Panaginip Lang~

(image source)

(originally posted by January 16, 2015)

NAPAPANAGINIPAN ko palagi na magkahawak ang mga kamay namin nung kakilala ko. ganito ang mga nangyari:

* NOVEMBER 20, 2014 – nung unang beses ko siyang napanaginipan, niyaya ko daw siya na mananghalian, nakaupo siya sa bench tapos ako naman nakatayo. tinatamad siyang tumayo nung time na yun kaya ang ginawa ko e hinila ko siya, hinawakan ko yung kamay niya para mahila siya. diba usually pag hinihila mo ang lalaki (oo lalaki yung napapanaginipan ko), sa braso mo siya hahawakan diba? pero yung sa panaginip kong yun, as in sa kamay ko talaga siya hinahawakan. sa waking life ko naman di ko siya hinahawakan ng ganun, kasi baka isipin niya FC ako (oo di naman ako masyadong close sa kanya, medyo lang) so nung napanaginipan ko yun nagtaka na agad ako.

* NOVEMBER 25, 2014 – yung pangalawa naman, naalimpungatan daw ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang makita ko siya, nakahiga din sa tabi ko, at tinititigan lang ako. tinanong ko siya, โ€bat nandito ka?โ€ ngumiti lang siya, napangiti din ako. tapos ay hinawakan ko yung kamay niya at natulog na daw ulit ako. muli, akoโ€™y nagtataka sapagkat sa panaginip kong yun ay katabi ko siya sa kama, at hindi man lang ako nagprotesta (?) di ba kung totoo mang nangyayari yun ako ay magugulantang talaga. Haha

* JANUARY 15, 2015 – wala nakong masyadong matandaan sa panaginip ko, but one thing is for sure, nandun siya sa panaginip ko, tapos holding hands kami xD nakakaloka, hindi po ba?

‘Magkahawak ang mga kamay
Magkasabay sa lakad ng buhay
Ang araw at ang buwan na ang nagsasabing
Ako’y sa’yo lamang at
Ikaw ay para sakin lamang
Parang panaginip lamang’

Ang napansin ko lang sa mga panaginip ko, ako lagi ang nag-iinitiate ng action, i mean ako yung humahawak sa kamay niya, so what does that mean? tinanong ko ang mga kaibigan ko:

– sabi ni Mich: “Part of you doesn’t want him to go, or yung tipong ayaw mong malayo sa kanya.”
– sabi ni CJ: “One day he’ll seek for your help. Then yun tutulungan mo siya. Kung ano yung nangyari sa panaginip, yun din ang mangyayari sa totoong buhay.”

napasearch din ako sa google kung anong ibig sabhin ng mga panaginip kong ito, at eto ang sabi:

– To see holding hands with a known person signifies that you are searching for a trustworthy fellow to confide your fears and secrets.
– In a dream you might see yourself holding hands with someone – this reflects your attachment to that person and the will to keep them close to you at all times.
– To dream that you are holding hands with someone represent love, affection and your connection with that person. Your dream may also reflect anxieties about losing touch with her/him or that you are drifting apart.
– Holding hands with a guy friend symbolized your hope that your closeness together would turn into a relationship.
– Dream of holding hands with someone is usually a good omen indicating that the dreamer will get the attention or love of the opposite sex. For a single person to dream of holding hands with a friend of the opposite sex, heralds that the dreamer will soon fall in love or have good luck in acquiring new skills or knowledge.

๐Ÿ˜ฎ siguro yung number 1 yung pinaka closely related sa situation ko, kasi nung una ko siyang nakilala sabi ko โ€œgusto ko na maging close kami. Yung close talaga ahโ€ ๐Ÿ™‚ย tsaka di ko naman crush yung taong yun nu, loyal ako kay JD. Hehe

*March 15, 2015. Napanaginipan ko ulit na hinawakan ko nanaman yung kamay niya. Wala akong ibang natatandaan na iba, basta hinawakan ko kamay niya nun.

