The 2019 Year End Accomplishment Report


Recap to my previous year-enders:


It was the end of a decade, but the start of an age.

Yung unang plano ko dyan dapat powerpoint presentation eh HAHAHAHAHAHA tsaka pang-malakasan na yung mga title natin ngayon mumsh. So ayun po ano, welcome to my first ever vlog! De joke nga lang, collage lang kasi yan. Pero ipupush ko sa 2020 na thru videos na ako magpopost (waht). Hindi talaga kasi ako makuda sa harap ng camera so buhay na buhay pa rin itong blog na to. Pero anyway, mas mabuti kung panonoorin mo muna yung video bago magproceed sa entry na ito.


1fa11269-022f-46f5-b06d-4564273aceb6.gif
Visual representation of my year

Accomplishments

Are we out of the woods yet? Last year puro iyak lang ang ginawa ko. O ngayon medyo nagkaroon na ng kwenta ang buhay ko (finally, I’m free!) Kung nakita mo naman yung video ko haha ayun, ang biggest accomplishment ko na siguro yung trabaho ko ngayon, at yung mga lugar na napuntahan ko. Kung babalikan mo yung mga posts ko dati, sinasabi ko lang na hala sana balang araw makapagtravel ako bla bla, it was a dream come true. Buong buhay ko nasa Cavite lang ako tapos hindi naman ako pinapayagan lumabas at magpunta sa mga ganitong lugar. Ganon pala ata pag may trabaho ka na haha hindi ka na pagbabawalan no.

Ang daming nasayang na panahon nitong mga nakaraang taon, kung nagset lang ako ng tama eh di sana mas okay yung kinalalagyan ko ngayon. Ayan kasi, wala namang kwenta yung mga pinaggagagagawa ko at mga pangyayari noon.

Inayos ko nga pala yung linkedin profile ko, Check it out: https://www.linkedin.com/in/shairamaec

img_20191224_193312_4192347319222780526686.jpg
Naalala mo itong dream board na pinost ko noon? Naging katotohanan siya omg ngayon ko lang din narealize. Well, yung Sakura trees sana ma-achieve ko yan next year.

Character Development

Looking back to my previous years, masasabi kong walang kwenta pa rin yung buhay ko hahahahaha charot. Kung makikita mo naman, major shift sa buhay ko yung paglipat ko ng trabaho. Napalaban ng bongga yung kakayahan ko. Kinukuwestiyon ko araw-araw yung sarili ko kung talaga bang writer ako? Kasi hindi eh. Kahit patapos na ang taon na to, nangangapa pa rin ako sa mundong ginagalawan ko ngayon. Hala ang bobo ko, hindi pala talaga ako marunong magsulat. Ang blog na to ang dahilan kaya ako natanggap sa trabahong ito, nag-expect sila sakin na I’m good at this pero hindi pala talaga. Ilang beses ko nang iniyakan to kasi blanko ang utak ko, walang pumapasok sa isip ko. Paano ko tatapusin ito. Isa lang yon sa major struggles ko this year, na hindi lang pala ako sa climate change dapat nag-aadapt.

– Dati lagi akong naka shirt at pants, ngayon puro dress at palda na. Naalala ko nung nag EK kami, nagsusuot pa ako ng stockings nun kasi para hindi halata na mabalbon ako. Pero this year ko lang inembrace yung flaws ko wahaha na dedma na kahit makita ng iba, kasi wala namang pumapansin? Ako lang din ang insecure sarili ko.

– Dati hindi ako makangiti sa mga picture kasi ayokong nakikita yung ngipin ko. Ngayon dedma na lang din, kasi tinanggap ko na yung kapangitan ko? Char. Hindi na ako masyado nacoconscious sa kung ano yung tingin ko kaya kahit mukha akong patapon araw araw, okay lang nu.

Ayun, iyakin pa rin ako. Minsan may mga sadboi moments posts pa rin ako. Ilang beses ko na rin sinabing napapagod na ako. Pagod na akong mapagod para sa iba. Hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng anxiety pag gumigising ako sa umaga.

Pero alam mo, at least hindi na katulad dati na konting kibot lang, iiyakan ko agad. I have a friend na nasa ganong sitwasyon ngayon and nakikita ko yung sarili ko sa kanya a year ago. Sinabi ko sa kanya na sana maibalik yung ngiting nawala sa kanya. Ang hirap kasi hanggang ngayon yung ngiting ninakaw na yon sakin, hanggang ngayon hindi pa rin naibabalik. Kaya lagi kong sinasabi sa lahat ng posts ko na – whatever happens to me, hinding-hindi na ako magiging masaya.


