Bawat salitang binibitaw mo, bawat galaw mo, nagmamarka sa akin sa matagal na panahon.
Gusto niya akong bilhan ng balabal, pero tumanggi ako.
Sinabi ko na hindi kasi ako gumagamit nun, sayang lang kung ibibili sakin tas ipapamigay ko din sa iba. Hindi siya effective against sa lamig kasi, lamigin talaga ako.
So syempre ang magiging dating nun is, maarte ako. Ungrateful. Okay okay. But now I realize, there’s more to that.
Napagtanto ko na ma-pride na ako masyado hahahaha. Na ayaw ko nang tumanggap ng kahit ano mula sa kanya. Okay salamat sa burger, etc.
Naninibugho ako pag nalalaman ko yung mga pinagbibibili niya puro ganito ganyan, luho ng jowa. Yung tipong ah dapat bumawi ka din sakin ah. Tapos ano matatanggap ko? Balabal lang? Uhuh nope.
Pride ko na rin siguro kaya iniisip ko, sus, kaya kitang bilhan ng sampung balabal. Don’t me.
Mas ok nang wala akong makuha mula sa kanya at all, kesa yan lang.
Tsaka isa pa, pag tinanggap ko yun, magkaka-withdrawal symptoms na naman ako. Tapos kung makikita ko yung balabal na yon, it will kill me slowly. Arte ano.
“Stop scrubing salt on my wounds.”
Pero hindi mo alam mas grabe yung sakit na nararamdaman ko pag nagseselos ako haha (luh?)
Teka lang. Hinayaan kita ah, wala kayong narinig na kahit ano mula sakin, pero bakit ngayon nalulungkot ka kapag masaya ako sa iba? Ikaw ba naiisip mo ba ako everytime na masaya ka? Syempre hindi. Ni minsan ba hinanap ko yung lugar ko sa buhay mo? Syempre hindi.
“I’m nowhere to be found.”
Sana nga eh, kaso hindi, lagi kang nandyan sa utak ko. Paulit-ulit-ulit na tumutugtog.
Ayun, di naman kita tinataboy na katulad nung ginagawa mo sakin. Pero at least, please, be happy for me.
Don’t cry for someone like me.