Hong Kong


May mga lugar na pangmatagalan. May mga lugar na dinadaanan lang.

Kakatapos ko lang manood ng Hello, Love, Goodbye. At ngayon meron na naman tayong movie review! (reaction pala, sorry)

Akala ko isa rin to sa mga romance films na tutulugan ko lang haha, or magcecellphone ako during the movie, but no, hindi ko namalayan na lumipas na pala ang dalawang oras! Bitin! Malakas din ang impact sakin nung film. So bukod sa The Day After Valentines at Alone Together, eto yung pelikula na nagroroll na yung end credits pero blanko pa rin ako sa kinauupuan ko, eto yung paglabas ko ng sinehan mas lalo lang ako nalungkot sa buhay ko, napapatanong ng, “BAT GANON?”

(okay medyo spoiler sa part na to)

Bawat oras dapat sulitin mo dahil walang nagtatagal dito.

Sa bilis ng ikot ng mundo, pwede pa bang huminto?

Panoorin nyo dali haha. Una, madadala ka sa mga paghihirap ni Joy (Kathryn Bernardo), hindi man ako katulad niya na OFW sa Hongkong, pero nakikita ko yung sarili ko in a way na, I really work hard para maibigay yung needs ng mga kamag-anak ko, hindi lang halata, pa-travel travel lang ako, pa-inom inom, pero after non lahat ibinibigay ko sa pamilya ko. Pero grabe, mararamdaman mo talaga yung challenges ng pagiging isang OFW.

Nung una cringe pa ako kay Ethan (Alden Richards), kasi puro pa-cute siya kay Joy, puro hugot lines, na siya pa-chill chill lang samantalang kaming mga babae, hindi magkandaugaga sa trabaho. Pero pag kinatagalan maiintindihan mo rin kung bakit naging ganun yung sitwasyon niya. Maiintindihan mo rin kung bakit may mga taong naging iresponsable sa buhay. Yung tattoo niya parang nirerepresent lang yung mga pagkakamali niya sa buhay, tinatapalan niya lang, pero habambuhay mo na iyon na makikita sa kanya. Na sa edad niyang yon eh hindi pa rin niya alam kung ano ang gusto niya sa buhay.

So bukod sa malupitang lines na napanood natin sa trailer, eto yung mga memorable sa akin:

β€œAlam mo sabi nila, mas okay magkuwento sa strangers kasi no judgment.” – well, dyan ako nabiktima.

Nakakarelate ako sa sinabi ni Joy na, “Minsan ang sarap maging selfish at iwanan ang mga responsibilidad.” Nagpapakapagod siya para sa ibang tao, pero yung binubuo niyang pangarap, unti-unting naglalaglagan.

β€œMay kulang sa sarili ko na hindi kayang mapunan ng kahit pagmamahal mo.” Sana maintindihan ng lahat eto ano. Na hindi pagmamahal lagi ang kukumpleto sa buhay mo,Β wow sana marealize ko to diba. Na walang mali na maging selfish, na unahin muna natin yung well-being natin bago yung ibang tao. Sa kakabigay ko sa ibang tao, hindi ko pala namamalayan na nauubos na pala ako. Ang cliche nung ‘love o career’ pero dito sa film nagkandakumpli-kumplikado ang lahat. So baligtarin natin ang POV, mula kay Ethan naman, na pinili niya yung pag-ibig kesa maging resident ng Hong kong, pero in the end iniwan pa rin siya at nagkanda-gulo gulo ang buhay. Magegets mo din. Hindi worth it ang pag-ibig hahahahaha lol, pinapakumplikado lang niyan yung buhay ko eh. May pride din ako na, “Nag-aral ako ng apat na taon, hindi para umasa lang sayo.”Β Pero kung ako yung nasa sitwasyon ni Joy, baka nga piliin ko na lang din mag-stay, wala marupok eh. Wala namang mali kung ano yung pipiliin mong path eh. Yung magiging outcome lang nun ang magdidikta kung naging tama o mali ka. Well, sa mga recent na naging mga desisyon ko sa buhay, bakit parang mali ata lahat hahahahaha.

β€œGustong-gusto ko sabihin sa iyo na yes dito lang ako kasi mahal na mahal kita, pero hindi ko maipapangako na hindi ako malulungkot at … hindi ako magkakaroon ng regrets dahil nagmahalan tayo. Natatakot akong umabot tayo doon.” Yes. Live with no regrets. Sabi ni Joy nun, “Puro ka mga plano, ako ba naisip mo kung yun din ang gusto ko?” Damn relate hahahaha. Mahirap para sa tao na pakawalan mo siya para sa pangarap niya, kesa magkasama nga kayo pero nakikita mo siya na hindi naggrow. Diyan papasok yung The people who are meant to be in your life will always gravitate back towards you, no matter how far they wander, na malay natin after 3 or 5 years.. Aw narinig ko na tong linyang to, kung ano man maging takbo ng tadhana satin let it be..Β Pero lol wag na kayo umasa ang sakit lang. Kahit gaano pa ka-hirap yung i-risk mo para sa relationship, iiwan at iiwan ka pa rin naman niyan hahahahahaha

Paano magtatagal sa LDR? Dapat iisa ang path na tinatahak nyo, kahit malayo kayo physically, kasi nga kahit yung hindi LDR naghihiwalay pa rin eh, dahil sa magkaiba yung growth at development nila. Kung yung isa eh gusto magsettle na lang sa ganitong buhay, tas yung isa naman eh nag-aaim pa ng mas mataas, paano kayo magtatagal? Piliin mo yung pag-ibig na hindi mo kailangang macompromise o mag adjust para sa isa, kasi yung totoong pag-ibig eh synchronized yan, you reflect each other so well. Sabay kayong aangat, or lulubog. Hey, at least may jowa, nasa laylayan nga lang.

To sum it up: Una eh bakit hindi na naman tayo masaya sa huli hahahaha bakit ang kumplikado ng buhay? Pangalawa, feeling ko ang deprived ko na pala masyado ano. Nagsasayang ako ng oras, which is dapat inilalaan ko na sa pagtupad ng mga pangarap ko, hangga’t may pagkakataon pa ako. Heto ako pa-blog blog lang ng mga kadramahan sa buhay haha pero ano, heto na nga ba ang landas na tatahakin ko? O dapat abutin ko rin yung Canada-levels na pangarap ko para sa sarili ko?

Heto yung isa sa mga movies na napapa-contemplate na naman ako sa mga pinaggagagawa ko sa buhay.

May mga lugar na pangmatagalan. May mga lugar na dinadaanan lang. Parang Hong Kong. Katulad ng tao. May mga taong dumadaan lang sa buhay natin. May mga taong… babaguhin ka pang habambuhay.

tumblr_pta9ywzDxj1t0bbbfo1_640
imahe mula sa tumbral.com

follow my blogs!
Tumblr
Reddit
VK

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.