The Philosophy of Contentment


MARCH 16, 2016. Birthday ni CJ, pagkatapos kong hindi magparamdam sa kanya ng halos isang taon, pumunta ako sa bahay nila πŸ™‚ partida wala pa akong tulog nun! Haha

Akala ko magagalit siya sa akin, kasi ilang buwan akong hindi nagtext sa kanya. Di ko na rin siya dinadalaw sa kanila, pero hindi. Masayang-masaya siya na makita ulit ako πŸ™‚ Ilang minuto ko rin siyang pinagmasdan. Hindi siya nagbago. Siya pa rin yung taong nakilala ko 7 years ago. Naisip ko, siya kaya? Naiisip niya kaya na malaki na ang ipinagbago ko? Na iba na ako ngayon?

Di ba yung philosophy na iprinisinta namin nung nakaraan, tungkol sa desires at satisfaction: “There’s no such thing as contentment.” Na pansamantala lang tayong nagiging masaya sa isang bagay. Pag nasanay/nagsawa na tayo dun, maghahangad nanaman tayo ng panibago. That’s life. Sabi nga ni Heraclitus, ‘everything flows’. Everything changes and nothing remains still. Di ka mags-stick sa iisang desire na yun habangbuhay. Magbabago at magbabago ka pa rin ng gusto.

But then, I questioned my own beliefs when I saw CJ. Lahat tayo, may desires di ba? Pero siya, iba siya. Alam mo ba sa sobrang simple lang ng buhay niya, wala siyang ibang hinihiling, kundi yung maging healthy lang siya, at maging masaya silang pamilya. Di siya naghahangad ng kahit na anong materyal na bagay. Di rin siya naghahangad ng anything social. Masasabi kong siya yung taong kuntento na sa buhay na meron siya. Nahihiya nga ako eh, kasi kung tutuusin mas maswerte pa ako, na ako etong nakapag-aral ng kolehiyo, ang dami dami ko pang inirereklamo sa buhay. Pero siya, di na siya nag-aaral. Palagi pa siyang nagkaka-migraine, pero nakikita ko sa kanya na masaya siya kahit yun lang ang buhay niya ngayon. Minsan ginusto ko ring maging katulad niya, na maging masaya ako sa kung anong meron ako. Kaso hindi eh, likas na sa akin ang maghangad at maghangad pa para sa ikasasaya ko (which made this life of mine slightly difficult lol)

Marami pa akong atraso sa kanya. Yun nga kasi feeling ko tine-taken for granted ko lang siya, na minsan ko na lang siya kumustahin, na binabalewala ko siya 😦 sorry talaga CJ ha. Pero ni minsan, hindi sumama ang loob niya sa akin. At nakokonsensya talaga ako. marami man akong nakikilalang mga bagong tao, kaibigan, syempre di kita ipagpapalit β™‘ di magbabago, ikaw ang hanap-hanap πŸ™‚

Baka nanibago na siya ng tuluyan sakin. Noon siya yung dinadaldal ko, ngayon siya na yung laging nagsasalita sa aming dalawa. Nagkapalit kami. Di ko alam, miss na miss ko na siya, pero nung nagkita kami wala akong nasabing gaano sa kanya. Marami akong gustong ikwento, yung buhay ko sa school, yung hanash ko sa bago kong crush, at marami pang iba. Pero, di ko masabi sa kanya sa di ko malamang dahilan. Pero gusto ko pa siya makasama ng matagal, kung may pagkakataon lang… Sana isang araw ay mai-open up ko rin sayo kung ano nang ganap ko sa buhay ngayon. Naghihintay lang ako ng tamang panahon…

Magkaibang-magkaiba na ang mundong ginagalawan namin ngayon. Ang mundo niya ay simple, tahimik. Samantalang ako, kailangan kong sumabay sa mabilis na agos ng buhay, kailangan kong magtiis sa demanding na environment, kailangan kong umalis sa comfort zone ko. Ramdam niya sigurong iba na talaga ako. Kaso gusto ko iparamdam sa kanya na kahit ganun e hindi ko siya iiwanan sa past. Isasama ko siya hanggang future πŸ˜€ hahaha!

At nakakatuwa kasi #1 supporter pa rin siya ng love team namin ni JD. Kahit na matagal na matagal ng wala kaming ugnayan nung mokong na yun, at iba na ang crushlife ko ngayon, shipper pa rin si CJ ng ‘team shairiel’. Forever. HAHAHAHAHA πŸ˜‚

One thought on “The Philosophy of Contentment

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.