*April 29, 2015. Waaaaa napanaginipan ko nanamang hinawakan ko yung mga kamay niya!ย waaaaaaaaaaa
Ganito yun, nagpapraktis daw kami para sa folk dance na hindi ko alam kung anong tawag dun, tapos ayun, kasama sa sayaw yung paghawak ko sa mga kamay niyaย :3 binubulong ko nga sa sarili ko nun, “sana naman purihin mo ang mga malalambot kong kamay hahaha” e kaso wala e, seryoso siya sa pagpapractice ๐Ÿ™‚

*November 12. 2015. Nanaginip nanaman po ako neto. Nakaupo lang kaming dalawa, tapos sabi niya, “akin na nga kamay mo,” tapos inabot ko. Akala ko may ibibigay siya na kung ano, yun pala hinawakan niya ko. (In-interlace niya yung kamay niya sa kamay ko, parang ganun). Ang weird ulit. Matagal-tagal na yung huli, tapos siya na yung nag-initiate ng action ngayon, haha.

*December 08, 2015. wala lang nakaupo lang kami nun, di ko na matandaan yung iba. Di ko naman hawak yung mga kamay niya. Pero nakasandal ako sa kanya. Hahahaha #landeeeee

*December 11, 2015. Napanaginipan ko nanaman, nakahawak siya sa kamay ko. Dahil nga pasmado ako, dumudulas yung kamay ko kaya napapabitaw ako. Pero ang kulit kulit niya nun, hinahawak niya ulit pabalik yung kamay ko. Tinginan lang kami nun, sabi ng mata ko, “Bitawan mo na ako :)” (Pabebe) sabi naman ng mata niya, “Ayoko nga.” landi namin dun hahahaha

*December 25, 2015. Merry Christmas! So umaga nako natulog neto. Ang panaginip ko naman, nasa isang klasrum kami (di ko alam kung saang eskwelahan eh) tapos nandun si Mam Thea, pero ang subject namin, Phillippine History (throwback 1st sem) tapos pinagagalitan niya kami kasi di pa nakakapagsimula ng research (pero ang teacher ko dun, si Mam Mabel) Habang sinisermunan kami ni Mam, magkahawak yung mga kamay namin hahaha! Bale ganito yung pwesto namin: Mga kaklase kong girls sa kaliwa, tapos ako, tapos bakanteng upuan, tapos siya, tapos sa kanan niya yung mga kaklase ko namang lalaki. Nakalapag yung kamay ko dun sa bakanteng upuan tapos yun hinawakan niya. Andun lang yung mga kamay namin sa upuan. Pero di naman ako nakararamdam ng kilig nun. Wala lang, hinahayaan ko lang siya. Hihi.

*December 30, 2015. Ang highlight ng panaginip kong ito ay nung nalaman kong 65 daw yung grades ko, so habang pinipirmahan ko yung grades ay magka-HH kami. Infairness ha nauumay nako.

*February 1, 2016. Nasa mall kami, kakatapos lang mananghalian sa isang sikat na fast-food chain, umiinom kami nung softdrinks. Hahaha. Kasama namin yung mga kaibigan niya, tapos nagyayaya na kaagad siya umuwi, tanghali pa lang. Sabi ko, ‘Himala! Aga pa ah!‘ Sabi niya, ‘Pagod nako.‘ Di ako naniniwala haha, ‘Ikaw pa ba? Ikaw pa?‘ Sabi ko ayoko pa umuwi, eh kaso pagtayo niya, isinama niya na ako palabas. Ano pa magagawa ko? ย Di ko sigurado kung hawak niya yung kamay ko nung time na yun. hahahaha.

*February 20, 2016. Andami naming ganap sa panaginip ko, tapos ang daldal ko dun hahaha ๐Ÿ™‚ at yun nga hawak niya yung kamay ko. Nakalimutan ko na agad yung iba eh, basta ang natandaan ko na lang eh nung nakita ni ateng na magka-HH kami, bumitaw ako. Nakakahiya eh.

*July 31, 2016. Sabi ko noon, ayoko na siyang mapanaginipan, kasi ayoko nang magkaroon pa ng deep feels sa kanya eh, nasasaktan lang ako palagi, kaso heto, meron nanamang panibago!ย Hindi ko alam kung saang lugar kami naroroon, basta ang ganap nun eh gusto niya na raw umuwi, sinisipon daw kasi siya. Sabi ko naman, “Hindi naman nakamamatay yung sipon. Maya ka na umuwi.” Pero nagpumilit siya kaya sabi niya ihatid ko daw siya sa may gate (ako yung babae pero ako yung naghahatid, talaga ba). Nagpaalam na ako sa kanya, pero hinawakan niya yung kamay ko at saka isinayaw niya ako, El Bimbo to be exact! Pak Ganern! Ang baduy di ba. Halos kapareho pala ito ng scene sa panaginip ko nung Feb. 1.

