200+ Facts about me!!

HELLO! SO TODAY I’M GONNA POST TWO HUNDRED AND MORE THINGS (AND STILL COUNTING) ABOUT THE MODERATOR/WRITER OF THIS BLOG: ME.

– Panget.

– Pessimist. (Negative thinker)

– Socially awkward.

– Ipinangalan ako kay Shaira Luna (90’s gifted child)

– Nickname: Shy

– Height: 5’3

– Weight: 50 kg

– Shoe Size: 7 1/2 (Masikip sakin ang 7 tapos maluwag naman sakin ang 8!)

– 1/8 chinese blood (di lang halata)

– Left-Handed πŸ™‚

– INFP

– Makakalimutin ako, sobra.

– Irreg yung porma nung mga ngipin ko.

– Wala akong future. Flat eh πŸ˜‚ #IYKWIM

– Spaghetti lover. Kung may iisang pagkain lang akong kakainin sa buong buhay ko. Yun na yun. Di ko pinagsasawaan.

– Dilaw ang paborito kong kulay.

– Pero kulay itim halos lahat ng gamit ko. Haha.

– Favorite subject: Araling Panlipunan, gustung-gusto kong pag-aralan ang kasaysayan ng mga bagay-bagay.

– Astrophile (I love looking at the stars)

– Ailurophile (cat lover)

– Fan ako ni BRUNO MARS β™₯β™₯ since 2010.

– Mahilig akong magbasa ng mga Filipino books.

– Nanonood lang ako ng movies kapag may subtitle.

– Pag wala, madalas tinutulugan ko lang XD

– Mahilig din akong manood ng cartoons, animes, at koreanovelas, basta may subtitle o dubbed in Filipino.

– Ang mga paborito kong kanta ay puro American Pop (mainstream)

– Hindi ako mahilig sa OPM, nabibitter ako lalo na pag relate sakin yung kanta hahahaha

– Karamihan sa mga favorite songs ko ay explicit ang lyrics/meaning, di ko alam kung bakit ganun yung gusto kong pakinggan eh.

– Nung bata ako, paborito ko si Whitney Houston. Kabisado ko karamihan sa mga kanta niya hehe

– Fan din ako ng One Direction. Si Harry ang bet ko πŸ™‚

– Sinusubaybayan ko yung The Walking Dead.

– Paborito ko lahat ng ulam na may Tomato Sauce.

– Mahilig ako kumain ng Cake, Tinapay, Prutas, at kahit na anong malamig na pagkain.

– Tsaka kwek kwek, isaw, tortang talong, at chicken fillet meal ala carte sa McDo πŸ™‚

– Palagi akong kumakanta, sumasayaw, at nagra-rap kapag ako’y nag-iisa.

– Tumutugtog ako ng piano, pero basic chords lang ang alam ko.

– Mas mabilis akong magbasa kesa sa pangkaraniwan.

– Di ako gaano nabubulol sa Tongue Twisters.

– Magaling ako sa Sudoku.

– Maganda yung sulat kamay ko. πŸ™‚

– Mala-kandila at malambot yung mga kamay ko.

– Maliban lang sa left thumb at left index finger ko na magaspang na.

– Kaso may palmoplantar hyperhidrosis ako – nagpapawis ng matindi, lalo na tuwing dapithapon.

– Di ako marunong mag-drawing.

– Di ako marunong magbisikleta.

– Di pa rin ako marunong lumangoy.

– May aquaphobia ako – takot sa tubig (pero hindi yung takot maligo ah). Kinikilabutan ako kapag nasa may ilog/dagat/swimming pool ako.

– Tapos di rin ako gumagamit ng shower kasi feeling ko nalulunod ako. Kaya tabo tabo lang πŸ™‚

– Never pa akong sumama sa mga outing (friends) kasi natatakot talaga ako na baka madisgrasya ako hahaha

– Mabilis akong lamigin, kaya di ako nagtatagal sa mga lugar na may aircon.

– Nirarayuma yung mga paa ko, kapag nasosobrahan sa paglalakad.

– Hindi ako nakakarinig kapag ako’y kumakain (ngumunguya)

– Di ako nainom ng tableta (gamot) di kasya sa lalamunan ko hahahaha

– Palagi akong natitinik ng isda, kahit kamo tinik ng malaking dilis, nakakainis sumasabit pa rin sa lalamunan ko eh!

