Ang mga tulay ang nagkokonekta sa atin patungo sa iba.
It takes both sides to build a bridge. Pag mahina ang pundasyon ng isa, madali itong magigiba. But instead of building bridges, we build up walls.
Hindi mo nakikita kung ano ang meron sa kabila hanggat hindi ka tumatawid sa tulay.
May mga tulay na mahirap daanan, pero yun pala ang tanging daan palabas sa lugar kung saan ka naliligaw.
May mga tulay na tinatawid, at meron ding sinusunog lang.
May mga sinusunog tayong tulay upang hindi na natin tawirin, o maski lingunin ang nakaraan.
May mga sinusunog tayong tulay dahil ang liwanag nito ang magdadala sa atin sa magandang buhay.
May mga sinusunog tayong tulay pero in the end, na-stranded na tayo dito. At huli na ang lahat.
May taong pagmamasdan ka lang habang tumatawid ka sa tulay papunta sa kanya. At may taong sasalubungin ka sa gitna at sasamahan ka sa pagtawid sa makitid na tulay patungo sa masayang kinabukasan. Know your worth π