Frustration


Ang daming dahilan para maging masaya, pero bakit ako hindi ko kaya?

Nababagot na naman ako ng matindi, dahil sa paulit ulit na routine – office – dorm – office, paulit ulit na cycle. Again, hindi toxic at stressful ang environment ko. Pramis, nasisita na nga ako kakalaro sa cellphone at kakalabas ng opisina (pasaway di ba). Sobrang konti lang ng gawain ko ngayon. Pero yun nga, dapat thankful pa ako kasi chill chill lang doon, atleast di ba may trabaho, may sapat na pahinga, pero bat ganon, hindi pa rin ako masaya?

May mga araw na resting bitch face daw ako sabi ng mga katrabaho ko, feeling nila magkaaway daw siguro kami ng jowa ko kaya ako ganon, pero hindi, ok naman kami, wala akong problema, pero bakit di ako masaya?

Madalas sa jowa ko napagbubuntungan yung hinanakit ko sa buhay. Napaka-cold ng treatment ko sa kanya kahit wala naman akong hanash sa kanya. Namimiss ko siya at hinihiling na sana araw-araw kaming magkasama. Pero pag nagkikita naman kami, tinatarayan ko siya o kaya feeling meh pa rin. Yung dati sabi ko okay lang na hindi bongga ang date basta magkasama kami, pero ngayon feeling ko pag kasama ko siya nasasayang oras ko, kasi wala gaanong ginagawa. Dati sabi ko tanggap ko yung mga flaws niya pero ngayon naiirita ako kasi ang bagal niya kumilos. Yung dati sabi ko iintindihin ko siya at sasamahan through ups and downs pero ngayon simpleng inconvenience lang nagagalit na ako agad. Maswerte ako kasi may jowa ako, pero bakit di pa rin ako masaya?

Dahil ba to sa pera? Kulang ang sahod? Yung tipong wala ka nang nabibiling wants, puro needs lang. Yung kahit sobrang tipid ko na (lalo na sa ulam, hinahati ko yung para sa tanghali at sa gabi). kulang pa rin?? Minsan naiinggit ako kay jowa kasi bat ganon nabibili niya luho niya, pero bat yung mga gusto ko di ko mabili?

Dahil ba to sa time? Kasi mula umaga hanggang gabi nasa opisina lang ako, pag weekends naman kailangan nasa bahay ako. Ang dami ko gustong gawin o puntahan pero di ko magawa kasi wala akong panahon.

Dahil ba to sa wala akong ibang mapagkwentuhan? Wala akong kaibigan? Walang mapagbalingan.

Mababaw lang yung problema ko kung tutuusin. Sabi nga ni Ate Jen kailangan ko lang ng bagong paglilibangan (Part-time Job, etc.) Sana di ba maranasan ko man lang atleast once a week na maging makabuluhan ang existence ko. Hays

———-

Relationships should make you feel secured, but why I can’t feel it? Idk I feel there’s something he do behind my back, that’s why I tend to be cold and to not care at all.

Trust issues? Siguro. Kaya everytime na nababalewala ako, ang unang pumapasok sa isip ko, wala eh nasa ibang tao na ang atensyon niya. Dahil dun nagiging insecure ako. Am I not good enough?

Pero lam mo yun, kahit parang pabigat na tong relationship na to, gusto ko pa rin ilaban. Mahal ko eh. Hindi ko kaya ng wala siya. Sa kanya pa rin ako humuhugot ng strength, ng happiness. Hindi sa ibang bagay, kundi tanging sa kanya lang.

One thought on “Frustration

  1. Siguro nagsasawa ka lang sa environment mo kase paulit ulit nalang ginagawa mo. Try mu gumala with boyfriend sa weekend para mawala din stressed mu

    Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.