Monthly Archives: Sep 2018

Friends


Ako yung klase ng tao na hindi talaga showy pagdating sa care. Yung tipong di nangangamusta, walang pakialam sa hanash ng iba, parang nakikisama nga lang, ganern. Kasi after nung nangyari samin ng bff ko, sinabi ko sa sarili ko na โ€œYung mga nakakasama mo ngayon, kaibigan mo lang yan kasi palagi kayo nagkikita, pero once na maghiwa-hiwalay na kayo ng landas, di na kayo friends anymore.โ€ Kaya kung mapapansin mo wala na akong nakakausap na kaibigan mula elementary, high school. Mga college friends ko minsan ko na lang din makausap. May mga kaibigan din ako sa work. Pero hindi ako yung tipo na madaling magreach out sa kanila na, โ€œUy, can we talk? May problema kasi alo eh.โ€ Mas madalas sa social media ko lang nailalabas yung mga hanash ko. Sabi ko nga eh pag if ever naikasal ako, wala pala akong maiimbitang kaibigan ko, kasi di ko mai-define yung mga tao sa paligid ko as โ€œkaibiganโ€ talaga. Sorry.

After ng breakup chenes, dun ko narealize na etong mga taong to, kahit never ako nagreach out sa kanila, andyan pa rin sila na kino-comfort ako, kinakamusta, concern para sakin. Malaking bagay na sakin yun kasi akala ko wala lang ako sa kanila, pero naiisip pala nila ako. Nagchachat sila, sinasabi na, ilabas mo lang yan, makikinig kami, weโ€™ll help you to get through this, etc. Yung isa kong co-fan na di naman kami close pero kinocomfort din ako (nakikita niya kasi mga hanash ko sa twitter) na-aappreciate ko yun ng sobra. Salamat kasi kahit paano nararamdaman ko yung care nyong lahat, kahit na feeling hopeless na talaga ako sa buhay ko. Thank you, para sa inyo to ๐Ÿ’‹

090918


Ang dami ko nang naisulat ng draft about dito, pero hindi ko siya mapulido, ang gulo eh. Di ko maisulat ng maayos.

Mag-iisang linggo na since nung hiniwalayan mo ko. Di ko alam kung paano icocompose tong post na to.

Halos lahat na ata ng gusto kong sabihin nasabi ko na. Nababasa mo naman mga tweets ko. Yung mga matagal kong kinimkim mukhang nailabas ko na.

Bat ganun? Ganun lang ba talaga kadali sayo ang lahat? Bakit parang ang bilis, wala na agad akong halaga sayo.

Di ko pa kaya. Malaking bahagi ka na ng buhay ko. Sa isang iglap mawawala lang.

Dati sinabi ko na wag masyado maaattach para pag nawala, hindi gaanong masakit. Pero heto ako ngayon, nalulugmok. Araw-araw paggising ko nagkaka-anxiety ako, ang dami kong naiisip. Puro regrets. Hanggang ngayon pinipilit ko pa rin yung sarili ko sa kanya kahit alam kong wala na talaga. Sabi ko mas madali siguro ako makakapagmoveon kung ipapamukha niya sakin kung bakit. Di ko pa din kasi matanggap eh.

Nawawalan na talaga ako ng gana sa buhay. After nung nangyari, malaking bahagi ng sarili ko ang nawala. As in. Yung dati marami akong goals, ngayon di ko na kaya mag-look forward para gawin pa ang mga yun. Ni hindi na ako makangiti ng tulad ng dati. Gumigising na lang ako para matulog ulit.

Kasi lam mo yun, binigay mo naman yung best ko pagdating sa love, sinusuportahan ko siya sa hilig niya, iniintindi ko siya kung wala siyang time at effort, tanggap ko lahat ng flaws niya, natotolerate ko yung kashitan niya (eto na naman di ko maiwasan ipamukha din sa kanya yung mga nagawa ko sorry). Pero alam mo, di pa rin pala yun yung way para mapatagal yung relationship. Kasi once na marealize niya na youโ€™re not worth fighting for. Wala na. Finish na. Pag napagod na ang puso, di mo na mapipilit pa. Kinulang ka lang ng konti, dun ka pala madadale.

Kung tutuusin mas pabor nga sakin yung wala na kami, kasi di ko na iisipin gabi-gabi kung may kachat siyang iba? Bawas na din yung gastusin ko? Wala na makikipagtalo sakin sa mga desisyon ko? Di ko na poproblemahin problema niya?

Pero ang hirap, di ako mapakali kakaisip kung ano kaya ginagawa niya? Kung kumakain ba siya? Kung anong plano niya? Gusto ko alam ko lahat yun eh. Malaking bahagi siya ng buhay ko eh. Samantalang ako nadispatsa na. Oh well.

Frustration


Continue reading