* October 18, 2016. Di ko na natatandaan yung mga eksaktong kaganapan, pero alam ko hawak hawak ko nanaman yung kamay niya sa panaginip ko. Hahahaha landi ko talaga.

12 times na ito. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako kung bakit may mga ganitong kaganapan!

‘I’m ready for this, there’s no denying
I’m ready for this, you stop me falling
I’m ready for this, I need you all in
I’m ready for this, so darling, hold my hand’

(image source)

totoo ba ito? miss mo ba ako? *pabebe wave*

PERO SA TOTOO LANG, yung sa mga nauna kong panaginip, wala naman siya sa isip ko eh. Pero yung mga huli naman, medyo crush ko na kasi siya, kaya siguro nagttrigger yun para magkaroon ako ng ganyang mga panaginip tungkol sa kanya. May mga nadidiskubre kasi akong mga bagay bagay tungkol sa kanya, at ugali niya na siyang nag-uudyok sa akin para maging crush ko siya,kahit hindi pwede ๐Ÿ˜ฆ

Ayon nga pala sa napag-aralan ko sa psych, sabi ni kumpareng Sigmund Freud (Psychoanalysis/Psychoanalytic Theory) na ang mga panaginip ay isang manifestation ng mga hidden desires natin, na posibleng repressed memories natin noong tayo ay bata pa. Kaya sa tingin ko, sabi ng subconscious mind ko, gusto ko siya. Pero yung conscious mind ko naman, no feels sa kanya ๐Ÿ™‚

Nung isang araw nga na nagkita kami, gusto ko sanang tanungin siya kung may weird bang mga pangyayari sa buhay mo, like ‘napapanaginipan niya rin ba kaya ako? Umaasa lang ako na, malay mo may sparks pala kami. pero wag na kasi sasabihin niya nanaman: “Ang ganda mo ha!” Sarcastic pa naman yung hayop na yon.

Ang masaya rito, ikinuwento ko na sa kanya ito. Pero di niya pa rin knows siya pala yung napapanaginipan ko.

Napanaginipan ko pala na ni-like niya na ang post na ito. Nataranta ako hahaha! Akala ko naman gumawa talaga siya ng wordpress account. Buti na lang panaginip lang. Nakakaloka

May mga pagkakataon na napapanaginipan ko siya na hindi ko nahahawakan yung kamay niya. It’s either kumakain kami, or magkagalit kami (yesss, kasi kahit sa panaginip nagagawa niya akong linlangin kaya nabi-beastmode ako)

Tapos, the more na binabasa ko itong post na ito, the higher the chance na mapapanaginipan ko siya sa pagtulog ko. Kaya di ko na talaga ito babasahin ulit pagkatapos kong mag-edit. Nauumay na rin kasi ako sa mga ganitong kakemehan (pero pag nananaginip naman tuwang-tuwa ako. Ang landi.)

Ayoko talaga ng ganito eh pinapaasa lang ako ng mga panaginip ko na may forever! HAHAHAHA

‘Magkahawak ang ating kamay
at walang kamalay-malay
na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay’

Lalalala ๐ŸŽค
charot

* Pag ini-edit ko to pinapalitan ko rin yung published date kasi ang hirap mag-scroll eh haha *

** Hindi GG ‘tong post ko ah. Nangyayari talaga ito sa tunay na buhay! **

*** credits to the owners of the photos used above ***


NOTE: (as of December 2016)

mukhang hindi na madudugtungan pa ang post na ito ๐Ÿ™‚ wala na akong connection dun sa taong napapanaginipan ko lagi, hiwalay na ang aming mga landas ๐Ÿ™‚ yung crush feels ko sa kanya nag-fade away na lang din. So, this is the end?

The End na nga…..

Advertisements

43 Replies to “Panaginip Lang~”

  1. Hi thank you so much for following eighteenandbeyondblog you don’t know how much it means to me, and for that i followed you back as well. Ps it’s a good looking blog, keep it up. Have a nice day xoxo Aries Eli

    Liked by 1 person

        1. Naka-featured siya pero sa phone kasi ako madalas nagwowordpress, yung mga posts dun naka-arranged sa petsa, kung ano yung pinakabago :”

          Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s