Fears


 

Yung nangyaring pang-aabuso sakin noon, madali naman akong naka move on, kumbaga pag pinag uusapan yun, di naman mabigat ang pakiramdam ko. Pero, palagi ko pa ring napapanaginipan yun, at doon ako nakakaramdam ng takot – na baka maulit yun sakin. Kaya nagiging mapagmatyag talaga ako na hanggat maaari sana nakalock yung bahay, yung di na ko makikita ng kung sino na mag isa lang dito, etc.

Ganun din yung sa bespren ko, (hello kung nababasa mo man to). oo matagal ko na siya napatawad, pero pag napapanaginipan ko rin yung nangyari, natatakot ako na baka may gumawa ulit sakin ng ganun (pagsalitaan ng sobrang masasakit na salita), kaya ang hirap na maging open ulit sa ibang tao.

Ayoko manood ng mga suspense movies kasi ganun lagi ang mga panaginip ko. Either ako ang hinahabol ng something o ako ang humahabol sa something para makaalis sa panaginip na yun. Paggising ko ramdam ko yung pagod.

Nung bata ako, kapag nagigising ako sa madaling-araw, hindi ako nakakatulog ulit. Tapos tititigan ko lang yung mga kasama ko, lola ko, tita ko, pinsan ko, tapos naiimagine ko nun pano kapag nawala na sila. Tapos tumutugtog pa yung radyo nun, mga lumang kanta. Tapos mag-iiiyak nako, hanggang sa magising silang lahat tas patutulugin na ako. Kaya mula nun ayoko na matulog na may radyo. Pero recently lang, natutulog na si anye (pinsan ko) na bukas ang radyo. Kaya heto, bumabalik sakin yung mga alaala. At di ulit ako makatulog.

Advertisements

Protected: Lately


This content is password protected. To view it please enter your password below:

Unang Taon


Continue reading “Unang Taon”