Master of Arts in Housewifing


Last year pinag iisipan ko na kung kukuha ako ng Master’s. Kasi kung napapansin mo, mapurol na ang lapis ko – hindi na ako bida bida na katulad noong college days ko, hindi na ako tulad nung dati na bibo-bibo magsulat sa blog at sa work. Ngayon ako na yung pabigat sa lahat hahahahaha malayong-malayo sa image ko noon na ako ang lumalakad, nagpoproseso, ako ang tagabuhat sa grupo (yes ilang taon ko nang frustration to pero wala pa rin akong nagagawa para baguhin ang sarili ko). Yun nga, magmula nung nagtrabaho ako, tapos yung nature of work ko eh paulit-ulit na routine, kaya ayan, naging bobo na ako kinalaunan haha.


So iniisip ko, baka pag nagmasters ako bumalik yung eagerness ko to learn, discover, mabuhay ulit yung curious self ko at yung passion ko. Pinangarap ko noon na maging dalubhasa pagdating sa kasaysayan ng Pilipinas so baka naman this time, pwede ko na mai-push. Kasi syempre mahirap lang kami so kailangan ang kuhanin ko sa kolehiyo eh yung makapag-aangat sa amin sa laylayan. Kaya maski noon pa man ay tutol sila na AB Communication ang kunin ko kasi, “Hindi ka naman yayaman dyan.” Panigurado pag pinursue ko to maririnig ko na naman itong linya na to ngayon.


So humingi ako ng second opinion about dito. Mula sa mga nag-aaral din at nagmamasters sa UP (eto lang kasi yung nag ooffer ng MA History). Una tinanong ko kung papayagan ba ako kumuha ng ganong kurso kung iba ang tinapos ko? O kailangan ko muna kumuha ng prerequisite/undergrad subjects bago tumuloy?Ayoko mag-MA Communication (kahit yun naman talaga ang dapat na para sa akin) kasi greatest regret ko na kumuha ako ng kursong eto nung kolehiyo kahit na hindi naman talaga ako magaling pagdating sa pagsasalita. Kung naaalala mo, nung nag-eenroll ako sa STI, IT dapat ang kukunin ko pero nagbago ang isip ko nung nakapila na ako sa cashier at nakita ko ang tarpaulin ng ABCOMM. Sabi ko lang non eh, ay palagi ako nagsusulat ng mga eme nung high school kaya eto na lang ang kukunin ko. And that’s a wrong move sa totoo lang hahahaha. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko magampanan ang pagiging Information Officer ko. Hirap pa rin ako makipagcommunicate sa mga tao. Tapos ngayon ay nahihirapan na rin akong magsulat. Isa lang akong malaking patapon sa communication industry hahahahaha kaya hindi ko mapanindigan ang MA Comm.


Pag kasi related sa course at work ko ang kinuha ko eh baka tamarin din ako, kung hindi naman yun ang line of interest ko. Sana nga pala talaga nag math course na lang ako nung college. Statistics ganern. Accountancy. But if it wasn’t for ABCOMM you wouldn’t be able to be in this place where you are now. Char.Balik tayo sa tanong. Okay pinayagan ka ng school. Pero papayagan ka ba kaya ng opisina? Naririnig ko sa ibang division may mga nagmamasters. Knowing na nagtatrabaho ako sa ahensyang ito, dapat ang kuhanin kong kurso ay dapat na relate sa trabaho ko (Environmental Science, Development Communication) Which is uhm. No. Malayo. Sabi ko magmamasters ako para pagdating ng araw pwede ako mag-apply for higher position. Pero ang tanong, paano kung MA History ako? Lilipat ba ako ng office balang araw? Yung related na sa pinag aaralan ko?


So okay pinayagan ka na ng school at office. Ang tanong, mapaninindigan mo ba? Makakapagtapos ka ba? Kung makikita mo ako eh mukhang ako yung tatamarin in the middle. Natatakot ako. Ayoko yung magaling lang sa umpisa tapos hindi ko na natapos. Paano kung dumami yung labahin mo sa trabaho? Paano kung maoverwhelmed ka sa demands ng UP “being UP”? Paano kung hindi mo masabayan yung standards na yun? Paano kung na-in love ka na naman at nasaktan at mawalan ka na naman ng ganang mabuhay? O kaya paano kung bigla kang mag-asawa? Paano kung nagsasayang ka lang ng panahon at pera? Tingin mo, matatapos ko ba to? Makakapagtapos ba ako?


