Hong Kong


May mga lugar na pangmatagalan. May mga lugar na dinadaanan lang.

Kakatapos ko lang manood ng Hello, Love, Goodbye. At ngayon meron na naman tayong movie review! (reaction pala, sorry)

Akala ko isa rin to sa mga romance films na tutulugan ko lang haha, or magcecellphone ako during the movie, but no, hindi ko namalayan na lumipas na pala ang dalawang oras! Bitin! Malakas din ang impact sakin nung film. So bukod sa The Day After Valentines at Alone Together, eto yung pelikula na nagroroll na yung end credits pero blanko pa rin ako sa kinauupuan ko, eto yung paglabas ko ng sinehan mas lalo lang ako nalungkot sa buhay ko, napapatanong ng, “BAT GANON?”

(okay medyo spoiler sa part na to)

Bawat oras dapat sulitin mo dahil walang nagtatagal dito.

Sa bilis ng ikot ng mundo, pwede pa bang huminto?

Panoorin nyo dali haha. Una, madadala ka sa mga paghihirap ni Joy (Kathryn Bernardo), hindi man ako katulad niya na OFW sa Hongkong, pero nakikita ko yung sarili ko in a way na, I really work hard para maibigay yung needs ng mga kamag-anak ko, hindi lang halata, pa-travel travel lang ako, pa-inom inom, pero after non lahat ibinibigay ko sa pamilya ko. Pero grabe, mararamdaman mo talaga yung challenges ng pagiging isang OFW.

Nung una cringe pa ako kay Ethan (Alden Richards), kasi puro pa-cute siya kay Joy, puro hugot lines, na siya pa-chill chill lang samantalang kaming mga babae, hindi magkandaugaga sa trabaho. Pero pag kinatagalan maiintindihan mo rin kung bakit naging ganun yung sitwasyon niya. Maiintindihan mo rin kung bakit may mga taong naging iresponsable sa buhay. Yung tattoo niya parang nirerepresent lang yung mga pagkakamali niya sa buhay, tinatapalan niya lang, pero habambuhay mo na iyon na makikita sa kanya. Na sa edad niyang yon eh hindi pa rin niya alam kung ano ang gusto niya sa buhay.

So bukod sa malupitang lines na napanood natin sa trailer, eto yung mga memorable sa akin:

“Alam mo sabi nila, mas okay magkuwento sa strangers kasi no judgment.” – well, dyan ako nabiktima.

Nakakarelate ako sa sinabi ni Joy na, “Minsan ang sarap maging selfish at iwanan ang mga responsibilidad.” Nagpapakapagod siya para sa ibang tao, pero yung binubuo niyang pangarap, unti-unting naglalaglagan.

“May kulang sa sarili ko na hindi kayang mapunan ng kahit pagmamahal mo.” Sana maintindihan ng lahat eto ano. Na hindi pagmamahal lagi ang kukumpleto sa buhay mo, wow sana marealize ko to diba. Na walang mali na maging selfish, na unahin muna natin yung well-being natin bago yung ibang tao. Sa kakabigay ko sa ibang tao, hindi ko pala namamalayan na nauubos na pala ako. Ang cliche nung ‘love o career’ pero dito sa film nagkandakumpli-kumplikado ang lahat. So baligtarin natin ang POV, mula kay Ethan naman, na pinili niya yung pag-ibig kesa maging resident ng Hong kong, pero in the end iniwan pa rin siya at nagkanda-gulo gulo ang buhay. Magegets mo din. Hindi worth it ang pag-ibig hahahahaha lol, pinapakumplikado lang niyan yung buhay ko eh. May pride din ako na, “Nag-aral ako ng apat na taon, hindi para umasa lang sayo.” Pero kung ako yung nasa sitwasyon ni Joy, baka nga piliin ko na lang din mag-stay, wala marupok eh. Wala namang mali kung ano yung pipiliin mong path eh. Yung magiging outcome lang nun ang magdidikta kung naging tama o mali ka. Well, sa mga recent na naging mga desisyon ko sa buhay, bakit parang mali ata lahat hahahahaha.

