Tuwentitri


Exactly two years ago, naalala ko, fresh graduate ako, isang buwan na akong istambay nun. Inaalagaan ko pa si Isha nung time na yun haha. Pero yun nga, exactly two years ago, eto yung unang beses na nag-apply ako ng trabaho. Sa call center, pero hindi ako makapasa-pasa maski initial interview, dahil sa social anxiety ko. Marami akong inaapplyan na company nun. Puro fail lahat.

Looking back, two years ago, malayong-malayo na sa kalagayan ko ngayon. Dati takot na takot ako sumagot ng telepono, well ngayon pa rin naman hindi ako sumasagot ng tawag lol. Pag nag-eenglish ako naba-blanko ako. Pag nakikipag usap ako sa ibang tao eh natataranta ako. Pero look at me now. Look at me now. Halos araw-araw may meeting ako. Every week may mga meetings outside the office. Ang dami ko nang connections sa mga propesyonal – lawyers, advocates, co-government employees, businessmen, atbp. Ako na yung ipinapadala sa mga conference para irepresent yung department namin, malayong malayo sa pinangarap ko two years ago. Di ko inexpect na mga bigating tao na lagi yung makakasalamuha ko ngayon. Pero joke lang hindi ako nagmamayabang ah, I mean, kung kilala mo ako personally, alam mo kung gaano ako ka-antisocial noon huhu. Nung nag-umpisa ako sa ABS nun, lagi lang talaga ako nasa harap ng PC, di ko kinakausap mga katrabaho ko non eh, no social interaction. May social anxiety pa rin naman ako hanggang ngayon in fairness, pero wala akong choice haha I have to talk to people. May mga araw pa rin na nagngangawa na ako dito kasi di ko na kaya yung trabaho ko. Wala pa rin akong maiambag sa office hanggang ngayon.

Yung unang draft ng post ko na to, similar sa “Kalayaan” post ko. Na, ngayong nag-23 na ako, naging mas reckless at wild ako. Puro party, gala, etc. Ganon, malaki ang ipinagbago ko. Pero sabi niya, masyado ko naman daw ibinaba yung sarili ko, which is hindi dapat. Lagi pa rin daw ako nagddwell sa negative side ng life, why not recounting the opposite? Mas i-higlight ko daw yung magagandang bagay na nangyayari sa akin ngayon, kesa ipamukha ko na naging mas worse ako, kasi hindi naman daw talaga. Bat ko pa raw need magself pity. So okay. Yung mga nangyari last year, when I was 22, was the lowest point so far. Ngayon nakakabangon na ako. Sana hindi na ulit ako lumagpak ng ganun. Ayoko nang mahila pa ulit pababa. Ngayong taon bago na ang lahat – bagong environment, bagong tao, bagong pangarap.

Simple lang naman yung birthday wish ko – sana hindi na ako umiyak haha (or at least mabawasan man lang). Last year ang dami ko na nailuha, tama na. Nakakahiya kay Taylor Swift, nasa Lover era na siya ngayon, tapos ako naiwan pa rin sa reputation. So this year gusto ko puro rainbows and unicorns na ang motif ng buhay ko, ayoko na ng dark drama, kaya binura ko na lahat ng shitposting ko before. Di ko nga alam baka hanggang salita na naman ako, the next day iiyak iyak na naman ako dahil sa walang kwentang dahilan. Eh wala eh, yung buhay ko ngayon parang Fake Happy. Ang bop ng kanta, pero ang sad ng thought. Mukhang masaya ako kasi ang dami kong ganap, ang dami kong karat, pero at the end of the day, nararamdaman ko pa rin yung lamig mula sa loob ng kaluluwa ko. Nararamdaman ko pa rin yung morning anxiety ko. Eto ata yung sakit na habambuhay ko nang bibitbitin, regardless kung ano pa ang maachieve ko.

Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi heto buhay pa rin ako, hindi pa rin nadidisgrasya dahil sa katangahan, hindi pa rin nagkakasakit dahil sa kapabayaan. Heto pa rin ako, stable ang career, stable ang income, stable ang social life, stable ang family affairs, stable ang kalandian, hehe. Yung emotions ko lang naman yung hindi stable hahahahaha bigla bigla na lang ako magdadrama, lalo na pag hindi na naman niya ako kakausapin, kala mo kung sino nang namatayan.

Ayun sana magtuloy tuloy yung improvements ko personally, kasi tumatanda ako ng paurong haha. Sana hindi na ako antukin during work. Sana makapagsulat na ako ng matinong PR. Sana hindi na ako maging marupok. Joke lang. Ayun lang po. Happy birthday to me πŸ™‚

I’m constantly worrying about the next part of my life, without realizing that right now, I am where I used to look forward to.

follow my Tumblr blog!

Advertisements

4 Replies to “Tuwentitri”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.