Pinanood ko yung episode ng KMJS about sa Chinese Invasion. Kaya pala. Kaya pala hindi na pinadadaan yung mga bus sa Baclaran ah. Aba nung isang beses na umuwi ako ng madaling araw, at sumakay ako galing doon, nanibago ako. Akala ko nasa Chinatown na ako hahahahaha. Ang bilis naman, ang dami agad na Chinese establishments doon.
May good side din naman yung pagdagsa nila dito. Bakit daw tayo nagagalit, eh tayo rin naman maraming Filipino communities sa ibang bansa. Maraming trabaho ang binuksan ng mga dayuhan para sa mga Pilipino. Why not we do the same. Ever since naman daw marami nang mga intsik dito sa bansa. But now they’re basically everywhere. Hindi lang sa Baclaran area. Sa MOA. Sa Ortigas, well sa loob mismo ng MalacaΓ±ang compound, Kaya may mga wechat pay na sa SM (well what do u expect from SM). Atsaka, more business opportunities DAW sa mga pilipino yung pagkakaroon ng maraming Chinese establishments.
Hindi naman ako galit sa mga ito. Nakakatakot lang na ma-overpower nila tayo sa mismong lupain natin. Darating tayo sa point na yon – na mapagkakaitan na tayo ng karapatan at mas ipa-prioritize sila. Sa lupa. Sa trabaho nga lang eh. Maraming Pilipino dito ang walang trabaho, pero bakit sila ang nabibigyan, maski simpleng construction work? Habang sila yumayaman ng yumayaman dito, tayo eh baka lalo maghirap. Bakit tayo pa rin ang nag aadjust para sa kanila? Di ba dapat magpakumbaba naman sila sa mga Pilipino? Bat ganon? Bat ang unfair?