2017

(Rated SPG) (True story)

SEXUAL ABUSE.

Alam kong hindi ito ang tamang time para ikwento ko to, pero kailangan ko na talaga sabihin to.

Akala ko hindi na mauulit yung mga pangyayari nung bata pa ako.

Ngayong new year’s eve ay kaming magpipinsan lang ang magkakasama. Yung tito, tita, at pinsan ko na si Isha ay sa ParaΓ±aque uli nagcelebrate. So kaming tatlo lang nandito ngayon.

Ilang minuto pagkatapos mag-alas dose kanina, habang masayang nanonood ang mga tao ng fireworks display, habang tumutugtog ng malakas ang speaker sa kanta ni Bruno, nasa labas nun si Don Hae at Anye, nanonood ng fireworks. Ako naman ay naghahanda na ng pagkain. Pumasok sa bahay ang aming butihing kapitbahay. Tapos ay sumilip silip muna siya sa labas, nang makita niyang walang nakakakita sa’min ay…

Hinipuan niya ako, dun sa ano at sa ano.. Oo yun nga, tapos ay hinalikan ako sa pisngi, sa labi. Pinaglalaruan niya yung ano. Nag-freeze ako nung time na yun, nanghihina, kinikilabutan. Hindi ko magawang manlaban. Ang tagal niyang ginawa yun, ang tagal umuwi ng mga pinsan ko. Di ko ma-express dito yung mga gusto kong sabihin.

Yung kapitbahay ko na yun, nasa 60s or 70s, halos 16 years na naming kakilala, plus pinaka-close ng lolo’t lola ko nung nabubuhay pa sila. So *TRUSTED* na siya.

Bata pa lang ako, ginagawa niya na sakin yun. Pag dadalhin sa ospital yung lola ko, at madalas na ako lang mag-isa ang naiiwan dito sa bahay, pumupunta siya, at yun na yun. Nahinto nung namatay yung lola ko, high school na ako nun. Hindi na kasi kami naging close sa mga kapitbahay simula nung nawala si Lola. Hanggang sa eto nga, naulit. Naulit.

HINDI AKO MAKAPAGSUMBONG. Wala akong pinagsasabihan sa mga nagaganap sakin. Matagal na siyang kaibigan ng pamilya. Paano ako makakapagsalita? Tapos ay malala na ang Cancer ni Lola nung time na yun, sasabihin ko pa ba?

Ngayong naulit, ito ang unang beses na may pagsasabihan ako na ibang tao, sa di ko pa kilala. Hindi ko pa rin kayang magsumbong. Ayoko ng eskandalo. Nasa Dubai ang tita ko, ayokong mag-alala siya doon. Hindi pa kami gaano magkaayos ni kuya, mukhang hindi siya maniniwala kapag nagsabi ako.

Natatakot ako. Alam kong mauulit pa ito. Lalo na’t nakwento na ng pinsan ko sa kanya na madalas wala sila kuya dito sa bahay, tapos ay ako lang mag-isa ang naiiwan. Anytime pwede siya makapasok dito. Anytime pwede niya akong, molestiyahin. Or mas higit pa dun.

Ayoko na rito, gusto kong umalis, lumayo. Yun pa lang ang nakikita kong solusyon. Paano. Hindi pa ako nakakagraduate ng college. Wala akong maidadahilan para lumipat ako. Paano ako makakaiwas? Tatlong bahay lang ang pagitan namin sa kanila. Natatakot na ako.

Alam mo ba, simula nung nangyari to dati sakin, ginawa kong panget ang sarili ko. Hindi na ako naliligo ng araw-araw, hindi ako nagsisipilyo palagi, hindi ako nag-aayos, baka sakaling pandirihan na nila ako. Para wala nang magnanasa sa akin (seryoso to) Kaya ganito yung hitsura ko ngayon, pinabayaan ko yung sarili ko noon.

