Pagod


Ngayon yung uwi ng tita ko. Akala ko makakapag absemt ako haha. Kaso hindi, sayang hindi ko siya masusundo sa airport. So sabi ko sige after shift ko na lang sila kitain. Kaso sobrang dami kong gawain ngayon, 3 PR, Questions, tsaka Congratulatory note. Bukas na ang deadline kaya sana matapos ko ngayong araw. May mga meeting pa akong kailangang puntahan.
Kaso ang problema, wala akong maisulat. Hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko. Sabihin na nating mangmang pa rin ako sa whereabouts ng agency namin. Wala talaga akong alam. Nahihiya na ako kay Ms. Mae Anne kasi ako yung plantilla, ako dapat ang nakakapagprovide ng PRs, YUN YUNG NASA JOB DESCRIPTION KO. And yet, wala akong maisulat. Nakikita ko silang lahat dito, hindi magkandaugaga sa dami ng pending, inaaway pa ng ibang division, tapos ako heto, wala talagang maisulat. Hiyang hiya na ako. Hindi ko deserve ang posisyong ito. Feeling ko sooner bibitawan ko na rin to. Tama nga sila. Ang dapat nilang ihire eh yung may passion talaga sa environment and climate change issues. Mas marami silang maisusulat.

Heto na, late na akong nakarating sa MOA, nakita ko na tita ko. Kakatapos lang nila uminom. Pauwi na sila. Tinatanong niya ako kung ano gusto ko kainin, Sabi ko hindi ko alam. Hindi ako makapagfocus sa kanila kasi kachat ko pa yung boss ko. Nakalimutan kong lagyan ng citation yung mga sinend ko kanina. Well nangopya ako ng information. Again hiyang hiya na naman ako sa boss ko. Tapos nahihiya ako sa tita ko tsaka sa mga kamag anak ko kasi kasama ko nga sila, pero cellphone pa rin ang inaatupag ko (dahil nga sa mga naiwan pang trabaho).

Habang naglalakad na kami papunta sa sakayan, naiyak na ako. Di ko alam kung masyado bang na drain yung utak ko kaya lutang ako? O dahil ba namiss ko yung tita ko? O dahil napagalitan ako ng boss ko? O dahil nahihiya na ako sa mga kasama ko sa trabaho? O dahil wala na akong maisulat? O dahil kasama ng mga pinsan ko yung mga jowa nila tapos ako mag isa lang pumunta? O dahil ba sineen lang ni Ebong yung message ko kahit naiinis ako sa kanya? Mukhang all of the above. Tinatanong nila kung anong nangyayari sakin. Sabi ko okay lang ako! Sabi ko hindi ko alam kung bat ako umiiyak. Pero medyo lutang nga ako ngayon at wala na sa tamang pag iisip.

Nahihiya talaga ako. Imbes na ispend ko tong araw na to para sa pamilya ko, hindi ko sila nakasama ng matagal. Hindi pa ako makakauwi ng bahay dahil sa maaga pa yung meeting ko bukas. Nahihiya ako sa tita ko. Di ko alam kung kailan ako makakabawi sa kanya.

follow my Tumblr blog!

One thought on “Pagod

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.