So ang sabi sa akin eh baka naman daw pwede ko ma enhance ko yung skills ko na hindi na kakailanganin pang kumuha ng masters. Pwedeng gumawa ng bagong hobby, or magvolunteer, or sumali sa mga ganitong pa docu fest, etc. Iniisip ko din. Hindi ko alam paano mag uumpisa mag aral at matuto on my own. Bored lang ba ako masyado sa buhay ko kaya gusto ko magmasters?


Okay so pinayagan ka na ng lahat. Pero hindi gusto ng pamilya mo. Haha. Alam mo nung sinabi ko na magmamasters ako, bukod sa sinabi ko kanina eh, ang sabi, “Bat ka pa magmamasters, mag-aasawa ka lang din naman. Magiging housewife ka lang din naman? Masasayang lang yung pera at panahon mo. Mag-aral ka na lang ng cooking, baking, o housekeeping.” So syempre yung pride ko ay triggered hahahaha. Parang after ko magkamali ng isang beses pagdating sa lovelife, yun na agad yung judgment sakin na, wala ka naman nang patutunguhan, mag-aasawa ka na lang ganern. Matagal ko nang sinasabi to, hindi ako pangbahay lang huhu. I aim for higher things kahit na alam kong hindi kaya ng kapasidad ko. Kahit panghousewife lang yung skills ko eh pinipilit ko lumaban sa buhay haha kasi ayoko magsettle sa ganon. That doesnt mean na hindi ako mag-aasawa ah pero lam mo yun, ayokong umaasa ako sa lalaki hahahaha (lol char). I have to make my own career path but at the same time, a loving and supporting wife wahaha hindi ba pwede makuha ko yon pareho? Ayun so kung nababasa man to ng future husband ko hahahahaha sana maintindihan mo ako, tsaka sana suportahan mo ako sa pagmamasters at sa career choices ko, di naman kita babalewalain eh hahaha. I could still cook for you bago ako pumasok o kaya pag-uwi ko tas ikaw naman ang papasok, makakapaglaba pa rin naman ako, maglilinis, mga ganung bagay haha. Sabay pa tayo magja-Japan. #goals


So ayun pumunta na ako ng UP para mag inquire. Sabi wala naman entrance exam chuchu, nakasalalay lang sa interview kung tatanggapin ka o hindi. Tsaka kinakabahan ako kasi kailangan ng recommendation letter mula sa mga dating profs. Eh matagal nang nagsialisan sa STI yung mga nagtuturo sa amin dati haha. Tsaka ayun nga, mapaninindigan ko ba ang pagiging Iska? Abangan.

Inspirasyon ko yung ‘Alone Together’ hahahaha sana napanood mo. Hindi pa huli ang lahat para sundan mo ang pangarap mo. At heto na nga, ginagawa ko na ngayon.
Flex ko lang resume ko wahaha

Tapos after 5 years no babalikan ko tong post na to. Tapos. Housewife na pala ako nung time na yon HAHAHAHAHA

2 thoughts on “Master of Arts in Housewifing

  1. Hahaahah
    Pero pag naglalaro ako ng Adorable Home minsan napapaisip ako ang sarap pala magdecorate decorate lang ng bahay ganern, maging housewife in real life. Kaso madali ako magsawa sa routine kaya di pwede sakin yung nakatengga lang.

    Totoo super struggle din yung mga araw na nag aaral ako pero ngayon hinahanap hanap ko na ulit hahahaha

    Like

  2. Ang taray ng resume. Pang-millenial. Hahaha.

    Push yan! Nawa ay ulanin ka ng kasipagan. Hahahaha.

    Same tayo, palagi kong sinasabing pangarap ko maging housewife pero deep within, I know na gusto kong kumita ng pera on my own. Hehehehe. Saka ko na ulit pag-iisipan pag may pressing concern na sa buhay pagpapamilya na kakailanganin ko talagang pumirmi sa bahay. Hehehe.

    Ayoko mag-masters sa totoo lang. Matapos ko magpakalbog sa mga libro ng Accountancy kasama ang calculator ko, at matapos magpakabaliw sa board exams, ang gusto kong gawin ngayon ay make-up class, korean language class, baking, cooking, dance class, etc. Hahahaha.

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.