Weekly Chika ulit


Undas.

received_24007220700373657130948402446172456.jpeg

Ayan, nung linggo dumalaw kami sa sementeryo. Wala lang para hindi na matao. May bagong lapida na ang pamilya ko (yey), tapos after non kumain kami sa Walter.

Ang perfect ng kanin! Hindi malata!


Drawing.

Tapos pinauwi ko na yung mga pinsan ko kasi nagsidetrip na kami sa Tagaytay haha (as in biglaan talaga), naka palda lang ako non, walang dalang jacket. Mahamog na nung dumating kami haha jusko. Ayun kumain at uminom lang kami sa Papa Dom’s saglit tapos umuwi na din agad. May pasok pa ako kinabukasan eh.

img_20191103_194959338037469718324954.jpg
Kinacool ko na yan charr

Kapag biglaan talaga, natutuloy. Kapag pinaplano, hindi naman tinutupad.


Honne.

Ayan buti naabutan namin sila haha. Di ako yung fan, siya yun hahahahaha. Pero di ko sinabing di ko sila gusto ah. Madalas din ako LSS sa mga kanta nila. Wala pala akong picture haha kasi nasa gilid lang kami, nahaharangan ng speakers pero nakikita ko pa rin naman sila.


Swimming.

Sabi sayo pag biglaan talaga, natutuloy eh. De joke lang nakaplano na to, ako lang lagi yung pabigla bigla sa mga desisyon ko sa buhay charr

img_20191110_1243402510605389485712959.jpg

Di ko masyadong naenjoy kasi nahihilo pa rin ako 😦 tsaka ang daming langgam kaya nakakulong lang ako sa kwarto nung gabi pero nung kinaumagahan nakapaglangoy na rin ako.


Japan 2020

Pag iipunan ko na to waaaaaaa


Sakit.

In speaking of, hindi pa rin nawawala yung hilo ko. Bakit pag sa office sakit sakit ka, pero pag gala lakas lakas mo hahahahaha de joke lang. Nanghihina na ako pero lumalaban pa rin (luh). Lam mo ba, natsitsismis na naman akong jontis hahahaha for the nth time. Jusko.Dapat nga babalik ako ng ospital nung huwebes kaso may pa-biglaang event na naman akong pinuntahan. Lagi na lang kung kailan nakakapagdecide na ako magpacheck up ulit. Pag free naman ako, wala yung doktor ko sa PGH. Anuna. Di ko pa rin tuloy alam kung ano ang sakit ko. Di pa ako makapag MRI din, bahala na mamamatay din naman tayong lahat hahahaha de joke lang, antayin ko lang yung Christmas bonus ko yun na ang gagamitin ko pampagamot.

WC: Adulting


It’s already a long weekend!

And here’s the recap for last week’s Weekly Chika:


ESGS 2019 highlights.

Kahapon lang na-post to kaya hindi ko na naihabol sa ESGS entry ko.


Attic.

img_20191026_1529544356336981899501067.jpg

Inayos na namin yung 2nd floor ng bahay haha pero di pa tapos. Pero pwede na magdinner date dyan sa taas, pwede na tumingin ng sunset sa hapon, magstargazing sa gabi. (ayan tulad nung nasa picture, spaghetti plus ikaw lang sapat na wahahahaha). Bibilhan ko na lang ng christmas lights dyan para solb na.


GCash Mastercard.

Nakuha ko na yung mastercard ko. Kailangan ko neto para sa mga bookings ko hahahahahaha kala mo talaga may laman eh.

Tumbler.

img_20191031_0950287421453290981580252.jpg
Flex ko lang yung souvenir from CCC 10th anniversary na ngayon lang dumating. Sobrang gandaaaaa

Karaoke.

 

img_20191029_2055298181733336109307984.jpg
Mas marami pa yung kropek kesa sa Mojito

Martes pa lang pero kala mo TGIF na haha. Napalaban na naman ang ate mo sa kantahan kahit may sakit pa hahahaha

And hindi kami lasing niyan, yan yung normal mode namin sa office.