– Palagi akong nagkakaroon ng hemorhoids, kakakain ng maanghang πŸ˜€

– Di ako kumakain ng taba ng baboy.

– Pero kumakain ako ng taba pag sa barbecue tsaka sisig hahaha!

– Inaantok ako kapag sobrang busog ako.

– Mahina na akong kumain ngayon. Mabilis mabusog, di naman ako ganito dati eh

– Di ako nagmumura (swear words?) Di ako sanay eh

– Pero joke lang, minsan napapa-expression na lang ako ng f*** tsaka s***, pero yung mumurahin mo yung isang tao, takot ako gawin yun!

– Di ako sumasakay ng sasakyan na may aircon, nasusuka ako.

– May sleep bruxism ako. Kaya dahil dun ay bihira talaga akong matulog sa ibang lugar. Nakakahiya eh.

– Lagi akong nakakumot pag natutulog, kahit sobrang init, di ako sanay na exposed yung katawan ko habang tulog hahaha.

– Kapag hindi ako makatulog, kumakanta ako, hanggang sa antukin ako. (Lullaby for myself?)

– Dapat minimum of 6 hours ang tulog ko araw araw. Di ko kaya pag mas maiksi dun eh. Nababaliw ako pag kulang ako sa tulog.

– Tapos kapag nagkakape ako, hindi talaga ako nakakatulog (kahit anong kape basta kape!)

– Hindi ako nakakatulog sa ibang bahay.

– Kaya hindi ako sumasama sa mga overnight! (Aside from hindi ako pinapayagan)

– Once in a blue moon lang ako magpa-load. Bitter nga kasi ako.

– Ang pangarap ko nung bata ako ay maging isang ballroom dancer, o maging katulad ni Beyonce (kumakanta’t sumasayaw, performer ganern)

– Kaso, hindi nga pala ako marunong kumanta at sumayaw 😦

– Kaya kong gawin lahat ng gawaing-bahay.

– Pero di ako masarap magluto hahahaha

– Di ako nagwa-wallet. Kasi nung first year high school ako nanakawan ako ng magandang wallet nun, eh ayun nadala na ako.

– Tsaka kasi wala ako laging pera, para saan pa yung wallet? Hahahahahahaha

– Di bale, may coin purse naman ako πŸ™‚ Andun yung mga barya. (Malamang)

– Yung mga perang papel naman ay nakasuksok sa pinaka-kasuluk-sulukan ng bag ko.

– Tsaka mas madalas barya lang ang bitbit ko, kasi palagi na lang akong hindi nasusuklian sa jeep eh. Nakakainis kaya.

– Mahilig ako sa hugot quotes, poems porn, spoken word poetry, atbp.

– Pero di ako kasing-creative nila na gumawa ng sariling hugot poetry eh

– Wala akong alam sa fashion, make up and the likes T_T

– Hindi ako marunong sa kahit na anong sport.

– Okay lang, atleast matalino naman ako. HAHAHAHA

– But, I’ve never been a honor student.

– KASI TAMAD AKO.

– Kapag di ko feel gawin yung isang project, di ko talaga ginagawa.

– Noon hindi ako nagrereview, tinatamad nga kasi ako! umaasa lang ako nun sa stock knowledge ko. Ayun nakakapasa naman.

– Pero di na siya effective sa college, so ayun palagi na akong nagrereview ngayon πŸ™‚

– Pag may di ako masagutan sa exam, iniiwan ko na lang siya ng blangko. Di ko na binabalikan kasi alam ko di ko na masasagutan yun, kaya mabilis ako magpasa ng papel πŸ™‚

– Nung elementary at high school ako punctual at neat ako. Nung college hindi na, lagi akong late ngayon hahahaha

– Noon ang goal ko lagi ay magkaroon ng mataas na grades para makapasok sa Star section. Kaso nung college na tinamad na ako, di ko naman kasi naaabot yung goals ko eh.

– I procrastinate a lot.

– Palagi akong nagkaka-creative block.

– May mga bagay din na sobrang mangmang ako.

– Sa Math at Science talaga ako nag-eexcel, pero nag-AB Communication ako hahahaha

– Magaling naman ako sa news writing at essay eh, pero ayokong magpush sa Journ industry.

