soml


Sabi ko sisipagin na ko e, kaso nung dumami workload ayan wala na ulit. Isa-summarize ko na lang. What happened in the past few months? Ang huling update ko ay July, nagkasakit ako ng malala. Hindi yon COVID. July 18. Nag-dagat kami sa Tanza. Matagal na pala pinlano ng mga chaka magbeach, ako lang ang … Continue reading soml

we don’t blog anymore~


Hi, kilala nyo pa ba ako? Charot. Hi guys. Wala yung boss ko at ilan sa mga katrabaho ko, may out of office work sila. Wala pa naman akong pending. Naalala ko lang, may blog pa pala ako? hehe Ang last update ko ay... July 2021... ngayon ay.. March 2022... Ano bang nangyari nung mga … Continue reading we don’t blog anymore~

weakshit


May COVID na ata ako. Charot. Hindi pa rin ako navavaccine-an. Dapat nung lunes e kaso ang biglaan magtext ng Manila LGU, di keri na pumila ako ng lumuwas ako ng maaga. Anyway ayon lately madalas ako magkasakit. Work from home naman ako lagi, pero sakitin ako hahaha. Pre-pandemic pangmalakasan ako e, nakikipagbardagulan sa MRT, … Continue reading weakshit

module


Kahapon, nagpatulong yung kapatid ni jowa sa module, kasi ngayon na yung submission. Tapos tiningnan ko, ABA NAWINDANG AKO. BAKIT GANITO NA YUNG PINAG-AARALAN NG MGA ESTUDYANTE NGAYON. Sabi ko, writer yung profession ko pero nahihirapan ako sa mga tanong na ito. Grade 10 pa lang yun, pero bakit ganito yung mga topics? Di ba … Continue reading module

anniversary


"I think I've seen this film before," https://youtu.be/odbEIXJKb0I Nung nasadlak tayo sa ECQ last year, maraming plano ang napostponed, kung hindi man tuluyang nakansela. Tapos sa loob ng ating mga tahanan nangangarap tayo na "After lockdown/COVID, we can do this and that, makakapagparty na tayo sa BGC, makakapagtravel na, we can finally hug our loved … Continue reading anniversary

drivers license


  Back to hanash blogs tayo! Umalis si Don2 ng alas-dose ng madaling-araw. Pipila daw siya ng ganung oras para sa driver's license niya. Nakakaloka sabi ko bat ganon kaaga? Hala? Sabi niya 70 lang daw ang ineentertain kada araw. Kaya paunahan makakuha ng slot. Grabe ano, di ko alam kung dito lang ba sa … Continue reading drivers license

long story short


Forty two days na rin pala. Feeling ko eto na ang tamang tiyempo. Earlier December 2020, kinoconceptualize ko na yung year end hanash blog ko (yes it's been a tradition since 2015? 2016? na may wrap up summary post for the year, tas kasama na dito yung year end top 20 playlist ko.) Kaso nagpalit … Continue reading long story short

Bagyo


Habang nanonood ako ng balita, hindi ko maiwasang manlumo sa mga nakikita ko, na mas malala pa kesa sa naramdaman ko nung tumama ang typhoon Rolly. During that time, parang halos lahat ay prepared, magdeclare ba naman ng signal no 5 e, sino ang hindi matatakot. Pero kahit naman anong paghahanda mo, hindi mo naman … Continue reading Bagyo

Dormhub


February 25, 2019 nung napagdesisyunan namin ng mga katrabaho ko sa ABS na magsama sama at umupa ng isang kwarto.July 26, 2020. Mahigit isang taon din. Kinailangan na naming iwan ang buhay dorm.Actually dapat matagal na ako umalis, nung lumipat pa lang ako ng work eh. Pero attached ako sa mga tao sa dorm kaya … Continue reading Dormhub

Graduate na si Anye!!!!!


Hindi maganda ang kapalaran ng Batch 2020 ngayon dahil sa COVID-19. Isipin mo yun, kalagitnaan ng 4th quarter. Nagkakandaugaga ka sa mga final projects, thesis, theater play, at iba pa. Tas isang araw hindi na lang kayo papapasukin dahil sa lockdown. At natapos ang school year ng ganun ganun lang? Walang periodical exams. Walang clearance. … Continue reading Graduate na si Anye!!!!!

Araw ng Kalayaan


The New Normal Diaries #1: COMMUTE (Di ka lang cute, mas lalo ka pang.....) June 12, 2020. Araw ng kalayaan. Araw ng paglaya. After 3 months ng pagkakakulong ko sa bahay. Sa wakas. Nakalabas na rin ako ☺ Sinakto ko today kasi una long weekend, wala akong pasok, plus holiday kaya hindi naman siguro matao … Continue reading Araw ng Kalayaan

Bilanggo: The COVID-19 Pandemic Hanash


Ang tagal na netong nasa draft. Diary. April 13, 2020. Sabi ko magpopost ako ng blog about sa lockdown na to nung March. Kaso naextend. Tinamad na ako hahahahahah So ayun nga ano, natigil ang mga buhay natin pansamantala dahil sa pandemic na ito. Ikukuwento ko kung ano ang mga nagaganap sa buhay ko sa … Continue reading Bilanggo: The COVID-19 Pandemic Hanash

Hindi pa Thursday pero gusto ko nang mag-throwback


Gumamit tayo ng mahabang title para appealing tingnan. Charot. Dahil sa lockdown hanash na yan ay nagpaparamdam na naman sakin ang nakaraan kalungkutang itatago na lang natin sa pangalang depression kaartehan. So ayun super creative block na naman si ako. Nahihirapan akong magtrabaho. Haha. Sabi ko after ECQ parang ang sarap mag-resign. Well saka ko … Continue reading Hindi pa Thursday pero gusto ko nang mag-throwback

Spoliarium


“You will forget about your dreams when real world crushes it right before your eyes.”

🌑

Taray, may movie review ulit!!

lizquenmovie-alonetogether1Sometimes, the good memories that turn into regrets are best left behind.

So heto na nga, pinanood ko yung Alone/Together. Napuwing lang ako ng very light. Hahahaha. Nakikita ko yung sarili ko sa mga katangahan ni Tin (Liza Soberano). Yung nangyayari sa kanya dun, medyo nangyayari na sakin in real life. Di to about sa love, pero yung mismong life choices niya, dun ako naka-relate.

