Big Bad Wolf 2020


Bakit naka block editor na to, di ako sanay dito, html editor pa rin kamo ginagamit ko hahaha very tita ka na Shaira!!

Nagpunta kami ng Big Bad Wolf netong 14. Biglaan lang. Pa-valentine na rin ganern. Pangalawang BBW ko na to, yung una hindi ako nakabili kasi wala akong pera + male-late na ako kaya di na ko nagtiyaga pumili. Ayun buti hindi na gaanong matao. Tapos 9pm kami pumunta eh may lakad kami ng maagang-maaga bukas hahahaha #laban

Hindi pala talaga ako mahilig sa fiction books kasi dinaanan ko lang haha wala akong na-bet-an. Parang magmula nung hindi na ako nanood ng TV, hindi na rin ako interesado sa mga novel chuchu. So ayon nasa non-fiction section ako tapos waaaaaa, ang dami ko gusto kunin!!!! Mga science books, history, encyclopedia, cooking books, tas maraming psychology at philosophy books doon!! Gusto ko maghoard ng mga reference books tas ang daming books about Freud/Psychoanalysis theory. Hala kung mayaman lang sana ako.

So heto lang ang kinaya ng budget ko. Dapat bibilhin ko pa yung first aid book tsaka college algebra essential (yes) kaso kailangan ko mamili 😭 tapos may nabili din ako na Photoshop at Excel tutorial books na sana ay makatulong sa trabaho ko haha

Tsaka sana sa susunod na mga BBW eh may local books din, naghahanap ako ng mga pampanitikan (Jusko Shaira, Filipino major ka talaga)

(Ayan ka na naman bili bili ka ng libro eh yung extraterrestrial pichi pichi nga hanggang ngayon di mo pa rin binubuklat πŸ™„)

Parang hindi na history ang kukunin ko sa masters ah, parang psychology at philosophy na ang interes ko hahaha