Toxic Trait

Last year naalala mo, na-diagnosed ako na may Hyperthyroidism. Buti nga ngayon, hindi na gaano, pero ganon pa rin, may mga araw na ang lakas ko kumain, pero nilalabas ko rin agad. May mga araw pa rin na pag sobrang lugmok ako eh hindi na naman ako nagugutom. Pero ngayon, sobra ko pa ring tinitipid yung sarili ko. Hindi ako kumakain pag alam kong mapapagastos ako para sa iba.

At, sa lahat ng mga nangyaring magaganda ngayong taon sa buhay ko, ay hindi ako masaya.


Satisfaction

Naalala mo nung pinost ko nung taong 2016 ito: The Philosophy of Contentment. Eto yung proposal ko sa Philosophy class namin. Walang taong nakukuntento. Lahat tayo may desires para ma-develop yung well-being natin. Hindi yung ok ka nang hindi umalis sa loophole ng paulit-ulit na routine ng buhay.
Eh ako? Ano bang problema ko?

Hindi ako pinanganak para lang mag-aral > magtrabaho > magpamilya > at mamamatay. I want to do/achieve something na makabuluhan, hindi yung nag exist ka lang para sa wala. O e ano ngang problema ko?

Hindi ko na kayang maging masaya. Opo. Kaya lagi ako nagpopost dito sa blog ng mga achievements ko hindi para magyabang, kundi ipamukha sa sarili ko na eto na, eto na yung mga pinangarap mo noon, nasa harap mo na, bakit hindi ka pa rin masaya?

Self-actualization. Alam mo yung Maslow’s Hierarchy of Needs?

I-incorporate ko na rin siya sa post ko para magets mo. Meron tayong basic needs na sa kabutihang-palad ay napupunan ko na. Yung psychological needs ay ok naman din, pero alam mo kung ano yung nakakapagpa-bother sakin lagi? Yung pinakatuktok ng triangulong ito. Hindi ko ma-achieve yung full potential ko, kasi, di ko alam. Parang may kulang.

Ito yung void na hindi mapupunan ng kahit ano. Nagkajowa ako, nakunsumi lang ako, hindi masaya. Nagkapera ako, hindi ako masaya. Nakapaggala ako, nung umuwi ako hindi na ako masaya. Napunta na ako sa iba’t-ibang church kasi baka kulang lang ako sa faith, pero hindi, hindi pa rin ako masaya.

Hindi ako marunong makuntento. Hindi sa ‘gahaman’ or naghahangad pa ako ng mas higit sa pangangailangan ko. Pero hindi ko na kayang maging masaya sa kung anong meron ako ngayon. Wait lang pang-ilang beses ko na to sinabi?

2017 nung grumaduate ako, punung-puno ng pangarap. 2 years after, wala na akong motivation. You mean goals? Yung sana after a certain period of time gusto ko makapagpundar na ako ng ganito ganun, magtatayo na ako ng ganitong business, nawala yung long-term goals ko. Asan na? Bumabangon ako na walang ganap. Hala sana ma-gets mo ko, yung fuel ng passion? Nasaan na? Tinamad na akong mag-aim pa ng mas mataas. Parang ako na yung tipikal na manggagawa na magtatrabaho na lang para sumahod, tas bigay kay ganito, kay ganun, tapos ako wala naman akong nafufulfill sa sarili ko. Hindi nila kasalanan. Ako mismo ang may problema. Wala akong balak para sa sarili ko at sa future ko. Pero joke lang, nagpost ako nung nakaraan na pag nagkajowa na ako, gusto ko pakasalan na ako agad (pero hindi mag-aanak), wala lang, baka sakali lang magkaroon ulit ako ng life goals. O di ba, alam mo di ba sinabi ko noon, hindi ako pinanganak para maging housewife. Eh ano to?

I started becoming the person I never wanted to be. Ang normie ko na. Kaya minumulto ako ng old self ko na hindi na daw ako honest sa sarili ko. May mga bagay akong nagawa at ginagawa beyond my moral values (playing with fire, dancing with a stranger). I become reckless. Ang sama na ng ugali ko na tipong when something inconvenient happens to her, ang masasabi ko lang, “Karma mo yan.” Di ako to. Anong nangyari sayo Shaira?

I don’t make plans. I am spontaneous. Kasi nga lahat ng pinlano ko para sa sarili ko, para sa amin char, naging drawing na lang. So ngayon, go with the flow na lang. Come what may. Kasi buti pa yung mga biglaang ganap nangyayari. Biglaang pagreresign, biglaang gastos. Ganun. Kaya tama na ang pagtatanong mo sakin kung anong plano ko. Kasi wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon.

“Hindi ka tumanggap ng pension mula sa SSS for more than 10 years para lang maging walang kwenta sa lipunan. Hindi ka nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo para lang maging low life peasant. You made this on your own. We’ve come this far. Wag ka nang bumaba doon sa level nila.”