Bihira lang ako manood ng pelikula. Di ako madaling ma-hook up or makuha ang atensyon. Ewan ko. May mga romance movies na nababagot ako pag pinapanood kaya di ko natatapos. Pero etong Alone/Together, and the rest ng Black Sheep films, gusto ko, dahil sa realistic approach nila. Dati lagi lang natin sinasabi na, may mga bagay na imposible, na sa pelikula lang nangyayari, pero etong mga pelikula ngayon, may mga ganung scenario talaga sa buhay natin, may mga ganun…

View original post 980 more words

Draft


"Nagiging ‘tapat’ ka lang ba sa tuwing pagkakamali ‘yung inaamin? Ang unfair naman nito sa mga gumagawa nang tama. ‘Pagmamayabang’ na kasi ang tawag kapag sinasabi mo 'yung huli." "Bakit tinatakasan mo? Bakit nilalayuan mo? Alam mo naman kung ano ang gagawin eh. Hindi mo lang ginagawa. Ang taas kasi ng pride mo. Naniniwala ka … Continue reading Draft

Nobela


In speaking of libro, nabasa ko yung mga sinusulat ng kaibigan ko. Ang ganda, naka-book style na siya. Pero hindi siya fiction or novel. Mga random thoughts niya lang din. So naisip ko, dapat pala iready ko na din yung book version ng blog ko. Haha. Dapat gawaan ko na ng word document, tapos sasalain … Continue reading Nobela

Character Development


Kung magiging pelikula, or libro, or teleserye ang buhay ko, eto yung chapter o episode na lalaktawan mo. Eto siguro yung bahagi na makakatulugan mo. Haha. Isipin mo yun, ang ganda ng simula! Isang batang maagang naulila, nawalan din ng lolo at lola, nahiwalay sa mga kapatid, hikahos sa buhay, pension ng sss lang ang … Continue reading Character Development

Iba’t-ibang Hanash


Sinisiguro ko lagi na ma-laman yung bawat sinusulat ko. Parang burger lang yan. Ayokong pag kumagat ka puro tinapay lang ang nakakain mo. Ang dami kong pinagsususulat recently (kaya pasensya na kung flooded kayo masyado) tapos napagdesisyunan ko na i-compile na lang sa iisang post lahat, since maiiksi lang naman yung iba. 1 Alam mo … Continue reading Iba’t-ibang Hanash

29th of February


Wag ka nang magtaka kung bakit History ang favorite kong subject. I'm so good at looking back through the past! Char! Heto na naman tayo sa segment na kung saan mapagtatanto ko na naman ang mga bahagi ng aking nakaraan, hey this isn't bad. Para lang akong share ng share ng on this day sa … Continue reading 29th of February

Alpha type


SKL: Ni-release ni Taylor Swift ang music video para sa "The Man". I've never been so relate to what's happening, kasi hey, ganon ang realidad, estado ng kababaihan sa lipunan. Hindi ako nagpapaka-feminist or man-hater pero reality lang tayo dito. May mga bagay na pag ang lalaki ang gumagawa, acceptable. Pero pag babae, ang daming … Continue reading Alpha type

Master of Arts in Housewifing


Last year pinag iisipan ko na kung kukuha ako ng Master's. Kasi kung napapansin mo, mapurol na ang lapis ko - hindi na ako bida bida na katulad noong college days ko, hindi na ako tulad nung dati na bibo-bibo magsulat sa blog at sa work. Ngayon ako na yung pabigat sa lahat hahahahaha malayong-malayo … Continue reading Master of Arts in Housewifing

Plastikada


Ngayong buwan ay inimplement na ang pagbabawal ng paggamit ng single-use plastic sa aming opisina. Samantala, noong nakaraang buwan naman ay dumalo ako sa screening ng "The Story of Plastic" sa UP Diliman, kung saan tinalakay ang pinagmulan at patutunguhan ng mga plastik. Parang kahit saan may plastik. Kahit yung panghilamos mo sa mukha, may … Continue reading Plastikada

#Unbothered


This is my worst habit - yung paglalakad. I mean, hindi naman masama ang maglakad. Pero kasi ako, kahit gaano karami ang pera ko, kahit anong oras ako abutin, kahit pagod na pagod na ako, maglalakad pa rin ako, instead na sumakay ng tricycle. Eh madalas ang dinadaanan ko eh madilim, hindi matao, tas alanganing … Continue reading #Unbothered

Dorm


I think it's about time. Mag-iisang taon na akong nagtatrabaho sa Manila, pero sa QC pa rin ako umuuwi. Isang oras papunta, dalawang oras pauwi, kasi wala ako masakyan. Kaya hindi pa ako lumilipat kasi mas mura yung binabayaran ko dito ngayon, kumpara doon sa lilipatan ko malapit sa opisina. Alam mo ngayon ko lang … Continue reading Dorm

Ashfall


Nasa Sta. Mesa ako nung mabalitaan ko to. Akala ko normal na activity lang yung nangyayari, hanggang sa nagchat na si Don na umuulan na rin ng abo samin. Syempre kinabahan ako, bakit umabot hanggang doon yung abo? So malala na pala yung nangyayari sa Taal? Alas kwatro pa lang pero ang dilim dilim na … Continue reading Ashfall

Wala na akong pake.


Hindi talaga ako mahilig magbasa ng libro, alam mo ba, bilang lang ang tinapos ko. Puro history/philosophical books pa ang binabasa ko non. Heto ang sagot sa lahat ng mga insecurities ko sa year end blog post ko. Someone recommended me na basahin ito. Ang dami na nagsabi na basahin ko to pero hindi ako … Continue reading Wala na akong pake.

The 2019 Year End Accomplishment Report


Recap to my previous year-enders: 2017 - Plot Twist ng 2017 2018 - Thank u, next https://youtu.be/L8VyAzDA5so It was the end of a decade, but the start of an age. Yung unang plano ko dyan dapat powerpoint presentation eh HAHAHAHAHAHA tsaka pang-malakasan na yung mga title natin ngayon mumsh. So ayun po ano, welcome to … Continue reading The 2019 Year End Accomplishment Report

Ang Pasko ng Malagasang


It's the time of the year again. Kanina, umalis ako ng bahay ng alas-singko ng umaga. Madilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko. de joke lang. Usually kasi gabi ng linggo ako umaalis. Pero ngayon inumaga na kasi tinamad na naman. Usually din sa golden ako dumadaan. Pero ngayon, sumakay ako pa-Imus. Ngayon ko … Continue reading Ang Pasko ng Malagasang

Layp hanks


(Life hacks) Alam mong tumatanda ka na pag nangongolekta ka na ng mga discount card. Hahahahaha So far eto na yung nakukuha ko: SM Advantage (expired na) Robinsons Watsons Mercury Drug HappyPlus 24k Plus Palawan Sukicard Cliqq Puregold (expired na rin) Timezone Powercard Tapos ipromote ko lang tong mga to: GCash Mastercard - para pwede … Continue reading Layp hanks

Deactivate


New Year's Resolution ko nung 2019 ang magdeactivate ng facebook. Nung time na yun kasi nakakadagdag sa anxiety ko yung facebook (sabihin mo nang kaartehan to pero seryoso, ganun ang impact sakin). Lagi akong nakakakita ng mga posts about breakups, etc tas natetempt ako ishare lagi so mukha akong nagkakalat ng basura noon. Tas dumagdag … Continue reading Deactivate

WC: Adulting


It's already a long weekend! And here's the recap for last week's Weekly Chika: ESGS 2019 highlights. Kahapon lang na-post to kaya hindi ko na naihabol sa ESGS entry ko. Attic. Inayos na namin yung 2nd floor ng bahay haha pero di pa tapos. Pero pwede na magdinner date dyan sa taas, pwede na tumingin … Continue reading WC: Adulting

Been there. Done that.