Hindi lang siya ang gumawa sakin nito, may dalawa pa. Pareho nung bata pa ako nun. Di ko muna ikukuwento yun.

Ngayon hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Napaparanoid ako. Gusto kong humingi ng tulong, ayoko nang maulit to. Pero ayoko magsumbong.

πŸ˜₯

Advertisements

18 Replies to “2017”

  1. Girl, wag mong palagpasin yung ginawa niya sa’yo. Sabi mo maliit ka palang ginawa na niya tapos naulit ngayon. Kapag pinalagpas mo yan, uulitin niya ulit at iisipin gusto mo kasi di mo siya isinusumbong. Isumbong mo sa Barangay or sa pulis, kelangan mo madaig yung takot mo kasi baka ginawa or gawin niya rin yan sa iba na mas bata sa’yo na mas matatakot magsumbong.

    Liked by 1 person

  2. Hello po sa inyong lahat! Sorry late respond. Salamat po sa concern nyong lahat, I appreciate it. Sa ngayon, dahil sa complicated pa rin yung sitwasyon namin dito sa bahay, hindi pa rin po ako makapagsabi sa mga kamag-anak ko nung tungkol sa nangyari, hindi rin ako makapagsumbong sa authority, sorry, sana ay maintindihan nyo ako.

    Ginagawa ko na ang lahat ng pag-iwas para di na po maulit to. Tapos, if ever na may mangyari ulit, alam ko na ang gagawin ko. Di ko na hahayaan na gawin niya yun ulit

    Sa ngayon po eh back to normal na ako, balik sa school, don’t worry okay na okay na ako. Salamat po ulit β™‘

    – Shai

    Liked by 6 people

  3. Huy ate girl! 😦 I know mahirap yang pinagdadaanan mo and its traumatic. But please,wag mo hayaan na paulit ulit pa “nyang” gawin sayo yan. You already took the first step para isumbong ang ginawa “nyang” kababuyan (sorry for the word) sayo tru WordPress.But unfortunately, advices at suporta lang ang magagawa namin sayo,given na hindi ka namin kilala ng personal.Gayunpaman,nawa ay gumaan kahit paano ang dinadala mo sa pag-share mo nito dito sa WP. It serves as an eye opener to all of us,na talagang may mga taong kahit pinagkakatiwalaan mo pa ng sobra ay magagawa ka pa ding gawan ng masama. Nawa ay ingatan mo ang iyong sarili,girl. IPAGDADASAL KITA! ❀

    Liked by 1 person

  4. di ko alam kung ul feel better pero may gumawa din sakin nyan.. 12 years old lang ako nun. teacher namin. bata pa ako at di ko pa alam ung mga ganung bagay. sobrang kadiri ung halik nya. buti nga sakin halik lang, may ibang bata syang nagalaw. pakiramdam ko ang dumi dumi ko. sobrang nandiri ako sa sarili ko. naiintindihan ko ung part na ayaw mo magsumbong kasi una sa lahat nakakahiya, tapos mas matanda sya sayo parang walang maniniwala sayo. tapos may eskandalo ikaw ang kawawa. nung nagka-boyfriend naman ako pinipilit nya rin ako sa mga ganyang bagay pero ayoko. so pag hinahawakan ako o hinahalikan sobrang nandidiri tlaga ako. iba ang pakiramdam. nakakatakot.. pero naayos naman na. hindi na nya ginawa ulit. kasi lumaban ako.. sabi ko ayoko. kung kelangan magwala ka o saktan mo sya physically gawin mo. para alam nyang ayaw mo at kaya mong lumaban. wag ka matakot.. hindi mo rin dapat sya binibigyan ng chance na makalapit sayo. i feel bad na may ganyan kang experience at ang bata bata mo pa. sana may mapagsumbungan ka jan para may poprotekta sayo.

