If I Die Young (not a suicide note)


Sa sobrang pessimistic ko sa buhay, inaanticipate ko na di na ako aabot ng 30. It’s either magkakasakit din ako ng malala or maaaksidente dahil sa sobrang katangahan. So heto yung mga bagay na gusto kong sabihin. Actually matagal ko na tong gustong isulat, kaso natatakot ako noon kasi baka mabati/matuluyan talaga ako. Pero ngayon wala na akong kinatatakutan, I’ve been through many shits. So heto na nga –

Sa mga kamag-anak ko, I want to apologize, for being a burden for about 22 years. Pasensya na, puro na lang kunsumisyon ang naibibigay ko. Don’t blame anyone, this is all my fault. Sorry, di ko na maibibigay yung magandang buhay na inaasam natin. Sorry kasi hanggang ngayon wala akong maitulong sa inyo. Umaasa kayo sakin na balang araw iaangat ko kayo sa laylayan, kaso hanggang ngayon ganito pa rin tayo. Sorry kasi hindi ako nagsasabi kung nasaan ako at kung anong oras ako uuwi. Sorry kasi malihim ako, like bigla bigla na lang kayong nawiwindang kasi may mga ganitong kaganapan na pala ako sa buhay. Sorry din kung dadagdag pa ako sa gastusin nyo, mahal ang burol at libing. Okay na siguro yung 2 days lang. Wala naman akong masyadong iimbitahin eh.

Sa mga kaibigan/naging kaibigan ko, thank you for helping me, sa lahat, maski sa mga simpleng bagay. Salamat. And pasensya na kasi madalas hindi ako namamansin, minsan maldita ako, Sorry din kung di ako marunong mangamusta, yung magpaparamdam lang ako pag may kailangan. Sorry. Sa lahat ng mga inutangan ko, babayaran ko kayo sa susunod na buhay. Sorry kung meron man akong nagawang masama sa inyo.Β  Sorry. Pero inaanticipate ko na rin na walang dadalaw sakin, sino ba ako sa inyo, dumaan lang naman ako sa buhay nyo haha. Makakalimutan nyo rin naman ako eventually. Pero kung maaalala nyo ko, uyyy salamat ha. Sana may naitulong akong maganda sa buhay nyo.

Sa mga crush ko, pasensya na kung palagi ko kayong ginagambala noon. Pero salamat, kasi dahil sa inyo kaya ako nagpapataas lagi ng score sa mga exam, kaya mataas din ang grades ko. Salamat sa pagpapakilig hihi.

To my former lover, my best friend, hello sayo, makakalimutan mo rin naman ako hahahahaha ngayon pa nga lang limot mo na ko eh. Pero sana bago ako mategi, nakamoveon nako sayo, kasi kung hindi pa rin, baka araw arawin kitang multuhin! Haha wag na pala, madidisappoint lang ako lalo. Pero eto lang ang masasabi ko sayo – magkikita pa tayo soon – sa impyerno ☺ charot, pero sana nga makamoveon nako, ayoko nang bitbitin pa sa hukay yung heartbreak. Well,Β sorry for all the mess I’ve done. I hope you’ll keep me alive in your memories. I wish you to be happy and healthy as well. Take care of yourself. Thank you for loving me, even in a short span of time. Being with you was the happiest moment of my life, pramis, hehe. If ever man na mamatay ako, sana eto na yung maging big move mo, yung urge para ayusin mo ang sarili mo. Sana lahat ng sinabi ko sayo noon, finally magsink-in na at mai-apply mo na. Babantayan kita, ako ang magiging guardian angel mo. Sana ako pa rin ang sasagip sayo. Sana sa afterlife, magmeet ulit tayo β™₯ I promise nobody’s gonna love you like me-e-e! Ooh-ooh-ooh-ooh!

To all, sorry, and goodbye ☺

Heto ang mga habilin ko:

  • Pag ililibing nako sana yung Spotify Playlist ko yung patugtugin nyo hahahahaha. Sige na, bop naman mga kanta ko eh. Basta pang-finale yung Mirrors ni Justin Timberlake, yung full version (8:04). Alam mo ba yan yung gusto kong kanta pag ikakasal ako, eh kaso malabo na mangyari yun, e di pang libing na lang hahahahaha charot
  • Konti lang naman yung mga gamit ko, mostly mga handwritten notes yun. Pa-compile na lang sa clear book yung mga important files, wag nyo muna itapon – lalo na yung mga test papers ko huhu yan lang ang legacy na maiiwan ko, pero yung mga kalandian notes ko dyan, hmmmmm, sige tapon nyo na.
  • Pare-pareho lang ang password ng mga account ko – birthday ko haha pero wala namang magkakainteres na buksan pa yun.
  • Gusto ko naka-lipstick pa rin ako – Crimson Red ang kulay.
  • Sana buhay pa rin yung mga social media account ko – lalo na itong blog at twitter. Pero wag na kayo magbackread, nahihiya ako ang bitter ng mga tweets/posts ko lately.
  • Gusto kong magdonate ng organ, kaso hindi maganda yung quality nung akin eh ok lang ba??

Sa lahat ng taong nakilala ko, hello, makakalimutan nyo rin naman ako eventually (bakit ba paulit ulit ako) pero sana may maiwan pa rin akong legacy haha, sana maalala nyo ko di dahil sa patanga-tanga ako, pero maalala nyo ako in a unique way. Ang hirap iexplain. Basta. Di ka na makakakita pa ng katulad ko.

I-eedit ko pa to pag may dagdag pa akong sasabihin. Pero sa ngayon heto muna.

PS: HINDI TO SUICIDE NOTE. KALMA.Β 

PS ulit: “Ang nega mo talaga mag-isip, kaya ka iniwan eh” – I KNOW RIGHT

Β  Β  Β  Β  Β  Β  Β  Β  “Okay ka lang ba?” – OO OK AKO