Alibughang Anak

Hero
(image source)

EVERYTIME na ipinapalabas sa telebisyon yung TVC ng Lucky Me! (Yung tatay na pinapagalitan yung anak dahil gabi na umuuwi) Alam mo yung feeling na relate na relate ka ng sobra kasi pareho kayo ng sitwasyon! Ganun na ganun din ang pinagdadaanan ko ngayon kaya sa tuwing napapanood namin ni kuya yun, MEDYO AWKWARD LANG TALAGA YUNG MGA GANUNG MOMENT. everytime na lang, natatameme ako. Napapalunok ng laway. Lol. Sorry talaga ilang taon na ako na umuuwi ng gabing-gabi nang hindi nagpapaalam. Dahil po yun sa mga school works, di po ako gumagawa ng kalokohan. Pramis. Di na matatanggal sakin yung ganung ugali, inaamin ko. Darating at darating pa rin ang araw na ganun nanaman ulit ang mangyayari. Maghahatinggabi nako makakauwi. Pasensya na talaga.

Ngayon na inaayos ko naman yung sa iskrip namin para sa teatro, may dayalogo naman akong gusto dito dahil relate din ako. Kaya sa susunod na sesermunan ulit ako ni kuya baka mag theater act ako sa harap niya, at isasambit ang mga linyang ito:
“Kasalanan ba yon? Kasalanan bang mag-ambisyon? Paano nyo ba ako pinalaki? Mula pagkabata, idiniin nyo na sa akin – be success, be on top, be number one. Grade one pa lang ako, gusto nyo maging honor student ako. Good grades are not enough. Dapat may medals. May ribbons. Achiever! Dapat laging nangunguna. Dapat laging nasa itaas. Karera ba ang buhay, kuya?”

“No, kuya. Kailangan nyo akong pakinggan bago ako marinig ng lahat. Naging mabuti lang akong anak at estudyante. Kasabay ng paniniwalang karera ang lahat. Unahan. Balyahan. Matira ang matibay!”

“Meron bang katapusan ito? Saan ba ang dulo ng karera? Hanggang saan ang finish line? Kasalanan ba if i do this and that, at this very young age? Tinupad ko lang ang inaasahan samin ng lahat. Ang magsumikap sa theater. Ang magtagumpay sa play. Secure our own future! Yan ang ginagawa ko. Kasalanan ba yon?”

“At ngayon, meron na akong ipapakita para patunayan that the struggle has been worth it. Kuya I was appointed as one of the directors of our theater play! Leader! Mangyayari ba yon kung nag accountancy ako? (Tapos may LOL sa huli)

Kabog yung lines di ba. Pwede nakong pang FAMAS pag ginawa ko to. Pero syempre joke lang, di ako sumasagot pag pinagagalitan ako. Masama manumbat. Di ko kaya. Kaya pag sinisermunan ako, tanggapin mo na lang yung mga masasabi sayo. Ganun talaga eh.

Advertisements

5 Replies to “Alibughang Anak”

Comments are closed.