NUNG mga bata pa tayo (lalo na ang mga girls), mga prinsesa tayo sa paningin ng mga magulang natin, tapos diba ang tayog ng mga pangarap natin sa buhay? May gusto maging nars, doktora, abogada, o kaya guro. Pero, pagtanda natin, pag natuto na tayong umibig ng tunay, mababalewala na lang pala yun lahat. π¦
Sad but true. Marami akong mga babaeng kilala na ipinagpalit ang lahat para sa pag-ibig:
– Yung kakilala ko, napakaganda niya, matalino, magaling kumanta, basta artista thingy siya. Kaso napunta lang siya sa isang lalaking walang kwenta, pakanta-kanta lang sa banda, di naman gaano kagwapuhan. Ayun, pagkatapos nilang magkaanak, iniwan din siya. Ngayon, sa edad niyang 20+ lang, kailangan niyang kumayod para sa anak niya.
– Yung isang girl, ipinagpalit niya yung karera niya sa pagtuturo, lumipat siya sa trabahong di naman niya expertise, para lamang mapalapit sa tinitirhan nung bf niya. Kaso sa huli naghiwalay din sila. π¦
– Yung asawa ni kuya, maganda rin, maganda ang trabaho sa Makati, pero pinili niyang manirahan dito sa Cavite at makasama si Kuya kahit wala yung trabaho.
– Iilan sa mga kaklase/kaibigan ko, napaparanoid. Di nila ma-imagine yung sarili nila na makakahanap pa ng iba, kung sakaling hiwalayan sila ng kanilang mga kasintahan.
Okay, ang point ko dito, bakit ganun ang mga babae? Nakatadhana na satin na pagtapos ng pag-aaral, mag-aasawa na tayo? Nakatadhana na yatang isakripisyo ang kanilang sarili at mga pangarap para lamang mapunan yung pangangailangan nila sa pagmamahal. Diba? Karamihan sa atin, pinagtatapos ng kolehiyo, nakakahanap ng stable na trabaho. Pero pagkatapos nun, pag nahanap na natin si “The One”, isinusuko na natin yun. After marriage at magkaanak, iiwanan ang karera, para maging full time wife and mother.
Bukod dun, pati social life nila nawawala na rin. Si Dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino, na isa sa mga simbolo ng mga kababaihan sa ating lipunan, oo naging lider siya ng ating bansa. But think of this? Paano kung hindi na-assasinate noon si Senador Ninoy? Malamang ay hanggang simpleng maybahay na lang siya forever, at never siyang mare-recognize ng sambayanan.
Marami pang ibang naiaalis na kalayaan sa babae. Iilan lang din ang mga kababaihan na nagtagumpay nang dahil sa sarili lang nilang sikap. Iilan lang ding babae ang nababalanse ang kanilang career life at love life, at the same time. Ang dami-daming ipinagpapalit ng babae para sa love, kaso, enough nga ba? May worth nga ba yung ginagawa nila? Sayang yung mga babae na naging successful sana sa buhay, kaso yung pag-ibig na tinahak nila ang naghila sa kanila pababa. Yung mga babaeng napupunta sa mga lalakeng hindi naman nila deserve. Sayang nu.
Ako noon, never kong na-imagine yung sarili ko nun na iiwan ang lahat para sa lalaki. Sabi ko nun, magiging matagumpay ako ng mag-isa. Ayoko ng may hahadlang sa mga goals ko. Ayoko din ng ina-under ako, yung siya gagawa ng desisyon para sakin. Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong nagtatrabaho ako. But then Love came in like a wrecking ball XD nasabi ko na lang na, okay lang sakin na kahit ang dami ng achievements ko nung nag aaral pa ako, ang ganda ng career ko, tapos in the end magiging plain housewife lang ako. Or okay lang kahit walang trabaho ang mapapangasawa ko at ako ang bubuhay sa kanya. Okay lang, basta makasama ko yung taong yun for the rest of my life. π
Sabi naman ng mga lalaki: eh kami naman, nakatadhanang magtrabaho ng magtrabaho para may maipakain sa asawa’t mga anak namin. Kami yung laging pagod oh! Pero di rin. Mas malaki ang naisasakripisyo ng babae, sa totoo lang.
Tsaka dagdag pa: Di ba mas masaya na titira ka sa isang bahay na kahit maliit ay pinaghirapan ninyong dalawa na maipatayo? Kesa sa tumira ka sa isang bahay na magara nga, pero di naman talaga iyo. Mas masarap mag-achieve ng goals nang kasama mo ang taong mahal mo. Masayang makita na after 5, 10, or 15 years, yung mga bagay na ipinundar ninyong dalawa, kita nyo. π
Dagdag pa sa mga ipinaglalaban ko. Ang mga babae, di sila nakikilala hangga’t walang konek na lalaki. Example nga natin, si Pres. Cory. Isa pa, si Gabriela Silang. Kung hindi namatay sa labanan noon si Diego, malamang ay hindi siya mamumuno sa isang himagsikan at hindi rin siguro mame-mention sa mga aklat ng kasaysayan. Hmm si Liza Soberano, forever ka-love triangle na lang siguro siya ni Daniel at Kathryn kung hindi bumenta yung tambalan nila ni Quen. Or si Maine Mendoza, kung hindi siya naipares kay Alden eh malamang dalawang buwan lang ang itatagal niya sa Problem Solving. Baka di siya artista ngayon :” di ba? Feeling ko utang na loob pa natin sa lalaki yung mga naa-achieve natin. bat ganon. lol
Basta yun na yun, sana ma gets ng mambabasa itong itinype ko. Haha.
:]
pero si Adan hinulma sa lupa e di gaya ni Eba na binunot mula sa tadyang… pero alam mo may punto sya bwhahaha
LikeLiked by 1 person
Parang may nabasa na rin po ako na ganyang teorya noon (yung nagmula sa alikabok haha)
Pero lahat naman tayo nanggaling sa tao rin ππ
LikeLiked by 1 person
maalala ko tuloy yung isang sinabi ni the late Sen. MDS na ang babae e nagmula sa material na pangtao samantalang kaming mga lalaki e nanggaling daw sa alikabok (read: dirt) kaya mas superior daw ang mga babae XD
LikeLiked by 1 person
I get your point! Applause πππ
LikeLiked by 1 person