First Love


If it wasn’t for you, I will never be who I am.

Kakapanood ko lang kasi nung pelikula ni Aga at Bea, haha. Wala lang naalala ko ulit si Jun Pyo. Hello, kung asan ka man, haha. May kanya-kanya na tayong buhay, wala na rin akong naaalala na any memories about satin, pero I’m grateful kasi ikaw ang first love ko hahaha kahit unrequited lang to. Dahil sayo marami akong natutunan (may positive effect naman ang paglalandi in fairness). For the past 3 years na kasama kita eh naranasan ko kiligin in simplest ways, natuto ako tanggapin yung flaws mo, and I learned to give love and care na walang inaantay pabalik, somehow that was everything. Yun yung naging pillar ko nung nagkaroon ako ng legit na relationship hahaha! Kung di ikaw yung naging 8-year crush ko malamang mas lalo akong patapon ngayon haha. Naimpluwensyahan mo ako na mag-aral ng mabuti kahit tamad na tamad ako gumawa ng projects, sumali sa mga extra curricular activities at muntik-muntikan na sana maging engineer haha thanks to you! Naaalala ko nun pag sobrang negative ko mag-isip ikaw lagi sumasalba sakin eh πŸ™‚

Di ako naniniwala sa reincarnation pero kung totoo man, sana sa susunod nating buhay baka naman pwede na tayong magkatuluyan. Hahahahahaha uyy umaasa pa din

Lotto


Isa ako ngayon sa libo-libong nangangarap at nagbabakasakaling manalo sa lotto. 1B na ang premyo, sana ako na ang maging real life na Pepito Manaloto.

Alam ko maraming mas deserve na makakuha ng jackpot. Di naman na kami naghihikahos na tulad ng dati, meron na akong trabaho, though maliit lang ang sahod eh nabubuhay naman ako, patay nga lang ang puso, charot.

Ano nga ba ang gagawin ko sa isang bilyon? Di ko rin alam kung paano gastusin ng tama. Sabi ko dati pag marami na kong pera siguro magiging masaya na ako. Pero nung na-brokenhearted ako, eh di ko na kaya maging masaya ulit na tulad ng dati. Pero ikaw ba naman di ka pa ba magiging masaya kung mananalo ka ng ganun kalaki? Aba ang ungrateful ko naman non (sos kaya ka iniiwan eh.)

So ang naisip ko, i-invest ko na lang sa Stock Exchange? Di kasi ako marunong maghandle ng negosyo, baka masayang lang pag dun ko inilaan. Alam mo, gusto ko pa naman magkaroon ng maraming business – franchise ng computer shop, pa-print-an ng thesis paper ng mga nagkokolehiyo, kainan na bukas 24 oras para may makainan yung mga tao pagtapos mag-inom, atbp. Eh kaso nga ang lungkot lungkot ko ngayon, nawalan na ko ng gana sa mga ganyang bagay.

Pag okay na siguro yung bahay, sasakyan, negosyo, saka ko na iiwanan yung mga kamag-anak ko. Hahahaha. Totoo. Maglilibot-libot na ako sa iba’t ibang bansa, bahala na kayo sa buhay nyo, di na ko uuwi.

Tas manonood nako ng Reputation Tour sa Japan. Oo, magbabakasyon ako ng isang taon sa Japan. Lahat ng mga nakikita ko sa komiks at cartoons gusto ko sila makita lahat.

Matutupad na yung pangarap ko na tuklasin ang mundo, lakas maka-Magellan. Ang saya kaya, marami ka makikilalang tao, marami kang makakain, marami kang matututunan sa bawat lugar na pupuntahan mo. Di bale na wala kang kaibigan at walang lovelife no, haha.

Alam mo, habang tumataya ako kanina, ang nasa isip ko, pag nanalo kaya ako, pwede ko bang bilhin yung pagmamahal ng ex ko? Kahit yung mabawi ko lang siya, makukuntento na siguro ako. Dati nangangarap kami na mag-a-out of town na magkasama, ngayon pangarap na lang talaga. Heto na naman ako sa mga pag-iisip ko, nagmumukha na naman akong desperada. Malabo namang mangyari. Hays.

100 Awit Para kay Ebong


100118


Sinabi ko makakaahon din naman ako, di pa nga lang ngayon.
Baka tulad uli nung kay Jun Pyo, walong taon uli bago ako makamoveon.

Ang nakikita nila lumevel up ako, naging mas fierce. Pero ang di nila alam, sa likod nun, yung ako na parang patay na. Yung gumigising ako araw-araw na mabigat ang pakiramdam kasi, “I wasn’t enough” eh. Yung wala na akong gana maging masaya, walang gana kumain, yung nakatulala lang. Ilang buwan ko na ding pinagdadaanan to.

