At ngayon nga ay ni-release na ni Taylor Swift ang kanyang 7th album, kasabay ng music video ng title track. I feel so in love haha (aba bipolar ah, parang kahapon depressed shit ka pa ah).
Nakakatuwa kasi yung Taylor Swift na nakilala natin na ‘Queen of Brokenhearted Anthems’, ang babaeng pag nagkaka-bf eh parang nagpapalit lang ng damit, at kung ano pang negative things na naka-incline sa kanya, eh look at her now – mapapa-sana all ka na lang kasi sobrang happy niya na ngayon di lang sa love life eh pati sa career, kahit ilang beses pa siya pabagsakin ng mga kalaban haha charot.
So ngayon pinapakinggan ko pa lang yung buong album, di pa ako makapagdecide kung ano yung top picks ko. Pero favorite ko talaga yung ‘Lover’ mismo kasi feeling ko talaga kasal na sila ni Joe Alwyn, time for her to finally settle down. Ang ganda ng music video. Ganito yung buhay na ini-imagine ko eh, yung future with my own lover. Ang sarap ma-inlove. Sana all β€





Sabi niya sakin, heto na yung masayang buhay at kinabukasan na inaasam mo, nasa harap mo na, pero bakit mas pinipili mo pa rin yung taong binabalewala ka lang? Dahil ba sa tingin ng lahat yun yung tama? Kaya siguro hindi mo makita yung path na para sayo, kasi nabulag ka sa kakahabol sa mali at immature na pag-ibig and all that shit. Paano kung yung happiness na hinihintay mo, yung future na gusto mo, eto na pala? Yung tinatalikuran mo lang?
Yung buhay na pinapangarap ko. Nandito na pala sa harap ko…..
Pero teka, bat nabaling na naman sakin yung usapan eh yung album nga ang topic ng post na to!!
Ladies and Gentlemen, this is Lover by Taylor Swift. (link below)
Pero as a fake fan, charot, rep > 1989 > Red > Lover pa rin haha.
Edit:
Nakapagdecide na ko ng Top Favorites ko.
Death by a thousand cuts
The lyrics speaks to my soul. Hindi mo alam na malaking bahagi ng sarili ko ang nawala nung nawala ka. Ganon.
I think he knows
Ang bop neto ah
Cruel Summer
Yung beat niya kadugtong to ng Getaway Car eh. Dapat marelease to as single.
False God
This is dedicated to him char
I forgot that you existed
This is dedicated to my past lover. Charot ulit. It’s just indifference.
Paper Rings
Ang sarap mainlove besh
Miss Americana and the Heartbreak Prince
Lagi ko tong kinakanta, idk
London Boy
The Man
Afterglow
One thought on “Lover”