The music that defined my decade βœ¨


Patapos na ang ’10s. Natutuwa ka ba sa mga pinakikinggan mo?

Skl yung Spotify Wrapped 2019 ko.

Dulo ng 2018 ata ako nag umpisa mag-premium. Kasi kuripot talaga ako kaya puro download lang ako ng mp3. Kaso ngayon tinatamad na ko magdownload isa-isa eh di ayan.

Medyo accurate naman to in fairness haha. Hindi ko alam kung bakit Almost Paradise (yung lumang kanta ah) yung nag-top nung time na yan (broken ka ba gurl?). Nung 2017 naman eh puro 24k Magic at reputation ang gusto ko. Yung Location Unknown ang nagtop ngayong 2019 kasi may ibang gumagamit ng Spotify account ko hahahaha favorite niya yan.

Heto talaga yung accurate songs of the year ko:

  • 2010 – Grenade
  • 2011 – Someone Like You
  • 2012 – The One That Got Away
  • 2013 – When I Was Your Man
  • 2014 – Mirrors
  • 2015 – Style
  • 2016 – Stockholm Syndrome
  • 2017 – Calling all my lovelies
  • 2018 – Getaway Car
  • 2019 – Boy with Luv

Hala sorry Bruno πŸ˜₯ si Taylor na yung naabutan ng Spotify years ko haha. Dati 100+ yung kanta ni Bruno na nakadownload sa phone ko (ang dami niyang unreleased tracks).

Skl yung favorites ko from this decade: (Albums)

  • The E.N.D.
  • The Beginning
  • Nothing But the Beat
  • Teenage Dream
  • Prism
  • The 20/20 Experience
  • Doo-wops and Hooligans
  • Unorthodox Jukebox
  • 24k Magic
  • Dangerous Woman
  • Red
  • 1989
  • reputation
  • Lover
  • Entire discography ng One Direction

Parang gusto kong gumawa ng Top 100 songs of 2010. Kaso wait lang sige pag may time. Actually may year-end top 20 na ako pero syempre ipopost ko yon pagkatapos na ng taon. Wahahahaha

Luh bat puro American Pop? Bat di ka nakikinig ng OPM? 🀷🏻

Skl yung Spotify playlists ko: (Eto ang summary ng 2010s music taste ko, it’s either too emotional or too sexual char)

5893740dec278d04804e14a448cef41f5727398545468393911.jpg

 

 

6067c99d8ea993b99db8ea57a60f9d643715089060502322645.jpg

YEAR END TOP 20 SONGS | 2019


And heto na naman tayo!! The best and the best. My favorites this year.


Actually tatlong bahagi etong post na to.

  • Part 1. 2019 Top 20 hits
  • Part 2. Top 10 OPM songs
  • Part 3. Top 10 tracks from Lover

PART 1. 2019 Top 20 hits

Pero puro 2018 pa rin pala mga pinapatugtog ko haha


7 RINGS – Ariana Grande

Kanta ko to pag bagong sahod char. I see it, I like it, I want it, I got it haha
“Been through some bad shit, I should be a sad bitch
Who woulda thought it’d turn me to a savage?”

giphy


JUICE – Lizzo


CIRCLES – Post Malone


CHICKEN NOODLE SOUP – j-hope ft. Becky G


EASIER – 5 Seconds of Summer


INTO THE UNKNOWN – Idina Menzel
Ah ah oh oh oh-


PLEASE ME – Cardi B & Bruno Mars
Bruno’s dance moves are sooo fiiiiine

giphy.gif


BREATHIN’ – Ariana Grande


WATERMELON SUGAR – Harry Styles


PARADISE – Bazzi
This shit make me feel alive.


LOST IN JAPAN (Remix) – Shawn Mendes
2018 pa pala to pero this year ko lang naappreciate.


NICE TO MEET YA – Niall Horan


LIGHTS UP – Harry Styles


MEMORIES – Maroon 5
“Now my heart feel like December when somebody say your name
‘Cause I can’t reach out to call you but I know I will one day.”


GOODBYES – Post Malone ft. Young Thug


WITHOUT ME – Halsey
2018 din to. Relate din ako sa kanta hahahahahha. Sabi “it’s about being there for someone but not getting an effort back from them.”
“And then I got you off your knees, put you right back on your feet just so you could take advantage of me.”