– Kasi ayokong pumasok sa isang bagay na alam kong sasakit ang utak ko.

– Biglaan lang talaga na nag-ABCOMM ako ha, wala to sa pinagpipilian ko

– Pero wala akong pinagsisisihan sa tinahak ko

– Pero Glossophobic pa rin ako (stage fright/fear of speaking in front of people)

– Nanginginig ako kapag kumakausap ng ibang tao (yung di ko kilala) sa telepono.

– My uncle doesn’t want me to take ABCOMM. They want me to pursue Accountancy, HRM or IT.

– I don’t know, pero parang pinagpipilitan ko lang yung gusto ko eh.

– Muntik-muntikan pa akong mag-BS Civil Engineering sa TUP. Buti hindi natuloy.

– Kasi kung natuloy yun, baka iba yung buhay na tinatahak ko ngayon. Baka di ako nagbblog ngayon πŸ™‚

– I’ve never been in Pre-school, diretso na akong Grade 1, at 5 years old.

– I stop schooling last 2013, financial problems.

– If ever, I will be the first one in our family that will graduate with a Bachelor’s Degree πŸ™‚

– May sideline ako nun. Ako yung gumagawa ng mga assignment at project ng mga kakilala ko. Ayun kumikita naman.

– Pero di ako nagtu-tutor, ayoko eh.

– I’m an orphan. My father died from Lung Cancer since I was 3, then my mother died from Hypokalemia six years after.

– It’s really hard, kasi alam mong mali yun ginagawa mo pero wala gaanong gumagabay sayo.

– Since I was born, I was raised by my Grandparents (mother side), sadly they also died years after my mom’s death. (Sa sakit din)

– Now I am being taken care of by my Aunties and Uncle.

– Panganay ako.

– Yung sumunod sa akin, nasa Samar, kasama ng pamilya ko sa Father’s side.

– 5 years old ako nung huli ko siyang makita. 18 na yata siya ngayon.

– Yung bunso naman, anak ni Mommy sa pangalawa niyang asawa (years after my father’s death, she falls in love again)

– Pero nasa Mindanao siya ngayon, sa lola niya. Yung stepfather ko kasi adik-adik nung mga panahong yun (ewan ko lang kung hanggang ngayon eh adik pa rin)

– Sanggol pa siya nun nung huli kong makita. 12 na yata siya ngayon.

– Di ako gaanong close sa family ko, as in di ako nag-oopen up sa mga bagay bagay.

– Feeling ko nga kulang na kulang ako sa pagmamahal at atensyon eh, ganun talaga wala akong magulang eh

– Pero kahit ganun, mahal na mahal ko ang pamilya ko. I’m very grateful kasi kahit ganito ako, salbahe, eh di pa rin nila ako itinatakwil. Haha. Kahit feeling ko minsan pabigat lang ako, nagpapasalamat ako kasi kahit ganun inaalagaan pa rin nila ako.

– Tsaka mahirap lang kami. As in mahirap. May mga time na wala talaga kaming makain, maibayad sa bills, kaya nagkakautang kami minsan

– Minomolestiya ako nung bata ako. Dalawang tao, sa magkaibang panahon. Actually kapitbahay ko nga yung 2 yun eh.

– But I never told anyone about it. Okay naman sila sakin ngayon eh. Kapitbahay ko pa rin sila, pero di na kami gaanong nagkikita.

– Alam mo ba dahil dun, ayoko nang mag-aayos lagi ng sarili ko. Para wala nang magnanasa sakin. Lol.

– Dahil nga sa di na ako nag-aayos ng sarili ko, wala tuloy nagkakagusto sa akin.

– Okay lang, noon pa man tanggap ko namang hindi na ako mag-aasawa eh.

– Umabot sa point na minsan di ako naliligo, tinatamad ako eh. Hahahahaahha

– NBSB. (Because of the fact #1) πŸ˜€

– Tsaka pinagbabawalan ako ng mga kamag-anak ko. Kailangan ko muna magpayaman hahahaha.

– Tsaka kasi ayaw nila ako matulad sa nanay ko, na hindi nakapagtapos ng kolehiyo kasi nabuntis.

– Sa pagkakaalam ko, dalawang tao na ang seryosong nagkagusto sa akin, pero mga isang araw lang tumagal, sabi daw haha.

