaho ko. Wala pa rin akong maiambag sa office hanggang ngayon.

Yung unang draft ng post ko na to, similar sa “Kalayaan” post ko. Na, ngayong nag-23 na ako, naging mas reckless at wild ako. Puro party, gala, etc. Ganon, malaki ang ipinagbago ko. Pero sabi niya, masyado ko naman daw ibinaba yung sarili ko, which is hindi dapat. Lagi pa rin daw ako nagddwell sa negative side ng life, why not recounting the opposite? Mas i-higlight ko daw yung magagandang bagay na nangyayari sa akin ngayon, kesa ipamukha ko na naging mas worse ako, kasi hindi naman daw talaga. Bat ko pa raw need magself pity. So okay. Yung mga nangyari last year, when I was 22, was the lowest point so far. Ngayon nakakabangon na ako. Sana hindi na ulit ako lumagpak ng ganun. Ayoko nang mahila pa ulit pababa. Ngayong taon bago na ang lahat – bagong environment, bagong tao, bagong pangarap.

Simple lang naman yung birthday wish ko – sana hindi na ako umiyak haha (or at least mabawasan man lang). Last year ang dami ko na nailuha, tama na. Nakakahiya kay Taylor Swift, nasa Lover era na siya ngayon, tapos ako naiwan pa rin sa reputation. So this year gusto ko puro rainbows and unicorns na ang motif ng buhay ko, ayoko na ng dark drama, kaya binura ko na lahat ng shitposting ko before. Di ko nga alam baka hanggang salita na naman ako, the next day iiyak iyak na naman ako dahil sa walang kwentang dahilan. Eh wala eh, yung buhay ko ngayon parang Fake Happy. Ang bop ng kanta, pero ang sad ng thought. Mukhang masaya ako kasi ang dami kong ganap, ang dami kong karat, pero at the end of the day, nararamdaman ko pa rin yung lamig mula sa loob ng kaluluwa ko. Nararamdaman ko pa rin yung morning anxiety ko. Eto ata yung sakit na habambuhay ko nang bibitbitin, regardless kung ano pa ang maachieve ko.

Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi heto buhay pa rin ako, hindi pa rin nadidisgrasya dahil sa katangahan, hindi pa rin nagkakasakit dahil sa kapabayaan. Heto pa rin ako, stable ang career, stable ang income, stable ang social life, stable ang family affairs, stable ang kalandian, hehe. Yung emotions ko lang naman yung hindi stable hahahahaha bigla bigla na lang ako magdadrama, lalo na pag hindi na naman niya ako kakausapin, kala mo kung sino nang namatayan.

Ayun sana magtuloy tuloy yung improvements ko personally, kasi tumatanda ako ng paurong haha. Sana hindi na ako antukin during work. Sana makapagsulat na ako ng matinong PR. Sana hindi na ako maging marupok. Joke lang. Ayun lang po. Happy birthday to me πŸ™‚

I’m constantly worrying about the next part of my life, without realizing that right now, I am where I used to look forward to.

follow my Tumblr blog!

Protected: Family Hanash


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Past


Wala akong magawa. Hindi ko siya maipagtanggol sa pamilya ko.
Nung kami pa lang, palagi ko na siyang ipinagtatanggol na, di siya ganung klaseng tao.
Sabi nila, o e nagbubulag-bulagan ka pa rin. Kita mo na nga yung ginawa sayo noon. Alam mo na ngang ginamit ka lang noon. Bakit gusto mo pang masaktan ulit.
Sabi ko wala na to ngayon. At saka alam kong totoo yung noon, nagkataon lang na kailangan niyang gawin yun para sa ikabubuti namin pareho.
Ikabubuti? Tingnan mo nga. Kung ano yung ginagawa nung mga naging syota ng tita mo, ganun na ganun din yung ginawa sayo, sinu-sugarcoat ko lang.
Naungkat na naman yung ugali niya na inayawan ng pamilya ko. Mula doon sa birthday cake na bigay niya nung birthday ko, nung unang gabing ipinakilala ko siya, lahat.
Pati yung mas una kong sinabi sa ex ko yung about sa pangmomolestiya sakin kesa sa pamilya ko, ikinasama nila ng loob yun. Bakit nalaman pa nila sa ibang tao at hindi sa akin mismo nanggaling.
Totoo nga. First impression lasts. Kaya ayaw din sakin ng pamilya niya. Di tulad ng jowa niya ngayon 😦
Ngayon mas nagegets ko kung bakit ayaw pa siyang ipakilala ng gf niya sa papa niya.
Ako kasi. Tanggap ko siya na ganun. Minahal ko siya sa ganun. Kaya mas nakikita ko yung good sides niya. Kaya wala ako pakialam non kung kontra lahat ng mga kamag-anak namin saming dalawa haha it’s like you and me against the world. PERO GUESS WHAT, TAMA NGA LAHAT NG ASSUMPTIONS NILA NOON HAHA