Tas siya? Ayun masayang kausap yung iba. Walang bakas ng panghihinayang o regret. Yung kulang na lang sabihin niya na “Yes! Wala ng Shaira sa buhay ko” ganun. Gusto niya marealize ko yung kawalan niya, pero siya mismo di narealize yung worth ko. Ayos di ba? Naiisip ko, bukambibig mo rin ba kaya ako sa iba tulad ng pagbukambibig mo sakin tungkol sa ex mo? Sa pagkumpara mo sakin sa iba pang babae sa buhay mo?

Ako yung nanlamig, pero in the end siya talaga itong na fall out of love. After makipagbreak wala pang balak magpakita, kung hindi pa ako ang unang gagawa ng paraan para ma-closure to. Nagkulang lang ako ng konti, ayun nag lean on na agad sa iba. Ang sakit nung sinabi niya na sinugar coat niya lang yung naging relationship namin. Kaya pala di ako naniniwala noon sa mga i love you, i miss you niya. Kasi pinagtiyatiyagaan lang ako. Kasi ako lang yung umiintindi sa kanya nung time na yun. Eh ngayon meron nang panibago, kaya heto ako tinapon na lang ng basta basta.
Naabot ko na kasi yung limit ko sa pagtotolerate ko. Lagi ko na siya kinokontra sa mga gusto niya, eh yung gusto niya yung taong susuporta sa kanya throughout this shit, which is again nahanap na agad sa iba, e di ligwak na talaga ako.

Pero di niya narealize, kung ilang beses ko siya inintindi. Mas marami akong dahilan para iwan siya, pero i chose to stay, kahit minsan di ako masaya. Kahit madalas nahihirapan ako. Tinanggap ko lahat sa kanya kahit nakakababa ng pagkatao ko (well una na dyan ay yung pagiging rebound kay emily), I stay nung mga panahong walang-wala siya, I stay kahit minsan confused siya sa feelings niya para sakin, I stay kahit ang clingy niya sa mga kaibigan niyang babae at nagseselos ako hahahaha. I stay kahit alam kong bubuhayin ko siya balang araw. I stay kahit inayawan na siya ng mundo. Pero bakit ganun? You still left.

Ako ba yung nawalan ng gana? Kung hanggang ngayon mas iniisip ko pa rin siya kesa sa sarili ko? Hanggang ngayon nag aalala pa rin ako kung ano na ang sitwasyon niya? Na paano kung makaramdam na naman siya ng sobrang kalungkutan at hopelessness? Pano kung walang umintindi sa kanya? Kahit sinabi na nilang lahat na mag move forward na ako sa buhay ko, I still look back to him, I still care for him silently, kasi di ko kaya na pabayaan siya ng ganun ganun lang, di ako katulad ng ex niya. Bawat minuto siya pa rin ang iniisip ko. Pero siya di man lang niya ako naiisip hahaha nu ba yan. Di ako sweet, di ako nagsasabi ng i love you, pero mahal na mahal kita na higit pa sa pagmamahal na binigay sayo ng mga ex mo hahahaha di mo na mahahanap yung ganun sa iba pramis. Eh kaso ibang way of love ata gusto mo eh, hindi yung sakin na puro actions lang at walang words.

Pero kung tatanungin mo ako kung gusto ko pa rin siya balikan? Hmmmmm…

Wala pa rin namang magbabago. Wala pa rin akong tiwala sa kanya. Kung babalik kami sa dati malamang magiging malamig pa rin ako. Ikaw ba naman lagi ka na lang kinukumpara sa ibang babae hahahaha wala maiinsecure pa rin ako, magiging pessimistic pa rin ako.

Mahal ko pa rin ba siya? Oo naman. Yung tipong kapag nagkatotoo yung panaginip niya, ganun pa din ang gagawin ko – pag naaksidente siya idodonate ko pa rin yung organ ko sa kanya. Ganun ko pa rin siya kamahal kahit di na siya ganun sakin haha

Yung mga chat niya pa rin ang nagpapangiti sakin, siya pa rin yung iniisip ko buong araw. Siya pa rin yung gusto ko makasama habang buhay kahit ginagago niya lang ako hahahahaha

Kung ibabalik ko lang yung panahon sana pala hindi ko na tinuloy yung pakikipagchat sa kanya noon, kasi eto lang pala gagawin niya sakin, pampalipas oras lang.

De seryoso, ayoko na ulit ma-attach sa ibang tao na ganun katulad nung sa kanya. Ayoko na ulit magkajowa haha sana talaga manalo na ko sa lotto para makapag travel na ko mag isa at hindi magmukmok dito.