– Sa buong buhay ko, isang beses pa lang akong umibig β™₯

– Pero di naman yata masasabing love yun eh, crush ko lang naman siya for 7 yrs.

– Di naman siya buong pitong taon. Minsan nagkakaroon ako ng ibang crush, minsan bumabalik yung feels ko sa kanya.

– Classmate ko siya nung 2ndyr HS, 2009.

– Pero 2013 pa kami huling nag-usap niyan.

– One sided lang yan thru d yrs 😒

– Hanggang ngayon bitter pa rin ako at hindi pa nakakamoveon 😦 sobrang tagal bago ako naka-move on.

– Napakalaki ng impact niya sa buhay ko. Akala ko kasi may forever kami eh. Akala ko lang.

– Alam mo ba, umaasa pa rin ako na magkakatagpo muli ang aming mga landas, at magkaroon ng part 2 yung kwento namin πŸ˜€

– Kasi gusto ko siya na eh. Siya na ang ‘the one’!

Anim PITO na lahat ng naging crush ko sa tanang buhay ko :3

– Puro classmate ko nagiging crush ko hahahaha

– Lahat yan wala ring magandang ending. One-sided crush lang lagi eh.

– May mga nanliligaw/naging kalandian din ako sa facebook, pero keme lang yun. Boring lang talaga sila kaya nila ginagawa yun haha :p

– Nahuhumaling ako sa lalaki na mabango. Srsly.

– Madali akong mafall hahahaha, lalo na sa taong masipag!

– Matagal talaga bago ako makapagmoveon sa crush.

– Pag may crush ako palagi na lang siya yung nasa isip ko. As in buong araw siya lang iniisip ko! Madalas ini-imagine ko na yung magiging ganap namin sa future, kung may feels din ba kaya siya para sakin, kung paano ako makakakota sa kanya πŸ™‚

– Kota – any action that will bring you closer to your crush, which will cause you to have the kilig feels.

– Obsessed ako sa crush! Pero sa isip ko lang naman.

– Baka ma-misinterpret nyo na napakalandi ko naman. Uulitin ko, nasa isip ko lang yan lahat.

– Nakakahiya kaya lumandi, lalo na pag panget ka 😦

– Tapos pag nalalaman nila na crush ko sila, iniiwasan na ako.

– Kaya ayoko nang magpapapansin palagi eh kasi minsan nasasabihan pa akong desperada.

– Malupit yung stalking skills ko ha hahahaha! Di lang online! Nung bata pa ako, sinusundan ko yung crush ko hanggang sa makauwi siya sa bahay nila.

– At yun nga, lahat ng facebook activity ng crush ko alam ko, yung mga nilalike at kinocomment niya, ganern.

– Kaya pansin nyo mga posts ko, puro anxiety at kaparanoidan kapag may nasa-sight ako kay crush online.

– Sanay na akong palaging mag-isa, yung di na nagpapasama sa kung saan saan, pag umaalis ng bahay, atbp.

– Mas gusto ko kasama ang mga lalaki kesa sa mga babae. Kasi di ko feel yung trip ng mga girls eh

– I have 3 bestfriends.

– Yung isa sa kanila Amerikano. 56 years old. Lalaki. Nakilala ko sa larong Sims Social, napagshe-sharean ko siya ng mga hanash ko sa buhay, ganun din siya. Parang anak na turing nun sakin.

– Yung isa naman classmate ko nung first year. Our personalities are very opposite, but that’s what kept us together :’)

– The other one was my classmate/confidant during high school. Masaya ako kasi tinutulungan at sinusuportahan niya ako palagi, lalo na sa lovelife ko noon hehehe. Napakabuti nung taong yun πŸ™‚ πŸ™‚

– Di ko na nakikita at nakakausap yung mga bespren ko 😒

– When I was in high school, ginagaya-gaya ko si Jan Di (BOF), feeling ko pareho kami ng buhay hahaha feeling ko lang naman.

– Hindi ako sanay ng nanghihingi ng pera sa mga tiyahin ko. (Except for baon since its mandatory talaga nu) but anything aside from baon, nahihiya ako humingi. Kaya pag may gastusin ako (school activities, projects, galaan) wala sariling gastos ko lang lahat.

– So now I’m proud to tell you guys that my pamasahe/baon everyday is only 50 pesos everyday! Yep. Pinagkakasya ko yan.