Oo nga pala, nasaksihan din nila yung mga araw na iyak ako ng iyak, na hindi ako kumakain, na hindi ako makausap ng matino. Hindi man ako naging open sa kanila masyado unlike kina PJ, Iza, about sa mga hanash ko, pero ramdam din pala nila yung agony ko.

Di ko alam kung bat kailangan ko pa rin masaktan ng ganito ngayon. Tapos nag eexpect ako na hindi siya papayag, na gagawa siya ng paraan para iapela yung sarili niya sakin tulad nung mga araw na may problema sila ng gf niya.
Kaso wala, okay lang sa kanya na nakablock siya. Okay. Okay na eh. Napakinabangan na ako.
Oo nga pala, bat kailangan ko pa rin siyang ipaglaban?

Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako haha. Natapos na ang relasyon. Pero hindi pa rin natatapos ang issue. Natapos na silang uminom. Tas ako eto nag iiiyak na naman.

Ang weird kasi nag umpisa lang to lahat nung may kinwento lang ako about sa bago, tas bigla na lang iuungkat yung nakaraan ko na parang kasalanan ko pa.

follow my Tumblr blog!

Pagod


Ngayon yung uwi ng tita ko. Akala ko makakapag absemt ako haha. Kaso hindi, sayang hindi ko siya masusundo sa airport. So sabi ko sige after shift ko na lang sila kitain. Kaso sobrang dami kong gawain ngayon, 3 PR, Questions, tsaka Congratulatory note. Bukas na ang deadline kaya sana matapos ko ngayong araw. May mga meeting pa akong kailangang puntahan.
Kaso ang problema, wala akong maisulat. Hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko. Sabihin na nating mangmang pa rin ako sa whereabouts ng agency namin. Wala talaga akong alam. Nahihiya na ako kay Ms. Mae Anne kasi ako yung plantilla, ako dapat ang nakakapagprovide ng PRs, YUN YUNG NASA JOB DESCRIPTION KO. And yet, wala akong maisulat. Nakikita ko silang lahat dito, hindi magkandaugaga sa dami ng pending, inaaway pa ng ibang division, tapos ako heto, wala talagang maisulat. Hiyang hiya na ako. Hindi ko deserve ang posisyong ito. Feeling ko sooner bibitawan ko na rin to. Tama nga sila. Ang dapat nilang ihire eh yung may passion talaga sa environment and climate change issues. Mas marami silang maisusulat.

Heto na, late na akong nakarating sa MOA, nakita ko na tita ko. Kakatapos lang nila uminom. Pauwi na sila. Tinatanong niya ako kung ano gusto ko kainin, Sabi ko hindi ko alam. Hindi ako makapagfocus sa kanila kasi kachat ko pa yung boss ko. Nakalimutan kong lagyan ng citation yung mga sinend ko kanina. Well nangopya ako ng information. Again hiyang hiya na naman ako sa boss ko. Tapos nahihiya ako sa tita ko tsaka sa mga kamag anak ko kasi kasama ko nga sila, pero cellphone pa rin ang inaatupag ko (dahil nga sa mga naiwan pang trabaho).

Habang naglalakad na kami papunta sa sakayan, naiyak na ako. Di ko alam kung masyado bang na drain yung utak ko kaya lutang ako? O dahil ba namiss ko yung tita ko? O dahil napagalitan ako ng boss ko? O dahil nahihiya na ako sa mga kasama ko sa trabaho? O dahil wala na akong maisulat? O dahil kasama ng mga pinsan ko yung mga jowa nila tapos ako mag isa lang pumunta? O dahil ba sineen lang ni Ebong yung message ko kahit naiinis ako sa kanya? Mukhang all of the above. Tinatanong nila kung anong nangyayari sakin. Sabi ko okay lang ako! Sabi ko hindi ko alam kung bat ako umiiyak. Pero medyo lutang nga ako ngayon at wala na sa tamang pag iisip.