DANCING WITH A STRANGER – Sam Smith, Normani
Para sa mga taong lumalabas kasama ng iba para makalimot, but no.
“Look what you made me do, I’m with somebody new-“


NEVER REALLY OVER – Katy Perry
Two years, and just like that, My head still takes me back
Thought it was done, but I guess it’s never really over

Just because it’s over doesn’t mean it’s really over
And if I think it over, maybe you’ll be coming over again
And I’ll have to get over you all over again

Thought we kissed goodbye
Thought we meant this time was the last, but I guess it’s never really over
Thought we drew the line right through you and I
Can’t keep going back, I guess it’s never really over-


CLOSE TO ME – Ellie Goulding, Diplo, Swae Lee
Eto din 2018 din. Pero feel na feel ko to. Ang sabi this written about the connection of two kindred spirits. It is about a turbulent, probably doomed relationship – someone to forget the world with.
“Even though we both know we’re liars and we start each other’s fires we just know that we’ll be alright.”


BOY WITH LUV – BTS ft. Halsey

Huy sobrang favorite ko talaga to as in eto yung nakakapagpa-cheer up sakin. As in bawat live performance neto inaabangan ko na haha (pati ibang kanta ng BTS magmula non), gustong-gusto ko yung dance steps.


PART 2. TOP 10 OPM SONGS


HULING SANDALI – December Avenue
Umiiyak ako sa music video. Tapos umiiyak naman talaga ako dahil sa pagkabroken ko haha medyo masakit aray.
“At sa bawat minuto, ako’y ‘di natuto
Ipilit mang iba, ako’y maghihintay sa’yo”


BINALEWALA – Michael Libranda
“Heto’ng huling awit na iyong maririnig”


214 – JM de Guzman
Dahil sa Alone Together.


NAGBABALIK – Rico Blanco, IV of Spades
“Pinilit ko na isara, Pintong ito’t limutin ka.”


PAGTINGIN – Ben and Ben
Naalala ko to birthday ko nung ni-release eh.
“Bakit laging ganito? Kailangang magka-ilangan. Ako ay nalilito”
Eto yung nagkaka-developan na kayo tas biglang hindi na lang nagpansinan. Luh.


IMPOSIBLE – KZ, Shanti Dope
“Di mo ba nakikita? Tapos na ang kabanata”


TRIANGULO – Sam Concepcion, Nadine Lustre, Nicole Omillo
Pero mas gusto ko pa rin yung original version ni Thyro and Yumi.
“Ako ang ‘yong kahapon naghahanap”
“Kahit ilang beses mong i-try, i-try, i-try, ang gulo gulo, ang gulo.”


DULO NG HANGGANAN – IV of Spades
Gusto ko yung guitar sa intro.
“Pag-ibig ko, bakit lumalayo? Pag-ibig mo, tila naglalaho?”


IMAHE – Magnus Heaven
Uy may nabuo akong kwento dahil sa kantang ito- Imahe
“Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan
‘Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan”


IKAW ANG MELODY – MNL48
Di ko alam kung anong meron sa tunog na to pero parang narinig ko na siya about 20 years ago. Ang nostalgic.
“Bakit nga ba parang tayo ay may nalimutan?
May hinahanap sa bawat bagong pangarap
Pero parang ako ang malaking katanungan nitong musika”


PART 3. AND SYEMPRE!! TRACKS FROM LOVER ❀

Kasi parang magmula nang nirelease yung album eto na lang lagi ang pinapakinggan ko. Bias ano. haha.


  1. Death by a thousand cuts

This was my favorite track.

“My heart, my hips, my body, my love. Tryna find a part of me that you didn’t touch
Gave up on me like I was a bad drug, now I’m searching for signs in a haunted club”

“My time, my wine, my spirit, my trust. Tryna find a part of me you didn’t take up
Gave you so much, but it wasn’t enough, but I’ll be alright, it’s just a thousand cuts”


2. I forgot that you existed
“It isn’t love, it isn’t hate, it’s just indifference”


3. The Man
This is a song about “how much harder women need to work than men to get to the same finish line”


4. Cruel Summer
The synth ❀ I love it.


5. I think he knows
Sobrang bop neto na dapat next single na to pls!


6. Miss Americana and the Heartbreak Prince
“It’s you and me, that’s my whole world.”


7. Paper Rings
“I hate accidents except when we went from friends to this”


8. London Boy
“Darling, I fancy you”


9. Daylight
“I don’t wanna look at anything else now that I saw you
I don’t wanna think of anything else now that I thought of you”


10. False God
False God + Don’t Blame Me. Perfect Combination!

“The altar is my hips”


Yung first months ng 2019 ko puro pang-broken, tas ngayon puro love songs na ulit. HAHA.