(Might delete this later) Totoo to, pag hinahayaan mo na lang lagi, pinapalipas, or tinotolerate yung actions niya, yung ilang beses na siyang nagsisinungaling sayo lol, nasasanay na siya na 'ok lang' sayo. Umaasa ka na balang araw mababago yung ganung perception niya, pero hindi eh. Sa umpisa syempre mararamdaman mo na ok lang tanggap … Continue reading Been there. Done that.

Maynila (2)


Bakit lapitin ako ng mga alanganing bagay hahahaha Heto na naman, kagabi nung pauwi ako galing Buendia (wait Buendia nga ba yon). Oo, sumakay ako ng jeep pabalik ng Pedro Gil. May kasabay akong dalawang lalaki, hmm lasing. Yung isa sumusuka na sa harap ko juskupo. Pagdating sa stoplight, pinababa nung driver yung dalawa, sabi … Continue reading Maynila (2)

Dancin’ in September


(medyo mabagal magload ang post na to ang dami kasing attached videos) Do you remember The 27th night of September? Gusto kong mag-blog ng mga about sa naging ganap ko pero tinatamad ako magkwento eh hahaha (lagi naman) (masaya ka kasi kaya hindi ka nagbblog). So heto ang entries ko: September 15, Sunday. Last day … Continue reading Dancin’ in September

Aftermath


Kumusta ka naman, Shaira? May bahagi ng alaala ko ang nawala. Yung mga kaganapan nung gabing yon, hindi ko pa rin natatandaan. Tapos feeling ko tumanda ako ng sobra. Nahihirapan pa rin akong igalaw yung ulo ko. Mas mabagal na akong kumilos. Mas mabagal akong magrespond ngayon ewan ko ba, bibilangan mo muna ako bago … Continue reading Aftermath

Blank Slate


Wala akong maalala. Nahimatay daw ako kanina. Tapos paggising ko. Wala talaga akong maalala. Hindi ko pa alam yung mga eksaktong detalye pero. Naghahallucinate na pala ako kanina. Shet. - So heto na, pagkagising ko ang sakit ng ulo ko, malakas daw yung pagkakabagok ko. Ganito yung nangyari. Buong friday wala akong ibang ginawa kundi … Continue reading Blank Slate

Weekly Chika 2: Sarap buhay ah.


So bukod sa pagdadrama ko buong linggo, heto lang naman ang mga inatupag ko. PROOFREAD Sa wakas natapos na yung 496 page na lang na M&E report juskupo hahahahaha dalawang linggo rin ako nangalay at nakatulog kakabasa hahahahaha. Tapos may dalawang risk comm workshop akong aattend-an this month, at naghahanda na para sa CCC week. … Continue reading Weekly Chika 2: Sarap buhay ah.

After 2 years ulit


Nagdrama na naman ako sa tita ko hahahaha. Kasi nga after 2 years pa ulit siya bago umuwi. Hindi ko sure kung last contract niya na ba to o iisa pa ulit siya. Pero yun nga sana stable na talaga ako after 2 years, gusto ko na siyang magretire. Kaso papaano, kung ganito pa rin … Continue reading After 2 years ulit

Mumsh


Back to zero yung laman ng atm ko haha. Actually binigay ko yung atm ko mismo sa tita ko. Yas. Narealize ko lang din kasi na sa anim na taon niya sa abroad, pag tuwing umuuwi siya, lagi pa ring naasa sa kanya haha. Matagal nang natapos yung pension ko so wala na akong pera … Continue reading Mumsh

Blogger


So bukod sa Tumblr at WordPress ko, nagpapublish na rin ako ng blog sa VK, Reddit, at Plurk (yay!) ✨ De sabi din kasi ng kaibigan ko, baka daw may maka discover ng content ko tas kumita haha, sabi ko paano? Sino naman magkakainteres na magbayad para sa sinusulat ko eh puro hanash at kalandian … Continue reading Blogger

Tuwentitri


Exactly two years ago, naalala ko, fresh graduate ako, isang buwan na akong istambay nun. Inaalagaan ko pa si Isha nung time na yun haha. Pero yun nga, exactly two years ago, eto yung unang beses na nag-apply ako ng trabaho. Sa call center, pero hindi ako makapasa-pasa maski initial interview, dahil sa social anxiety … Continue reading Tuwentitri

Pagod


Ngayon yung uwi ng tita ko. Akala ko makakapag absemt ako haha. Kaso hindi, sayang hindi ko siya masusundo sa airport. So sabi ko sige after shift ko na lang sila kitain. Kaso sobrang dami kong gawain ngayon, 3 PR, Questions, tsaka Congratulatory note. Bukas na ang deadline kaya sana matapos ko ngayong araw. May … Continue reading Pagod

Kindness.


Dumaan ako ng STI, kinuha ko na yung yearbook ko haha sa wakas after ilang years. Kamusta naman yung school namin? Ayun mukha pa ring STI hahahaha. Wala na palang ABCOMM, MMA na pala. Parang mas kaunti ang enrollees. Yung batch namin ata yung pinakamarami sa history eh ewan idk. Tas hindi na ako makaakyat … Continue reading Kindness.