Nahihiya talaga ako. Imbes na ispend ko tong araw na to para sa pamilya ko, hindi ko sila nakasama ng matagal. Hindi pa ako makakauwi ng bahay dahil sa maaga pa yung meeting ko bukas. Nahihiya ako sa tita ko. Di ko alam kung kailan ako makakabawi sa kanya.

follow my Tumblr blog!

Kindness.


Dumaan ako ng STI, kinuha ko na yung yearbook ko haha sa wakas after ilang years. Kamusta naman yung school namin? Ayun mukha pa ring STI hahahaha. Wala na palang ABCOMM, MMA na pala. Parang mas kaunti ang enrollees. Yung batch namin ata yung pinakamarami sa history eh ewan idk. Tas hindi na ako makaakyat sa annex, so sa may library na lang ako tumambay. Sarado. Awww. I remember the days, yung araw araw akong sumisilay sa lib tapos yun na yung definition ko ng happiness hahahaha. Kamusta na kaya siya ngayon? Naaalala ko yung ngiti niya eh.

Mukha akong galit na manghahampas na dito oh. Naalala ko beastmode nga ako nung araw na yan.

Natatawa ako sa quote ko hahahaha (Kill people with kindness), super biglaan kasi kami pinag isip ng quote nung time na yon, wala ako sa huwisyo mag isip. Ah sige eto na lang. Tutal plastikada naman ako nung time na to haha jk. Yun yung mantra ko noon (teka hahanapin ko sa mga previous posts ko, nabanggit ko yun eh), di bale nang abusuhin ako, di bale nang ako lagi ang nagpaparaya, di baleng ako ang uto uto, basta magmukha akong mabait sa paningin ng ibang tao hahahahaha wtf. I don’t live by this standard anymore, I did something bad and it feels so good charot lang. De yun nga, sirang-sira na kasi ang reputasyon ko ngayon hahahahahaha so wala na rin akong pake. De joke lang, eto pa rin ako, hindi nagbabago, nagpapauto pa rin. Instead of me killing them, I WAS KILLED BY MY OWN KINDNESS.

follow my Tumblr blog!

Neo-colonialism


Pinanood ko yung episode ng KMJS about sa Chinese Invasion. Kaya pala. Kaya pala hindi na pinadadaan yung mga bus sa Baclaran ah. Aba nung isang beses na umuwi ako ng madaling araw, at sumakay ako galing doon, nanibago ako. Akala ko nasa Chinatown na ako hahahahaha. Ang bilis naman, ang dami agad na Chinese establishments doon.

May good side din naman yung pagdagsa nila dito. Bakit daw tayo nagagalit, eh tayo rin naman maraming Filipino communities sa ibang bansa. Maraming trabaho ang binuksan ng mga dayuhan para sa mga Pilipino. Why not we do the same. Ever since naman daw marami nang mga intsik dito sa bansa. But now they’re basically everywhere. Hindi lang sa Baclaran area. Sa MOA. Sa Ortigas, well sa loob mismo ng MalacaΓ±ang compound, Kaya may mga wechat pay na sa SM (well what do u expect from SM). Atsaka, more business opportunities DAW sa mga pilipino yung pagkakaroon ng maraming Chinese establishments.

Hindi naman ako galit sa mga ito. Nakakatakot lang na ma-overpower nila tayo sa mismong lupain natin. Darating tayo sa point na yon – na mapagkakaitan na tayo ng karapatan at mas ipa-prioritize sila. Sa lupa. Sa trabaho nga lang eh. Maraming Pilipino dito ang walang trabaho, pero bakit sila ang nabibigyan, maski simpleng construction work? Habang sila yumayaman ng yumayaman dito, tayo eh baka lalo maghirap. Bakit tayo pa rin ang nag aadjust para sa kanila? Di ba dapat magpakumbaba naman sila sa mga Pilipino? Bat ganon? Bat ang unfair?

follow my Tumblr blog!

Protected: Kaartehan


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Abusado


This content is password protected. To view it please enter your password below: