Plastikada


Ngayong buwan ay inimplement na ang pagbabawal ng paggamit ng single-use plastic sa aming opisina.

Samantala, noong nakaraang buwan naman ay dumalo ako sa screening ng “The Story of Plastic” sa UP Diliman, kung saan tinalakay ang pinagmulan at patutunguhan ng mga plastik.

Parang kahit saan may plastik. Kahit yung panghilamos mo sa mukha, may plastic particles yan. Yung sabong panlaba. Paano kaya yung mga sirang keyboard? Cellphone? Saan sila napupunta pagkatapos idispatsa?

So bakit ko nga ba ito chinichika.


Alam mo ba?

– The word ‘plastic’ comes from the Greek plastikos, meaning ‘capable of being shaped and moulded.

– Mula pa noong taong 1950 ay nasa humigit kumulang 8.3 billion tons na plastic na ang napoproduced worldwide. At siyam na porsyento lang nito ang narecycled.

– Sa bansang Kenya ay mahigpit na ipinagbabawal na ang pagproduce, pagbebenta, at paggamit ng plastic bags. Maaari kang makulong ng apat na taon o magmulta ng aabot sa $41,000.

– 73% ng mga kalat sa mga beach ay plastic, tulad ng mga bote, balot ng pagkain, grocery bags, at iba pang containers.

– 1 milyong plastic bottles ang binibili kada minuto worldwide. Isipin mo yun. Wala pa sa kalahati ang narerecycled at 7% lang nung kalahati na yun ang nagagawang new bottle. Yung iba? Andun sa landfill. Madalas sa dagat.

– 2 milyong plastic bags ang ginagamit kada minuto. Worldwide din.

– 1.1 milyong mga ibon, isda, at iba pang mga hayop ang namamatay dahil sa ingestion ng plastic. Dahil nga hindi ito natutunaw, nagbbreak lang siya into small particles at nagiging microplastic, at hindi naman namamalayan ng mga hayop na ito na nakakain na pala nila. Sa tingin ko tayo ring mga tao, dahil sa pagkonsumo natin ng lamang-dagat ay malamang, may mga microplastic na din sa tiyan. 700 species ng marine life ang ngayon ay extinct na dahil dito.

– Ang tao ay nakakakain ng 70,000 microplastics, per year. Di mo lang namamalayan.

– Ang mga plastic bags ay ginagamit lang madalas sa loob ng 12 minuto. Tapos after non? Tapon na. At aabutin ng libo-libong taon bago madecompose.

– Ang dami nang hakbang para mabawasan ang produksyon ng plastic. Pero alam mo ba, sa pag unlad pa lalo ng teknolohiya ay mas lalo pang nadadagdagan ang mga materyales na gawa sa plastic, kaya mas lalo pang nadadagdagan ang plastic production.

– Over the last ten years we have produced more plastic than during the whole of the last century.

– 50 percent of the plastic we use, we use just once and throw away.

– Every piece of plastic that was ever produced still exists.

– About 8 percent of the world’s oil production is used to make plastic.

– First plastic compounds were made by processing naturally created rubber plants. This process was abandoned after chemist managed to create recipes for fully synthetic plastic.

– Buried plastic materials can last for minimum of 700 years.

– Small plastic cup can take 50 to 80 years to decompose.

– 11% of household waste is plastic, and 40% of it is plastic bottles.

– Packaging is the largest end-use market segment accounting for just over 40% of total plastic usage.

– By 2050, the world’s oceans could contain more plastic than fish measure by weight.

– Half the world’s plastics are made in Asia. 29% is made in China (ops)

– The Beijing subways allow travelers to use plastic bottles as a form of payment to encourage recycling.

– Starbucks’ white paper cups are impossible to recycle due to the plastic liner on the inside.

– Cellophane is not plastic, but is actually made from cellulose, and will biodegrade in about 90 days in the soil.

– Credit and debit cards were first called ‘plastic money’ in 1969.

– At eto ang nakakagulat, Plastics help us dramatically lower environmental impacts. How?


Gumagawa na rin ng hakbang ang ating pamahalaan upang mabawasan ang paggamit ng plastik.

Pero kung iisipin mo, majority ng mga mamamayang Pilipino ay nakadepende pa rin dito, lalo na kaming mahihirap.

Totoo. Kung mapapansin mo, yung mga mayayaman lang naman ang may mga metal straw, mayayaman lang ang nagpa-practice ng no plastic policy.

Eh tayong mga pangkaraniwang tao? Di ba pag nagkokonsumo de-sachet pa rin? Shampoo? Noodles? Kape?

Pag sa handaan, di ba madalas binabalot pa rin ng plastic yung mga paper plate para hindi tinatapon, at syempre para hindi na maghugas ng plato?

Gumagamit pa rin ng plastic spoon and fork ang mga tao para makaiwas sa risk ng COVID19.

Ano pa ba? Basta marami pa. Nakasanayan nang bahagi ng buhay ng tao ang paggamit ng plastic, at hindi natin siya kayang alisin sa sistema.

Kaya kung mapapansin mo, sa mga pinakamahihirap na lugar sa Pilipinas mo makikita ang sandamukal na basura. Plastik. Tulad dito sa Baseco. Well dito nga pala talaga ang end point ng lahat ng basura.

So what’s the point kung iilan lang din naman ang nagpapractice ng no plastic policy. Kung patuloy pa rin ang China sa pagproduce ng mga eme #MadeinChina, mararamdaman mo ba ang pagbabago?


Matagal nang may batas para dito. Yun yung Republic Act No. 9003, o ang Philippine Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Batid naman siguro ito ng lahat, kaya bawat barangay ay may MRF.

Skl. Matagal na naming pinapractice dito sa bahay ang pagre-reuse ng mga plastic bag. After bumili at gamitin eh itinatabi namin kasi para pag kinailangan naming gamitin in the future (halimbawa pag may bibitbitin pag papasok ganun). Nabitbit ko yung ugali na yan hanggang maynila kaya kung mapapansin mo yung drawer ko sa dorm, sa opisina, puro basura, este plastik. Bago pa man na-implement yung no to single use plastic eh tinatago ko na yung mga plastic kesa itapon. Kaya feeling ko nagrereklamo na sakin yung mga kadorm at katrabaho ko kasi nag-iipon ako ng basura.

Anyway, same thing din with plastic spoon and fork. Napuno ko na yung malaking bote ng stick-o na puro ganun ang laman haha. Kahit nung nasa ABS pa ako ay hindi na talaga ako gumagamit ng plastic spoon and fork, madali kasi maputol. Kaya meron ako sariling set ng kutsara at tinidor sa opisina. So lahat ng naipong plastic spoon and fork mula sa mini stop, grab food, ayun nakatabi din. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko doon. Dati binigay ko sa mga kadorm ko yung naipon ko, kasi wala na silang legit na kutsara at tinidor sa pantry sa office magmula ng umalis ako sa ABS (wow ako ata supplier).

Ganun din sa mga de lata at de bote. Dahil madalas yun ang inuulam namin sa bahay, marami kaming naiipon tapos binebenta namin sa junk shop. Or minsan sa mga batang nangangalakal na dumadaan.

Kung mapapansin mo, lagi din akong may bitbit na ecobag, na baunan, na tubigan, maski kutsara at tinidor. Sana ay mapractice nating lahat yun.

Pero sa totoo lang, consumer pa rin naman ako minsan ng single use plastic. Tulad nga ng sinabi ko kanina, hindi na maaalis yan sa sistema ng tao. Pero kung uunti-untiin mo, di mo mamamalayan, matatanggal mo din sa sistema mo yan. Darating din yung araw na hindi ka na dedepende sa plastik. #BreakFreeFromPlastic

Sana all. I mean sana lahat ng tao ay gawing habit na ang pagbabawas sa pagkonsumo ng plastik.

Habits made today will help life tomorrow.

Okay thank you for coming to my TED Talk!


Para sa karagdagang kaalaman ukol sa usaping ito at sa iba pang isyu kaugnay sa pagbabago ng klima, maaari nyong sundan ang aming social media accounts:

Facebook: Climate Change Commission PH

Twitter: @cccphl | CCC Philippines

Instagram: @cccphl | Climate Change Commission

YouTube: Climate Change Commission [Official]

Website: http://www.climate.gov.ph/


Ifollow nyo na din ang aking social media accounts. Haha.

Twitter. Instagram. Tumblr. Reddit.


Information sources:

The 2019 Year End Accomplishment Report


Recap to my previous year-enders:


It was the end of a decade, but the start of an age.

Yung unang plano ko dyan dapat powerpoint presentation eh HAHAHAHAHAHA tsaka pang-malakasan na yung mga title natin ngayon mumsh. So ayun po ano, welcome to my first ever vlog! De joke nga lang, collage lang kasi yan. Pero ipupush ko sa 2020 na thru videos na ako magpopost (waht). Hindi talaga kasi ako makuda sa harap ng camera so buhay na buhay pa rin itong blog na to. Pero anyway, mas mabuti kung panonoorin mo muna yung video bago magproceed sa entry na ito.


1fa11269-022f-46f5-b06d-4564273aceb6.gif
Visual representation of my year

Accomplishments

Are we out of the woods yet? Last year puro iyak lang ang ginawa ko. O ngayon medyo nagkaroon na ng kwenta ang buhay ko (finally, I’m free!) Kung nakita mo naman yung video ko haha ayun, ang biggest accomplishment ko na siguro yung trabaho ko ngayon, at yung mga lugar na napuntahan ko. Kung babalikan mo yung mga posts ko dati, sinasabi ko lang na hala sana balang araw makapagtravel ako bla bla, it was a dream come true. Buong buhay ko nasa Cavite lang ako tapos hindi naman ako pinapayagan lumabas at magpunta sa mga ganitong lugar. Ganon pala ata pag may trabaho ka na haha hindi ka na pagbabawalan no.

Ang daming nasayang na panahon nitong mga nakaraang taon, kung nagset lang ako ng tama eh di sana mas okay yung kinalalagyan ko ngayon. Ayan kasi, wala namang kwenta yung mga pinaggagagagawa ko at mga pangyayari noon.

Inayos ko nga pala yung linkedin profile ko, Check it out: https://www.linkedin.com/in/shairamaec

img_20191224_193312_4192347319222780526686.jpg
Naalala mo itong dream board na pinost ko noon? Naging katotohanan siya omg ngayon ko lang din narealize. Well, yung Sakura trees sana ma-achieve ko yan next year.

Character Development

Looking back to my previous years, masasabi kong walang kwenta pa rin yung buhay ko hahahahaha charot. Kung makikita mo naman, major shift sa buhay ko yung paglipat ko ng trabaho. Napalaban ng bongga yung kakayahan ko. Kinukuwestiyon ko araw-araw yung sarili ko kung talaga bang writer ako? Kasi hindi eh. Kahit patapos na ang taon na to, nangangapa pa rin ako sa mundong ginagalawan ko ngayon. Hala ang bobo ko, hindi pala talaga ako marunong magsulat. Ang blog na to ang dahilan kaya ako natanggap sa trabahong ito, nag-expect sila sakin na I’m good at this pero hindi pala talaga. Ilang beses ko nang iniyakan to kasi blanko ang utak ko, walang pumapasok sa isip ko. Paano ko tatapusin ito. Isa lang yon sa major struggles ko this year, na hindi lang pala ako sa climate change dapat nag-aadapt.

– Dati lagi akong naka shirt at pants, ngayon puro dress at palda na. Naalala ko nung nag EK kami, nagsusuot pa ako ng stockings nun kasi para hindi halata na mabalbon ako. Pero this year ko lang inembrace yung flaws ko wahaha na dedma na kahit makita ng iba, kasi wala namang pumapansin? Ako lang din ang insecure sarili ko.

– Dati hindi ako makangiti sa mga picture kasi ayokong nakikita yung ngipin ko. Ngayon dedma na lang din, kasi tinanggap ko na yung kapangitan ko? Char. Hindi na ako masyado nacoconscious sa kung ano yung tingin ko kaya kahit mukha akong patapon araw araw, okay lang nu.

Ayun, iyakin pa rin ako. Minsan may mga sadboi moments posts pa rin ako. Ilang beses ko na rin sinabing napapagod na ako. Pagod na akong mapagod para sa iba. Hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng anxiety pag gumigising ako sa umaga.

Pero alam mo, at least hindi na katulad dati na konting kibot lang, iiyakan ko agad. I have a friend na nasa ganong sitwasyon ngayon and nakikita ko yung sarili ko sa kanya a year ago. Sinabi ko sa kanya na sana maibalik yung ngiting nawala sa kanya. Ang hirap kasi hanggang ngayon yung ngiting ninakaw na yon sakin, hanggang ngayon hindi pa rin naibabalik. Kaya lagi kong sinasabi sa lahat ng posts ko na – whatever happens to me, hinding-hindi na ako magiging masaya.


Toxic Trait

Last year naalala mo, na-diagnosed ako na may Hyperthyroidism. Buti nga ngayon, hindi na gaano, pero ganon pa rin, may mga araw na ang lakas ko kumain, pero nilalabas ko rin agad. May mga araw pa rin na pag sobrang lugmok ako eh hindi na naman ako nagugutom. Pero ngayon, sobra ko pa ring tinitipid yung sarili ko. Hindi ako kumakain pag alam kong mapapagastos ako para sa iba.

At, sa lahat ng mga nangyaring magaganda ngayong taon sa buhay ko, ay hindi ako masaya.


Satisfaction

Naalala mo nung pinost ko nung taong 2016 ito: The Philosophy of Contentment. Eto yung proposal ko sa Philosophy class namin. Walang taong nakukuntento. Lahat tayo may desires para ma-develop yung well-being natin. Hindi yung ok ka nang hindi umalis sa loophole ng paulit-ulit na routine ng buhay.
Eh ako? Ano bang problema ko?

Hindi ako pinanganak para lang mag-aral > magtrabaho > magpamilya > at mamamatay. I want to do/achieve something na makabuluhan, hindi yung nag exist ka lang para sa wala. O e ano ngang problema ko?

Hindi ko na kayang maging masaya. Opo. Kaya lagi ako nagpopost dito sa blog ng mga achievements ko hindi para magyabang, kundi ipamukha sa sarili ko na eto na, eto na yung mga pinangarap mo noon, nasa harap mo na, bakit hindi ka pa rin masaya?

Self-actualization. Alam mo yung Maslow’s Hierarchy of Needs?

I-incorporate ko na rin siya sa post ko para magets mo. Meron tayong basic needs na sa kabutihang-palad ay napupunan ko na. Yung psychological needs ay ok naman din, pero alam mo kung ano yung nakakapagpa-bother sakin lagi? Yung pinakatuktok ng triangulong ito. Hindi ko ma-achieve yung full potential ko, kasi, di ko alam. Parang may kulang.

Ito yung void na hindi mapupunan ng kahit ano. Nagkajowa ako, nakunsumi lang ako, hindi masaya. Nagkapera ako, hindi ako masaya. Nakapaggala ako, nung umuwi ako hindi na ako masaya. Napunta na ako sa iba’t-ibang church kasi baka kulang lang ako sa faith, pero hindi, hindi pa rin ako masaya.

Hindi ako marunong makuntento. Hindi sa ‘gahaman’ or naghahangad pa ako ng mas higit sa pangangailangan ko. Pero hindi ko na kayang maging masaya sa kung anong meron ako ngayon. Wait lang pang-ilang beses ko na to sinabi?

2017 nung grumaduate ako, punung-puno ng pangarap. 2 years after, wala na akong motivation. You mean goals? Yung sana after a certain period of time gusto ko makapagpundar na ako ng ganito ganun, magtatayo na ako ng ganitong business, nawala yung long-term goals ko. Asan na? Bumabangon ako na walang ganap. Hala sana ma-gets mo ko, yung fuel ng passion? Nasaan na? Tinamad na akong mag-aim pa ng mas mataas. Parang ako na yung tipikal na manggagawa na magtatrabaho na lang para sumahod, tas bigay kay ganito, kay ganun, tapos ako wala naman akong nafufulfill sa sarili ko. Hindi nila kasalanan. Ako mismo ang may problema. Wala akong balak para sa sarili ko at sa future ko. Pero joke lang, nagpost ako nung nakaraan na pag nagkajowa na ako, gusto ko pakasalan na ako agad (pero hindi mag-aanak), wala lang, baka sakali lang magkaroon ulit ako ng life goals. O di ba, alam mo di ba sinabi ko noon, hindi ako pinanganak para maging housewife. Eh ano to?

I started becoming the person I never wanted to be. Ang normie ko na. Kaya minumulto ako ng old self ko na hindi na daw ako honest sa sarili ko. May mga bagay akong nagawa at ginagawa beyond my moral values (playing with fire, dancing with a stranger). I become reckless. Ang sama na ng ugali ko na tipong when something inconvenient happens to her, ang masasabi ko lang, “Karma mo yan.” Di ako to. Anong nangyari sayo Shaira?

I don’t make plans. I am spontaneous. Kasi nga lahat ng pinlano ko para sa sarili ko, para sa amin char, naging drawing na lang. So ngayon, go with the flow na lang. Come what may. Kasi buti pa yung mga biglaang ganap nangyayari. Biglaang pagreresign, biglaang gastos. Ganun. Kaya tama na ang pagtatanong mo sakin kung anong plano ko. Kasi wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon.

“Hindi ka tumanggap ng pension mula sa SSS for more than 10 years para lang maging walang kwenta sa lipunan. Hindi ka nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo para lang maging low life peasant. You made this on your own. We’ve come this far. Wag ka nang bumaba doon sa level nila.”

Eto ba yung tinatawag nilang existential crisis? So ano, dapat nga bang makuntento ako at maging masaya or wag makuntento and strive for more?


Lessons Learned

“We got distracted and caught up in unnecessary things sometimes and we forget that we are in a process and having things not working out is also a part of it.”

Dati lagi natin sinasabi na “Pagdating ng bagong taon, magbabago na ako bla bla”, pero isa lang din yan sa mga pangakong laging napapako haha. I’ve learned that kung gusto mo magbago, don’t wait for a specific time at moment, kasi lagi lang nauurong at nauurong yan. Gusto mo nga magbago pero you keep doing the same old shit, what’s the sense? You can’t expect new beginnings if you keep holding on to old habits. Sabi nga, “If you want something, go get it now. Right now is the start of the rest of your future.”

You get what you tolerate. Biggest blessing ko this year is I got people who loved me even at my most unlovable chapter. Kita mo naman last year napaka-patapon ko. Pero na-redempt ko yung sarili ko and now I’m here where I belong, thanks to you 💕. Yung kayang sabayan yung level of understanding mo sa mga bagay-bagay at hindi yung sasabihan ka na “masyado ka kasing matalino” “ayaw mo magpatalo” dahil lang sa ineexpress mo yung sarili mo. Instead na magsorry eh they will make you feel bad pa about it. Magrereflect pala talaga sayo kapag positive yung impact ng isang tao. You’ll glow differently. Kaya always surround yourself with positive at masisipag na tao, para hindi ka na mahila pa pababa. Tsaka ikaw na rin mismo mahihiya na yung mga tao sa paligid mo ganon tas ikaw tatamad tamad pa rin, kusa ka na lang magsstep up. Kaya ayun ate girl, tigilan mo na ang pagtolerate sa mga bagay na di mo naman deserve. Tapos na tayo sa chapter ng white lies at kunsumisyon.

– Having the right one will help you reach goals you never dreamed of achieving.

– Not everyone will enjoy watching you succeed.

– Some people are there for you but only for favors. The more capable you are, the more users you attract.


Strategic directions for 2020.

A whole new decade is starting. This is the decade that most of us are going to get married or have kids, etc. We’re about to enter the very beginning of a whole new chunk of our lives.

Imagine how many people we will meet and how much we’re going to mature and how many people we may lose and how much the world is going to change everything we think about daily, like career or love, it will be probably be settled by then.

Nung nakaraang dekada ay marami ang nawala sa aming pamilya (my parents, grandparents). Ngayong dekada ay nagkahiwa-hiwalay na ang pamilya namin. Ano kaya ang hatid sa amin ng panibagong dekada? Bubuo na ba ako ng sariling pamilya? Abangan. Char.

Start of the decade vs. End of the decade

7 years. 400+ posts. 20,000+ views. 521 followers. Salamat!

Sa nakalipas na pitong taon ay naging saksi ang blog na to sa lahat ng aking pakikibaka sa buhay, lahat ng mga pinagdaanan ko, lahat ng mga pagbabagong nangyari, mga rason ng pagngiti at pag-iyak ko, at progress and development. Salamat sa patuloy na pagsubaybay. Ilang beses na rin akong nademotivate na magsulat, ilang buwan din akong nagla-lie low.

But still here we are. Sa loob ng isang taon ay napakarami na ring nagbago sa buhay ko, yung ibang kaganapan ay hindi pa rin at hindi ko na naisulat dito.

Pasensya na kung medyo mayabang ang dating ko lately, kailangan ko iboost yung ego ko kasi palagi akong nadadown sa sarili ko, at heto ang defense mechanism ko.

If ever this will be my last year, though lagi ko sinasabi na makakalimutan nyo rin naman ako/eto eventually, sana may maiwan akong magandang alaala.


Here’s to more talikodgenic photos,

GIF-191222_215834.gif

… and mirror selfies.

GIF-191222_215534.gif


When she turned to go home, she heard the echoes of new words, “May your heart remain breakable, but never by the same hand twice.” And even louder: “without your past, you could never have arrived- so wondrously and brutally, by design or some violent, exquisite happenstance…here.”

“When a woman is loved the right way, she becomes the best version of herself.” I’m happy that I ended this year with less pain than I had at the beginning of the year.

Thank you for staying with me this 2019.

Look how far we’ve come.

Let’s make more memories ngayong 2020.

– Love, Shaira Mae ✨💕


Follow my social media accounts! Char
Twitter. Instagram. Tumblr. Reddit.

Panaginip


October 8, 2014.

Kasagsagan ng Hell Week. Ngayong linggo ay sabay sabay ang mga outputs namin. Live TV Prod, Dyaryo, Docu, Debate, at Term Paper. Kailangang tapusin ko na to o ako ang tatapusin ng mga to.

Pauwi na ako ng bahay, yung mga kaklase ko mag oovernight kina Henry, gagawa ng props. Tas ako hindi na naman makakatulong kasi di naman ako pinapayagan mag overnight. Bawi na lang ako bukas ng maaga, puntahan ko sila doon para bitbitin na yung mga props papuntang school. Tutulungan ko pa si Rea maglayout sa corel. Wala din kasi akong laptop na magamit. Nakakahiya, EIC pa naman ako, tas hindi ako maka-execute ng maayos.

So heto na, sa labas ng school ay may naghihintay pala saking lalaki. Wait, sino to? Tall. Dark. And.. Tall ulit. Joke lang. Mukha siyang taga-Paliparan. Yung pormahan niya katulad nung sa mga kaklase ko nung high school. Pero mabango siya, in fairness. Tsaka bat ganun, mukha siyang surprised na parang pinagtatawanan yung hitsura ko. Ewan.

“Shai!” Tinawag ako. Lingon yung mga estudyante besh, kala nila jowa ko tong nagsusundo sakin. So ako nabigla din ako, hala alam niya pangalan ko? So kilala niya ako? E di ayun kinausap ako.

“Yes po?”

“Can we talk? Uhm may mga sasabihin ako sayo. I know a lot about you.”

“Hala teka, sino ka muna? Tsaka sigurado ka bang ako ang kakausapin mo? Baka nagkamali ka lang?” Napaisip ako. Hala may atraso ba ako? Bakit ako kakausapin neto? Hindi kaya iimbitahan na naman ako sa networking? O kaya budol budol? Teka aalis na sana ako.

“Wait wait wait, iinterviewhin lang kita saglit.”

“Sure ka ako talaga ang hinahanap mo?”

“Ikaw nga. Shaira Mae Cabañas. Pamangkin ni Nelvic Borlagdan. Pinsan mo si Anye at Don”

“Hala.” so ibig sabihin kilala niya ang mga kamag-anak ko. Shocks sino to. Baka kamag anak namin?

“I’m Ian Kayven Antonio. You can call me Ebong. From Novaliches… bla bla bla” Wait saan yung Novaliches? Hala ang layo ata nun ah, pano to nakarating dito? TSAKA BAT AKO INI-ENGLISH NETO?

“Maniniwala ka ba pag sinabi ko I’m from the future?” Windang na naman ako. Hala totoo kaya to? Di kaya gumagawa to ng kwento para ma-scam ako?

“Depende kung mapapatunayan mo.”

“Gusto mo bang malaman ang mangyayari sayo 5 years from now?”

“Talaga ba??? Hmmm may pera na ba ako non? Mayaman na ba ako non?”

“Not so really rich but, kaya mo nang bilhin lahat ng gusto mo. Nakakapagtravel ka na. Nakakapunta ng concerts. Kaya mo na ngang bilhin yung pagkatao ko eh.” Hala. Natuwa ako sa sinabi niya, hala ganon na pala ako after 5 years! Medyo mayaman na? Haha

“So ibig sabihin may trabaho ako non? Maganda ba?”

“Yes, you’re a Malacañang girl.”

“Hala shet sa Malacañang ako nagtatrabaho? Ano ako doon? Katulong? O first lady na? Charot.”

“Writer uh not sure, basta you write some shits there.” Hala writer ang naging trabaho ko. Bat ganon. Hindi pala ako sa prod napunta???

“Maganda na ba ako non? Haha”

“Mas ok na tingnan compared ngayon.” Shet, di pa rin pala ako maganda. wow ok.

“Ah so panget pa rin pala ako. Hahahaha.”

“Di naman, pero sobrang payat mo na nun. Grabe ma-laman ka pa pala ngayon” sabay kurot sa pisngi ko.

“Hala bakit ang payat ko?”

“Eh ayaw mo kumain eh.”

“Hala may pera ako pero hindi ako kumakain? Hala? Eh teka, may jowa ako non?”

“Wala na, pero you have one before.”

“Hala talagaaa? OH MAY GAHD SHET MAGKAKAJOWA PA PALA AKO HAHAHAHAAHHA, teka si JD ba?”

“Hindi, asang asa ka pa nga rin sa kanya nun eh pero di siya yung nakatuluyan mo.” Parang gumuho ang mundo ko nun ah. Hindi ko pa rin siya nakatuluyan? Nubayan?

“Ay ganon? So may iba akong jinowa? Hala sino kaya yun. Taga STI ba? Hahahahaha so kilala mo din?”

“Malamang kilala ko.”

“Anong pangalan?” Kinakabahan ako hahaha.

“Ako.”

“Wait waht wtf. Ikaw? Naging jowa ko?”

“Yup.” tiningnan ko siya mula ulo hanggang talampakan. Oh may gahd. Hala totoo ba to.

“Grabe ka naman Shai, kala mo ang ganda mo.”

“Hoy hindi kita jina-judge!! Tsaka hoy!! napapangitan ka pala sakin bakit jinowa mo ako hahahahaha”

“Kasi ang witty mo. Yung mindset mo, nagustuhan ko. Tapos sobrang minahal ko yung pagiging understanding mo.”

“Totoo ba? E awkward kaya ako kausap in real life. Hindi ako palasalita. Paano ako nagkajowa? How? Hahahaha” Tapos nagkwento siya kung paano kami nagkakilala, kung paanong naging kami in an instant.

Shet di ako makapaniwala. Na sa hitsura at ugali kong ito. May ibang nagkagusto sakin. Shet ganun lang kabilis akong nagkajowa? Isang linggo ko lang siya nakilala tas na-inlove na agad ako? Pero nalungkot ako. Bakit si JD hindi pa rin ako magustuhan hahahahahahaha, bakit di ko siya naging jowa. Sad.

“Eh sabi mo wala na akong jowa, so ibig sabihin naghiwalay tayo?”

“Oo. Sorry.”

“Ay hala naghiwalay din pala agad haha sayang naman, ano nagsisi ka na jinowa mo ako no.”

“Shunga hinde”

“Eh bakit tayo naghiwalay?”

“Well yeah dahil din sa ugali mo, insensitive, walang pake minsan, hindi sweet”

“Ay ganun pala ako pag nagkajowa? Kala ko magiging obsessed at submissive ako, ganon ako sa crush ko eh. hihi.”

“Naging ganun ka rin naman minsan. Nung naghiwalay na tayo.”

“Aw that’s worst pala ano. Pero teka, PARA YUN LANG INIWAN MO NA AKO?”

“Well I see the relationship isn’t good for us anymore. And I’ve done a lot of bad things. I always hurt you. Naging depressed ka nun dahil sakin.” At kinuwento niya yung mga nangyari sa buhay ko at sa buhay niya after namin, na siya eh nagkaroon agad ng girlfriend after ko, tapos ako ayun, basta haha.

“Jinowa mo ko tas lagi mo pala ako nasasaktan, ano kaya yun?”

“Sorry. Pasensya ka na kung nasira ko future mo.” Di ko na alam ang sasabihin ko after nun. Medyo naguguluhan pa rin ako. Nagbreak pala kami ng lalaking nasa harap ko, eh bat andito siya ngayon? Aayusin ba neto yung relasyon namin sa future?????

“Alam mo, salamat sa pag-inform sakin haha, atleast alam ko nang pag nakilala kita in the future iiwasan na kita agad.”

“Pero malaki ang nabago ko nun sa buhay mo. You’ve stepped out of your comfort zone, naging mas sociable ka, mas confident, tsaka.. Mas gumanda yung buhay mo nung nagbreak na tayo. Unlike me, I’m still in the loophole.”

“So teka, bakit ka nandito? Anong gusto mong mangyari?”

“Sobrang fucked up ng future ko. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako sa past, but maybe may kailangan akong baguhin para mabago din ang future ko.”

“Ah eh. Sana di mo ko pinuntahan dito sa past.” Kasi kung naghiwalay na pala tayo, wala na akong kinalaman pa sa mga issues mo sa sarili mo. Kung totoo man na nagbalik ka sa nakaraan, hindi ko na kontrolado yung mga magiging desisyon mo sa future. Sana di mo na lang ginulo yung buhay ko.

“Nag balik ako sa nakaraan para sakaling maitama yung maling nagawa ko, pero sadyang tadhana na mismo ang nagsasabi na wala na talagang pag asa.” Umiiyak na siya nun. Tapos ako hindi ko siya magets. Ibig sabihin ba nun ganun ka-intense yung nangyari sa future namin?

“Bakit hindi mo na lang itama sarili mo kesa baguhin yung path ng iba.” Kahit ano pang gawin mo sa past, same pa rin ang magiging outcome nun. Bakit hindi yung present at future mo ang baguhin mo. Wala sa akin ang solusyon. Nasa iyo pa rin yan.

“Kung may gusto ka sabihin sa future self mo, ano?”

“Pakisabi sa future self ko mag paganda sya para makahanap ako ng matinong jowa. Hahahaha”

“One last thing, may ibibigay ako sayo. Sobrang importante to sa future mo.” Tapos inabot niya sakin yung plastic ng mercury drug. Tinignan ko. PH Care. Naguguluhan na naman ako. Ano to? Anong konek neto sa future ko? Paano magbabago ang buhay ko neto? Hindi kaya…. 😮

“Wag sabon ang gamitin mo. Simulan mo nang gumamit niyan.”

😮


July 21, 2017.

May nag-add sakin sa facebook. Ah, eto yung nagreply sa comment ko sa isang post sa group ng Paramore. Teka, pamilyar ang pangalan neto ah.

Kayven Antonio?” parang narinig ko na to noon. I-aaccept ko ba?

The end.

Imahe


Pinagtagpo. Ngunit hindi tinadhana.

Nandito ako sa balkonahe sa hotel na tinutuluyan ko sa Antipolo habang sinusulat ko ito. May writeshop pa kami bukas. Wala akong tulog kagabi kasi I’ve been somewhere else. Pero mag-aalas dose na pala. Hindi pa rin ako inaantok.

Alam mo ba yung 500 days of summer?

Habang nakatambay ako sa 7-11 sa may Concentrix ay nilapitan ako ng isang lalaki. Akala ko wala na siya maupuan, kaya tumayo agad ako at nagsorry. Pero, balak pala talaga akong kausapin neto.

“Hi Ate, do you also work here?”
“Hindi po eh.”

“But you work nearby? Saan ka?”
“Sa QC pa po ako nagwowork.”

“Oh really. You live here no?”
“Hindi po, taga-Cavite ako.”

“Wait what? Then why are you here?”
“?????”

“Dalawang linggo na kitang nakikita rito, you always drink San Mig Apple here. Alam mo bang bawal yon?”
“Alam ko. Kaya nga hindi ko inilalabas ng paper bag eh. Paano mo nalaman?”

“Kasi nga po I always see you here.”
“Ah ganun ba. Okay.”

“Are you lost or something?”
“Lost. Siguro. Charot.”

“Do you need help?”
“Teka, headhunter ka ba? Kakasabi ko lang kanina may work na ko ahh.”

“No. Ang baba naman ng tingin mo sakin.”
“Oyy ikaw lang tong nagbanggit na mababa ang tingin ah. Tsaka bakit mo pala ako kinausap? Anong kailangan mo?”

“I’m curious on why you’re always here the past few days. And, much better if you go to metrowalk, hindi ka malalasing ng San Mig Apple dito.”
“Wala naman akong planong magpakalasing. Pamatid uhaw ko lang to.”

“Oh okay. I’m here to remind you to keep safe. Always. Since you’re not from here naman pala.”
“Ahh. Eh. Salamat.”

“My break’s about to end. Time to go. Ingat ka, bye.”

Nginitian ko, at umalis na siya.

The next night na andito ako, nakita niya na naman ako.

“Oh it’s you again.” Kumuha muna siya ng vitamilk at binayaran sa cashier sabay umupo sa tabi ko.

“Alam mo miss, ikaw siguro ang headhunter ano? Saan ka? Kalaban ka ba? You spying us?”
“Hahahaha grabe ka naman.”

“Bakit nga dalawang linggo ka nang tumatambay dito?”
“Ang galing ah. Pansin mo yun. Well. Wala lang.”

“Imposibleng walang dahilan. Ano nga.”
“Hmmmmm. Alam mo yung kantang The Man Who Can’t Be Moved?”

“Oo.”
“Yun. Yun ang kwento ko.”

“Wait what?”
“Hindi nga lang ako kasing-sipag ni Danny O’Donoghue. Nagtatrabaho pa rin naman ako at umuuwi sa bahay haha. Pumupunta lang ako dito kapag out ko na. Well, yun yung oras ng pasok niya. Kumbaga eto na yung pampalipas-oras ko.”

At dun ko na kinuwento sa kanya ang lahat. Kung paano ako napunta sa lugar na ito. At na-stuck. (Hindi ko na ikukuwento dito, tinatamad ako.) So doon na nag-umpisa yung mahaba naming pag-uusap. Sinasabihan niya ako ng mga cliche na advice sa pagmomoveon and I was like, nope, walang talab. Everyone said that to me. For the first time in a while nag-open up ulit ako sa stranger. Well this wasn’t the first time pala. Kasi dito nga rin pala kami nag-umpisa ng ex ko – Venting out to a stranger. Tapos we ended up as strangers na naman hahahahaha wtf. Natapos na ang break time niya. At naiwan na naman akong mag-isa dito. The next night I was here. I saw him again.

“Hanggang kailan ka babalik-balik dito?”
“Ewan ko. Hanggang sa mapagod ako.”

“Eh hanggang kailan yan?”
“Ewan ko. Basta alam ko mapapagod din ako.”

“Bakit kasi bumabalik-balik ka pa rin dito kahit alam mong imposible na?”
“Malay mo di ba? Posible pa?”

Alam ko napapagod na rin ang estrangherong ito sa mga drama ko. Pero ewan ko bakit sinasamahan niya ako dito. Haha. Hanggang sa mga sumunod na gabi ay dinadaanan niya pa rin ako dito kapag breaktime niya.

Hanggang sa hindi ko namamalayan, bumabalik-balik ako sa 7-11 hindi na dahil sa ex ko. Pumupunta ako para makita ko siya. Narealize ko yun nung isang araw, hindi niya ako pinuntahan during breaktime. Naisip ko, napagod na siguro to sa kaka-rant ko. Nalungkot ako. Lumipas ang mga gabi at hindi na nga siya bumalik pa doon sa 7-11. I’m confused and I don’t even know who was I waiting for.

Hanggang sa isang araw may natanggap akong message request. Galing pala sa kanya. Gulat ako kasi paano niya nalaman ang account ko? Sabi niya kita niya daw sa ID ko. Oh. Then tinanong ko bakit siya nagchat. Gusto niya raw malaman kung ano na ang nangyari sakin. Sabi ko hala buti naalala niya ako. Nalipat na pala siya ng pang-umaga, nakalimutan niyang sabihin nung huling gabing sinamahan niya ako sa 7-11. Bumabalik siya doon pero hindi niya ako matagpuan, kasi nga di ba 8pm pa ako natambay doon. Pero alam mo ba, tinamad na rin akong magpabalik-balik ng 7-11. Eto na nga siguro yung inaantay kong panahon na, Pagod na ako. Finally.

Hanggang sa ayun lagi na kaming magka-chat. Doon ko pa lang siya nakilala ng lubusan. Siya yung laging nagsasabi sakin na iconvert yung negative na pangyayari into a positive outcome, pero never did I know na mas matindi pala ang pinagdadaanan niya. Dumanas siya ng depression.

Hanggang sa hindi ko nga namamalayan, naa-attach na kami sa isa’t isa. Marupok ka talaga girl. Hindi siya sweet na, “Kain ka na po, san ka na po, etc.”, but his mind. His thoughts. Sobrang lalim. Nahulog ako doon. Dun ko ulit naramdaman yung connection na – ‘bago pa lang kayong magkakilala pero you know each other so well’. Is this love? No.

Hanggang sa nagkikita na kami lagi. Kakain sa labas. Matakaw ako kumain pag siya ang nag-aaya. Umiinom. Naglalakad kung saan-saan. We’ve been to Cloud 9 Antipolo. City view. Stargazing. Nangangarap na naman ng sabay, pero walang kami.

“Alam mo, para di ka ma-demotivated, isipin mo na lang yung mga goals mo, yung mga pangarap mo.” sabi niya.
“Wala na akong gana magplano at mangarap eh. Tsaka napaka-imposible naman ng gusto ko.” sagot ko.

“Ano? Yung magkabalikan kayo?”
“Baliw hinde. Alam mo ba, gusto kong maging DJ. Gusto ko gabi-gabi akong tutugtog sa mga club. Gusto ko magproduce ng sarili kong concert, tapos gusto ko lahat ng guests nakikita kong nagsasaya.”

“Ah kaya pala nahilig ka sa mga gig, no?”
“Ah well impluwensiya ng ex ko.”

“O di naman imposible yun ah. Alam ko pwede kang rumaket sa mga ganun.”
“Tsaka alam mo ba, ang pangarap ko talaga eh maging first lady. Kaya ginagalingan ko talaga sa trabaho ko. Kailangan kong umangat sa sarili ko. Para makahanap ako ng katulad ko na hindi lang sarili namin o pamilya namin ang purpose namin. Alam mo ba, bata pa lang ako, ayaw na ayaw ko na kay Imelda. Pero ngayon na-realize ko, I wanted to be like her. Hindi dahil gusto ko mangolekta ng sapatos o magpaparty gabi-gabi sa Malacanang. Ayokong maging plain housewife lang. I have to create my own legacy, not just because I’m someone else’s wife.”

Nung una natameme siya. Tapos sabi niya non, “Kaya nga malabo nang magkabalikan kayo ng ex ko. Di kayo aangat pareho kung ganyan pa rin kayo.”
Tapos nagjoke siya. Sabi niya, “Sakto, tatakbo pa naman akong presidente haha. Halika gagawin kitang first lady.” Tinawanan ko lang siya. Pinagplanuhan na yung mga proyektong gagawin. Sabi ko gusto ko ma-improve yung public transport natin, para yung mga mayayaman, mas maging convenient na sa kanila yung magcommute kesa magdrive ng sarili nilang sasakyan.

Pero alam mo, mas malabo pa yun na mangyari eh. Dahil lahat ng nangyayari, this was all temporary. This summer will sure end soon.
We’re attached to each other. But we can’t be together. Hindi dahil sa hindi pa ako nakaka-moveon. Hindi dahil sa ayoko muna mag-commit at gusto lang mag-play around at lumandi. At hindi dahil sa panget siya kaya ko nirereject. I like him, but..

At age 23, he has a kid. He was married. They went separate ways a few months ago. But he loves his daughter so much that he still have to stay and wait until she turns 7, saka niya kukunin ang custody ng bata. Na-depress siya dahil dito, sa sobrang pagmamahal niya sa anak niya eh ginive-up niya yung future niya. Yung chance na makapag-umpisa ng bagong buhay.

Alam mo sabi niya non, “If only I had met you two years ago, I should’ve marry you instead. I should’ve started a family with you instead. Hindi ka na sana nakilala pa ng ex mo at nasaktan ng ganyan kalala. Hindi na sana ako nakakulong sa sitwasyong ito. Kung nakilala lang kita agad.”

I don’t want to enter the picture at guluhin yung plano niya para sa anak niya. At saka naniniwala ako na baka magkabalikan pa sila ng ex-wife niya, kahit may bago na raw ito. At narealize ko din, kahit magkatuluyan kami, hindi niya matutupad yung pangarap ko na maging first lady, kasi hindi naman kami maikakasal eh. Haha. Wala namang divorce dito sa Pilipinas. Pero di naman yun yung pinaka-reason ko ah. Pero gets mo yun, hanggang kabit na lang ba talaga ako? Paano na yung mga pangarap ko haha. Partially kabit na nga ako ng ex ko. Papayag ba ako na maging kabit in reality?
So yeah. After nun. Nag-umpisa na ang tag-ulan. Tapos na ang panahon ng ‘summer’ namin.

Sayang, it was the best one I’ve never had. Nahigitan ng isang buwan yung isang taon. Sana, sa susunod naming buhay, baka naman pwede na kami. Charot. Pero ano, baka magawan pa ng paraan ngayon. Ah basta. Haha.

Kinalimutan kahit nahihirapan para sa sariling kapakanan,
Kinalimutan kahit nahihirapan, mga oras na hindi na mababalikan.

The end.

Dancin’ in September


(medyo mabagal magload ang post na to ang dami kasing attached videos)

Do you remember
The 27th night of September?

Gusto kong mag-blog ng mga about sa naging ganap ko pero tinatamad ako magkwento eh hahaha (lagi naman) (masaya ka kasi kaya hindi ka nagbblog). So heto ang entries ko:


September 15, Sunday.
Last day ni Amiel sa work. Mula bahay bumiyahe ulit ako pa-QC. May flight ako neto kinaumagahan pero keri langs. Ayun nag-inom kami. Nalasing ako haha (as in nakatulog na ako doon sa inumart) wala akong maalala, kahit yung sa Jollibee di ko matandaan, basta alam ko lang non 6AM na, pauwi na kami.

received_4168617991864761093032336335357598.jpeg
lasing talaga gurl

Heto nga pala yung post ko about kay Amiel, skl: Protected: Best Part
Mami-miss ko to haha pero sabi ko naman sa kanya sa sulat, hindi pa ako magpapaalam, kasi hindi pa ito ang huli nating pagkikita-kita. Marami pang opportunities na naghihintay sa kanya kaya laban lang! Darating din yung career path na tatahakin niya.

So after non, kinuha ko lang yung mga inimpake ko at dumiretso na ng airport, dapat dadaan pa ako sa office para kunin yung laptop at camera pero hindi na kinaya ng oras jusko, so pinabitbit ko na lang kay Hans. Walang tulog, walang ligo, bumiyahe ako pa-Legazpi. Ico-cover namin yung training ng mga local government officials doon. Pagdating ng Bicol eh ayun nagsetup na kami sa event.


September 16. Monday.
Heto na, ngarag ngarag na ko ng araw na to. Dumating na sila Sec, Cabsec Nograles, at iba pang mga VIP. Need namin ma-interview yung mga mayor pero nagsi-alisan sila agad, so taranta talaga ako besh! Pero naka-survive naman kami sa Day 1.


September 17. Tuesday.
Day 2. Normal lang naman yung mga nangyayari dito.


September 18. Wednesday.
Day 3. Ganun pa rin.


September 19. Thursday.
Day 4 ng training. Pinapagalitan na kami hahahahahahha kung ano-ano kasi ang inaatupag ko. Ngayon tinatawanan ko na lang pero nung nandoon ako nag-iiiyak nako sabi ko gusto ko na umuwi, baka pagbalik ko ng maynila tanggal na ako sa trabaho hahahahaha.
Nung gabi nag-socials. Kumanta sa karaoke. Nag-inom. Pero mas nauna malasing yung kasama ko.


September 20. Friday.
Birthday ni mumsh. Nagpa-pizza ako sa bahay pero hindi ako nakakain kasi nga andito pa ako sa Bicol. Last day ng training. Hindi ko mapicturan ng maayos yung mga participants kasi nagloloko na naman ang camera. Nataranta na naman ako ng very light tas medyo trauma pa kasi nabembang ako kahapon. Ayun naitawid naman namin ng maayos ang program. Ginawa ko na rin yung Press Release. Hirap ako magtranscribe ng speech ni CabSec, may part na hindi ko maintindihan.

img_20190920_105344923795106102320095.jpg

Nung hapon, pumunta na kami ng Cagsawa Ruins. Kaso masama ang panahon nun kaya hindi nagpapakita si Mayon. Puro ulap lang. Sayang.

Heto pala ang iba pang mga litrato — Legazpi.


September 21. Saturday.
Lumipad na ako pabalik pero dumiretso ako ng Tanay, Rizal. Nag-treasure mountain. Dala dala ko lahat ng gamit ko hahahaha tas ako lang mag-isa nakarating doon. Ang layo. #ACHIEVEMENT. Malubak ang daan. Tapos ang lamig lamig. Akala ko late na ako makakarating pero mas nauna pa pala ako. 5PM ako. 9PM sila. So mga apat na oras akong nakatunganga doon. Nagsetup ng tent. Nagluto. Uminom.

GIF-191004_140753.gif


September 22. Sunday.
Ang ganda ng sunrise dito sa treasure mountain ❤ ang saya dito haha ang sarap mag-prenup dito hahahahaha. Tas ayun nagswimming kami. Then umuwi na ng hapon.

Heto ang iba pang mga litrato —- Tanay.


September 23. Monday.
Normal office day, ugh, natatakot na ako pumasok kasi bebembangin na naman ako dito hahahaha pero hindi naman, nagegets ko naman kung bakit ganito sila sakin. Sabi ko na lang di ko na po uulitin.


September 24. Tuesday.
Normal office day ulit. Tapos pala naghahanap na ako ng ospital na mura ang MRI. Kailangan ko na yun next month eh. Kaso sa sobrang dami ng biyahe ko. Di ko maasikaso. Tsaka nasa peligro pa ako nito kasi ang dami pang pending sa office haha parang hindi ako makakapagleave ah. Pero buti di pa naman ako ginigisa.


September 25. Wednesday.
So heto na nga. Bumiyahe na ko pa-Palawan. Isang oras sa eroplano. Limang oras naman yung van pa-el nido. Ala una na ng madaling araw ng huwebes kami nakarating sa tutuluyan.


September 26. Thursday.

Heto na ang umpisa ng pagliliwaliw. Nag-island hopping lang kami maghapon. Uh wala na akong maikukuwento.


September 27. Friday.

Very challenging ang araw na to kasi puro motor lang ang inatupag namin hahaha kasi ang lalayo ng mga destinasyon namin, Nacpan, Ille Cave, tapos nagkagulo gulo pa kami kaya natagalan haha pero ang saya ❤

GIF-191004_154201.gif

img_20191002_1752596989775350610125963.jpg
Ang kyut namin dito. skl.

Bago pala namin narating yang tuktok na yan, ganito kahirap ang pinagdaanan namin jusko. Mula town proper ng El Nido, nagmotor kami ng ilang oras para makapunta sa mga liblib na lugar na to, 20km from town proper to Nacpan, tas 40km ata from Nacpan to New Ibajay. Puro malubak ang daan kaya feeling ko nagra-ride ako sa Enchanted Kingdom habang nasa motor (buti na lang hindi ako tumitilapon). Ang sakit ng pwet ko haha maghapon ako nasa motor, tapos nung nasa Ille Cave na, aba ganito pala katarik yung aakyatin namin. Sabi ko nung una hindi ako sasama, malulain ako eh baka mahulog ako, kakabagok ko pa lang. Eh kaso lahat sila aakyat na, e di wala akong choice haha kesa naman maiwan ako kasama ng mga paniki sa ibaba.

Inabot na kami ng gabi sa biyahe, ang layo pala talaga ano. Tapos yung mga dinadaanan naming kalsada wala talagang kuryente as in. Makulay lang tong motor ni Ron eh haha. Ang sakit sa pwet talaga jusko.

After nun, ayun nag bar hopping lang kami. Ang daming afam haha.


September 28. Saturday.

Gumala pa ako sa Ilaya, Las Cabanas Resort (yup, that was named after me).

img_20190928_1107522327551212144218158.jpg

Sunog na sunog ako nung mga araw na to, pero ang saya. Hindi lang dahil pang-instagram shots ang mga tanawin, pero yung mga experiences ko habang naglalakbay sa mga napuntahan namin. I have a lot of memories here.

Heto pa ang iba pang mga litrato mula sa Palawan —- El Nido.


———– AND THAT’S A WRAP ———-

Halatang tinatamad na magkwento hahahaha

I reached for you but you were gone,
I knew I had to go back home.

Lingid sa kaalaman ng lahat, muntik na rin palang maipasara ang El Nido para sa rehabilitasyon (na tulad nung sa Boracay), nung mga nakaraang taon, napakarumi na rin ng mga dagat, maraming basura, etc. So ang ginawa nila, upang hindi tuluyang maisara sa publiko (at syempre mawawalan sila ng kikitain, since yun ang pangunahing ikinabubuhay nila doon – ang turismo), nagsagawa sila ng clean-up drive every week, nagtulong tulong sila na maibalik sa dating kalinisan ang El Nido. And look at it now. Ang dami talagang turista, lalo na mga foreigner. Tuwing disyembre daw sobrang daming tao.

Tapos may mga Badjao din dito, pero hindi sila yung nanghihingi o nanlilimos ah. Nagbebenta sila ng mga perlas. Ayun ang sabi may humahawak din sa kanila, para gawin yung ganitong hanapbuhay.

Nakakatuwang pagmasdan ang mga tao dito. Kasi ang simple lang ng pamumuhay nila. Inimagine ko yung sarili ko na what if hindi ako alipin ng industriyalisasyon? What if magtrabaho na lang din ako bilang tour guide, or barista, sa ganitong klaseng lugar? Yung hindi ko na kailangang kumayod para magbayad ng ganito, tumustos sa ganito? Yung hindi ko na kailangang makipag unahan sa pagsakay sa bus at magtiis sa matinding traffic? Yung hindi na ako maprepressure sa mga extraordinary demands ng boss ko?

Heto yung mga realizations ko sa buhay after kong maglaho sa sibilisasyon.

Napagtanto ko lang yung mga bagay bagay habang nasa biyahe ako pa-Puerto Prinsesa mula El Nido. Ako lang mag-isa ang uuwi, yung mga kasama ko may extra one day pa, ako flight ko na mamaya. Nakaramdam ako ng sepanx, ang lungkot, hindi dahil sa wala akong kasama, pero mamimiss ko ang lugar na ito. Kasi hindi ko alam kung kailan ko ulit masisilayan ang El Nido? O kung ito na ba ang una at huli kong pagpunta? Makakabalik pa ba ako?

Hong Kong


May mga lugar na pangmatagalan. May mga lugar na dinadaanan lang.

Kakatapos ko lang manood ng Hello, Love, Goodbye. At ngayon meron na naman tayong movie review! (reaction pala, sorry)

Akala ko isa rin to sa mga romance films na tutulugan ko lang haha, or magcecellphone ako during the movie, but no, hindi ko namalayan na lumipas na pala ang dalawang oras! Bitin! Malakas din ang impact sakin nung film. So bukod sa The Day After Valentines at Alone Together, eto yung pelikula na nagroroll na yung end credits pero blanko pa rin ako sa kinauupuan ko, eto yung paglabas ko ng sinehan mas lalo lang ako nalungkot sa buhay ko, napapatanong ng, “BAT GANON?”

(okay medyo spoiler sa part na to)

Bawat oras dapat sulitin mo dahil walang nagtatagal dito.

Sa bilis ng ikot ng mundo, pwede pa bang huminto?

Panoorin nyo dali haha. Una, madadala ka sa mga paghihirap ni Joy (Kathryn Bernardo), hindi man ako katulad niya na OFW sa Hongkong, pero nakikita ko yung sarili ko in a way na, I really work hard para maibigay yung needs ng mga kamag-anak ko, hindi lang halata, pa-travel travel lang ako, pa-inom inom, pero after non lahat ibinibigay ko sa pamilya ko. Pero grabe, mararamdaman mo talaga yung challenges ng pagiging isang OFW.

Nung una cringe pa ako kay Ethan (Alden Richards), kasi puro pa-cute siya kay Joy, puro hugot lines, na siya pa-chill chill lang samantalang kaming mga babae, hindi magkandaugaga sa trabaho. Pero pag kinatagalan maiintindihan mo rin kung bakit naging ganun yung sitwasyon niya. Maiintindihan mo rin kung bakit may mga taong naging iresponsable sa buhay. Yung tattoo niya parang nirerepresent lang yung mga pagkakamali niya sa buhay, tinatapalan niya lang, pero habambuhay mo na iyon na makikita sa kanya. Na sa edad niyang yon eh hindi pa rin niya alam kung ano ang gusto niya sa buhay.

So bukod sa malupitang lines na napanood natin sa trailer, eto yung mga memorable sa akin:

“Alam mo sabi nila, mas okay magkuwento sa strangers kasi no judgment.” – well, dyan ako nabiktima.

Nakakarelate ako sa sinabi ni Joy na, “Minsan ang sarap maging selfish at iwanan ang mga responsibilidad.” Nagpapakapagod siya para sa ibang tao, pero yung binubuo niyang pangarap, unti-unting naglalaglagan.

“May kulang sa sarili ko na hindi kayang mapunan ng kahit pagmamahal mo.” Sana maintindihan ng lahat eto ano. Na hindi pagmamahal lagi ang kukumpleto sa buhay mo, wow sana marealize ko to diba. Na walang mali na maging selfish, na unahin muna natin yung well-being natin bago yung ibang tao. Sa kakabigay ko sa ibang tao, hindi ko pala namamalayan na nauubos na pala ako. Ang cliche nung ‘love o career’ pero dito sa film nagkandakumpli-kumplikado ang lahat. So baligtarin natin ang POV, mula kay Ethan naman, na pinili niya yung pag-ibig kesa maging resident ng Hong kong, pero in the end iniwan pa rin siya at nagkanda-gulo gulo ang buhay. Magegets mo din. Hindi worth it ang pag-ibig hahahahaha lol, pinapakumplikado lang niyan yung buhay ko eh. May pride din ako na, “Nag-aral ako ng apat na taon, hindi para umasa lang sayo.” Pero kung ako yung nasa sitwasyon ni Joy, baka nga piliin ko na lang din mag-stay, wala marupok eh. Wala namang mali kung ano yung pipiliin mong path eh. Yung magiging outcome lang nun ang magdidikta kung naging tama o mali ka. Well, sa mga recent na naging mga desisyon ko sa buhay, bakit parang mali ata lahat hahahahaha.

“Gustong-gusto ko sabihin sa iyo na yes dito lang ako kasi mahal na mahal kita, pero hindi ko maipapangako na hindi ako malulungkot at … hindi ako magkakaroon ng regrets dahil nagmahalan tayo. Natatakot akong umabot tayo doon.” Yes. Live with no regrets. Sabi ni Joy nun, “Puro ka mga plano, ako ba naisip mo kung yun din ang gusto ko?” Damn relate hahahaha. Mahirap para sa tao na pakawalan mo siya para sa pangarap niya, kesa magkasama nga kayo pero nakikita mo siya na hindi naggrow. Diyan papasok yung The people who are meant to be in your life will always gravitate back towards you, no matter how far they wander, na malay natin after 3 or 5 years.. Aw narinig ko na tong linyang to, kung ano man maging takbo ng tadhana satin let it be.. Pero lol wag na kayo umasa ang sakit lang. Kahit gaano pa ka-hirap yung i-risk mo para sa relationship, iiwan at iiwan ka pa rin naman niyan hahahahahaha

Paano magtatagal sa LDR? Dapat iisa ang path na tinatahak nyo, kahit malayo kayo physically, kasi nga kahit yung hindi LDR naghihiwalay pa rin eh, dahil sa magkaiba yung growth at development nila. Kung yung isa eh gusto magsettle na lang sa ganitong buhay, tas yung isa naman eh nag-aaim pa ng mas mataas, paano kayo magtatagal? Piliin mo yung pag-ibig na hindi mo kailangang macompromise o mag adjust para sa isa, kasi yung totoong pag-ibig eh synchronized yan, you reflect each other so well. Sabay kayong aangat, or lulubog. Hey, at least may jowa, nasa laylayan nga lang.

To sum it up: Una eh bakit hindi na naman tayo masaya sa huli hahahaha bakit ang kumplikado ng buhay? Pangalawa, feeling ko ang deprived ko na pala masyado ano. Nagsasayang ako ng oras, which is dapat inilalaan ko na sa pagtupad ng mga pangarap ko, hangga’t may pagkakataon pa ako. Heto ako pa-blog blog lang ng mga kadramahan sa buhay haha pero ano, heto na nga ba ang landas na tatahakin ko? O dapat abutin ko rin yung Canada-levels na pangarap ko para sa sarili ko?

Heto yung isa sa mga movies na napapa-contemplate na naman ako sa mga pinaggagagawa ko sa buhay.

May mga lugar na pangmatagalan. May mga lugar na dinadaanan lang. Parang Hong Kong. Katulad ng tao. May mga taong dumadaan lang sa buhay natin. May mga taong… babaguhin ka pang habambuhay.

tumblr_pta9ywzDxj1t0bbbfo1_640
imahe mula sa tumbral.com

follow my blogs!
Tumblr
Reddit
VK

Pamilya


30 Day Blog Challenge

Day 8: TALK ABOUT FAMILY

Late na ako ng ilang araw sa blog challenge, sobrang busy ko talaga ngayon legit.

Nababanggit ko na sa mga posts ko yung about sa family ko, pero bihira nga lang. Mostly kasi mga rants ang sinasabi ko haha (pero wala naman akong sama ng loob ha, normal teenager issues lang)

So here’s what everyone doesn’t know. Ako po ay naulilang lubos sa murang edad. (Insert natin dito yung OST ng MMK). Though ang tragic ng story ko, hindi ko siya dinadamdam masyado, marahil ay nasanay na ako na wala akong magulang. Heto ang back story. Masaya kaming namumuhay na isang pamilya, Daddy, Mommy, at si Luisa, ang nakababata kong kapatid. Hanggang sa nagkaroon ng Lung Cancer ang tatay ko, which is mahirap kasi una, hindi naman siya naninigarilyo? Delivery boy lang ang papa ko kaya hirap siyang magpagamot. Ilang buwan lang ang lumipas, binawian na siya ng buhay. 29 years old siya. Ako ay tatlong taong gulang pa lang. Ang kapatid ko ay mag-iisang taon pa lang. Iniuwi ang mga labi ni daddy sa kanyang bayan, sa Sta. Rita, Samar. Si mommy naman ay patuloy pa ring naghahanap buhay para sa amin. Kaya naiwan kami sa lola ko sa Paranaque. Habang siya ay nasa Tondo. Naalala ko nun, sinabi ko sa kanya, “Pwede bang mama na lang ang itawag ko sayo? Pang-mayaman yung mommy eh.”

Years later, kinuha ng isa kong lola ang kapatid ko. Sila na ang mag-aalaga sa kanya. So bale ako nasa side ni mama, si Luisa naman nasa side ni Papa. Limang taon pa lang ako nun. Tatlong taon pa lang ata siya. Yun na ang huli naming pagkikita. Ngayon 22 na ako. 20 siya. Hindi ko alam kung kailan kami ulit magkikita.

Nag-asawa ulit si mama. Nagkaroon sila ng anak. Ilang buwan pagkapanganak niya, bigla na lang bumagsak ang katawan niya. Na-diagnose siya ng Hypokalemia. Wala akong kamuwang-muwang nun kasi nasa Cavite na ako, sa lola ko. Sila naman nasa Makati. After 7 days sa ICU, sumama na rin siya kay Papa. Sa edad na walong taon, naulila na ako. Anim na taon pa lang ang kapatid ko. Nasa Samar siya, at wala rin siyang kaalam-alam sa kinahinatnan ni mama. Dalawang buwan pa lang ang bunso namin.

Pagkatapos nun, wala na akong balita sa stepfather ko. Tutol ang pamilya namin sa kanya. Wala na rin akong balita sa bunsong kapatid ko. Ang alam ko ay kinuha din siya ng lola niya (nanay ng tatay niya), na nasa Zamboanga. So technically, naghiwa-hiwalay kaming tatlo. Ngayon, wala pa rin akong balita sa kanya, though friend ko pala siya sa facebook.

Ikukuwento ko naman ang buhay ko sa side ng lola ko. Ang kasama kong lumaki, mga pinsan ko, na itinuring ko nang mga kapatid, si Don2 at si Anye. Nung bata ako, nasa laylayan kami ng time na yun. Walang trabaho mga tita’t tito ko. Magkakasunod na taon kaming namatayan – si Papa nung 1999, si Mama nung 2004, lolo ko nung 2006, at lola ko nung 2009. Sobrang close ako sa lola ko, na siya rin eh tinatawag kong mama. Tapos yung mga tita’t tito ko eh Ate Kuya ang tawag ko (which is wrong???), nung nagkasakit yung lola ko, naging bedridden siya, napakahirap ng pinagdaanan namin. Kailangan na kailangan namin ng pera pambili ng gamot, tapos hindi pa sapat yung para sa pagkain namin. Hindi ko alam paano kami naka-survive sa ganung sitwasyon. Pension lang ng mama’t papa ko ang bumubuhay sa’ming lahat, salamat SSS. Yun na din ang tumustos ng pag-aaral ko, buti na lang at nasa public lang ako. Though may mga araw na wala akong binabaon, minsan nag-123 ako para lang makapasok, pero pag walang-wala talaga, umaabsent ako ng ilang araw dahil walang pamasahe. Isa to sa regrets ko eh, kaya kong mag-honor student, kaya kong makakuha ng scholarship, kaya kong mag-aral sa magandang unibersidad, pero hindi ko maasikaso kasi wala kaming pera, wala akong panggawa ng project, umaabsent ako kahit may exam.

Nung high school ako, nakipagsapalaran sa abroad ang tita ko – sa Syria. Tapos ay sumiklab ang digmaan doon, naipit siya. Ilang taon din kaming walang komunikasyon sa kanya. Ilang taon ding walang tumutustos samin, pero andyan yung asawa ng tita ko para suportahan kami financially. Nung ok na, nakauwi na ang tita ko, pero ganito pa rin ang buhay namin, nasa laylayan.

After ko magfirst year sa kolehiyo, napagdesisyunan ng tita ko na mangibang bansa ulit. So yung pang tuition ko sana ng second year, ipinanggastos na lang pang-asikaso ng requirements, kaya napilitan akong huminto sa pag-aaral. Hindi naman labag sa loob ko, pero sobrang lungkot ko nun, kasi may opportunity ako, pero wala akong magawa. Natengga din ako sa bahay ng matagal, kaya sabi ko sa sarili ko nun, balang araw aangat din kami sa laylayan. I don’t want to suffer again in the future (naks.) Gusto ko nang makaalis at makalaya sa mundong ito.

Hanggang sa eto, naka-graduate na ako, isang taon nang nagtatrabaho, pero wala pa rin akong naibabalik sa pamilyang kinalakihan ko. Pasensya na.

We were once a big family. Hanggang sa unti-unti kaming nababawasan. Nagkakaroon ng family issues, etc. From 8, tatlo na lang kaming nasa bahay ngayon. Actually weekends na nga lang ako nasa bahay namin, so dalawa na lang pala silang andoon.

Ayun lang, this is my family. Wala pala kaming family picture.

Alam mo. narealize ko, akala ko walang effect sa akin psychologically yung absence of parents. Meron din pala, kaya siguro ganito ako, hirap makihalubilo sa matatanda, sa ibang pamilya, kasi hindi ako sinanay ng pamilya ko. Tahimik lang ako sa bahay, hindi ako nakakapag voice out ng feelings ko. Ewan ko. Kaya rin siguro hindi ako sweet na tao kasi walang nagpapakita sa akin ng pagiging sweet sa family or sa ibang tao. Kaya kung mapapansin mo, sanay ako na mag-isa lang ako.

Isa sa mga pangarap ko, ang magkaroon ng matinong pamilya. Seryoso. Though natatakot din ako ng magkaroon ng sariling pamilya kasi feeling ko, mamamatay din ako ng maaga (seryoso, inaanticipate ko to), pero kung papalarin akong mabuhay ng matagal, sana maranasan ko rin ang magkaroon ng complete family, may asawa ako na mamahalin at susuportahan ako unconditionally, yung pareho kami ang magbibitbit at hindi ako lang (mostly kasi sa mga kamag-anak ko, babae ang bumubuhay samin, so yeah it runs in the family), yung tita ko single mother, and hopefully sana ako hindi ako maging single mother.

Hindi ko naranasan yung may magulang na sasabitan ako ng ribbon tuwing recognition, na aattend tuwing PTA, na magsusundo kapag umuulan, na magpapa-Jollibee pag mataas ang grades, Sana maranasan ng magiging anak ko yun. Ayokong maranasan niya yung buhay na pinagdaanan ko.

Well hindi ko nga alam kung magkaka-normal family pa ako kasi ngayon pa lang, fucked up na yung sitwasyon ko, pero sana kung makakapag-asawa pa ako, sana tulungan niya akong bumuo ng masayang pamilya. Yung paggising sa umaga hahainan ko sila ng sunog na kanin, HAHAHAHA, de joke, basta paglulutuan ko, pagsisilbihan ko, hatid ko sa school. Tas yung pagmamahal na hindi naiparamdam sakin ng papa ko, gusto ko maramdaman ko yun sa magiging asawa ko haha, sige na, I could be a good wife too. Bigyan mo naman ako ng magandang future pls? (wait lang, bat nga ba napunta dito ang usapan)

Basta ayun, kailangan ko pa magsikap sa trabaho ngayon para makaipon para masuportahan yung pamilyang bubuuin ko balang araw, kahit inaanticipate kong mamamatay din ako agad. wat.

follow my Tumblr blog!

Spoliarium


lizquenmovie-alonetogether1
Sometimes, the good memories that turn into regrets are best left behind.

So heto na nga, pinanood ko yung Alone/Together. Napuwing lang ako ng very light. Hahahaha. Nakikita ko yung sarili ko sa mga katangahan ni Tin (Liza Soberano). Yung nangyayari sa kanya dun, medyo nangyayari na sakin in real life. Di to about sa love, pero yung mismong life choices niya, dun ako naka-relate.

Bihira lang ako manood ng pelikula. Di ako madaling ma-hook up or makuha ang atensyon. Ewan ko. May mga romance movies na nababagot ako pag pinapanood kaya di ko natatapos. Pero etong Alone/Together, and the rest ng Black Sheep films, gusto ko, dahil sa realistic approach nila. Dati lagi lang natin sinasabi na, may mga bagay na imposible, na sa pelikula lang nangyayari, pero etong mga pelikula ngayon, may mga ganung scenario talaga sa buhay natin, may mga ganun din tayong chapter, kaya nakakarelate tayo. At di lang puro pag-ibig, kasi tinatalakay nito yung about sa career, pangarap, pamilya, pati social issues.

(SPOILER ALERT)

“At ngayon, di pa rin alam kung ba’t tayo nandito..”

Pagkatapos ko mapanood yung film, napa-reflect ako ng bonggang-bongga sa buhay ko. Dun na pumasok yung sari-saring what ifs. Nasabi ko na yung major life regrets ko sa previous post ko, pero yun yun eh. Paano kung naging matapang ako? Paano kung hindi ako natakot noon? Eh di sana unti-unti ko na naaabot yung mga pangarap ko. Eh di sana kapaki-pakinabang ako sa lipunan ngayon. Nakikita ko yung sarili ko kay Tin na sa school lang magaling, pero pagkagraduate at nandito na sa mundo ng realidad, wala na. Yung sobrang pursigido ka sa pangarap mo, but something happened and you fucked up. Then after nun, wala na, nag-stay ka na lang sa comfort zone mo. Minsan din akong nangarap na baguhin ang mundo, pero nung pagka-graduate, sinampal na tayo ng realidad. Di na natin magawa kasi may sarili rin tayong problema na hindi masolusyonan. Gusto kong gawin yung passion ko, kaso dahil sa kahirapan ng buhay, iba ang napuntahan kong landas. Pero masaya naman ako sa kung nasaan ako ngayon. Kaso nga lang, hindi ko nagagamit yung skills ko. Pareho kami ng mindset ni Tin na, the old me is already gone. Hindi na ako yung batang mataas ang pangarap, I just go with the flow.

Minsan ba naiisip mo na bakit ganun? Paulit-ulit lang ang nangyayari? Parang laro siguro yun. Hangga’t hindi mo nagagawa yung tama, paulit-ulit kang mag-uumpisa. Hindi ka uusad. Wala kang matatapos. Uulit ka lang din ng uulit.

Pero alam mo, it’s never too late to start again. Sabi nga sa movie, di porke hindi mo naabot yung mga pangarap mo eh isa ka nang failure. Abutin ka man ng 3, or 5 years bago umpisahang tuparin ang mga pangarap mo? Ok lang yan!! Malay mo, after ilang years, makakapagwork na ko sa mga events/concerts. After ilang years, makakapagtravel na ko sa iba’t ibang bansa para magsaliksik at pag-aralan ang history. Ang saya mangarap! Ginanahan ulit ako haha. Itong movie na to ang nagpamukha sakin na, bakit ka nga ba nandito ngayon? I deserve better. Di dapat ako nagsesettle sa kababawan.

Basahin ang “An open letter to the 20-something who wants to change the world” ni Antoinette Jadaone

 

“Cause time may pass, and everything won’t last, but I’ll be by your side..”

The people who are meant to be in your life will always gravitate back towards you, no matter how far they wander. Kung para sayo, babalik at babalik yan. Be with someone na ipupush ka na tuparin ang mga pangarap mo, na susuportahan ka sa goals mo, at hindi ka ikukulong sa sariling mundo. Sabay nyong babaguhin ang mundo. Haha eto na naman ako, may trauma talaga ako sa mga magjowang sabay na nangangarap, tapos magbebreak din during the worst case scenario. Kasi sabay nga yun eh, pag nasira ang mga pangarap mo, bibitiwan mo din ba ang relationship mo? Pag nawala ang relationship mo, titigil ka na din ba sa pag-abot ng pangarap mo? Vice versa. Ang hirap mangarap na magkasama, tapos ikaw na lang mag-isa ang magfufulfill nun. Habang siya bumubuo na naman ng pangarap na kasama ang iba. Damn.

Isa pa sa mga na-absorb ko dun, eh i-keep mo yung mga taong nandyan pa rin, even at your worst moments. Bakit habang inaayos mo yung sarili mo, kailangan mo isantabi yung taong unang naniwala sayo? Wag mong itaboy dahil lang ayaw mo nang madamay siya sa problema mo, ayaw mo maging pabigat. I-appreciate mo yung mga taong handang makinig at laging nakikinig sayo. Bihira lang na may ganun. Yung taong kasama mo sa tagumpay, sana siya pa rin yung kasama mo sa pagkabigo, at sa muling pagtatagumpay.

Sabi nga ni Raf dun, “Mahalin mo siya dahil mahal mo siya, hindi dahil nakasanayan mo lang.” Namimis-interpret natin yung love at utang na loob. Di dahil tinulungan ka niya eh mahal na. Di dahil wala kang dahilan para mag-NO eh magye-YES ka na.

Never forget.

Ang ganda na na-incorporate nila yung Arts at History sa pelikula. Ipinapabatid nila na – alalahanin natin ang nakaraan. Kasi yung ang magpapaalala sa atin kung sino tayo ngayon. Yan ang magtuturo satin kung ano yung tama, at kung ano yung mali na hindi na dapat ulit gawin sa kinabukasan. Dahil sa past natin, lahat ng desisyon natin sa present, apektado. Lagi ko rin tong sinasabi, kahit gaano pa kalayo ang marating mo, wag na wag mong kalilimutang lumingon sa kung saan ka nanggaling. O di ba, iisa ang mindset namin.

Ang saya magtrabaho sa museum. Kung ako din bibigyan ng pagkakataon, gusto ko dun magwork. Para ma-enhance pa yung knowledge ko about Philippine History. Ang saya mag-aral sa UP. Kahit sabihin nyo pang masyado kaming pa-woke. Hindi eh, mag-iiba talaga ang mindset mo sa buhay pag nandun ka.

Cons: Ang hindi ko lang nagustuhan, hmmm, may part dun na cheating na yung ginagawa nila. Oo di naman nila ginusto yung kinahinatnan nila, pero kahit na, cheating pa rin yon.

At some point you’ll realize, buti na lang pala nangyari yung worst thing ano? Buti nangyari agad, kesa mas maging worse pa ang future ko. Thank you for letting it happen. Di ko pinangarap yung ganung path, yung ganung future. Thank you. I’m already safe.

lizquen-at2

Traydor ang mga alaala.
Magpapaalam sa’yo
hanggang makalimot ka.
Pero eksakto. Sa puntong
sinabi mo na sa sarili mong
wala ka nang isasaya pa,
lilitaw siyang muli.
Na mula sa malayo pa lang
ay kilalang-kilala mo na.
At paglapit nito sa’yong harapan,
babalik ka sa pamilyar na lugar.
At ikaw ay mamamatay na naman.
Tuloy, takot ka nang maging masaya.
‘Pagkat traydor ang mga alaala.

– Antoinette Jadaone


April 6, 2020

Reflections one year after:

Nandito na nga ba ako sa landas na dapat kong tahakin?

Katulad ng mga sinasabi ko sa mga dati kong posts, noong nag-aaral ako, heto yung inimagine kong buhay na gusto kong mangyari pagkatapos: Regular sa trabaho, tuloy-tuloy ang income, nakakapagprovide sa pamilya, pagsusulat ang ikinabubuhay, pumupunta sa iba’t-ibang lugar, nakakapagbakasyon once in a while, nakakaattend ng iba’t ibang events, at heto, unti

Ngayong nandito na ako, bakit hindi ko to gusto? Is this really what I wanted to do? Is this my passion?

Tatlong Daan


Uy di ko napansin, 300+ na ang mga posts ko sa wordpress.
Ganun na pala karami yung mga hanash ko ano.
Medyo matagal-tagal na rin ako sa industriyang ito, di nga lang masyadong active ngayon.
Actually, kung di ako nagbubura nung mga iba kong posts noon, baka lagpas na ito sa 300 na bilang ko ngayon.
Kaya ako nagba-blog eh kasi para na tong diary, dito ako nagvevent out ng mga bagay na hindi ko masabi verbally, sa hindi matukoy na dahilan (ewan, bahagi na ata eto ng pagkatao ko.)
Sa mga nagsasabi na iba ang sinasabi ko dito sa ipinapakita ko sa totoong buhay, well ang masasabi ko lang ay, ewan ko kung bakit ganito ako, pero sana maintindihan nyo ko!! 😭😭
Tulad nga nung sinabi ko dati, sa sobrang dami na ng posts ko, sana balang araw may magcompile neto at gawing libro, well sana kung merong magka-interes. Sino nga bang natutuwa sa mga sinusulat ko?
Puro rants at kalandian lang naman.
Iisang tao lang naman yung alam kong matiyagang nagbasa neto, ewan ko kung hanggang ngayon ginagawa niya pa rin, pero karamihan ng nakasulat dito ngayon dedicated na sa kanya, sana pati ito mabasa niya hehe. Thank you, sa pagdaan mo sa buhay ko hahahahaha salamat kasi dahil sayo may maita-topic pa rin ako hanggang sa mga susunod pang taon.
Teka bakit siya na naman ang topic ko? Wait lang.
Pero ayun nga, salamat sa lahat ng mga nagbabasa ng mga sinusulat ko, kahit wala tong ka-kwenta kwenta.
Sabi nila, “Wala kang makuda in real life pero bat ma-laman yung blog mo?”
Ewan ko ngaaa.
Pero may mga nagsabi din na natutuwa sila kasi nakakarelate sila sa sitwasyon ko, sa mga pinagdaanan ko.
Meron namang mga natutuwa kasi trip lang talaga akong pagtawanan hahahaha (Di ba, PJ? I see u)
Meron din namang hindi natutuwa, kasi bina-backstab ko na sila (Pero di naman, or nagagawa ko ba talaga yon unintentionally? Tell me.)
Meron din namang hindi natutuwa kasi puro na lang daw ako drama, marami nang nauumay haha alam ko. Tas bakit daw pino-post ko pa online? Bat di ko na lang daw sarilihin? O i-share sa kaibigan? Ang immature ko pa rin daw hahahaha. Again, as I said, ewan ko, but this is how I act towards certain things.
Kung may mga nasabi man ako dito sa blog na to na hindi maganda about sayo, or kung na-offend man kita, sabihan mo ko, please, i-PM mo ako. Inaamin ko madalas insensitive talaga ako, kung ano yung maisip ko diretso ko na ita-type. Pasensya na.
Salamat talaga ha, sa pagbabasa ng blog na ito. Dati nangangamba ako kasi alam kong isang araw hihinto din ako dito. Pero sana umabot pa to ng 400, 500, posts, and so on. Yung makikita pa ng future descendants ko yung mga post ko. Kailangan ko lang talaga mag-isip ng magandang content. Ang boring kasi ng buhay ko eh, wala man lang ka-hobby hobby, wala nang interests, walang masyadong ganap para mai-topic sa mga susunod na posts. Ikaw ba, sa tingin mo, ano pa ang pwede kong maisulat? Bukod sa mga pangyayaring kathang isip ko lang? Ano pa bang pwede kong gawing matino sa buhay hahahahaha!
Na-realize ko lang din, dapat pala ma-inspire ko rin kayo sa mga sinusulat ko ano, kaso paano? Kung ako mismo ang negative ng tingin ko sa sarili ko. Ayyy. Ewan ko.
Pero, salamat ulit ha!

Thank u, next


(Wait lang. Pang 300th WordPress post ko pala ito ☺)

2018. It was miserable and magical.

FULFILLMENT

Ang dami ko pa ring hanash ngayong taon, pero di ko narerealize eto na pala yung golden time ko, eto na pala ang pinakamakulay kong taon, ayoko lang i-appreciate. Heto na yung katuparan ng mga pangarap ko eh, yung makaalis sa maliit na mundong ginagalawan ko noon. Simula nung nagtrabaho ako, nagbago yung takbo ng buhay ko. Di tulad noon ang daming bagay ang gusto kong gawin pero di ko magawa kasi pagagalitan lang ako haha. Di naman ilegal yung mga gusto kong gawin. Pero yung kagustuhan ko na makagala kung saan saan, makapunta sa iba’t ibang events, that was the best!! Ang daming nacheckan sa bucketlist ngayong taon.

Nakapunta ako ng 24k Magic Tour, UST Paskuhan, UP Fair, Rakrakan Festival, Myx Music Awards, Freenet concert, at marami pang gigs at music events. Nakakapanood na ko ng mga pelikula sa sinehan, nakakakain na ko sa mga sikat na restaurant, wow I’m living the city life haha. Very different from last year, kung saan di nako makaalis ng bahay kasi nag-aalaga pa ako ng bata.

Now I’ve been into places I’ve never been, I’ve met different kinds of people. Yung dati napaka-antisocial ko, dati puro katrabaho ko lang ang kinakaibigan ko, ngayon ang dami ko nang nakakausap outside work, tapos ipaparealize nila sayo na “There’s more to life than landi”, at “There’s someone who will genuinely support you through everything without being tied into a relationship.” and that’s the tea. To that someone, thank you 🙂

STABILITY

Yung dati nasa laylayan kami. Yung dati nakapamaluktot kami sa maiksing kumot. Dati puro sardinas at gulay ang inuulam namin. Ngayon maginhawa na. Nakapagpundar na kami ng sariling TV, Computer, Refrigerator, Washing Machine. Kung dati walang natitira mula sa sahod ko, at marami akong utang, ngayon nakapag-open na ko ng sariling bank account at nakakapag-ipon na. Di bale nang wala akong nabibili na damit, o sapatos, o anything para sa sarili ko, basta makita ko lang na happy ang mga tao sa bahay, ok na ako. Ngayong pasko, ang dami kong natanggap na blessings! Di ko inasahan yun. At narealize ko na ang sarap pala sa pakiramdam pag nagbibigay ka din ng blessings sa iba, pag nireregaluhan mo tapos sasabihin nila na gustung-gusto nila yung binigay mo. Wow.

Lord, maraming maraming salamat po sa lahat ng mga ito. Napaka-ungrateful ko lately, pero di mo kami pinababayaan at patuloy pang binibiyayaan. Sorry kung ang toxic ko pa din sa sarili ko, di pa rin nawawala yung negativity.

REALIZATIONS

– We tend to complain about toxic people surrounding us, pero di natin nare-realize na tayo pala talaga yung toxic/tayo yung dahilan kung bakit siya naging toxic. Nakikita natin yung mga pagkakamali ng iba pero yung sarili nating mali di natin mapansin. Yun yung bagay na natutunan ko. At hindi lang ikaw yung may mabigat na dinadalang problema, yung mga tao sa paligid mo may mga pinagdadaanan din yan. Kailangan mo din isipin na nahihirapan din siyang buhatin at intindihin ka, kasi may mga binubuhat din siyang bagahe sa buhay niya. Dapat sa separate na post ko na lang pala to i-elaborate pa haha.

– Isa pa sa mga bagay na gusto ko i-reflect, eh this year, naging PABAYA ako sa mga obligasyon ko. Sa bahay, wala na akong time para sa pamilya ko. Sa work, binabalewala ko yung oras kaya ako napapagalitan. Sa past relationship ko, na hinayaan ko lang na mamatay. Gusto kong baguhin yung mindset ko na maging responsable na hahahaha. Tanda tanda ko na, di pa rin ako nagtatanda.

GOALS/WISHES

Nung mga nakaraang buwan wala talaga akong gana, pero ngayon may mga plano na ako haha sana maipush ko lahat ng ito:

– By January sana makalipat na ako sa bagong trabaho haha yun na yung last step ko para makapag move on sa buhay. I have to work harder, lalo na’t pauwi na ang tita ko. Ako na ang magiging provider ng pamilya so kailangan ko talaga magpush pa.

– Target ko mag-daily, or at least weekly blogs. Kasi yung mga idol kong vlogger ang sisipag gumawa ng content. Sana maibalik ko yung dating ako na ang daming deep thoughts. Ngayon kasi puro kalandian lang ang nasa utak hahahahaha (kahit naman dati yun na ang nasa isip ko).

– Tsaka sana more gala(s) to come. Sana matuloy yung Zambales, Baguio, at Palawan trip natin (kung hindi ako matutuloy sa pag-abroad ha).

– Sana dumating na yung piano keyboard na inorder ko huhu sa wakas matutupad na yung pangarap ko na magpush sa music industry hahahaha jk. De gusto ko mahasa yung skills ko dun. Hopefully masimulan na di ba.

COMEBACK

2019 is the YEAR OF RETRIEVAL. I have to gain back what has been lost. Yep, there’s no turning back.

Kailangan ko pa umangat, to the point na pagsisisihan ni Natalie na nakilala niya pa ako at ginulo niya ang buhay ko. Ngayon masaya siya eh, habang ako nagdurusa pa rin dahil sa kanya. Balang araw gusto ko siyang makitang gumagapang habang nagsisisi sa mga ginagawa niya sakin hahahaha revenge is real. Watch me. #LookWhatYouMadeMeDo

Joke lang. Sana maalis na yung poot sa puso ko para makapag move forward na ako sa buhay. Gusto kong mawala na yung bigat na nararamdaman ko. Acceptance at forgiveness lang ang kailangan. It takes time. It takes time.

“The best lesson I’ve ever learned in my life came from the worst feeling I’ve ever felt in my life.”

STRENGTH

Sana next year magkaroon na ulit ako ng motivation at happiness sa buhay. Ang sakit pa rin eh haha, yung konting ano lang, umiiyak na agad ako. Makikita ko pa lang yung pangalan ng ex ko, nanghihina na naman ako. Ayoko na maging marupok. Hayaan mo magsasawa din naman ako maging malungkot, aahon din ako eventually hahahaha.

Sana maging strong na ako, na everytime pag narinig ko yung mga OPM songs na mapanakit ng damdamin, hindi na ako maaapektuhan pa. Kasi hanggang ngayon ako’y giniginaw at hindi makagalaw. Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw. Charot.

When will I be this happy again?

Sabi nga ni Cong, ang sitwasyon ko ngayon parang naghihintay lang ako ng masasakyan. Kaso yung mga pinapara ko, di ako hinihintuan, nilalagpasan lang. So instead na magreklamo ako at magmukmok kung bakit walang nagpapasakay sakin, wala akong choice, kundi maghintay pa rin.

Pero ang ginagawa ko ngayon, naglalakad na ako patungo sa destinasyon ko hahahaha. Kahit ako lang mag-isa, kahit malalim na ang gabi, kahit masakit na ang mga paa, okay lang. Basta umuusad tayo.

2017 nawalan ako ng bespren. 2018 nawalan ako ng jowa. Ano naman kaya ang mawawala ngayong taon? Abangan.

Anuna 2019! Handa na akong masaktan, paasahin, paglaruan, gaguhin at pagkaitan ulit ng tadhana hahahahahaha come on fite me!! Let’s go!!!!!

THANK U 2018, NEXT!

If I Die Young


Sa sobrang pessimistic ko sa buhay, inaanticipate ko na di na ako aabot ng 30. It’s either magkakasakit din ako ng malala or maaaksidente dahil sa sobrang katangahan. So heto yung mga bagay na gusto kong sabihin. Actually matagal ko na tong gustong isulat, kaso natatakot ako noon kasi baka mabati/matuluyan talaga ako. Pero ngayon wala na akong kinatatakutan, I’ve been through many shits. So heto na nga –

Sa mga kamag-anak ko, I want to apologize, for being a burden for about 22 years. Pasensya na, puro na lang kunsumisyon ang naibibigay ko. Don’t blame anyone, this is all my fault. Sorry, di ko na maibibigay yung magandang buhay na inaasam natin. Sorry kasi hanggang ngayon wala akong maitulong sa inyo. Umaasa kayo sakin na balang araw iaangat ko kayo sa laylayan, kaso hanggang ngayon ganito pa rin tayo. Sorry kasi hindi ako nagsasabi kung nasaan ako at kung anong oras ako uuwi. Sorry kasi malihim ako, like bigla bigla na lang kayong nawiwindang kasi may mga ganitong kaganapan na pala ako sa buhay. Sorry din kung dadagdag pa ako sa gastusin nyo, mahal ang burol at libing. Okay na siguro yung 2 days lang. Wala naman akong masyadong iimbitahin eh.

Sa mga kaibigan/naging kaibigan ko, thank you for helping me, sa lahat, maski sa mga simpleng bagay. Salamat. And pasensya na kasi madalas hindi ako namamansin, minsan maldita ako, Sorry din kung di ako marunong mangamusta, yung magpaparamdam lang ako pag may kailangan. Sorry. Sa lahat ng mga inutangan ko, babayaran ko kayo sa susunod na buhay. Sorry kung meron man akong nagawang masama sa inyo.  Sorry. Pero inaanticipate ko na rin na walang dadalaw sakin, sino ba ako sa inyo, dumaan lang naman ako sa buhay nyo haha. Makakalimutan nyo rin naman ako eventually. Pero kung maaalala nyo ko, uyyy salamat ha. Sana may naitulong akong maganda sa buhay nyo.

Sa mga crush ko, pasensya na kung palagi ko kayong ginagambala noon. Pero salamat, kasi dahil sa inyo kaya ako nagpapataas lagi ng score sa mga exam, kaya mataas din ang grades ko. Salamat sa pagpapakilig hihi.

To my former lover, my best friend, hello sayo, makakalimutan mo rin naman ako hahahahaha ngayon pa nga lang limot mo na ko eh. Pero sana bago ako mategi, nakamoveon nako sayo, kasi kung hindi pa rin, baka araw arawin kitang multuhin! Haha wag na pala, madidisappoint lang ako lalo. Pero eto lang ang masasabi ko sayo – magkikita pa tayo soon – sa impyerno ☺ charot, pero sana nga makamoveon nako, ayoko nang bitbitin pa sa hukay yung heartbreak. Well, sorry for all the mess I’ve done. I hope you’ll keep me alive in your memories. I wish you to be happy and healthy as well. Take care of yourself. Thank you for loving me, even in a short span of time. Being with you was the happiest moment of my life, pramis, hehe. Babantayan kita, ako ang magiging guardian angel mo. Sana ako pa rin ang sasagip sayo. Sana sa afterlife, magmeet ulit tayo ♥ I promise nobody’s gonna love you like me-e-e! Ooh-ooh-ooh-ooh!

To all, sorry, and goodbye ☺

Heto ang mga habilin ko:

  • Pag ililibing nako sana yung Spotify Playlist ko yung patugtugin nyo hahahahaha. Sige na, bop naman mga kanta ko eh. Basta pang-finale yung Mirrors ni Justin Timberlake, yung full version (8:04). Alam mo ba yan yung gusto kong kanta pag ikakasal ako, eh kaso malabo na mangyari yun, e di pang libing na lang hahahahaha charot
  • Konti lang naman yung mga gamit ko, mostly mga handwritten notes yun. Pa-compile na lang sa clear book yung mga important files, wag nyo muna itapon – lalo na yung mga test papers ko huhu yan lang ang legacy na maiiwan ko, pero yung mga kalandian notes ko dyan, hmmmmm, sige tapon nyo na.
  • Pare-pareho lang ang password ng mga account ko – birthday ko haha pero wala namang magkakainteres na buksan pa yun.
  • Gusto ko naka-lipstick pa rin ako – Crimson Red ang kulay.
  • Sana buhay pa rin yung mga social media account ko – lalo na itong blog at twitter. Pero wag na kayo magbackread, nahihiya ako ang bitter ng mga tweets/posts ko lately.
  • Gusto kong magdonate ng organ, kaso hindi maganda yung quality nung akin eh ok lang ba??

Sa lahat ng taong nakilala ko, hello, makakalimutan nyo rin naman ako eventually (bakit ba paulit ulit ako) pero sana may maiwan pa rin akong legacy haha, sana maalala nyo ko di dahil sa patanga-tanga ako, pero maalala nyo ako in a unique way. Ang hirap iexplain. Basta. Di ka na makakakita pa ng katulad ko.

I-eedit ko pa to pag may dagdag pa akong sasabihin. Pero sa ngayon heto muna.

PS: HINDI TO SUICIDE NOTE. KALMA. 

PS ulit: “Ang nega mo talaga mag-isip, kaya ka iniwan eh” – I KNOW RIGHT

                “Okay ka lang ba?” – OO OK AKO

24k Magic Tour: Ang Katuparan ng mga Pangarap


Alam naman ata ng lahat na super fan ako ni Bruno ever since. Doo-wops and Hooligans era pa lang, sinusubaybayan ko na siya. Ako pa naman yung tipo na maraming idol, pero eventually nawawala din naman. Pero sa kanya lang talaga ako tumagal hahahaha, na minahal ko lahat ng kanta niya, maski mga unreleased. Yung di ako magsasawa na pakinggan yung mga album niya ng paulit-ulit. Dahil sa kanya naging active ako sa twitter, nagkaroon ng mga kaibigan di lang dito sa Pinas kundi pati mga intl hooligans. Dahil din sa kanya mas naappreciate ko yung iba pang genre (kasi stick lang talaga ako sa American Pop Music nun haha,) So heto na nga, Finally!! Sa wakas!! Nasaksihan ko na ulit siyang magperform ng live.

Isinumpa ko na sa susunod niyang pagbabalik dito sa Pilipinas, I should be there again! Buti na lang nung nag-announce na siya ng tour, naka-graduate na ko. Though wala pa akong trabaho nung ticket selling hehe. Salamat sa tita ko!!! Nagrequest ako kung pwede yun na lang graduation gift ko kahit Gen Ad lang, at ayun!! Nung araw ng ticket selling mangiyak-iyak na ko kasi alas onse pa lang, sold out na lahat ng tickets. Alas dos ng hapon nung may mag open na tatlong slot sa Gen Ad, at yun ang nakuha namin! Thank you Lord kasi sa dinami-dami ng pumila para sa ticket, isa ako sa pinagpala na mapagkalooban.

Pero even though na may tix na ko, nagsasasali pa rin ako sa pa-raffle ng mga sponsors. Kahit naiinis ako kasi isa sila sa dahilan kung bakit naubos agad ang tickets, go lang kasi di ba malay mo manalo ako. VIP din yun. Kaso sa pitong sinalihan ko, di ako pinalad haha. Pero nanalo naman ako ng merch, consolation lang.

At heto na, ang mismong araw ng concert!

Nag-half day lang ako sa opisina. Mga 5PM bumiyahe na ako pa-MOA Arena. Inantay ko si Jenina, college friend ko na hooligan din (btw nakilala ko muna siya sa fandom bago ko naging classmate hehe). Pagpasok namin, ikot ikot muna, papicture, etc. Pagdating namin sa mismong arena, ginoosebumps ako (tama ba, basta yung nanindig ang balahibo ko. Una, ngayon lang ulit ako makakanood ng legit na concert (kasi puro music festival lang napupuntahan ko). Pangalawa, nakapasok na ako ng MOA Arena haha dati nangangarap lang ako nun sa labas ng MOA, now I’m here!! Pangatlo, ang daming tao as in, na-overwhelm ako kasi ganito na pala ka-famous si kuya mo Bruno. Wow. Wow talaga. Yung dati akala ko konti lang ang fans niya dito sa Pilipinas, madami pala. Di lang talaga kami active sa mga fan-voting at pa-trending sa twitter. Tapos yung market niya, mapa-bata, matanda, lalaki, babae, nakaka-proud. Ang layo na ng narating niya!! Grabe no, ang galing galing niya kasi talaga. Medyo selfish lang ako kasi naisip ko, hala yung iba nakiki-fan lang, tas sila pa yung nasa VIP (lalo na mga artista). Napagkaitan kaming mga legit na hooligan na sumusuporta sa kanya mula pa nung umpisa.

Balik tayo sa mismong concert, nagstart na yung Jabbawockeez, ang galing galing din nila huhu. #Blessed din kasi nakita ko sila magperform live. Then after an hour, tumaas na ang kurtina. Pop pop it’s showtime!!! Sunod-sunod niya nang pinerform yung mga hits niya. Yung feeling na ang saya saya ng environment, pero iyak ka ng iyak hahahaha! Sobrang tuwa ko lang kasi natupad na yung pangarap ko. Yung tipong pwede na ko mamatay kasi nakita ko na ulit si Bruno. Hehe charot lang. So ayun nga, nagsasasayaw at kanta lang ako nung time na yun, parang nasa isang party lang kayong 20,000 na tao dun. Nakatayo lang ako the whole concert. At hinawakan ko lang ulit yung phone ko nung When I Was Your Man kasi yun lang yung pahinga ko sa pagsayaw haha. Di ako nagpicture/video kasi una, sumasayaw ako at tumitili, panget lang yung quality ng magiging kuha ko. Pangalawa, Gen Ad lang ako, malabo si Bruno sa phone ko, pero pramis kahit nasa dulo ako, kitang-kita ko siya ng malinaw. Salamat sa mga mata ko na malinaw pa rin hahahaha. Pangatlo, ayaw na ayaw ni Bruno na lam mo yun, kumakanta ka, sumasayaw ka dapat, pero nagvivideo ka lang the whole time?? Kasi feeling niya di mo naeenjoy yung show niya. Yun nga yung purpose ng tour niya eh, yung mapasaya tayo, magbigay ng entertainment. Tsaka sayang naman na nagbayad ka ng 23k para lang magcameraman? Sulitin mo bayad mo huyyy. Hahahaha.

Grabe pa rin yung goosebumps ko, lalo na nung Calling All My Lovelies (maygahd yun talaga ang pinakafavorite ko sa album niya), dati kilig na kilig ako pag nagpipiano siya, ngayon maa kinikilig na ko pag electric guitar ang gamit niya. Yung umpisang tunog pa lang, nagtititili na ko kasi sa wakas, makikita ko na ng live yung CAML. Sayang nga lang wala si Phil, kulang talaga yung tunog pag wala siya eh. Pero napahanga ako ni Jimmy, kasi dati tumutugtog lang siya, ngayon nagsesecond voice na siya wow. Tsaka si Kam din di ba grabe improvements nila. At sobrang galing talaga ng band!!! Pramis!!! Mas magagaling pa sila sa mga sikat na performers ngayon. Di biro yung tinutugtog mo yung instrument mo, habang sumasayaw (sabay sabay sila non galing talaga), tas nagsesecond voice pa. Matataas pa naman yung mga part na kinakanta nila (yung What the Hell!!) o yun na nga balik tayo sa CAML, di ko inasahan yung pagtatagalog ni Bruno. Kumakanta na ko nun ng “I’d rather be with youuu, yeah” Nung biglang nagsalita at kinanta niya, “Miss na kita mahal” shet shet shet kahit slang siya kinilig ako. First time niya lang ata gumamit ng endearment na “mahal” kasi baby talaga tawag niya sakin eh charot. Ang sweet kaya, mahal OMG miss na din kita mahal!!
Ang haba na ng kwento ko no hahahaha basta ayun, kahit ilang beses ko nang napapanood mga performance niya at tours sa ibang bansa, parang first time feels pa rin na makita ko iperform niya dito yung mga kanta niya.

(Calling All My Lovelies live version.. this is what I’m talkin’ about haha!)

Ang downside lang eh una, bitin na bitin ako mamsh, parang ang bilis nung mga pangyayari haha hala tapos na agad? I need more of Bruno. Pero wala eh ganun talaga. Yun nga mas better pa rin MJT dahil din siguro mas marami yung interaction niya with the fans. Tas inaabangan ko yung Grenade, Gorilla, Straight Up and Down. Bakit wala? Yung Too Good to Say Goodbye din fave ko kaso di niya na pineperform yun.

At narealize ko lang din, pagod na pagod na si Bruno. Pero di mo yun makikita sa kanya kasi parang bibong bata siya sa stage eh hataw pa rin ng hataw, tas nabirit pa, ibang klase talaga ang energy niya. Pero kasi isang araw lang yung pagitan ng mga concert niya sa ibat ibang bansa. May 1 sa Thailand. May 3 and 4 Pilipinas. May 6 and 7 Hongkong. See? Isang taon na din siyang nasa tour. After neto balik America ulit ang tour. Yung feeling na gusto mo na siya pagpahingahin, kaso mamimiss mo siya kasi magiging inactive na naman siya sa industry, ilang buwan na namang walang balita sa kanya.

After ng tour, di natin alam kung kailan ulit siya maglalabas ng bagong album. Mahaba-haba na naman ang break niya. Nagjoke nga siya eh sabi 10 years daw siya pahinga. Kaya yung moment na yun nung concert, ninanamnam ko na. Kasi di ko alam kung kailan ulit ang susunod.

Grabe no, parang sa iba normal na lang na makanood ng concert. Pero sakin malaking bagay na to haha kasi tagal ko talaga hinangad yung ganitong pagkakataon. Lol kaya ganyan title ng post ko. May na-check-an na sa bucket list ko sa wakas! Yung feeling na, after all the hardwork I’ve done throughout my life, okay lang kahit yun lang yung sukli hahahaha. Finally! I’m proud that I stan someone who is very talented!!!

Ang haba na ng hanash ko haha, pero thank you talaga Bruno, for being my happy pill 😍 miss na kita mahal. Hahahaha.

DcQWdPiUQAARzA9
Di ko kuha yan. Galing sa SMART yan haha

IMG_20180503_201839
Jabbawockeez!

IMG_20180503_204137
Yan yung view mula sa pwesto ko

IMG_20180503_221411
During When I Was Your Man

IMG_20180503_195418
Happy Kiddo!!

IMG_20180503_201029

MMK


Continue reading “MMK”

Protected: Itong tula na isinulat ko para sayo


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Pasmado


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Maskara


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Keep Fighting!


Continue reading “Keep Fighting!”

Panaginip Lang~


Continue reading “Panaginip Lang~”

Tatsulok: The Structure of Drug Elites and Drug Pushers


Continue reading “Tatsulok: The Structure of Drug Elites and Drug Pushers”

Ako yung,


 

… ako yung una at huling piraso ng loaf bread,

… ako yung balat ng mansanas,

… ako yung unang patak ng Empi Light,

… ako yung pinaka-crust ng egg pie,

… ako yung natutong na kanin,

… ako yung libreng sabaw sa carinderia,

… ako yung sibuyas sa ibabaw ng bistek,

… ako yung bell pepper at raisin sa menudo,

… ako yung labanos at okra sa sinigang.

– Sinasayang mo lang.

Molino at Zapote: Ang Dalawang Mukha ng Pilipinas


Continue reading “Molino at Zapote: Ang Dalawang Mukha ng Pilipinas”

theOriginal SAVORY chicken


Continue reading “theOriginal SAVORY chicken”

Sleep Deprivation is not a joke


Continue reading “Sleep Deprivation is not a joke”

Marcos | Robredo


Continue reading “Marcos | Robredo”

Sorry not sorry


Continue reading “Sorry not sorry”

Mahirap.


Continue reading “Mahirap.”

Presidentiables as Suitors


Continue reading “Presidentiables as Suitors”

Migraine


Continue reading “Migraine”

Anong ipinaglalaban mo?


Continue reading “Anong ipinaglalaban mo?”

‘used to’


Continue reading “‘used to’”

Hanggang drawing na lang ba tayo?


Continue reading “Hanggang drawing na lang ba tayo?”

Poor Law


Continue reading “Poor Law”

Laters gonna late late late!


Continue reading “Laters gonna late late late!”

The Evolution of Handwriting


Continue reading “The Evolution of Handwriting”

Kalahating Dekada with Bruno


Continue reading “Kalahating Dekada with Bruno”

New Beginnings


Continue reading “New Beginnings”

Volleyball


Continue reading “Volleyball”

Bakit ba masakit ang pag-ibig?


Continue reading “Bakit ba masakit ang pag-ibig?”

On Love and Marriage


Continue reading “On Love and Marriage”

One year after the catastrophe.


Continue reading “One year after the catastrophe.”

Mabagal na Traffic, o Mahabang Pila ng MRT? Mamili ka. (Editorial)


Continue reading “Mabagal na Traffic, o Mahabang Pila ng MRT? Mamili ka. (Editorial)”

MEMA #4: Facts


Continue reading “MEMA #4: Facts”

Ambivalent


Continue reading “Ambivalent”

Closure


Continue reading “Closure”

All is Well !


Continue reading “All is Well !”