Eto ba yung tinatawag nilang existential crisis? So ano, dapat nga bang makuntento ako at maging masaya or wag makuntento and strive for more?


Lessons Learned

“We got distracted and caught up in unnecessary things sometimes and we forget that we are in a process and having things not working out is also a part of it.”

Dati lagi natin sinasabi na “Pagdating ng bagong taon, magbabago na ako bla bla”, pero isa lang din yan sa mga pangakong laging napapako haha. I’ve learned that kung gusto mo magbago, don’t wait for a specific time at moment, kasi lagi lang nauurong at nauurong yan. Gusto mo nga magbago pero you keep doing the same old shit, what’s the sense? You can’t expect new beginnings if you keep holding on to old habits. Sabi nga, “If you want something, go get it now. Right now is the start of the rest of your future.”

You get what you tolerate. Biggest blessing ko this year is I got people who loved me even at my most unlovable chapter. Kita mo naman last year napaka-patapon ko. Pero na-redempt ko yung sarili ko and now I’m here where I belong, thanks to you πŸ’•. Yung kayang sabayan yung level of understanding mo sa mga bagay-bagay at hindi yung sasabihan ka na “masyado ka kasing matalino” “ayaw mo magpatalo” dahil lang sa ineexpress mo yung sarili mo. Instead na magsorry eh they will make you feel bad pa about it. Magrereflect pala talaga sayo kapag positive yung impact ng isang tao. You’ll glow differently. Kaya always surround yourself with positive at masisipag na tao, para hindi ka na mahila pa pababa. Tsaka ikaw na rin mismo mahihiya na yung mga tao sa paligid mo ganon tas ikaw tatamad tamad pa rin, kusa ka na lang magsstep up. Kaya ayun ate girl, tigilan mo na ang pagtolerate sa mga bagay na di mo naman deserve. Tapos na tayo sa chapter ng white lies at kunsumisyon.

– Having the right one will help you reach goals you never dreamed of achieving.

– Not everyone will enjoy watching you succeed.

– Some people are there for you but only for favors. The more capable you are, the more users you attract.


Strategic directions for 2020.

A whole new decade is starting. This is the decade that most of us are going to get married or have kids, etc. We’re about to enter the very beginning of a whole new chunk of our lives.

Imagine how many people we will meet and how much we’re going to mature and how many people we may lose and how much the world is going to change everything we think about daily, like career or love, it will be probably be settled by then.

Nung nakaraang dekada ay marami ang nawala sa aming pamilya (my parents, grandparents). Ngayong dekada ay nagkahiwa-hiwalay na ang pamilya namin. Ano kaya ang hatid sa amin ng panibagong dekada? Bubuo na ba ako ng sariling pamilya? Abangan. Char.

Start of the decade vs. End of the decade

7 years. 400+ posts. 20,000+ views. 521 followers. Salamat!

Sa nakalipas na pitong taon ay naging saksi ang blog na to sa lahat ng aking pakikibaka sa buhay, lahat ng mga pinagdaanan ko, lahat ng mga pagbabagong nangyari, mga rason ng pagngiti at pag-iyak ko, at progress and development. Salamat sa patuloy na pagsubaybay. Ilang beses na rin akong nademotivate na magsulat, ilang buwan din akong nagla-lie low.

But still here we are. Sa loob ng isang taon ay napakarami na ring nagbago sa buhay ko, yung ibang kaganapan ay hindi pa rin at hindi ko na naisulat dito.

Pasensya na kung medyo mayabang ang dating ko lately, kailangan ko iboost yung ego ko kasi palagi akong nadadown sa sarili ko, at heto ang defense mechanism ko.

If ever this will be my last year, though lagi ko sinasabi na makakalimutan nyo rin naman ako/eto eventually, sana may maiwan akong magandang alaala.


Here’s to more talikodgenic photos,

GIF-191222_215834.gif

… and mirror selfies.

GIF-191222_215534.gif


When she turned to go home, she heard the echoes of new words, “May your heart remain breakable, but never by the same hand twice.” And even louder: “without your past, you could never have arrived- so wondrously and brutally, by design or some violent, exquisite happenstance…here.”

“When a woman is loved the right way, she becomes the best version of herself.” I’m happy that I ended this year with less pain than I had at the beginning of the year.

Thank you for staying with me this 2019.

Look how far we’ve come.

Let’s make more memories ngayong 2020.

– Love, Shaira Mae βœ¨πŸ’•


Follow my social media accounts! Char
Twitter. Instagram. Tumblr. Reddit.

4 thoughts on “The 2019 Year End Accomplishment Report

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.