– Kaya kuripot din ako hahahaha

– Nasisiraan ako ng bait pag ubos na ubos ang pera ko. I’M SERIOUS.

– Bihirang-bihira ako manlibre at manregalo, so kapag ginawa ko yun sayo, you must be something special! πŸ˜‰

– Mas gusto ko mamasyal/gumala/lumakad nang walang kasama. Para walang kokontra sa mga gusto ko!

– Nagpupunta ako ng kung saan saan ng hindi alam ng pamilya ko :3 gumagala akong mag-isa nang di sila aware. Sorry walang paalam lol.

– Di rin ako nagtetext sa family/friends ko pag gagabihin ako ng uwi at kung nasaan ako. Sorry. Ewan ko ayoko lang.

– Bukod dun, marami pa akong inililihim sa family ko tsaka sa mga friends ko. Oo nagsisinungaling ako. Sorry ulit 😦

– Di ako umuuwi ng bahay hangga’t may araw pa. So I usually go home 6PM onwards πŸ™‚

– Mas gusto ko ng wala ako sa bahay.

– Nung bata ako di kami pinaglalaro sa labas, kaya nung tumanda ganito ako.

– Tsaka kasi pag nasa bahay ako kung ano-ano ang naiisip ko eh kaya di ako umuuwi agad ng bahay.

– Never pa akong nakapunta ng Enchanted Kingdom. At Star City.

– Yun nga, hindi rin kasi kami naipapasyal nung bata pa kami, kahit nga sa SM eh pag pasko lang kami nun nakakapunta.

– Wala akong ibang social life aside sa school.

– I started blogging at Tumblr, mid 2012. I use that as my online diary (yung tipong labasan lang ng sama ng loob).

– Before, wordpress serves only as a backup storage for my most important posts on Tumblr. But since my account got terminated last July 2015 :(, I use this as my main blog.

– Mas madalas akong magkwento dito sa blog kesa sa mga kaibigan/family ko.

– I like to think rather than to talk.

– Nobody really knows me at all. Sometimes, I don’t even know myself either.

– I’m the one who is quiet in large groups of people.

– Di ako nagsasalita hangga’t hindi sila yung nag-initiate, o hangga’t di sila magtatanong πŸ˜€

– At madalas talaga kahit gustung-gusto kong dumaldal, walang lumalabas sa bibig ko. Di nagrerespond yung utak ko kung ano ba ang sasabihin ko :p

– Mas madalas pa akong kumanta kesa magsalita. Hahahaha

– Tamad din akong magreply sa comment/chat, kahit nabasa ko na, sinasadya ko talagang hindi magreply agad.

– Kasi pag nagreply ako agad hahaba ng hahaba pa yung convo eh, ayoko nang ganun.

– Minsan nakakalimutan ko na lang din magreply.

– Di ako nagkukuwento gaano sa iba ng tungkol sa sarili ko, feeling ko wala namang interesado eh

– Kaya ayun, boring akong kausap hahahaha

– Kaya wala pa rin akong lovelife eh mahirap akong kausap.

– Simula pagkabata, madalas lang akong nakatulala. Wala lang blangko lang ang utak ko. Normal na sakin yun haha

– Madalas ako magcontemplate (mag-isip ng malalim na malalim) kapag ako ay naliligo, naghuhugas, as in ilang minuto akong nakatulala niyan hahahaha, minsan ay habang naglalakad o kaya naman ay nasa jeep.

– Kapag suot ko yung earbuds ko, nawawala ako sa realidad, feeling ko nasa isang music video ako kaya pansin mo nag eemote ako habang kumakanta ng mahina, lalo na pag nasa jeep ako o kaya pag naglalakad eh umaawra ako!

– Minsan nagkukulong ako sa CR, para kumanta hahahaha (kulob kasi, feeling ko lang nasa studio ako)

– I’m very active in social media, lalo na sa Twitter. Haha. I registered there May 2009, but started using by late 2010s. Now I have 2,400+ followers! (Ipagmamayabang talaga)

– Ang daldal ko sa twitter ha! Dun ako nagdadrama sa buhay (aside from blog), tapos pang-fangirl yung account ko dun.

– Which is malayong-malayo sa ugali ko in real life na tahimik at di nagsasalita.