See my previous year-enders:

YEAREND TOP 20 SONGS | 2017

YEAREND TOP 20 SONGS | 2018

The music that defined my decade ✨

Utang


Bat may mga taong ganun no, pag hirap na hirap sila, magmamakaawa sila sayo na ganito ganon, pero once na nagkapera na nakalimutan ka na hahahaha makikita mo na lang magpopost na kumain sa ganitong restaurant, nakapasyal na sa malalayong lugar, nabili na yung mga luho, pero yung utang sayo di pa rin mabayaran? Ano paaabutin pa natin ng 2020? Tapos pag pinaalalahanan mo pa sasabihan ka pa na “Ang insensitive mo naman, di mo ba naiisip na ang dami kong gastos, di na ko kumakain bla bla bla”, so ano kasalanan ko pa? Di naman ako nagtatae ng pera, ayoko din na may masirang pamilya at pagkakaibigan dahil lang sa pera pero sana iconsider nyo din na yung bawat pisong pinapahiram or ginagastos ko para sa inyo, pinaghihirapan ko yan. Ako kuripot ako sa sarili ko para may natitira sakin tas samantalang sila eh nagpapakasasa lang tas kinabukasan pag ubos na saka na naman lalapit sayo. Di naman sa ano pero kung hindi dahil sa pautang ko, di kayo magkakaroon ng progress, sana matuto din na lumingon sa pinanggalingan ano po? πŸ˜”

Pero sana next year bawasan ko na yung pagiging maawain ko, sila ba naawa sakin? Dapat wala na ko pake kung gumapang man yan o ano

Ang Pasko ng Malagasang


It’s the time of the year again.

Kanina, umalis ako ng bahay ng alas-singko ng umaga. Madilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko. de joke lang. Usually kasi gabi ng linggo ako umaalis. Pero ngayon inumaga na kasi tinamad na naman. Usually din sa golden ako dumadaan. Pero ngayon, sumakay ako pa-Imus. Ngayon ko lang ulit nasilayan ang makukulay na pailaw at parol ng Malagasang. Ang nostalgic. It’s been a long time.

Naalala ko nung high school ako, maaga din ang pasok ko nun. Hindi ko nga alam kung paanong kaya ko pa gumising dati na walang alarm clock. Wala pa akong cellphone nun tapos wala naman gigising sakin kasi alas-siyete pa dumarating si ate grace galing sa trabaho. Pero okay pa ang body clock ko nun ah. Bihira lang talaga yung late ako nagigising.

Alas singko pa lang bumibiyahe na ako pa-Bucandala. Malamig ang simoy ng hangin. Lagi pa akong may baon na mani nun kasi ‘pampatalino’ daw, kaya ayun sobrang daming tagyawat at mamantika ng mukha ko non. Hey, at least top 4 ako nung time na yun. Lol.

Pag nasa jeep ako, sa may bintana ako lagi nakapwesto, para makikita ko lagi yung mga makukulay na parol na nakasabit. Kada barangay, iba-iba ang mga pailaw. Paborito ko yung sa Malagasang I-E kasi paru-paro, tas sa I-F naman, kulay lila.

Kailangan bago mag alas sais makarating na ako ng school, kasi kailangan ipasa sa table ni Sir Lagmay yung assignment hanggang 6AM, kahit 10AM pa yung MAPEH time. So pag late ka pumasok, wala ka nang assignment, di na tatanggapin. Yung struggle na tinatapos ko pa sa faculty yung assignment kasi kulang kulang pa. Basta pagdating ng 6 yan, pati ibang section, andun din nagpapasa ng assignment sa MAPEH.

Tapos, aantayin ko pa si JD sa gate ng school. Section C siya non tas ako Section D. Nasa magkabilang dulo ng paaralan ang mga building namin. Nagpapaunahan kami pumasok. Di ko na rin maalala kung bakit. Basta kung sino ang mahuli sa amin, manlilibre. Pero kahit naman ako ang nauuna, ako pa rin ang manlilibre. Oh well.

Tuwing gabi naman, since walang masakyan na jeep pauwi, nilalakad na lang namin. Nadadaanan ko naman ang mga parol na ito sa gabi. Tas magkukuwentuhan habang naglalakad, bubuo ng mga pangarap sa buhay, de joke lang.

wp-15779486646891453596872598688868.jpg

Habang pinagmamasdan ko ang mga parol na ito ay bumabalik sa aking gunita ang ‘old self’ ko. Alam mo yun, payak lang ang pamumuhay. Baon at project lang ang problema. Hindi pa kumplikado ang sitwasyon. Eh ngayon, ano na?