Mumsh


Back to zero yung laman ng atm ko haha. Actually binigay ko yung atm ko mismo sa tita ko. Yas. Narealize ko lang din kasi na sa anim na taon niya sa abroad, pag tuwing umuuwi siya, lagi pa ring naasa sa kanya haha. Matagal nang natapos yung pension ko so wala na akong pera non, tapos mahigit isang taon akong nagtrabaho sa ABS, wala man lang akong naiabot sa kanya na legit, lagi lang ako tagabili ng ulam, tagabayad ng ganito, etc. Matagal na akong pabigat sa pamilyang ito kaya now it’s payback time!! So nung birthday ko surprise! Niregaluhan ko ng atm (ay wow), pero kukunin ko din naman yun pag alis niya no. Tinatamad kasi ako magwithdraw hahahahaha.

tenor.gif

So sabi ko sige bahala ka na bumili ng mga needs mo. I got u fam. Hindi ko na rin siya masamahan pag aalis siya, hindi ko mapaglaanan ng oras dahil sa trabaho, so pera pera na lang ba ganon haha charot. Paggising ko sa umaga nireready niya anh breakfast ko, tapos may pinagbabaunan niya ako, tapos siya rin nag iinit ng tubig ko panligo, siya rin nag aalarm at gumigising sa akin haha alam mo naman tamad na tamad ako, very spoiled child ako sa part na yon haha pero sabi niya go lang, ako na kasi ang nagbibigay ng pera eh ✨

Tapos alas sais mantatadtad na yan ng text na, asan ka na asan ka na? Bakit ang tagal mo umuwi? Pag nalate ng uwi tatawagan pa ako haha. Hindi na ako sanay na may naghahanap pa sakin eh.

Kaso minsan naiinis din ako sa kanya haha kasi sabi ko bilhin niya yung needs niya, aba, araw araw kada uwi ko, laging may bagong gamit sa bahay. Bagong drawer, kalan, plato, kaldero, kutson, kubrekama, punda? Sabi ko ano yang mga pinagbibibili mo mumsh????? Hindi naman natin kailangan ng bago niyan, nanghihinayang ako sa pera hahahahaha alam mo naman kuripot kami ni Don2. Kami lagi kontra bulate sa mga desisyon niya pag gusto niya bumili ng mga gamit eh. Jusko, ang gastos niya hahahahahahaha bakit gamit sa bahay ang binibili niya eh hindi naman niya mabibitbit yon pabalik ng Dubai. Jusko.

Pero okay na, nakapagpagupit na, kulay ng buhok, nag loan ng bagong phone, nagpagawa ng salamin. Yun lang naman daw need niya, tas the rest priority niya talaga yung bahay, which is pinapabayaan namin haha kasi hindi naman talaga kailangan nung mga yon? Bat yon ang mga binili niya?????

Tapos gusto niya swimming, so ayan ginastusan ko ng malaki laki ito. Tapos lagi pa rin siyang nainom, o ayun minsan dinadamayan ko naman, yun lang naman mga luho niya haha.

Pero in fairness kay mumsh, SHE KNOWS MY NEEDS. Nagulat na lang ako, binilhan niya ako ng legit na foot sock haha kahit di ko sinasabi sa kanya na kailangan ko non (yung mga nabibili ko sa bangketa madali lumuwag yung garter). Ayun bumili siya ng mga damit, shorts, etc para sa mga pinsan ko. Hayyyh mumsh talaga. Ibang tao pa rin ang inuuna.

O so unsyami lahat ng personal kong plano sa pera haha. Sayang, hindi ako makakabili ng iphone ngayon. Di bale, kayang kaya ko naman yan kitain next cut off bwahahahahaha joke lang. Basta matapos lang yung biyahe ko sa New York, mag iipon na ulit ako, habang magbibigay din ng panggastos dito sa bahay.

Natatawa ako sa mga eksena namin dito sa bahay, pag umaga bago pumasok, iiwanan ko ng 1k ang tita ko, tas magrarant siya sabi ano to? San makakarating to? Hahahahahaha tas sabi ko magtipid ka naman haha, baligtad na ang mundo ngayon.

Di naman ako namomoblema ngayon na wala akong hawak na pera, kasi wala naman na akong pinagkakagastusan. Pag may date, o wala akong inilalabas ni singkong duling (NGAYON KO PA LANG NAEEXPERIENCE TO BESH PARA AKONG NASA LANGIT PRAMIS), sagot niya lagi lahat ng expenses namin πŸ™‚

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.