    Liked by 1 person

  5. Gurl kailangan mong lumaban at magsumbong! Kung hindi man sa pamilya mo, sa awtoridad. Hindi yan matatapos pag umalis ka, baka gawin niya pa sa iba (nawa’y hindi!!!) gather your courage! For the meantime, lagi mong ikakandado bahay niyo tuwing magisa ka, at huwag mo siyang papapasukin. Kayanin mo po pls! Stay strong and brave. May this year be the year where you take action. Huwag mong hayaan sirain ka ng manyak na yan any further. Ipagdadasal kita!

    Liked by 1 person

  6. Shaira Mae,

    Una sa lahat, I am sorry to hear that you experienced this useless anxiety.

    Sa pagsulat mo nito kahit anonymous ka or hindi mo kami kilala dito sa WP, you took the first step towards telling your story and that takes courage. Hindi madali yan. Ngayong dapat ikwento mo yan sa mga kasama mo sa bahay. Sa kwento mo, I-refer mo yung sarili mo muna as a third person. Kailangan lang tibayan mo ang loob mo sa pagkwekwento at pagsusumbong.

    Just like what the others are telling you, kailangan mo talagang magsumbong sa awtoridad. Kahit blotter muna. Di natin alam baka ginagawa nila yan sa iba. Magsumbong ka para sa sarili mo at sa ibang inosente pang mabibiktima.

    Alam ko takot ka at galit sa nangyari. You have the right to feel angry. Hindi mo kasalanan na nangyari sa’yo ito. Wag mo sisihin ang sarili mo. Hindi ka kinakarma. Hindi yan tadhana. This bad thing happened because there’s a certain person who did something evil towards you. Kailangan nating pigilan ang abusadong taong ito.

    Since you’re still schooling, maybe you can contact your guidance counselor in the campus. Isa akong peer counselor dati sa college, may mga narinig na rin akong mga kwento na ganyan pero mas trained ang mga guidance counselor para sa ganyang maseselang bagay.

    Sa ngayon, ang magagawa ko lang para sa’yo ay ang ipagdasal ka na sana makayanan mo itong pagsubok na ito ng buong tatag at tapang.

    Salamat sa pagkwento mo ito. Bukod sa pagbibigay payo, handa akong makinig at magbasa ng kung ano pang susunod na mangyari. Hindi man kita kilala pero nandito ako.

    Tumatayo bilang kuya mo,
    Allen, FMS

    Liked by 3 people

  7. Ate armado ba siya pag pupunta siya jan? Ate kung sa susunod na gawin niya ulit yan maging matapang ka na. LUMABAN ka na. Prepare ka ng pang self-defense jan sa inyo. Gagawin niya ulit yun talaga kasi alam niya na hindi ka naman nagsusumbong at natatakot ka. Mag-salita ka na sa susunod. Nasa 60s na siya sabi mo, kung kaya mong pilayan, pilayan mo na. Yung hindi na makakalakad papunta jan sa inyo.

    Pag handa ka na sa eskandalo ate, hingi ka na ng tulong sa paligid mo.

    Laban, ate! Alam ko kaya mo yan.

    Liked by 1 person

  8. then try to document his actions if it happens again. then that’s serves as an evidence. even an audio record serves right
    Do not be afraid and stay vigilant. Stay strong. And devise an escape plan. How about your parents even your mother will 100% believe you. Mother’s instict yan. text them and inform them now. tell this story even tp your teachers and friends. Please don’t lose hope.

    Liked by 1 person

  9. i know this sounds but always lock down the house so no one would enter the premises. then do you have pets at home? para may kasama ka for example na matakot siya dahil may aso kayo.

    Liked by 2 people

  10. nyeta nakakapanginig ng laman,may anak akong babae at maisip ko lang na may nangyayaring ganito kumukulo na ang dugo ko, magsumbong ka sa pulis neng, badtrip yang manyak na yan, dapat sa ganyan pinuputulan at pinakapakain sa buwaya, wag kang matakot, magsumbong ka na please bago pa mahuli ang lahat

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s