Ako yung klase ng tao na hindi talaga showy pagdating sa care. Yung tipong di nangangamusta, walang pakialam sa hanash ng iba, parang nakikisama nga lang, ganern. Kasi after nung nangyari samin ng bff ko, sinabi ko sa sarili ko na βYung mga nakakasama mo ngayon, kaibigan mo lang yan kasi palagi kayo nagkikita, pero once na maghiwa-hiwalay na kayo ng landas, di na kayo friends anymore.β Kaya kung mapapansin mo wala na akong nakakausap na kaibigan mula elementary, high school. Mga college friends ko minsan ko na lang din makausap. May mga kaibigan din ako sa work. Pero hindi ako yung tipo na madaling magreach out sa kanila na, βUy, can we talk? May problema kasi alo eh.β Mas madalas sa social media ko lang nailalabas yung mga hanash ko. Sabi ko nga eh pag if ever naikasal ako, wala pala akong maiimbitang kaibigan ko, kasi di ko mai-define yung mga tao sa paligid ko as βkaibiganβ talaga. Sorry.
After ng breakup chenes, dun ko narealize na etong mga taong to, kahit never ako nagreach out sa kanila, andyan pa rin sila na kino-comfort ako, kinakamusta, concern para sakin. Malaking bagay na sakin yun kasi akala ko wala lang ako sa kanila, pero naiisip pala nila ako. Nagchachat sila, sinasabi na, ilabas mo lang yan, makikinig kami, weβll help you to get through this, etc. Yung isa kong co-fan na di naman kami close pero kinocomfort din ako (nakikita niya kasi mga hanash ko sa twitter) na-aappreciate ko yun ng sobra. Salamat kasi kahit paano nararamdaman ko yung care nyong lahat, kahit na feeling hopeless na talaga ako sa buhay ko. Thank you, para sa inyo to π