Weekly Chika 2: Sarap buhay ah.


So bukod sa pagdadrama ko buong linggo, heto lang naman ang mga inatupag ko.

PROOFREAD

Sa wakas natapos na yung 496 page na lang na M&E report juskupo hahahahaha dalawang linggo rin ako nangalay at nakatulog kakabasa hahahahaha. Tapos may dalawang risk comm workshop akong aattend-an this month, at naghahanda na para sa CCC week. Ako ang in-charge sa fifth day (mukhang Friday tatapat yun) at mukhang sakin mapupunta lahat ng malalaking finale event – Awarding ng Arts Festival, National Convention, hala ang nostalgic kasi mararanasan ko na naman yung mga pinaggagagawa ko nung college. Ang wish ko lang eh sana hindi ako atakihin ng sakit ko pagdating ng CCC week. Ang hirap magtrabaho ng ganon ang kundisyon. Tatlong buwan na lang ang paghahanda, sana maging successful ito please.

PARTY

Ngayon lang ulit ako nakabalik sa Xylo para mag-social climb este mag social club hahahahahaha tagal na rin nung huli. (Kung makachika ako ng ganito akala mo may pera hahaha). Awkward na naman ako kasi puro mga foreigner at elitista ang mga nakikita ko. Di pa rin pala talaga ako sanay sa ganitong eme, pang Oasis levels lang ako eh haha. Somehow eto ang happy place ko kasi ini-imagine ko na ako yung DJ na nagpapatugtog doon sa itaas, hayh hanggang pangarap ko na lang ba talaga yan? EDM is life pero bakit hindi ko na alam yung mga kanta hahaha. Is this adulting? Hahahaha. Sumasayaw ako pero ang lungkot. Parang may kulang hahahaha. Naaalala ko siya kasi nung nakaraan inaaya niya ako, gusto niya pumunta ng BGC at ma-experience yung mga ganitong eme, pero nabagyo non tapos friday tapos rush hour kaya sabi ko wag na tayo lumayo. Ayan, ang sad.

Tapos ang ganda ng nabili kong lip liner 😍 bagay sa rep vibes ko. Skl. (mukhang mangkukulam irl)

LARO

Yay na-install ko na yung nilalaro kong game sa laptop ko. Kaso. Ang problema. Ang bagal hahaha di pala talaga kaya. Pero okay lang, na-miss ko gumamit ng Uzi at Kris Super V hahahahahahaha

And may Dove and Love na ako β™₯ yey

NETFLIX

Wala pa rin kaming internet sa bahay kaya hindi ko matapos tapos yung mga pinapanood ko. Jusko. Favorite ko ngayon yung ‘Orange‘ (gagawaan ko to ng review sa hiwalay na post) kasi katulad ng Your Lie in April, na-sad na naman ako. Natapos ko na rin yung live action movie, masakit din.

ANXIETY

Since Friday last week hindi na naman ako nakakakain ng maayos. Bumalik lang ulit yung gana ko nung Friday ng gabi, buti naman. Nagluto si Don ng Carbonara nung monday, friday ko na kinain. 2nd anniversary nila ni Sanell eh (this could be us but u playin charot). Okay naman na ako!! Except lang na minsan, este madalas ko pala siya naaalala. I wonder what she’s doing right now πŸ€”

Mukha lang pasarap sarap sa buhay yan pero nahihirapan na ako mentally. πŸ˜…

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.