Hoarder


Wala kaming internet aaaaaaaaaa Wala ring signal dito sa loob ng bahay. Wala akong magawa, magdidispatsa na lang ako ng mga gamit dito. Bwahaha Look what I found: Mga resibo sa atm yan. Ever since nagstart ako magtrabaho, pag kada sahod/withdraw ko, tinatago ko yung receipt. Kasi dati sabi ko gusto ko mamonitor kung magkano … Continue reading Hoarder

Materialistic Gold Digging Bitch


Bat ganyan naman yung title hahahaha Gusto kong ma-achieve yung Payaman Goals. Yung sa sobrang dami ng pera mo, ang pinoproblema mo na lang kung saan mo gagastusin, mala-Imelda Marcos. Yung tipong, I can buy you, your friends and this club hahahahahaha, - Pag mahaba ang pila sa terminal ng bus? Siksikan sa MRT? Magtataxi … Continue reading Materialistic Gold Digging Bitch

LATE


May importanteng event ka this day, either gagawa kayo ng project, may pupuntahang meeting, or even yung simpleng makikipagkita sa jowa para makipag-date. Syempre ikaw paghahandaan mo, gigising ng maaga, ihahanda yung mga gamit na dadalhin, magpapaganda, magpapabango, then eto na pumunta ka na sa napagkasunduang lugar. Inagahan mo kasi ayaw mo ma-late di ba. … Continue reading LATE

Mahal kong Maynila


Skl, ang hirap bumiyahe pauwi pag galing maynila haha naiistress ako. Yung jeep hanggang Quiapo lang, so kailangan ko pa daanan yung masikip na palengke (na anytime madudukutan ako doon), tumawid ng footbridge at dumaan sa mismong simbahan, dumaan sa tulay (Quezon Bridge ata yon) bago makarating ng Post Office (Lawton). Mahaba-haba din ang nilalakad … Continue reading Mahal kong Maynila

City of Smiles :)


Joke lang hindi travel blog to. Hanash pa rin. FIRST TIME KO MAKARATING NG VISAYAS! FIRST TIME KO SUMAKAY NG EROPLANO! FIRST TIME KO MAGING PHOTOGRAPHER? Part din pala ng trabaho ko ang magpunta sa iba’t ibang lugar para sa mga workshop, conference, summit, meeting, at kung anu-ano pang eme ng gobyerno. Sarap ng buhay … Continue reading City of Smiles 🙂

Bobo


Oy kailangan ko na mag-aral ulit. Habang tumatanda, papurol ng papurol ang utak ko. Alam mo ba, everytime na nasa office ako, feeling ko ang bobo ko talaga. Kasi yung everything about our agency, hirap ako i-absorb, like pag pinag-uusapan nila yung Risk Management, NCCAP, atbp., hindi aio makarelate? Eh dapat bago ako magsulat ng … Continue reading Bobo

Divi


Pumunta akong Divi after shift, aba dati nalulungkot ako kasi walang mall na malapit sa office, pero narealize ko one jeep away lang pala yung Divi dito so tingin ko mukhang linggo-linggo ako nandito HAHAHAHA. Mag-isa lang ako btw. Parang hindi takot ah. Ganito, nung first time ko sa Divi, last year lang, nasnatchan ako,ng … Continue reading Divi

Lipat-bahay


So ayun palipat na ako ng dorm. Malapit lang to sa office. Maayos. Maliit pero ok lang. Mainit pero ok lang lamigin naman ako. Heto na, sa linggong to iba na ang magiging takbo ng buhay ko. Kaso, kaya ko na ba? Nasanay na ako na laging may kasama, may kausap paggising sa umaga, may … Continue reading Lipat-bahay

Election Hanash (at iba pang problema sa buhay)


Huyyy seryoso, nalungkot ako lalo nung lumabas na yung resulta ng halalan. Alam ko hindi pa tapos pero talaga ba? Talaga ba? Ang dami kong nababasa sa social media na huwag iboto itong mga taong to, kilala nyo na yung tinutukoy ko, pero bakit mga pangalan pa rin nila yung nangunguna? Akala ko ba aware … Continue reading Election Hanash (at iba pang problema sa buhay)

Pamilya


30 Day Blog Challenge Day 8: TALK ABOUT FAMILY Late na ako ng ilang araw sa blog challenge, sobrang busy ko talaga ngayon legit. Nababanggit ko na sa mga posts ko yung about sa family ko, pero bihira nga lang. Mostly kasi mga rants ang sinasabi ko haha (pero wala naman akong sama ng loob … Continue reading Pamilya

Pet Peeves


30 Day Blog Challenge Day 6: YOUR TOP 5 PET PEEVES Top 5 lang to, pero sa sobrang dami kong kinamumuhian sa mundo, isusulat ko na lahat. Bahala kayo dyan. *drops mic* Youtube Ads Mabagal na internet Dutertards, keyboard warriors Mga kapitbahay ko na nagsusugal, na ayaw magpadaan ng tao sa sidewalk Mababagal maglakad or … Continue reading Pet Peeves

Chapped lips


Nabo-bored ako dito sa office. Wala akong ibang mapagkaabalahan kundi ang kutkutin ang nanunuyo kong labi. Lagi ko namang pinapahiran ng lip balm at petroleum jelly, pero bat ganito pa rin. Naisip ko baka ngayon na lumalabas yung mga side effects ng paggamit ko ng mga mumurahin ngunit pekeng lipstick noon (like yah, 10 pesos … Continue reading Chapped lips

Binyag


Bihira lang ako makapunta sa mga ganitong kaganapan. Binyag. Kasal. Lamay pati haha. Bukod sa bihira lang na may ganito sa pamilya namin, wala akong masyadong friends in real life kaya walang nag-iimbita sakin hahahahahahaha. Wala pang nag-aalok sakin na maging ninang, bukod sa kailangan kong magpaka-ninang sa mga pinsan ko at dapat palaging magbigay … Continue reading Binyag

Kampanya


Isang hapon, napagdesisyunan kong magluto ng adobo. Ilang beses na rin akong binubulyawan ng pinsan ko na, "Minsan ka na nga lang umuwi dito sa bahay, magluto ka naman ng ulam." They miss my cooking hahahaha charot. So heto na, nakabili na ng rekado, kaso kulang pala ng dahon ng laurel. Lumabas ulit ako para … Continue reading Kampanya

New Beginnings


So heto na nga, after 1 year, 4 months and 17 days, sa wakas, lilipat na ako ng trabaho!! (Pero hindi to sa Taiwan ha) Tinatamad na ako magkwento kung paano ako nahire haha basta ayon, di ba nakwento ko na dati na since november pa lang, active na ako sa pagpapasa ng applications online. … Continue reading New Beginnings

Ewan


Minsan ba may mga mood kayo na hindi mo maintindihan? Like may mga panahon na nalulungkot ka, pero hindi mo alam kung ano ang dahilan. Naiinis ka, pero di mo alam kung saan nanggagaling. Heto kasi yung nararamdaman ko na naman netong mga huling araw. Di dahil sa hormones to ah. Halimbawa, sa opisina namin, … Continue reading Ewan

Lasing moments


Hindi pa ako natutulog since Thursday. Haha. After shift ko, dumiretso nako sa training ko for Taiwan. 3AM yun, tapos napasabak agad ako ng bongga kasi pinagbuhat na kami ng parang equipment, tapos chini-check na yung LCD para sa mga depekto. Struggle sakin yung astigmatism ko kaya medyo hirap ako tumingin, pero syempre di ko … Continue reading Lasing moments