Insurance.

img_20191029_104653953947425296150610.jpg

Nagkaroon ng orientation sa office about sa HR/Admin/Finance Matters (common government transactions, kung papaano mag cash advance, liquidate, at reimbursement, etc) Tapos mag invite sila ng consultants ba yung tawag dun, basta from Manulife at Prulife. Prinesent nila kung bakit mas essential ang insurance + investment kesa bank savings. So heto na, pagtapos kong tanggihan lahat ng insurance offers sakin eh unti-unti na akong nacoconvince ha, I NEED IT. Kaso kaya di ako makatuloy tuloy kasi una, paano kung hindi ako consistent magbayad? Paano kung keri ko ngayon pero in the next few years wala na ako trabaho? Paano kung hindi ko mapanindigan since ngayon eh wala pa ring natitira sa sinasahod ko. Wala akong naiipon dahil sa demands nila. Tsaka baka pag nalaman ng pamilya ko or future husband ko na insured ako ng milyon milyon eh patayin na lang ako. Hahahahahaha ganon sa mga telenovela di ba. Ang OA. Tapos may naimbitahan ding speaker mula sa PAG-IBIG at diniscuss niya yung about sa MPII at Loyalty Card. Ok din pala yun no, next week kukuha na ako non.


Chicken a la king.

People know me so well na mahilig magluto ng mga unusual na pagkain haha (hal. tokwa + sisig na de lata, etc) So ngayon ituturo ko kung paano ko ginagawa etong isa sa lagi kong niluluto. Ngayon gumamit ako ng chicken nuggets (tinatamad na kasi ako magpalambot ng manok).

img_20191027_1525026876918911487447610.jpg

Sabi ko ilalagay ko dito yung recipe ng Chicken a la king slash Pastel pala pa rin daw ang tawag dito.

Heto ang mga sangkap:

Mas preferable kung all purpose cream ang gagamitin kesa sa evaporada para mas makapal ang sauce. Tas mixed vegetables kasi tinatamad na ako maghiwa ng carrots. So ayon

(Tinatamad na mag-explain) so basically ang paggawa nito ay simple lang:

Igisa ang bawang, sibuyas, mixed vegetables tas pag medyo ok na, saka na sabawan.
Eto pala yung mga nilagay ko na pampalasa, plus seasoning (never ako nag aasin haha) NOTE: WAG LAGYAN NG SPANISH PAPRIKA. Medyo sumablay ako nung nilagyan ko nito.
Iprito ang mahiwagang nuggets!

Tapos ayun choice mo naman kung isasama mo yung nuggets sa sauce. Ako tinopping ko na lang yung sauce eh para magmukha namang mcdo style.


Mama, oooh

Skl: Dalawang magkasunod na araw nang may kinakalong akong bata sa biyahe. Haha. Naeexperience nyo rin ba yon, yung punuan yung bus/jeep, tas makakatiyempo ka na makakasakay, but at the same time may makakasabay kang nanay na may kasamang tatlong maliliit na anak. Eh kaso wala nang space pa, so yung nanay karga yung dalawa, tas sa akin yung isa hahahaha. IS THIS A SIGN πŸ‘€ (na magkakaanak ka na next year at may anak ka nang ikakalong sa biyahe)

Tapos ang traffic pa so matagal sa akin nakakandong ang bata, to the point na tulog na siya. Tas ako napapadaydream na naman. Sabi ko hala paano kung ako yung may tatlong junakis na maliliit tas wala man lang asawa jusmiyo, ngayon pa nga lang na malaking bag lang yung bitbit ko pauwi eh nahihirapan na akong bumiyahe, paano pa kaya pag bata. Hala shocks ang tanda ko na talaga, nasa ganitong chapter na ba ako ng buhay? So ang solusyon ko lang ay: Kailangan magkaroon muna ako ng sasakyan bago mag-asawa or mag-aasawa ako ng may sasakyan. Wahahaha


Nahihilo. Nalilito.

