Chapped lips


Nabo-bored ako dito sa office. Wala akong ibang mapagkaabalahan kundi ang kutkutin ang nanunuyo kong labi.

Lagi ko namang pinapahiran ng lip balm at petroleum jelly, pero bat ganito pa rin. Naisip ko baka ngayon na lumalabas yung mga side effects ng paggamit ko ng mga mumurahin ngunit pekeng lipstick noon (like yah, 10 pesos each)

Kumusta na nga pala ako ngayon? Heto, napagsasabay ko naman yung dalawang trabaho ko. Nakakapagtranslate na ako ng official documents ng CCC, and at the same time nagpapublish pa rin ako ng mga ads sa TFC.

Kailan nga ba ako maglalast day sa ABS? Sabi pwede na ng May 2. Or May 15. Pero ewan ko, hindi pa yata ako handang iwan ang trabahong ito. Need ko pa mag-grind para mas marami akong sasahurin sa mga susunod na cut off, mas marami akong pera, mas marami akong magagawa in life.

Atsaka, kahit may mga moments na nafe-fed up ako sa mga katrabaho ko, hindi ko pa sila maiwanan. Isa sila sa nagpapasaya sa araw ko eh haha. Mababait naman yung mga bagong katrabaho ko, kwela din, pero tingin ko medyo matagal pa bago ko sila maging close. Hindi ko pa inoopen masyado yung sarili ko eh.

At isa pa sa mga dahilan, gusto ko hangga’t maaari occupied ako. Ayoko na ng walang ginagawa. Ayoko nang ma-bored, kasi magiging clingy na naman ako sa memories ng nakaraan tapos malulungkot na naman ako. Which is contradicting kasi, it’s either nalulungkot pa rin ako kahit super busy ako, or nabobored pa rin ako sa dalawang trabaho ko kaya naghahanap pa rin ako ng attention, gusto ko pang madagdagan mga gawain ko. So sabi ko, sige, hangga’t wala pang kapalit yung papalit sakin, magrerender pa rin ako.

Overwork ata ang papatay sa akin, okay lang, at least hindi na heartbreak. Gusto ko lang naman eh malunasan na yung kalungkutang nararamdaman ko, pero ang hirap, paano? Nasosolusyunan ba ng pera ang kalungkutan? Dati sabi ko, pag marami na akong pera, magiging ok na ako, pero bakit ngayon hindi pa rin sapat yun. Money doesn’t matter after all. Tao pa rin pala ang kasagutan. Yung taong feeling mong siya ang sagot sa problema mo, siya pala ang gumagawa ng problema mo. Gusto kong maging masaya, pero hindi yung temporary lang, na after ng ilang oras bored na naman ako. Satisfied ganern.

Ayoko namang i-claim na depressed ako. Kasi di naman talaga. Sobrang melancholy lang. Siguro magfocus na nga lang talaga ako sa goal ko na makapag-ipon hanggang sa pwede na akong mag-abroad. Siguro pag nagawa ko na yun, maiiwan ko na yung mga bagahe ng kalungkutan ko.

May nabasa ako na, bakit nga ba kinukutkot mo pa rin yung labi mo kahit alam mong masakit at magsusugat? Ewan, pero nakaka-satisfy di ba? Once na umpisahan mo, di mo na matigilan. Ganun din siguro ako towards sa kanya, hahahaha. Pasaway.

Napapakanta na lang ako dito ng, “My loneliness is killing me, and I-”

follow my Tumblr blog!

Advertisements

One Reply to “Chapped lips”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.