Bucketlist


Is it too late to create one for this year? Ngayon lang ako ginanahan ulit maglista ng mga bagay na gusto kong gawin ngayong taon. Yung iba nagawa ko na in the first three months, yung iba naka-plot na. Yung iba plano pa lang. Yung iba hanggang pangarap na lang talaga. - Gusto ko ulit … Continue reading Bucketlist

Amazing Fingers


Di ko na pala nakukuwento kung anong mga pinagkakaabalahan ko lately. Sabi sayo eh, wala talaga akong presence of mind ngayon haha. So heto na nga, nung bagong taon, bumili ako ng piano. O di ba tapos ngayon ko lang ib-blog. Nasabi ko na, nung bata ako pangarap kong maging gifted child hahahahahaha, tsaka kaya … Continue reading Amazing Fingers

030919


Anong mas mahirap? Ang matulog sa gabi o ang bumangon sa umaga? Ang hirap matulog dahil di ka tinatantanan ng mga thoughts mo. Ang hirap bumangon kasi nararamdaman mo na naman yung matinding kalungkutan. Ganun talaga yata ako eh, default mood ko pagkagising eh malungkot, no matter how happy I am the moment I sleep. … Continue reading 030919

030819


Ginusto mo yan. Yan yung bukambibig ko recently. May mga bagay lang akong na-realize, na sana siya rin ano mapagtanto niya. Iniwan niya ako kasi iniiwasan niya yung mga hanash sa relationships - panlalamig, pagkawalang gana, etc. Tapos malalaman ko mas worse pa pala yung kinahinatnan niya ngayon. Sa kakaiwas mo dun ka din pala … Continue reading 030819

Plano


Sabi nila, if Plan A doesn't work out, there's still 25 letters in the alphabet. Pero na-realize ko din, pano kung hindi ka kaagad umayaw sa Plan A? Kasi nung nag-quit ka, gumawa ka ulit ng bagong plano, tas nung nahirapan ka na naman, sinukuan mo na naman. Nagiging cycle lang yan kung hindi mo … Continue reading Plano

Pangarap


Wag kang papigil, wag kang magduda, Diyos ang iyong kalasag patnubay, nasayo na ang gawa. Isa sa mga inaabangan ko sa Rakrakan Festival sila Cong. Grabe, goosebumps ako nung time na yun, tapos nung nagfireworks na naiyak na ko haha, ang magical nung moment na yun!! Di naman ako fan ng ganung genre, wala lang … Continue reading Pangarap

Talunan


Nung mga nakaraang araw bukambibig ko yung word na 'competitors'. Haha. Recently kasi may interview ako sa isang government agency. 55 na ahensya ang pinasahan ko ng application letter (thru e-mail). Anim na ahensya ang nagpaunlak ng imbitasyon para makapa-exam ako. Pangalawa pa lang etong tinutukoy ko na umabot ako sa interview. Hindi ko alam … Continue reading Talunan

Sepanx


"Ganun talaga, they come and go." - Shaira Mae Cabañas. 2017. Kung yung mga kaklase ko noon nami-miss ko kasi maghihiwa-hiwalay na kami ng landas after graduation. Iba pa rin pala yung feeling ngayon. Yun kasi sabay-sabay kayong aalis. Pero ngayon, sa work ko, mas nakakalungkot pala ano - kapag isa-isang nagreresign na yung mga … Continue reading Sepanx

Payat


Nahihiya na akong magpakita sa mga kaibigan at dati kong mga kaklase haha. Kasi sa tuwing makikita nila ako lagi nilang sinasabi, "Anyare sayo? Bat ang payat mo? May sakit ka na ba?" From 50 kilos nung nagpamedical ako last November 2017, bumaba na ng bumaba yung timbang ko. Naging 49, 48, 47, 46, 45 … Continue reading Payat

Kutsi


May bago akong motivation ngayon sa buhay hahahahaha! Gusto ko matutong magdrive, at makabili ng sariling sasakyan. Tuwang-tuwa ako pag nagro-roadtrip kami. Kasi super spontaneous lang, tara BGC, tara Antipolo, or tara Tagaytay, ganern. Yung mga lugar na gustong-gusto kong magalaan, mas mabilis kong napupuntahan, tsaka mas safe pag gabi, syempre di ko na kailangan … Continue reading Kutsi

Regrets


Ang sagot sa tanong na - What is your biggest regret in life? Yung life choices ko lately puro sablay eh, nakakainis. Sana pala hindi ako nag ABCOMM. Haha dati nung nag-aaral ako ang saya ko, kasi gusto ko naman yung mga ginagawa ko noon. Puro prod, puro shoot, puro sulat, etc. Pero di ko … Continue reading Regrets

Fed up


Favorite word natin yan ngayong week hahahaha. Ewan ko, bat ganito ang mood ko lately. Mababaw na bagay lang, kinaiinisan ko na. Sana nga dahil lang sa hormones to hahahaha kala mo talaga regular eh. Anyway, ayun nga, sabi lang nung mga katrabaho ko, uma-attitude daw ako. Dati mahaba yung pasensya ko pagdating sa mga … Continue reading Fed up

Career


Ang plano ko lang talaga, isang taon lang ako mag-stay sa current work ko. Then after nun maghahanap na ulit ako ng panibagong trabaho. Masaya sa office namin pramis, nakikita mo naman sa mga posts/tweets ko. Kaso nga lang yung sahod talaga ang problema eh. Di kayang bumuhay ng pamilya. Uuwi na yung tita ko … Continue reading Career

Tatlong Daan


Uy di ko napansin, 300+ na ang mga posts ko sa wordpress. Ganun na pala karami yung mga hanash ko ano. Medyo matagal-tagal na rin ako sa industriyang ito, di nga lang masyadong active ngayon. Actually, kung di ako nagbubura nung mga iba kong posts noon, baka lagpas na ito sa 300 na bilang ko … Continue reading Tatlong Daan

Thank u, next


(Wait lang. Pang 300th WordPress post ko pala ito ☺) 2018. It was miserable and magical. - FULFILLMENT Ang dami ko pa ring hanash ngayong taon, pero di ko narerealize eto na pala yung golden time ko, eto na pala ang pinakamakulay kong taon, ayoko lang i-appreciate. Heto na yung katuparan ng mga pangarap ko … Continue reading Thank u, next

Walang Time


These past few months, nagbago ang takbo ng buhay ko - dahil nadagdagan yung workload ko hahahahaha yes thank you Lord!!!!! Kung dati 15 minutes lang tapos ko na yung grid for that day. Kung dati nakakalabas pa ako sa office ng mahigit sa isang oras (para maglandi) (dati yun). Kung dati nakakapunta pa ako … Continue reading Walang Time