Wala heto na naman paggising ko ngayon, nahihilo na naman ako sobra. Pag ibend ko lang konti yung ulo ko ayun ramdam ko na. Yung feeling mo lumilindol lagi ganon. Ganito ako lagi pag nasosobrahan ng tulog/nastuck sa bahay kaya dapat lagi ako nasa labas eh hahahahahaha

ESGS 2019


Umattend kami kanina (3rd day) ☺

img_20191027_1917103908061721634955005.jpg
Nakatry kami maglaro ng mga apps na dinevelop ng mga universities, tapos yung mga games sa console. Saya kaya.
img_20191027_194504_4006753957603344629253.jpg
Nanood kami ng Finals ng ML Allstar Showdown
img_20191027_2003568729388381716159061.jpg
Natuwa ako sa speaker na to ng JBL na may dubstep.
img_20191027_2028431230483850603863205.jpg
Tas nag Just Dance hahahahaahhaha pagkayaman ko bibili na talaga ako neto
img_20191027_1859577990252863331222515.jpg
Gurl, gusto ko din magcosplay ng ganyan. Ang pogi nung Granger sayang di ko malapitan hahahahaha
img_20191027_1908062247812082810408610.jpg
Ang tangkad niya. Ang pogi niya. Crush ko na talaga siya
At eto ang nauwi ko yey! Tasa. Pin. Mousepad. Favorite ko yung Aizawa pin kasi rare lang yan haha

Dancin’ in September


(medyo mabagal magload ang post na to ang dami kasing attached videos)

Do you remember
The 27th night of September?

Gusto kong mag-blog ng mga about sa naging ganap ko pero tinatamad ako magkwento eh hahaha (lagi naman) (masaya ka kasi kaya hindi ka nagbblog). So heto ang entries ko:


September 15, Sunday.
Last day ni Amiel sa work. Mula bahay bumiyahe ulit ako pa-QC. May flight ako neto kinaumagahan pero keri langs. Ayun nag-inom kami. Nalasing ako haha (as in nakatulog na ako doon sa inumart) wala akong maalala, kahit yung sa Jollibee di ko matandaan, basta alam ko lang non 6AM na, pauwi na kami.

received_4168617991864761093032336335357598.jpeg
lasing talaga gurl

Heto nga pala yung post ko about kay Amiel, skl:Β Protected: Best Part
Mami-miss ko to haha pero sabi ko naman sa kanya sa sulat, hindi pa ako magpapaalam, kasi hindi pa ito ang huli nating pagkikita-kita. Marami pang opportunities na naghihintay sa kanya kaya laban lang! Darating din yung career path na tatahakin niya.

So after non, kinuha ko lang yung mga inimpake ko at dumiretso na ng airport, dapat dadaan pa ako sa office para kunin yung laptop at camera pero hindi na kinaya ng oras jusko, so pinabitbit ko na lang kay Hans. Walang tulog, walang ligo, bumiyahe ako pa-Legazpi. Ico-cover namin yung training ng mga local government officials doon. Pagdating ng Bicol eh ayun nagsetup na kami sa event.


September 16. Monday.
Heto na, ngarag ngarag na ko ng araw na to. Dumating na sila Sec, Cabsec Nograles, at iba pang mga VIP. Need namin ma-interview yung mga mayor pero nagsi-alisan sila agad, so taranta talaga ako besh! Pero naka-survive naman kami sa Day 1.


September 17. Tuesday.
Day 2. Normal lang naman yung mga nangyayari dito.


September 18. Wednesday.
Day 3. Ganun pa rin.


