Mga Kwento ng Klima tells the story of climate in the context of the Filipino experience and how it has shaped the Filipino identity and culture.
Ipinalabas na to sa Sunday’s Best noong November 24, sana ay napanood nyo.
Noong November 22 naman ay naimbitahan kami para sa pre-screening neto.
Naranasan mo na ba yung emosyonal ka dahil sa panonood ng docu? Eto yun eh. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Feeling ko nandun din ako sa environment na yun. Feeling ko nalulunod ako. What if I was there? Mamamatay din siguro ako katulad nila.
Marami na tayong nasaksihang dokumentaryo ukol sa pagbabago ng klima, at mga epekto nito. Pero ang tanong, may ginagawa ba tayong pagbabago? Bakit parang business-as-usual pa rin tayo?
Aware nga ang tao sa climate change. Pero aware ba tayo kung gaano ito kalala?
Isa ito sa mga docu na masasabi kong na-reach yung general audience. Masyadong teknikal at malalim ang usaping ito kaya ang mga pangkaraniwang mamamayan ay hindi ito gaanong naiintindihan. Na-visualize dito ng maayos yung mga bagay na sana ay alam ng lahat para sana hindi gaano mapaminsala ang mga sakunang dumarating. Tsaka lahat ng sektor ng lipunan ay nai-discuss, sa loob ng halos isang oras ay nabigyang-pansin naman lahat ng usapin.
Sana ay mas maabot pa nito ang masa. Lalo na ang mga kabataan. Sana din ay maging regular o mas dumami pa ang mga dokumentaryong tumatalakay sa isyu ng pagbabago ng klima.