“Gustong-gusto ko sabihin sa iyo na yes dito lang ako kasi mahal na mahal kita, pero hindi ko maipapangako na hindi ako malulungkot at … hindi ako magkakaroon ng regrets dahil nagmahalan tayo. Natatakot akong umabot tayo doon.” Yes. Live with no regrets. Sabi ni Joy nun, “Puro ka mga plano, ako ba naisip mo kung yun din ang gusto ko?” Damn relate hahahaha. Mahirap para sa tao na pakawalan mo siya para sa pangarap niya, kesa magkasama nga kayo pero nakikita mo siya na hindi naggrow. Diyan papasok yung The people who are meant to be in your life will always gravitate back towards you, no matter how far they wander, na malay natin after 3 or 5 years.. Aw narinig ko na tong linyang to, kung ano man maging takbo ng tadhana satin let it be.. Pero lol wag na kayo umasa ang sakit lang. Kahit gaano pa ka-hirap yung i-risk mo para sa relationship, iiwan at iiwan ka pa rin naman niyan hahahahahaha

To sum it up: Una eh bakit hindi na naman tayo masaya sa huli hahahaha bakit ang kumplikado ng buhay? Pangalawa, feeling ko ang deprived ko na pala masyado ano. Nagsasayang ako ng oras, which is dapat inilalaan ko na sa pagtupad ng mga pangarap ko, hangga’t may pagkakataon pa ako. Heto ako pa-blog blog lang ng mga kadramahan sa buhay haha pero ano, heto na nga ba ang landas na tatahakin ko? O dapat abutin ko rin yung Canada-levels na pangarap ko para sa sarili ko?

Heto yung isa sa mga movies na napapa-contemplate na naman ako sa mga pinaggagagawa ko sa buhay.

May mga lugar na pangmatagalan. May mga lugar na dinadaanan lang. Parang Hong Kong. Katulad ng tao. May mga taong dumadaan lang sa buhay natin. May mga taong… babaguhin ka pang habambuhay.

tumblr_pta9ywzDxj1t0bbbfo1_640
imahe mula sa tumbral.com

follow my blogs!
Tumblr
Reddit
VK

Advertisements

Neo-colonialism


Pinanood ko yung episode ng KMJS about sa Chinese Invasion. Kaya pala. Kaya pala hindi na pinadadaan yung mga bus sa Baclaran ah. Aba nung isang beses na umuwi ako ng madaling araw, at sumakay ako galing doon, nanibago ako. Akala ko nasa Chinatown na ako hahahahaha. Ang bilis naman, ang dami agad na Chinese establishments doon.

May good side din naman yung pagdagsa nila dito. Bakit daw tayo nagagalit, eh tayo rin naman maraming Filipino communities sa ibang bansa. Maraming trabaho ang binuksan ng mga dayuhan para sa mga Pilipino. Why not we do the same. Ever since naman daw marami nang mga intsik dito sa bansa. But now they’re basically everywhere. Hindi lang sa Baclaran area. Sa MOA. Sa Ortigas, well sa loob mismo ng Malacañang compound, Kaya may mga wechat pay na sa SM (well what do u expect from SM). Atsaka, more business opportunities DAW sa mga pilipino yung pagkakaroon ng maraming Chinese establishments.

Hindi naman ako galit sa mga ito. Nakakatakot lang na ma-overpower nila tayo sa mismong lupain natin. Darating tayo sa point na yon – na mapagkakaitan na tayo ng karapatan at mas ipa-prioritize sila. Sa lupa. Sa trabaho nga lang eh. Maraming Pilipino dito ang walang trabaho, pero bakit sila ang nabibigyan, maski simpleng construction work? Habang sila yumayaman ng yumayaman dito, tayo eh baka lalo maghirap. Bakit tayo pa rin ang nag aadjust para sa kanila? Di ba dapat magpakumbaba naman sila sa mga Pilipino? Bat ganon? Bat ang unfair?

follow my Tumblr blog!

Spoliarium


Taray, may movie review ulit!!

lizquenmovie-alonetogether1

Sometimes, the good memories that turn into regrets are best left behind.

So heto na nga, pinanood ko yung Alone/Together. Napuwing lang ako ng very light. Hahahaha. Nakikita ko yung sarili ko sa mga katangahan ni Tin (Liza Soberano). Yung nangyayari sa kanya dun, medyo nangyayari na sakin in real life. Di to about sa love, pero yung mismong life choices niya, dun ako naka-relate.

Bihira lang ako manood ng pelikula. Di ako madaling ma-hook up or makuha ang atensyon. Ewan ko. May mga romance movies na nababagot ako pag pinapanood kaya di ko natatapos. Pero etong Alone/Together, and the rest ng Black Sheep films, gusto ko, dahil sa realistic approach nila. Dati lagi lang natin sinasabi na, may mga bagay na imposible, na sa pelikula lang nangyayari, pero etong mga pelikula ngayon, may mga ganung scenario talaga sa buhay natin, may mga ganun din tayong chapter, kaya nakakarelate tayo. At di lang puro pag-ibig, kasi tinatalakay nito yung about sa career, pangarap, pamilya, pati social issues.

(SPOILER ALERT)

“At ngayon, di pa rin alam kung ba’t tayo nandito..”

Pagkatapos ko mapanood yung film, napa-reflect ako ng bonggang-bongga sa buhay ko. Dun na pumasok yung sari-saring what ifs. Nasabi ko na yung major life regrets ko sa previous post ko, pero yun yun eh. Paano kung naging matapang ako? Paano kung hindi ako natakot noon? Eh di sana unti-unti ko na naaabot yung mga pangarap ko. Eh di sana kapaki-pakinabang ako sa lipunan ngayon. Nakikita ko yung sarili ko kay Tin na sa school lang magaling, pero pagkagraduate at nandito na sa mundo ng realidad, wala na. Yung sobrang pursigido ka sa pangarap mo, but something happened and you fucked up. Then after nun, wala na, nag-stay ka na lang sa comfort zone mo. Minsan din akong nangarap na baguhin ang mundo, pero nung pagka-graduate, sinampal na tayo ng realidad. Di na natin magawa kasi may sarili rin tayong problema na hindi masolusyonan. Gusto kong gawin yung passion ko, kaso dahil sa kahirapan ng buhay, iba ang napuntahan kong landas. Pero masaya naman ako sa kung nasaan ako ngayon. Kaso nga lang, hindi ko nagagamit yung skills ko. Pareho kami ng mindset ni Tin na, the old me is already gone. Hindi na ako yung batang mataas ang pangarap, I just go with the flow.

Minsan ba naiisip mo na bakit ganun? Paulit-ulit lang ang nangyayari? Parang laro siguro yun. Hangga’t hindi mo nagagawa yung tama, paulit-ulit kang mag-uumpisa. Hindi ka uusad. Wala kang matatapos. Uulit ka lang din ng uulit.

Pero alam mo, it’s never too late to start again. Sabi nga sa movie, di porke hindi mo naabot yung mga pangarap mo eh isa ka nang failure. Abutin ka man ng 3, or 5 years bago umpisahang tuparin ang mga pangarap mo? Ok lang yan!! Malay mo, after ilang years, makakapagwork na ko sa mga events/concerts. After ilang years, makakapagtravel na ko sa iba’t ibang bansa para magsaliksik at pag-aralan ang history. Ang saya mangarap! Ginanahan ulit ako haha. Itong movie na to ang nagpamukha sakin na, bakit ka nga ba nandito ngayon? I deserve better. Di dapat ako nagsesettle sa kababawan.

“Cause time may pass, and everything won’t last, but I’ll be by your side..”

The people who are meant to be in your life will always gravitate back towards you, no matter how far they wander. Kung para sayo, babalik at babalik yan. Be with someone na ipupush ka na tuparin ang mga pangarap mo, na susuportahan ka sa goals mo, at hindi ka ikukulong sa sariling mundo. Sabay nyong babaguhin ang mundo. Haha eto na naman ako, may trauma talaga ako sa mga magjowang sabay na nangangarap, tapos magbebreak din during the worst case scenario. Kasi sabay nga yun eh, pag nasira ang mga pangarap mo, bibitiwan mo din ba ang relationship mo? Pag nawala ang relationship mo, titigil ka na din ba sa pag-abot ng pangarap mo? Vice versa. Ang hirap mangarap na magkasama, tapos ikaw na lang mag-isa ang magfufulfill nun. Habang siya bumubuo na naman ng pangarap na kasama ang iba. Damn.

Isa pa sa mga na-absorb ko dun, eh i-keep mo yung mga taong nandyan pa rin, even at your worst moments. Bakit habang inaayos mo yung sarili mo, kailangan mo isantabi yung taong unang naniwala sayo? Wag mong itaboy dahil lang ayaw mo nang madamay siya sa problema mo, ayaw mo maging pabigat. I-appreciate mo yung mga taong handang makinig at laging nakikinig sayo. Bihira lang na may ganun. Yung taong kasama mo sa tagumpay, sana siya pa rin yung kasama mo sa pagkabigo, at sa muling pagtatagumpay.

Sabi nga ni Raf dun, “Mahalin mo siya dahil mahal mo siya, hindi dahil nakasanayan mo lang.” Namimis-interpret natin yung love at utang na loob. Di dahil tinulungan ka niya eh mahal na. Di dahil wala kang dahilan para mag-NO eh magye-YES ka na.

Never forget.