Negative


May nagsabi sakin na, bakit puro negative na pangyayari sa buhay mo yung isinusulat mo sa blog? Bakit hindi yung masasayang part? Eh ganun talaga, mas maraming nangyayaring negative sakin kesa sa positive. Tsaka, mas tumatatak sakin yung masasamang pangyayari. Mas memorable. Masakit eh. Pag masasaya kasi, madali kong nakakalimutan. Ewan ko. Ang lala na … Continue reading Negative

If I Die Young


Sa sobrang pessimistic ko sa buhay, inaanticipate ko na di na ako aabot ng 30. It’s either magkakasakit din ako ng malala or maaaksidente dahil sa sobrang katangahan. So heto yung mga bagay na gusto kong sabihin. Actually matagal ko na tong gustong isulat, kaso natatakot ako noon kasi baka mabati/matuluyan talaga ako. Pero ngayon … Continue reading If I Die Young

Mama


Ma, sorry ha. Kasi hanggang ngayon wala pa rin akong na-aachieve sa buhay. 22 years old na ko pero wala pa rin akong kwenta. Akala ko pagka-graduate ko, unti-unti ko na maaabot yung mga goals ko. Pero bakit ngayon ang labo pa rin? Ma, sorry kung disappointed kayo sakin ngayon. Ilang buwan ko nang inaaksaya … Continue reading Mama

Lotto


Isa ako ngayon sa libo-libong nangangarap at nagbabakasakaling manalo sa lotto. 1B na ang premyo, sana ako na ang maging real life na Pepito Manaloto. Alam ko maraming mas deserve na makakuha ng jackpot. Di naman na kami naghihikahos na tulad ng dati, meron na akong trabaho, though maliit lang ang sahod eh nabubuhay naman … Continue reading Lotto

Friends


Ako yung klase ng tao na hindi talaga showy pagdating sa care. Yung tipong di nangangamusta, walang pakialam sa hanash ng iba, parang nakikisama nga lang, ganern. Kasi after nung nangyari samin ng bff ko, sinabi ko sa sarili ko na “Yung mga nakakasama mo ngayon, kaibigan mo lang yan kasi palagi kayo nagkikita, pero … Continue reading Friends

Frustration


Ang daming dahilan para maging masaya, pero bakit ako hindi ko kaya? Nababagot na naman ako ng matindi, dahil sa paulit ulit na routine - office - dorm - office, paulit ulit na cycle. Again, hindi toxic at stressful ang environment ko. Pramis, nasisita na nga ako kakalaro sa cellphone at kakalabas ng opisina (pasaway … Continue reading Frustration

Fears


  Yung nangyaring pang-aabuso sakin noon, madali naman akong naka move on, kumbaga pag pinag uusapan yun, di naman mabigat ang pakiramdam ko. Pero, palagi ko pa ring napapanaginipan yun, at doon ako nakakaramdam ng takot - na baka maulit yun sakin. Kaya nagiging mapagmatyag talaga ako na hanggat maaari sana nakalock yung bahay, yung … Continue reading Fears

Tahanan


  Linggo ng gabi na ako bumabalik ng dorm, kasi mahirap bumiyahe ng lunes + rush hour. Tapos sabado naman ng umaga ang uwi ko sa bahay. Maiksi lang ang panahong nailalagi ko sa aming munting tirahan. Kahit maliit lang, kahit maraming tulo ng tubig, kahit makalat lagi, nami-miss ko din yung bahay namin. Saglit … Continue reading Tahanan

Favorite


  Ako lang ba yung nagbabago ang mga interests through the years? I mean yung mga bagay na kinahihiligan ko about 5 years ago, di na yun yung gusto ko ngayon. Darating dun sa point na di na pala eto yung favorite ko. Part ba ito ng pagtanda? Nagsawa ba ako? Ewan ko. Dahil ba … Continue reading Favorite

Ano ba talaga?


  Every day off ko, lagi akong nag-iisip kung gagala ba ako? Or magpapahinga na lang buong weekend sa bahay? Gusto kong magpahinga na lang kasi di ba halos buong linggo wala ako sa bahay, weekend lang yung available kong panahon para makabawi ng tulog, manood ng kdrama, maglaro, maglinis ng bahay, magluto, etc. At … Continue reading Ano ba talaga?

Adulting (2)


  Dati ako yung batang turo ng turo sa grocery, "Bili tayo neto, bili mo ko neto" tas magngangawa pag di pinagbigyan. Dati excited ako mamili kasi after nun kakain kami sa labas at hindi sa bahay, yey. Ngayon ako na yung, "Ibalik mo yan, mahal yan" "Palitan mo yan ng mas mura" "O bakit … Continue reading Adulting (2)

UTI


  Unang linggo ko pa lang sa dorm nagka-UTI agad ako, grabe nu haha. Ngayon ko lang na-experience yung mga ganitong bagay. Kasi kahit na hindi healthy ang lifestyle ko at pabaya ako sa sarili ko eh maswerte ako na di ako nagkakasakit. Ngayon lang, tas ang main reason pa eh hygiene issues (haha nakakahiya … Continue reading UTI

City Life Hanash


  Matapos ang halos kalahating taon kong pagtatrabaho dito, sa wakas, pinayagan na kong magdorm! (Yey) After kasi nung nangyaring insidente last time, pinush na namin ulit na makiusap sa tita ko na baka pwede naman, this time, ay payagan na ako. Medyo kinakaya ko naman ang mga kaganapan, pero feeling ko konti na lang … Continue reading City Life Hanash

Excel


  Parang na-pressure naman ako sa post nung elementary classmate ko hahaha! First ever reunion/alumni homecoming kasi this sunday. Tapos nagsipag-comment na yung mga kaklase ko, may Teacher, Engineer, Volunteer sa NGO, atbp. Tas ako, heto wala pa ring naiaambag sa lipunan haha anuna?? Lagi ko ring sinasabi na iba iba ang path natin, na … Continue reading Excel

Manyak


  Kanina lang to, pauwi ako galing sa trabaho, yung katabi ko sa bus, iniipit ako ng siko niya, sinisiksik ako, nakapwesto ako sa bintana, sa may two-seater, malapit sa unahan. Di na ko komportable, kaya bumaba agad ako sa Talaba. Pagtayo ko, sinundot niya yung pwet ko. Tumakbo lang ako nun pababa ng bus. … Continue reading Manyak

Tagpayat


  Everyone wants to achieve a summer body, meanwhile, me: "Hala anyare sayo Shai? Bat ang payat mo?" Yep. Mas lalo akong pumayat nung nagkatrabaho na ko 😰 Wala na kasi akong time kumain haha. Paggising ko sa umaga, di ako nakakakain ng madami, nagmamadali eh. Pero nagbabaon pa rin naman ako ng kanin at … Continue reading Tagpayat

