Blank Slate


Wala akong maalala.

Nahimatay daw ako kanina. Tapos paggising ko. Wala talaga akong maalala.

Hindi ko pa alam yung mga eksaktong detalye pero. Naghahallucinate na pala ako kanina. Shet.

So heto na, pagkagising ko ang sakit ng ulo ko, malakas daw yung pagkakabagok ko. Ganito yung nangyari. Buong friday wala akong ibang ginawa kundi matulog lang. Nagpapahinga ako since galing ako sa writeshop. Wala ako sa mood maglamyerda ng biyernes.

Etong part na to hindi ko na maalala. Ginising nila ako ng 7pm para maghapunan. Pagkabangon ko daw, bigla na lang ako bumagsak, diretso daw, as in tumama yung ulo ko. Tapos ayan na sinaklolohan ako, tinawag sila Ate Marisa at Ate Wen. Hindi ko maalalang nakita ko sila kagabi. Tapos pinakain daw ako ng kanin at noodles. Again. Hindi ko maalala.

May malay na ako pero wala akong maalalang kahit ano. Nakita ko na lang sa message history ko, paulit ulit ako nagchachat na, “wala akong maalala” at “paulit ulit ako”, paulit ulit ko yun sinasabi. Natataranta na sila dito.

Nagising ako around 5, bago pumasok si Don2. Tinanong ko, “Anong nangyari?” Wala pa ako sa sarili ko non. Tapos ayun sinabi niya na. Tapos natulog ulit ako pagkaalis niya. Gumising ulit ako umaga na, tinanong ko na naman si Anye, “Anong nangyari?” kasi again – wala akong maalala. Ang sakit nung part ng ulo ko na tumama sa semento. Masakit din yung leeg at pwet ko banda, mukhang malakas nga ata ang pagkakabagsak ko.

Naiiyak nako non, naalala ko yung mama ko, ganyan na ganyan din yung nangyari. Bigla na lang siyang nagcollapse tas sinugod sa ospital, then ICU, then after 7 days, nawala na siya.

Pero hindi ako makapagpaospital. Wala akong pera dito. Wala na rin akong HMO. Tsaka naalala ko nung kay Venice, ilang araw siya naconfine nun, ayoko huhu. Kailangan ko pa pumasok next week. Kailangan ko daw magpa-CT scan or MRI, kaso ayun, san ako kukuha ng pera?

Ngayon lang ako nagkaganito. Di ko alam kung dahil ba overfatigue? Stress? Buntis? (Wait what)

Alam mo feeling ko kinakarma na ako eh. Binabawian na ako. 😦

One thought on “Blank Slate

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.