Ang ganda na na-incorporate nila yung Arts at History sa pelikula. Ipinapabatid nila na – alalahanin natin ang nakaraan. Kasi yung ang magpapaalala sa atin kung sino tayo ngayon. Yan ang magtuturo satin kung ano yung tama, at kung ano yung mali na hindi na dapat ulit gawin sa kinabukasan. Dahil sa past natin, lahat ng desisyon natin sa present, apektado. Lagi ko rin tong sinasabi, kahit gaano pa kalayo ang marating mo, wag na wag mong kalilimutang lumingon sa kung saan ka nanggaling. O di ba, iisa ang mindset namin.

Ang saya magtrabaho sa museum. Kung ako din bibigyan ng pagkakataon, gusto ko dun magwork. Para ma-enhance pa yung knowledge ko about Philippine History. Ang saya mag-aral sa UP. Kahit sabihin nyo pang masyado kaming pa-woke. Hindi eh, mag-iiba talaga ang mindset mo sa buhay pag nandun ka.

Cons: Ang hindi ko lang nagustuhan, hmmm, may part dun na cheating na yung ginagawa nila. Oo di naman nila ginusto yung kinahinatnan nila, pero kahit na, cheating pa rin yon. May naaalala lang ako. Hahahahaha. De narealize ko rin na dapat talaga itigil ko na tong kalokohan ko.

At some point you’ll realize, buti na lang pala nangyari yung worst thing ano? Buti nangyari agad, kesa mas maging worse pa ang future ko. Thank you for letting it happen. Di ko pinangarap yung ganung path, yung ganung future. Thank you. I’m already safe.

lizquen-at2

Traydor ang mga alaala.
Magpapaalam sa’yo
hanggang makalimot ka.
Pero eksakto. Sa puntong
sinabi mo na sa sarili mong
wala ka nang isasaya pa,
lilitaw siyang muli.
Na mula sa malayo pa lang
ay kilalang-kilala mo na.
At paglapit nito sa’yong harapan,
babalik ka sa pamilyar na lugar.
At ikaw ay mamamatay na naman.
Tuloy, takot ka nang maging masaya.
‘Pagkat traydor ang mga alaala.

– Antoinette Jadaone

follow my Tumblr blog!

MMFF 2018 Review


Hindi talaga to review, kasi hindi naman ako expert sa mga movies eh haha sa katunayan, kung kilala mo talaga ako, ako yung hindi mahilig manood ng pelikula kasi mabilis akong antukin. Ang dami nang nagreview through blogs about 2018 MMFF entries, mas maganda yung posts nila kesa sakin syempre. So etong post na to eh about lang sa mga thoughts and feels ko nung napanood ko ang mga sumusunod na pelikula:

Wait lang, wala naman ata akong iii-spoil dito, so, go ahead.

AURORA

Uy sa unang bahagi, nabored ako. Parang ang tagal nga ng transition. Ang ganda ng cinematography, nung visual aspect ng film, hirap lang ako i-appreciate kasi hindi mga ganyan ang trip ko. Pero habang pinapanood ko to, kinikilabutan talaga ako. Dagdag factor yung ginaw na ginaw na ko sa sinehan kasi ilang oras na ako nakababad sa loob (pangfinale ko kasi to). Ramdam mo rin yung hinagpis nung mga karakter sa pelikula. Ayun nga nakakakilabot kasi bukod sa ayun nga tragic ang tema, takot na takot talaga ako sa dagat. Makakita pa lang ako nun, feeling ko nalulunod na ako. Habang nanonood nga ako feeling ko kasama ako dun sa mga nalulunod (wow 6D ganon), de pero seryoso, mas takot ako malunod kesa makakita ng multo. Share ko lang din, hindi ako gumagamit ng shower pag naliligo kasi feeling ko talaga nalulunod ako. Di rin ako pumipikit habang naliligo kasi ganon din ang nararamdaman ko. Feeling ko eto yung ikinamatay ko nung past life ko haha.

