Kasal


Kaya pala yung mga recent post ko ay ganito: Mirrors. Maliit na bagay. Lover.

Kaya pala hindi ako makatuloy tuloy maging seryoso sa relationship. Kaya pala patalun talon ako from one to another. Hindi dahil sa di ako maka get over sa ex.

Narealize ko, all the time I was looking for someone to settle down with. As in as soon as possible agad. Napapagod na ako sa ganitong setup na makikipagrelasyon ka tas mag iinvest ka ng panahon tapos after some time ipagpapalit ka rin sa iba. Kaya sabi ko, yung susunod na bibigyan ko ng OO, oo as in gusto ko kasal na agad. Kaya ang taas ng trust issues ko sa mga to at hindi ko makita yung worth nila.

Alam ko pagsisisihan ko rin to balang araw pag mali yung pipiliin kong sunod. Susubo ako ng mainit na kanin at alam kong iluluwa ko rin to. Kaya inaanalyze ko talagang mabuti. AYOKO NANG MAGKAMALI ULIT.

Pagod na ko sa pagbuo ng mga plano at pangarap na ganito tayo after 2 years, 5 years bla bla, gusto ko sa umpisa ng relationship umpisahan na agad yan. Ayoko nang maghintay tapos hindi lang din naman matutupad. Kaya pag dinadaan ako sa mabubulaklak na salita hindi na tumatalab sakin. Gusto ko yung realistic, yung sa actions niya pa lang makikita mo na, ayy shet, husband material to. Wala na akong pake kung hindi siya matangkad. Wala na akong pake kung magaling man sa music o sa games kasi una sa lahat, that’s not what make someone stay. Naririnig kong may sumisigaw sa likod ng Honesty.

Kaya heto ako palandi-landi muna. Enjoying the youth years at hindi na nakukunsumi at nahihila pababa ng issues ng jowa. Wala akong pake kung sa 2028 ko pa mahahanap yung kasunod na yon o the final one na yon, basta pag dumating siya, go na agad.

Pagod na ko sa mga dahilan na, aayusin ko muna sarili ko, ibi-build up ko muna para sa future natin bla bla shut up. The future is now.

Ang bata ko pa ay masyado lang naaatat para magsettle down pero eto lang ang bottomline niyan: Hindi na ako magjojowa ng pangmatagalan, kasi ang target ko ay mag asawa na HAHAHAHA.

Kasi nasesense ko na pag hindi ako naikasal as soon as possible, patuloy at patuloy lang akong makukulong sa loophole na to. Hala makukuntento na lang ba ako sa ganitong buhay? No. Hindi ako pinag aral para maging low life peasant.

Wala akong pake kahit wala akong ipon o pera pangkasal. Yung bahay madali na lang yon. Alam ko di papayag ang mga kamag anak ko pero go go lang. Wala nang handaan. Basta after non doon ako mag uumpisa na mag ipon na para sa amin tapos at the same time binubuhay pa rin namin yung respective families namin. Gusto ko hiwalay ang finances namin kasi baka isipin ng mga to nagpakasal lang ako para may magsustento sakin. Aba. Ayoko nga maging palamunin.

Ang tanong, may willing bang magpatali sakin hahahahaha.