September 19. Thursday.
Day 4 ng training. Pinapagalitan na kami hahahahahahha kung ano-ano kasi ang inaatupag ko. Ngayon tinatawanan ko na lang pero nung nandoon ako nag-iiiyak nako sabi ko gusto ko na umuwi, baka pagbalik ko ng maynila tanggal na ako sa trabaho hahahahaha.
Nung gabi nag-socials. Kumanta sa karaoke. Nag-inom. Pero mas nauna malasing yung kasama ko.


September 20. Friday.
Birthday ni mumsh. Nagpa-pizza ako sa bahay pero hindi ako nakakain kasi nga andito pa ako sa Bicol. Last day ng training. Hindi ko mapicturan ng maayos yung mga participants kasi nagloloko na naman ang camera. Nataranta na naman ako ng very light tas medyo trauma pa kasi nabembang ako kahapon. Ayun naitawid naman namin ng maayos ang program. Ginawa ko na rin yung Press Release. Hirap ako magtranscribe ng speech ni CabSec, may part na hindi ko maintindihan.

img_20190920_105344923795106102320095.jpg
Nung hapon, pumunta na kami ng Cagsawa Ruins. Kaso masama ang panahon nun kaya hindi nagpapakita si Mayon. Puro ulap lang. Sayang.

Heto pala ang iba pang mga litrato —Β Legazpi.


September 21. Saturday.
Lumipad na ako pabalik pero dumiretso ako ng Tanay, Rizal. Nag-treasure mountain. Dala dala ko lahat ng gamit ko hahahaha tas ako lang mag-isa nakarating doon. Ang layo. #ACHIEVEMENT. Malubak ang daan. Tapos ang lamig lamig. Akala ko late na ako makakarating pero mas nauna pa pala ako. 5PM ako. 9PM sila. So mga apat na oras akong nakatunganga doon. Nagsetup ng tent. Nagluto. Uminom.

GIF-191004_140753.gif


September 22. Sunday.
Ang ganda ng sunrise dito sa treasure mountain ❀ ang saya dito haha ang sarap mag-prenup dito hahahahaha. Tas ayun nagswimming kami. Then umuwi na ng hapon.

Heto ang iba pang mga litrato —-Β Tanay.


September 23. Monday.
Normal office day, ugh, natatakot na ako pumasok kasi bebembangin na naman ako dito hahahaha pero hindi naman, nagegets ko naman kung bakit ganito sila sakin. Sabi ko na lang di ko na po uulitin.


September 24. Tuesday.
Normal office day ulit. Tapos pala naghahanap na ako ng ospital na mura ang MRI. Kailangan ko na yun next month eh. Kaso sa sobrang dami ng biyahe ko. Di ko maasikaso. Tsaka nasa peligro pa ako nito kasi ang dami pang pending sa office haha parang hindi ako makakapagleave ah. Pero buti di pa naman ako ginigisa.


September 25. Wednesday.
So heto na nga. Bumiyahe na ko pa-Palawan. Isang oras sa eroplano. Limang oras naman yung van pa-el nido. Ala una na ng madaling araw ng huwebes kami nakarating sa tutuluyan.


September 26. Thursday.

Heto na ang umpisa ng pagliliwaliw. Nag-island hopping lang kami maghapon. Uh wala na akong maikukuwento.


September 27. Friday.

Very challenging ang araw na to kasi puro motor lang ang inatupag namin hahaha kasi ang lalayo ng mga destinasyon namin, Nacpan, Ille Cave, tapos nagkagulo gulo pa kami kaya natagalan haha pero ang saya ❀

GIF-191004_154201.gif

img_20191002_1752596989775350610125963.jpg
Ang kyut namin dito. skl.

