Pumunta siya sa puntod nila mama. Eksaktong dalawang taon na rin ang nakalilipas buhat nung una ko siyang ipakilala sa magulang ko.
Nagpakilala ulit siya, at nagsorry sa lahat lahat. Kinuwento niya kay mama yung mga nangyari, kung ano na kami ngayon, etc. Kung paanong mas naiintindihan ko siya ng mas higit pa kesa sa jowa niya ngayon. Kung paanong nawala sa kanya yung the best na person (sabi niya yun ah)
Kaso ang sakit lang nung sinabi niya, na hindi siya nagpa-progress hangga’t andyan ako. Hindi siya nakakausad hangga’t alam niyang may lilingunin siya. Kasi hanggang ngayon tinutulungan ko pa rin siya umangat, kahit hindi na kami. Pero ewan basta gusto ko maging stable at successful pa rin siya. Kaso. Baligtad pala yung epekto ko. Tapos ganon din siya sakin. Hangga’t andyan siya, humihinto yung progress ko. Pag bumabalik siya’t nawawala, nagkakasakit ako. Apektado ako psychologically.
Pero paikot ikot lang kami. Lumalapit. Lumalayo. Hindi ko din alam. We’re not good for each other in reality pero bat sinasandalan pa rin namin ang isat isa? Tinanong niya rin ako why I’m still helping him out. Sinabi ko lang na, pag nawawala siya, nawawalan ako ng ganang kumain. Kaya hangga’t maaari I want him around, kahit sa katotohanan eh ginugulo niya talaga ako. Ayoko lang tanggapin. Tapos ako, unintentionally nanggugulo din ng relationship nila. Kahit mas pabor ako lagi sa side ng gf niya pag may issue sila. Kahit paulit ulit ko siya sinasabihan na tigilan niya kalokohan niya. Well which includes, talking with his ex. Me.
Tinanong niya rin kung bakit di na lang daw ako magsettle sa seryosong relationship, kesa magfling around sa reddit. Sabi ko. I don’t want to end up with someone like you again.
“Para kang yung paborito kong lumang sapatos. Dahil tinamad na akong maglinis, tinapon na kita at bumili ako ng bago, yung mas maganda. Pero nung katagalan, nagsusugat na yung paa ko. Di ko narealize na mas komportable pa rin pala ako doon sa lumang sapatos.” Sinabi niya yan. Sinagot ko. “Eh nasira na yung lumang sapatos nung tinapon mo na. Hindi mo na masusuot yun ulit.”
May closure na naman na naganap (hay, pang ilang beses niya na ba tong nagpaalam na aalis na sa buhay ko), so ako heto nanlulumo na naman. Hindi ko alam kung tapos na ba? O kailan matatapos ang kwento naming dalawa. But I’ll keep on helping him out kahit maglaho siya ng paulit ulit haha. Kahit love na love niya ng sobra yung jowa niya hahahaha support ko lang sila π
Last words niya kay mama: Tita, sana po makahanap siya ng lalaki na mas way way more better than me.