– Aside from twittah, I have many social media accounts hahaha

– I’m a memory hoarder. So karamihan ng posts ko dito ay puro mga ganap ko sa buhay, tapos flashback. Memories of the past.

– Bukod sa memories, literal na hoarder talaga ako. Marami akong mga gamit na wala nang pakinabang pero di ko pa rin itinatapon. Baka kasi magamit ko pa balang araw eh.

– I’m a Catholic. Pero nung nag-aral na ako ng history at philosophy ay nagkaroon ako ng doubt sa relihiyon ko 😦

– Pagka-graduate ko naman ng high school ay nagkaroon din ako ng doubt sa History.

– So ang ibig sabihin nito ay hirap na akong maniwala sa mga bagay na nakasulat, kung totoo ba yun or GG lang.

– Mabilis ako mabeastmode sa mga taong ‘slow’

– Pero ako rin mismo ay mangmang – slow din.

– I don’t like doing the first move or what-so they called as Initiative,

– Kasi nahihiya akong mag initiate eh.

– I like to work things by my own. Kasi wala akong tiwala pag inaasa/ipinapagawa ko sa iba.

– Nahihiya rin ako minsan magpatulong sa iba, baka mareject lang ako.

– Ayoko nang pinipilit saking gawin yung isang bagay na hindi ko naman responsibilidad.

– But in college, you have to be flexible. Kaya ayan, kahit inis na inis ako ay palagi ko na lang nararanasan yan.

– Madalas ako mataranta kapag nap-pressure ako.

– Naiinis ako kapag pini-pressure ako.

– Naiinis din ako kapag tinitipid ako.

– Naiinis din ako kapag natutulog ako tapos bigla akong gigisingin.

– Naiinis din ako kapag may naglilihim sakin tapos nalaman ko. Kaya kung magsisikreto ka dapat di ko malalaman. Hahaha.

– Naiinis ako kapag may nanghihiram sakin, mapapahiram ko naman, tapos pag ako na ang manghihiram ng gamit, nagdadamot!

– Nakakainis din yung ginagamit ko pa yung isang bagay tapos bigla na lang kukunin sakin. Nakakainis din yung pagkalapag na pagkalapag pa lang ng gamit pagkatapos kong gamitin, kukunin agad (yun pala inaabangan akong matapos).

– Naiinis din ako kapag paulit-ulit yung tanong. Pag paulit-ulit nagkkwento. Tapos yung lahat na lang tinanong na sakin (lalo na sa school lol). Kaya mo namang gawin yan, bakit tinatanong mo pa?

– Naiinis din ako sa mga taong bida bida, yung ang dami nang kinukuwento na puro pabida lang sa sarili, mayabang ang dating ganun. Di naman ako interesado sa buhay niya, bwahahahaha

– Naiinis din ako sa crush ng crush ko hahahahaha

– Mabait yun sakin, kaso lang pag nakikita ko siya, isinasampal sa akin yung thought na, ‘maganda at attractive siya, ako hindi’.

– Naiinis din ako sa crush ko kapag nai-snob ako hahaha

– Backstabbing me really bothers me a lot. Pag may nalalaman ako na may kinukuwento na negative things about me, napaparanoid ako. Di nako nakakatulog.

– Di rin ako nakakatulog pag alam kong may taong galit/masama ang loob sa akin.

– Madali akong maiyak kapag sinisigawan/pinagagalitan ako.

– Umiiyak ako kapag may taong naiinis sa akin.

– Wala pa naman akong nakakaaway. Wala pa.

– Kaya ko namang pakisamahan ang iba’t-ibang uri ng tao. Kahit ano pa ugali niya, keri lang πŸ™‚

– Nale-label-an akong plastikada dahil dyan, kasi ok ako kahit kanino eh, wala naman akong issue sa kahit na sino eh.

– Atelophobic (fear of not doing something right or the fear of not being good enough, or fear of imperfection). I get depressed when my perceived expectations do not match reality. I have the fear that whatever I’m doing is wrong in some way. I’m afraid that I’ll be making some kind of error in a certain task.

– I have difficulties when it comes on decision-making.

– That’s why I’m not capable of being the leader.

