10.02 | In 10 years

NAALALA ko nung first year high school pa lamang ako, gumawa na kami ng essay nun. Ang topic ay “Where Do You See Yourself 10 Years From Now?” Syempre inilagay ko doon ay ang maka-graduate ng college, at maging matagumpay sa buhay, matulungan ang pamilya, etc. Tas sinulat ko talaga na in 10 years uumpisahan ko nang i-establish yung pangalan ko sa politics. (Since ang pangarap ko noon pa man ay maging ikatlong babaeng pangulo ng pilipinas πŸ™‚ kaso label na ata yun ni Grace Poe, e di pang-apat na lang)

Paglipas ng mga taon, kung kailan napagtanto ko na ang realidad ng buhay, parang mukhang di na yata mangyayari ang mga pinangarap ko noon. Bukod sa napakataas talaga ng ambisyon ko, eh nagbago na rin ang pananaw ko. Ayoko nang sumabak sa politika. Napakanegatibo ng tingin ng mga mamamayan ng henerasyong ito sa politika. Ang iniisip lamang natin ay kapangyarihan + pera. Kahit na ang gusto ko lamang ay makapagsilbi sa mga tao, magiging masama pa rin ang tingin nila sa akin kung itutuloy ko ito, politics nga kasi. Ayoko nang tumulong sa iba, kung panget naman ang balik sakin diba. Sorry.

Back to the present, anong gusto mong mangyari sa buhay mo after 10 years? Exactly by October 02, 2025. Syempre nandun pa rin yung goals ko. Na magkaroon ng ikabubuhay pagtapos ko ng kolehiyo (hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung anong industriya talaga ang gusto kong pasukin). Sana may maganda nakong buhay sa panahong ito. Yung di nako mamomroblema kung may pera kami in the next 15 days. Yung di na namin kailangan mag-ulam ng chopsuey, pechay, at pakbet pag nagtitipid sa pera. Yung di nako mauubusan ng pera sa pitaka literally. Sana maranasan ko naman yun. πŸ™‚

Where do you want to? Saan? Dahil nga sa unsure pa rin ako kung anong landas ang tatahakin ko, isa lang ang sigurado ko. Sana after 10 years maging kuntento nako sa buhay. Kasi once na makuntento na ako, magiging tunay na maligaya na ako. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos palagi na lang akong may pangangailangan. Kailan kaya darating yung panahon na di nako mamomroblema sa mga bagay na wala ako? Kailan kaya ako makukuntento? Lol.

Tapos sana, sa taong 2025 wala pa akong anak. Natatakot ako na baka magkaanak muna ako bago maging matagumpay sa buhay, bago ako makapag asawa. Natatakot ako. Once kasi na magkaanak ako, sira na ang mga pangarap ko. Oo. Feeling ko distraction talaga tong pagpapamilya sa tagumpay. Gusto ko maginhawa na ang buhay ko bago ako mag asawa. Kasi kung hindi, mararanasan din ng magiging anak ko yung nararanasan ko, kung gaano kahirap ang buhay. Ayokong mangyari yun. Natatakot ako. But i hope within this time may boyfriend na ako diba. Pagdating ng edad kong ito gusto ko may katuwang na ako para sa katuparan ng mga pangarap ko.

Pero sana, bago ako magtrenta, sana magkatagpo na muli ang mga landas natin. Sana maging tayo na lang sa panahon na ito. Sinabi ko na noon na kaya kong talikuran at isuko ang lahat ng mga pangarap ko para sa sarili ko, para lang maging isang housewife, basta ba ikaw ang magiging asawa ko. Willing akong sumama sayo ngayon, tumakas patungong Aklan, at bumuo ng isang masayang pamilya. Lol gagawin ko talaga yan! Kasi gusto kong ikaw na ang makasama ko in the next 10 years, and for the rest of my life. Where do I want to see myself 10 years from now? Eto na ang sagot ko ngayon: Kahit saan. Basta masaya ako. Na kasama ka. β™‘β™‘

Advertisements

One Reply to “10.02 | In 10 years”

  1. Pingback: Liebster Award

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s