Merry Christmas po!
Dito sa opisina ako magpapasko at bagong taon, may shift kasi ako ng weekends ng gabi eh π₯
– – – – –
Eto na siguro ang huling post ko ngayong taon.
Or baka nga hindi na masundan pa (wag naman!)
(Yan nagkatrabaho ka lang tatalikuran mo na ang pagb-blog?)
Di kasi, nandito na naman ako sa point na kung saan, wala na ako gaanong maikwento dito.
Pero hindi, kahit na once or twice a month lang ako maghanash dito okay na siguro yun.
So heto na nga, pansin ko lang, lagi na lang akong naghahanash, lagi na lang ako may complains sa ganito, pero di ko narerealize na itong taon na to, it was one of the best years of my life.
Oo ang daming problemang dumating, pero di ko naappreciate na mas marami akong blessings at good news na natanggap.
Hindi ako gaanong malapit sa Diyos, inaamin ko yun. Di ako palasimba. Pero sobra akong nagpapasalamat sa kanya sa mga bagay na meron ako ngayon.
Una yung nakagraduate ako ng college – kahit na laging delay yung pagbabayad ng tuition ko.
Tapos nung inilaban ako sa Tagisan ng Talino.
Tapos nakapasa ako sa Civil Service Exam.
At nung una napaka-hopeless ko kasi wala pa rin akong trabaho, akala ko wala nang tatanggap pa sakin, pero ngayon eto meron na, thank you po!!
Kahit na konti na lang ang tulog ko araw-araw, kahit na matinding pakikibaka ang pinagdadaanan ko lagi kapag sasakay ako ng MRT at bus, at least di ako nagkakasakit at nakakapasok pa rin ako on time, at walang errors!
At syempre, ang pinaka-petmalu na plot twist ko ngayong 2017 (no, but actually my whole existence) ay yung dumating si jowa sa buhay ko hahahahaha
Nawindang ang buong bayan (maski ako shookdt pa rin), di talaga ako makapaniwala, para siyang isang milagro haha! They be like, “Si Shai, nagkajowa? sa lagay na yan?” “Pano kaya sila nag-uusap niyan (di kasi ako nagsasalita)” “Magpa-five months na sila? Wow tumagal ah”
Nung dumating siya, kahit papano nagkaroon ng saysay yung existence ko, charot lang. Basta di ko maexplain eh, siya yung nag-unlock nung mga bagay-bagay sakin na akala ko di ko na mararamdaman pa. Para kaming jigsaw puzzle na nagfit, siya yung naging katapat ko. Akala ko talaga habambuhay na lang akong mananatili sa one-sided crush. Di ko talaga inexpect na may magmamahal pa sakin hahahaha cheret! *kinilig* Lord, thank you po talaga at binigay nyo siya sakin, sana siya na talaga hehe.
Oo nga, sana yung trabaho at love life ko hindi lang pang-2017. Sana hanggang matapos ang 2018, at hanggang sa mga susunod pang taon, mananatili pa rin sila. Is it too much to ask?
Hahahahaha. Congrats.
LikeLiked by 1 person
Ay ayun naman palaaaa. May jowa na, may work na din! Hahaha
LikeLiked by 1 person
hehehe salamat! Merry Christmas βΊ
LikeLike
Salamat ateeee βΊ Merry Christmas din β₯
LikeLike
Ayos!cheers to the jowa and the job!hahaha panira ng pagbblog ang trabaho, hahaha, chos, I’m sure there would be more blessing to come next year!positive lang! π
LikeLiked by 1 person
Nice Shayy…Merry Christmas at Happy New Year na din if ever later mo na ito makikita dahil busy ka na sa work. Congrats sa lahat ng mga milestones mo this year, you are so blessed. Wishing you more joy and blessings sa 2018 πππ
LikeLiked by 1 person