Life frustrations


  May tanong na “Kung may pagkakataon ka na mabago ang iyong nakaraan, anong babaguhin mo? Bakit? Simple lang naman gusto ko. Siguro ang babalikan ko, yung elementary days ko. Yung sana pala ginalingan ko noon hahahaha. Ang tamad tamad ko kasi gumawa ng project. Kung pinush ko lang ng bongga, sana naging honor student … Continue reading Life frustrations

Ang mundo ay isang malaking Quiapo


  (Bakit girl, naagawan ka ba?) Di naman, haha tsaka sa Divi ako nakupitan ng wallet. Pangalawang beses na to, yung first time ko nun sa Kadiwa, 2012, nakuha yung unang unang cellphone ko, yung de keypad na cherry mobile pa. Nastress ako kasi uso na nun smartphones, bakit phone ko pa???? Hawak ko pa … Continue reading Ang mundo ay isang malaking Quiapo

Feeling Stressed


  Ako yung tipo ng tao na mahirap magalit (oo di talaga ako nagagalit pramis), mahaba ang pasensya at matiisin. Pero simula nung nagkatrabaho na ko, naiistress na ako sa maliliit na bagay. Hindi naman stressful ang work environment ko kung tutuusin. Super chill lang ako dun, yung tipong in 1 hour lang tapos ko … Continue reading Feeling Stressed

Plot Twist ng 2017


Merry Christmas po! Dito sa opisina ako magpapasko at bagong taon, may shift kasi ako ng weekends ng gabi eh 😥 - - - - - Eto na siguro ang huling post ko ngayong taon. Or baka nga hindi na masundan pa (wag naman!) (Yan nagkatrabaho ka lang tatalikuran mo na ang pagb-blog?) Di kasi, … Continue reading Plot Twist ng 2017

Real World Hanash


(Sinulat ko to nung nakaraang buwan pa, tas ngayon ko lang maipapublish hehe) Kalahating taon din akong nagbilang ng poste. Hahahahaha (Aba nung nakaraan lang nagdadrama ka kasi nakatengga ka lang sa bahay, ngayon may bagong hanash ka na naman) Sampung kompanya na yung inapplyan ko. Karamihan bagsak agad sa assessment exam. Yung isa naman, … Continue reading Real World Hanash

Commuting Hanash


Dati, nung nag-aaral ako, sabi ko, pag nagkatrabaho na ako, gusto ko sa NCR. Gusto kong maranasan ang buhay-Maynila eh. Office works sa umaga, starbucks sa gabi. Hayyy buhay mayaman. Hahahaha. Di kasi, yung career opportunities para sa aming mga masscomm, halos nasa Maynila lahat (TV, Radyo, Dyaryo, Advertising, Production, atbp.) Atsaka gusto kong lumayo … Continue reading Commuting Hanash

Insecurities


How's life? Ngayon lang ulit ako nag-update dito sa wordpress. Pagkatapos ng nangyari sa'min ng bespren ko, sa totoo lang nawalan na ako ng ganang magpost pa rito. Binawasan ko na yung pagra-rant ko online, na tama nga siguro na isarili ko na lang yung mga pinagdadaanan ko sa buhay, kesa i-type pa rito. Iprinivate … Continue reading Insecurities

See you soon, baby ♥


Sa wakas! Finally!! Heto na ang matagal kong hinihintay! After 7 years, matutupad na rin ang mga pangarap ko! ANG MAKA-ATTEND NG 24K MAGIC WORLD TOUR!!!!! SEE YOU SOON. #24kmagictourMNL #DAY1 pic.twitter.com/lkTaKSO96A — sh- (@ShairaMaeC) September 7, 2017 Pero bago yan, ang dami ko pang pinagdaanan. Nung nag-announce pa lang siya ng tour dito sa … Continue reading See you soon, baby ♥

Night Changes


Nagising ako ng 4AM. Hindi na ako nakatulog ulit. Nag-wordpress ako. Nakalimutan ko yung password ko dito. (Nagreset ako ng pw thru e-mail) Sa loob ng isang buwan, ang daming nangyari. After a long time, ngayon lang ulit ako hahanash about sa life. 🙂 W O R K Hanggang ngayon, wala pa rin akong trabaho. … Continue reading Night Changes

Walang Pinatunguhan


BINIGYAN ako ng anda pang graduation! Yay! 3k yun, sabi ng tita ko, magparebond daw ako, bumili ng damit at sapatos pang graduation at grad ball. Kaso ang nangyari, naubos na yung pera, wala akong nabiling matino hahahahaha kuripot ako na gastadora (???) Bumili ako ng iba't ibang gamit (makeup, payong, salamin, hikaw, atbp.) Di … Continue reading Walang Pinatunguhan

#FirstTimer: CSE and Requirements


BALAK kong mag take ng Civil Service Examination (yun yung requirement para pwede kang maging government employee) pero wala pa talaga akong planong magtrabaho sa pamahalaan. Wala lang, pag wala talagang maghire sakin, may huling alas ako hahahahaha charot. Pumunta ako ng Imus para mag-inquire sa CSE. August 6 ang exam, pero hanggang June 2 … Continue reading #FirstTimer: CSE and Requirements

#FirstTimer: NOGNOG


FIRST TIME kong makarating sa Batangas! First time kong lumangoy sa dagat! Hahahahaha Eto na nga, kahit ilang beses ko nang sinabi sa mga kaklase ko na hindi ako sasama sa swimming, kinukulit pa rin ako ng kinukulit (ganun daw nila ako kamahal aye), kaya pumayag na rin ako. Pabebe lang talaga ako hihi. Nakakailang … Continue reading #FirstTimer: NOGNOG

Make-up Hanash


HINDI to make up tutorial blog post!!!!! Bumili ako ng make up nung nakaraan, yung mumurahin lang naman, kasi di ko talaga afford yung tunay eh hahahaha! Tapos sinubukan kong ayusan yung sarili ko. Kaya ako bumili kasi sabi ko, kailangan kong magpractice, lalo na't walang mag-aayos sakin sa graduation at grad ball 😥 di … Continue reading Make-up Hanash

#FirstTimer: Commuting & Fangirling 101


Nung May 20 lang, nagpa-event ang Warner Music PH para sa'ming mga Hooligans (pangalan ng fandom namin). Syempre pumunta ako hahahahaha First time ko lang pumunta sa fan event, kasi di ako pinapayagan kasi sa QC ginaganap yung mga ganitong bagay, malayo dito samin. Pero etong event ngayon, di ako nagpaalam na pupunta ako (malaki … Continue reading #FirstTimer: Commuting & Fangirling 101

