Ah shit, here we go again.
Heto na napapanaginipan ko na naman sila kagabi. Kinompronta ko daw sila. Kabaligtaran nung panaginip ko nung nakaraan na we are all in good terms. Tapos iyak daw ako ng iyak, yung sobrang lala na humihikbi na ako (yun nga ba yung tawag dun) ah basta yung hindi na ako makahinga. Ganun na ganun yung iyak ko about a year ago, when this thing happened. Tapos paggising ko hindi nga ako makahinga. Jusko. Ano na naman ba tong drama na to. Akala ko ba ok ka na. Akala ko ba pinatawad mo na. Pero bat ganun, nagiging fresh ulit yung sakit. Well kasalanan ko rin, pinapatakan ko ng kalamansi yung sugat ko na gumagaling na. Ayan tuloy. In short. Hindi na talaga ako magiging masaya in the long run π
I tell myself, tell myself, tell myself, “Draw the line”
And I do, I do
But once in awhile, I trip up, and I cross the line.