– Alexithymic (unable to find the words necessary to express, identify, and describe the emotions/feelings that I have)

– I still don’t know how to respond to other people, like if someone cries in front of me i dunno how to comfort him/her, if someone tells me i’m beautiful idk what to answer. #awkward

– Di ako showy. Di ko trip iparamdam sa iba na love/na-aappreciate ko sila hahaha

– I feel like, all my life I always desire for something. (Di ako nakukuntento sa kung anong meron ako)

– Mali-mali ako (yung parang pag may gagawin ako, lagi na lang fail, o kaya wrong move)

– Kaya lagi akong nadidisappoint sa sarili ko eh.

– Feeling ko nga ako na ang pinakamalas na tao sa buong mundo eh. Lahat na lang ng gawin ko may something na mali eh.

– Nothing stays with me for long. Yung iba nasisira. Yung iba nawawala. Yung iba lumalayo. :p

– Feeling ko nga, pag namatay ako, baka walang pumunta sa burol ko at makaalala sakin.

– Pero gusto ko mga kanta ni Bruno yung ipapatugtog nyo pag nangyari yun ah! *knocks on wood*

– I’m afraid to die young. I’m afraid I’ll get sick and die. Seeing my parents die at a young age made me fear this thing.

– Takot din ako sa physical pain.

– Takot din ako sa heights.

– I’m more scared to the thought of crossing the street then get hit-and-run than the thought of being raped XD

– Takot akong maka-offend/makasakit ng iba.

– Mas mahaba ang pasensya ko kesa sa mga pangkaraniwang tao πŸ˜€

– Matiisin akong tao πŸ™‚ di ako madaling mabeastmode. Hahaha.

– Pero di ko matiis yung mga tao sa paligid ko (yung kapag may nirerequest sila sakin)

– I have this “submissive personality” when it comes to men. I mean once na may hininging pabor sakin yung isang tao (lalo na lalaki, kahit sino) susunod lang ako agad sa gusto niya.

– Therefore again, uto uto ako. HAHA.

– I am easily influenced/brainwashed by the people around me.

– Kanina, english tong post ko. Tapos naging Filipino. Tapos english ulit. Tapos filipino ulit. You can see I’m so INCONSISTENT at things :3

– Hirap akong magsalita ng Ingles ng dire-diretso. Nakakalimutan ko yung english word ng ganito pag ganun na ang eksena.

– Ergophile (I love being productive, inis na inis ako kapag bored ako kasi walang magawa)

– In school most of the time I’m the alila (like, you go here, you do this, you buy that!)

– Okay lang na inaabuso ng mga tao yung kabaitan ko, basta ang mahalaga mukha akong mabait sa kanila. #lol

– Kasi naisip ko, kung hindi ako mabait, wala nang matitira sa akin. You know, hindi na nga ako maganda, hindi pa mayaman, tapos kung di pa ako mabait? Malamang nun wala na akong kaibigan neto. HAHAHAHA

– I’m that friend that has to walk behind the group when the path isn’t big enough. I’m the friend that gets cut off in the conversation. I’m that friend that gets left behind when I asked for them to wait for me. I’m that friend that doesn’t get invited to hang out a lot. I’ll always be that friend. (Hugot mula sa 9gag)

– I’m not anyone’s first choice. They told me I mean a lot to them, but I know there’s someone they will always choose over me.

– I’m used to being cancelled on. I’m used to being left out. I’m used to being an option. I’m used to being forgotten about. I’m used to being ignored. I’m used to getting the blame.

– I am the hardest person to offend, but it is all too easy to make me feel horrible.

– I work hard at things, but I don’t always get what I deserve.

– I assume at things more often than usual. Therefore I get disappointed more often too!

– I always overthink even if there’s really no problem at all. #paranoid.

– I hate telling people about my problems. I’m the one who listens to other people’s problems.

– It’s funny to know that I do not share anything to my relatives/friends, but then here I am publicly posting almost everything about me.

– This FAM post took years in the making, because up ’til now I have to rediscover myself. I still thinking of the personality/characteristics/qualities that I have.

– OO INI-EDIT KO TO PALAGI. MAY NADADAGDAGAN, MAY NABABAWASAN, MAY NAGBABAGO.

– Now I can conclude that my life is basically a little weirder than everyone else’s πŸ™‚ πŸ™‚

Thanks for reading! Ang haba di ba hahaha salamat sa pagtiyaga, kung nakaabot ka man sa part na ito.

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s