Walang Gana


NAPAPANSIN kong pahina na ng pahina ako pagdating sa pagkain. Dati nakaka-tatlong balik ako (3 servings), naging dalawa, naging isa, hanggang sa yung isa na yun eh hirap na hirap pa akong ubusin. Yung dati na 15 minutes lang tapos na akong kumain, ngayon inaabot na ako ng 30 minutes. Naalala ko yung sinabi ko … Continue reading Walang Gana

Random Hanash


HANASH #1 Tuluyan nang nasira yung touch screen ng cellphone ko. Earlier this year, naggo-ghost touch na yun (yung nagpipindot mag isa kung saan saan), nung una napagtitiyagaan ko pa, kaso ngayon sobrang tindi na ng sira na hindi ko na magamit ng maayos yung phone ko! Ipinaayos ko sa SM, ilang araw din akong … Continue reading Random Hanash

Handwritten vs. Typewritten


NAALALA ko lang, dati nung nag-uumpisa pa lang ako sa Tumblr, nung mga panahon na wala pa akong smartphone, ang ginagawa ko eh isusulat ko muna sa notebook yung ipopost ko. Oo dati bihira pa kami makapagcomputer nun, kaya yung mga kaganapan sa buhay ko eh iipunin ko muna sa papel, tapos kapag nakapagcomputer na … Continue reading Handwritten vs. Typewritten

At the moment


NUNG March, lumipat na ng bahay sina kuya. So kami kami na lang na magpipinsan ang nakatira sa bahay - Ako, Don Hae (19), Anye (13). Wala nang naiwang nakatatanda samin 😢 Di naman ganun kahirap in terms of household chores kasi keribels ko naman gawin lahat, since ako lang din ang babae. Tamad tamad … Continue reading At the moment

17:27


BAKIT kaya sa tuwing mapapatingin ako sa oras sa cellphone ko, palaging 17:27 (5:27PM) ang nakikita ko? Maraming beses nang nangyayari 'to ha. Nung nakaraang taon ko pa 'to napansin, kasi naaalala ko yung Fifth Harmony (7/27 naman yun), tsaka yung kalaban naming film dati (17:38 naman). At ngayon-ngayon nga lang, habang ginagawa ko yung … Continue reading 17:27

Tigilan nyo nga ako.


AYOKO nang china-chat ako. Di ko alam kung dahil ba to sa pagka-introvert ko, kaya ayoko nang kinakausap ako ng ibang tao. Idk Pero may tatlong taong palaging bumabagabag sa'kin - 1. Friend ko, nagkakilala lang kami through fb. Gay siya, at kinukulit niya ako kasi gusto niya raw magkilos babae. Nagpapaturo siya sakin. Nung … Continue reading Tigilan nyo nga ako.

2017


(Rated SPG) (True story) SEXUAL ABUSE. Alam kong hindi ito ang tamang time para ikwento ko to, pero kailangan ko na talaga sabihin to. Akala ko hindi na mauulit yung mga pangyayari nung bata pa ako. Ngayong new year's eve ay kaming magpipinsan lang ang magkakasama. Yung tito, tita, at pinsan ko na si Isha … Continue reading 2017

Team Building Hanash


YUNG organization/club namin sa school, dahil newly established lang, ay may mga projects para sa aming mga ABCOMM students. Included dun ang Team Building Activity, na gaganapin sa December 9-11, sa Nasugbu. Medyo namomroblema ako hahahaha Gusto ko kasi sumama. First time ko na makakakita ng dagat if ever na matuloy ako rito ha! First outing … Continue reading Team Building Hanash

Groupings Hanash


(ACTUALLY part 2 yan nung post ko dati. Eto yung link - https://shairamaec.wordpress.com/2015/11/30/that-thing-called-groupings/) Eto na nga ang pinakahinihintay naming lahat, it's Thesis time! Bago mag-umpisa ang sem na ito ay nagcocontemplate na ako sa kung sino ang magiging kagrupo ko. Sabi ko pa naman, this time ako naman ang mamimili ng igugrupo ko, kasi dati … Continue reading Groupings Hanash

Closet Problems


AKO nga pala yung taong laging bumibili ng damit sa ukay-ukay. Kaya kung mapapansin mo yung ayos ko laging recycled, mukha akong patapon hahahaha charot. Pag magki-clearance sale yung ukayan malapit samin (yung tipong sampung piso na lang yung mga damit), nagsha-shopping ako ng bongga. Tapos kapag may mga ganap ako (halimbawa events sa school, … Continue reading Closet Problems

Ulyanin Problems


KINAKABAHAN na ako sa pagiging makakalimutin ko, medyo naaapektuhan na ang pamumuhay ko hahahaha. Kahapon, inutusan ako ni Ate Vky na pumunta kina Ate Wen sa Green Gate (subdivision na medyo malayo sa amin), ipinaaabot niya yung gatas tsaka isanlibong piso. Nagpunta nako dun, tumambay saglit, nanood ng TV, etc. Pagkatapos ng ilang oras ay … Continue reading Ulyanin Problems

Ang Huling Kembot


Last semester ko na ngayon! Share ko lang hahahahaha. Isang kembot na lang, magtatapos na ako sa pag-aaral. *if ever* Dati, atat akong grumaduate. Para makatulong sa mga gastusin dito sa bahay. Para payagan na akong gumala, mag-overnight, uminom, at magjowa (kahit wala pa). Para makagala na ako nang hindi inaalala lagi ang budget. Marami … Continue reading Ang Huling Kembot

The Dark Side


HINDI porque malungkot ka, depressed ka na. Hindi biro ang pinagdadaanan ng mga nakakaranas ng depresyon, kaya sana huwag nating gamiting excuse ang 'depression' para makakuha lang ng atensyon mula sa ibang tao. Nakakainis na nagcoconclude agad sila sa ganun, pero sa totoo lang eh nagpapapansin lang naman. Kaya siguro binabalewala lang natin yung mga … Continue reading The Dark Side

Mali! Malas!


HINDI pa rin ako nakakapag-internet sa bahay. Kaya heto ako, nagsusulat na lang ng kung anu-anong kahanashan. Hindi naman dahil sa walang magawa. Ang dami kayang gawain! Ang dami kong ganap sa school. Projects. Booth. Theater. Kahit yung iba dyan wala talagang kapalit na grades, kailangan ko yang mga yan for two ex's ----- Experience … Continue reading Mali! Malas!

Ang tagal tagal tagal!


LABINLIMANG minuto lang ang ginugugol ko na oras sa pagbiyahe papasok o pauwi. Subalit, kanina, inabot ako ng halos dalawang oras. DALAWANG ORAS. Galing akong Area E kanina nung pauwi na sana ako. Pagkaliko pa lang ng jeep pa-Guevarra St. ay na-stuck na kaagad sa traffic. Grabe. Ibig sabihin buong kahabaan ng Guevarra ay traffic! … Continue reading Ang tagal tagal tagal!