Bago pala namin narating yang tuktok na yan, ganito kahirap ang pinagdaanan namin jusko. Mula town proper ng El Nido, nagmotor kami ng ilang oras para makapunta sa mga liblib na lugar na to, 20km from town proper to Nacpan, tas 40km ata from Nacpan to New Ibajay. Puro malubak ang daan kaya feeling ko nagra-ride ako sa Enchanted Kingdom habang nasa motor (buti na lang hindi ako tumitilapon). Ang sakit ng pwet ko haha maghapon ako nasa motor, tapos nung nasa Ille Cave na, aba ganito pala katarik yung aakyatin namin. Sabi ko nung una hindi ako sasama, malulain ako eh baka mahulog ako, kakabagok ko pa lang. Eh kaso lahat sila aakyat na, e di wala akong choice haha kesa naman maiwan ako kasama ng mga paniki sa ibaba.

 

 

Inabot na kami ng gabi sa biyahe, ang layo pala talaga ano. Tapos yung mga dinadaanan naming kalsada wala talagang kuryente as in. Makulay lang tong motor ni Ron eh haha. Ang sakit sa pwet talaga jusko.

After nun, ayun nag bar hopping lang kami. Ang daming afam haha.


September 28. Saturday.

Gumala pa ako sa Ilaya, Las Cabanas Resort (yup, that was named after me).

img_20190928_1107522327551212144218158.jpg

Sunog na sunog ako nung mga araw na to, pero ang saya. Hindi lang dahil pang-instagram shots ang mga tanawin, pero yung mga experiences ko habang naglalakbay sa mga napuntahan namin. I have a lot of memories here.

Heto pa ang iba pang mga litrato mula sa Palawan —-Β El Nido.


———– AND THAT’S A WRAP ———-

Halatang tinatamad na magkwento hahahaha

I reached for you but you were gone,
I knew I had to go back home.

Lingid sa kaalaman ng lahat, muntik na rin palang maipasara ang El Nido para sa rehabilitasyon (na tulad nung sa Boracay), nung mga nakaraang taon, napakarumi na rin ng mga dagat, maraming basura, etc. So ang ginawa nila, upang hindi tuluyang maisara sa publiko (at syempre mawawalan sila ng kikitain, since yun ang pangunahing ikinabubuhay nila doon – ang turismo), nagsagawa sila ng clean-up drive every week, nagtulong tulong sila na maibalik sa dating kalinisan ang El Nido. And look at it now. Ang dami talagang turista, lalo na mga foreigner. Tuwing disyembre daw sobrang daming tao.

Tapos may mga Badjao din dito, pero hindi sila yung nanghihingi o nanlilimos ah. Nagbebenta sila ng mga perlas. Ayun ang sabi may humahawak din sa kanila, para gawin yung ganitong hanapbuhay.

Nakakatuwang pagmasdan ang mga tao dito. Kasi ang simple lang ng pamumuhay nila. Inimagine ko yung sarili ko na what if hindi ako alipin ng industriyalisasyon? What if magtrabaho na lang din ako bilang tour guide, or barista, sa ganitong klaseng lugar? Yung hindi ko na kailangang kumayod para magbayad ng ganito, tumustos sa ganito? Yung hindi ko na kailangang makipag unahan sa pagsakay sa bus at magtiis sa matinding traffic? Yung hindi na ako maprepressure sa mga extraordinary demands ng boss ko?

Heto yung mga realizations ko sa buhay after kong maglaho sa sibilisasyon.

Napagtanto ko lang yung mga bagay bagay habang nasa biyahe ako pa-Puerto Prinsesa mula El Nido. Ako lang mag-isa ang uuwi, yung mga kasama ko may extra one day pa, ako flight ko na mamaya. Nakaramdam ako ng sepanx, ang lungkot, hindi dahil sa wala akong kasama, pero mamimiss ko ang lugar na ito. Kasi hindi ko alam kung kailan ko ulit masisilayan ang El Nido? O kung ito na ba ang una at huli kong pagpunta? Makakabalik pa ba ako?

El Nido.


September 25-29, 2019.

Tanay.


September 21-22, 2019.

Legazpi.


September 15-21, 2019