MARY, MARRY ME

Umiyak ako nung pa-ending na, kasi nakakarelate ako sa sitwasyon ng magkapatid. Di dahil sa iisa kami nang naging jowa ah, pero tulad nila, maagang namatay ang mga magulang namin, at lumaki kami na hindi magkasama (limang taon lang ako nung huli kong nakita ang kapatid ko). So habang binibitiwan nina Mary Anne (Alex) at Mary Jane (Toni) yung mga linyahan nila, naalala ko yung kapatid ko. Ang laki-laki ng pagkukulang ko sa kanya. Ni hindi ko siya makamusta ng maayos kasi nahihiya ako (dahil nga ganito ang personality ko). Gusto ko makabawi sa kanya pero hindi ko pa kaya ngayon. Puro sarili ko lang ang iniisip ko. Kung tutuusin mas pinagkaitan pa siya kesa sa akin, ako yung mas nakinabang, pero makikita mo pa rin sa kanya na napaka-grateful niya. Masasabi kong mas napalaki siya ng maayos kesa sakin. Naiiyak ako kanina kasi ayokong umabot kami sa ganun, yung kamuhian niya ako kasi di ako nagpaka-ate sa kanya.
Ganun pala ano, kahit na ilang taon ang lumipas, kung di mo pa rin sinasarado ng tuluyan yung puso mo sa ex mo, magbubukas at magbubukas ulit yun. Ayan. Aasa na naman ako. Charot.

ONE GREAT LOVE

Katulad nung Mary, Marry me, may ex problems din ito. Alam mo, nung mga unang part nanggigigil talaga ako sa character ni Kim Chiu eh. Napakarupok. Hahahahaha. Bat ganon ano? May tao talaga na sadyang bumabalik para saktan ka lang ng paulit-ulit, unintentionally. Bat ang insensitive nyo ha! Di talaga ako fan ng mga ganitong genre, pero dahil sa may pinaghuhugutan din ako sa buhay, nadadala ako. Naiinis ako pero at the same time naiisip ko, kung ako sa sitwasyon niya, baka ganun lang din ang gawin ko, marupok din ako eh. Madali ako mapaniwala sa destiny, sa serendipity. Umiiyak na naman ako habang pinapanood ko to, naaalala ko na naman siya eh hahahahaha. I mean, kahit siya yung one great love mo, kung hindi ganun ang pagtingin niya sayo, babalik at babalik pa rin siya dun sa una. Kahit nandyan ka sa tabi niya thru ups and downs, pinili niya pa rin yung taong nakapagpasaya sa kanya. Tsaka sabi dun, “Di porke siya yung greatest love mo, eh tama yung nararamdaman mo.” Hirap magets, ay basta panoorin mo na lang. Natuwa naman ako sa ending. Pero throughout the film, ang sakit mumsh, iyak lang ako ng iyak.

THE GIRL IN ORANGE DRESS

May mga part na di na realistic (mejj OA), Hawigan ni Jessy si Jennylyn Mercado hahahaha. Ang masasabi ko lang, pag maganda at mestisa ka talaga, madali kang magkaka-lovelife. Yun lang.

JACK EM POPOY

Ang ganda ni Coco pag naging babae 😍😍 kamukha niya si Moira. Haha ewan ko bat yan lang ang comment ko. Pero lam mo, mas gusto ko to kesa sa Fantastica. Sorry.

FANTASTICA

Kahit taga-ABS ako haha, downvote to sakin. Ang shallow eh. Or nag-expect lang talaga ako?? Or di ko lang din ma-appreciate yung mga ganitong klaseng palabas??

Yung Otlum tsaka Rainbow Sunset di ko pa napanood.

YEAREND TOP 20 SONGS | 2017


Continue reading “YEAREND TOP 20 SONGS | 2017”

Keep Fighting!


Continue reading “Keep Fighting!”

Tatsulok: The Structure of Drug Elites and Drug Pushers


Continue reading “Tatsulok: The Structure of Drug Elites and Drug Pushers”

theOriginal SAVORY chicken


Continue reading “theOriginal SAVORY chicken”

Marcos | Robredo


Continue reading “Marcos | Robredo”

Sorry not sorry


Continue reading “Sorry not sorry”

Mahirap.


Continue reading “Mahirap.”

Presidentiables as Suitors


Continue reading “Presidentiables as Suitors”

Anong ipinaglalaban mo?


Continue reading “Anong ipinaglalaban mo?”

Poor Law


Continue reading “Poor Law”

2015 in review


Continue reading “2015 in review”

Kalahating Dekada with Bruno


Continue reading “Kalahating Dekada with Bruno”

My Rants About Fandoms


Continue reading “My Rants About Fandoms”

OPM Music


Continue reading “OPM Music”

One year after the catastrophe.


Continue reading “One year after the catastrophe.”

Mabagal na Traffic, o Mahabang Pila ng MRT? Mamili ka. (Editorial)


Continue reading “Mabagal na Traffic, o Mahabang Pila ng MRT? Mamili ka. (Editorial)”

All is Well !


Continue reading “All is Well !”

‘You will live, you will love, and you will DANCE.’


Continue reading “‘You will live, you will love, and you will DANCE.’”