Week 3


Things are going deeper and deeper. It’s not about the sparks/kilig anymore, it’s about the commitment and development.

Teka time first, di ko alam kung paano ihahanash to. Pero game…..

Nung nakaraang Sabado, ini-broadcast na namin sa lahat yung relationship status namin. Windang silang lahat eh, lalo na yung mga kamag-anak at kaibigan ko hahahaha!
So sa side niya, ang sabi, ‘baka naman lokohin ka na naman at iwanan niyan‘.
Sa side ko, ang sabi, ‘baka naman rebound ka lang niyan‘.
Sabi nila, ang bilis daw masyado ng mga kaganapan. Pa-easy to get daw ako. Hindi man lang nagpaligaw πŸ˜₯

Nung Lunes naman, ipinakilala ko na yung boyfriend ko sa pamilya ko hahahahaha! #LEGALIZATION
Pero bago yun, sinamahan niya muna ako sa pag-aapply.

*FLAWS*

Nag-apply kami ng mga classmate ko sa isang BPO company. Tapos napag-usapan namin na doon na lang din kami magkikita, bago dumiretso sa bahay. So ayun habang nag-aapply ako, siya naman nakikipagsapalaran sa Makati (hinahanap yung Convergys) ang layo nang nilakbay niya. Nung pagdating niya dun sa company na pinag-aaplyan namin, pati tuloy siya napa-apply hehe. Na-meet niya na rin yung mga classmate ko hahahaha.

Kaso, ang nangyari, hindi ako nakapasa sa written exam! Windang ako, kasi akala ko sa interview lang ako may problema, pati pala sa exam. Nung time na yun hiyang-hiya ako hahahaha kasi ba naman, madali lang yung exam! Gagawa ka lang ng reply mail sa mga sample scenario na ibibigay. Ngayon, hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Anyare sakin, masyado nang nilamon ng pag-ibig. Nakakahiya, kasi, maraming beses niya na ako tinuruan ng mga tips/techniques during interviews at mismong pag-aapply. Ngayon, yung mga itinuturo niya, literal na hindi ko ma-apply! Sinabi ko sa kanya nun na ang weak ko as a human being. Pangarap ko magkaroon ng magandang career, kaso sawimpalad ako ngayon pa lang. Ano, taong bahay na lang ba ako forever? Pag-aalaga na lang ba ng bata ang kaya kong gawin? Sayang naman lahat ng pinaghirapan ko during my school years kung yun lang din ang sasapitin ko. Ayoko. Kaso ano? Hindi pa rin ako umaayos hahahaha. Hinihila niya na ako palabas ng comfort zone (out of the box) kaso hindi pa rin ako makaalis-alis sa pwesto ko. Paulit-ulit niya na akong sinasabihan na ganito ganern, improve yourself, etc., kaso pagtulog ko, paggising kinabukasan, makakalimutan ko nanaman, balik na naman ako sa dating ako na mababa ang confidence level at conversation skills. Buti pa siya, marami siyang alam sa mga bagay-bagay. Samantalang ako, nanalo nga ng Think Quest, pero talunan pa rin sa life in general πŸ˜₯

*EFFORTS*

Pagkatapos ko nga na bumagsak sa written exam, at maglakad-lakad ng very very light around MOA, ayun na, inuwi ko na siya sa bahay *charot*. May dala pala siyang cupcakes nun, homemade. So kung iisipin mo, maraming pinagdaanan yung mga cupcakes na yun. Umaga from Novaliches, nakarating ng Ayala, ng MOA, hanggang dito samin sa Cavite. Kaya nalamog at nalusaw na yung frosting nun, pero keri lang masarap pa rin naman nung gawa niya eh.

O yun na nga, ipinakilala ko na siya kay Omma, kay Don Hae, kay Anye. Chika chika sila dun, pero hindi pa gaanong inusisa tungkol sa buhay niya, gulat din ako eh, di tulad nung nalaman ni Omma nung una na kami na, windang siya eh. Sabi ni Omma, habang nandito pa daw siya sa Pilipinas, ipakilala ko na daw. Ngayon okay na sa kanya, okay na siya dito samin yey! Idinaan ko rin siya dun kina Ate Marisa, sabi niya sakin saka na lang daw niya kami gigisahin pagbalik niya dito. Okay. Basta ang palagi lang nilang sinasabi: Huwag ka muna mag-asawa at magbuntis. Ayy

Alas-onse na ng gabi. Hindi na makakauwi si Kayven sa kanila kasi ang layo layo nila dito di ba. Sabi ko kay Omma, baka pwedeng dito na lang muna siya sa bahay, tas bukas na lang ng umaga umuwi. Kaso, di siya pumayag eh – syempre kakakilala pa lang nila sa kanya, tapos dito agad patutulugin? Tsaka baka kung ano na daw ang iisipin ng aming mga kapitbahay. Naintindihan ko naman, kaso yun nga paano siya makakauwi??

Kaya ang ginawa niya, sa 7-eleven siya nagpalipas ng magdamag. Nagi-guilty ako nun kasi di ba, ang layo pa ng pinanggalingan niya, ipinakilala ko na siya, then ganun pa ang kahihinatnan niya pagtapos. Di siya pwedeng matulog dun, kung hindi paaalisin siya dun, kaya Up All Night siya nun, tapos ako nasa bahay, di rin nakatulog kasi nakokonsensya ako ng bongga. Pag nalaman ng mama niya yun, lagot ako hahahaha. Sinabi ko naman na sa kanya na pasensya na, di ko naman ginusto yung mga pangyayari. Ang dami ko na ngang atraso sa kanya eh – lagi ko na lang siyang tinutulugan. Matagal ako magreply. Buti na lang pasensyoso yun πŸ˜₯

Binalikan ko siya ng 5AM. Ang alam ni Omma, pinauwi ko na siya nung gabi. Nagpaalam lang ako na kukuha na ako ng SSS number at iba pang requirements para makaalis ng umaga. Wala kaming tulog nun, then naglakad-lakad kami ng konti sa bayan, nagkape sa 7-eleven, tapos pumunta sa puntod nila Mama *which was unexpected*. Ipinakilala niya ang sarili niya, at mula sa bibig niya mismo, narinig ko na mahal niya talaga ako. Na-touch ako nun, grabe. Siya yung tipo ng tao na hindi dapat pinapakawalan β™₯

Pagtapos nun, sinamahan niya pa ako sa SSS. Hapon na ulit siya nakauwi sa bahay nila. Pagod na pagod siya nun, at wala pang tulog πŸ˜₯

Lahat ng mga nangyayari sakin ngayon, first time, kaya feeling speechless pa rin ako hanggang ngayon. Di ko naman inakala na may mag-eeffort sakin ng ganito katindi. Lahat ng ginagawa niya para sakin, na-aappreciate ko ng sobra. Minsan lang kami magkita, pero kapag magkasama kami, wala pa rin akong masabi/maitanong. Tinititigan ko lang siya. Pero kapag di ko na siya kasama, ang dami kong naiisip. Hayyyyy.

Kung last week lang, nababagabag ako kung seryoso ba talaga siya sakin? Oo seryoso nga siya. Kaso ang binabagabag ko naman ngayon, paano kung hindi pa rin ako magbago? Paano kung mapagod na siyang sabihan ako ng paulit-ulit? Paano kung magsawa siya? Baka iwanan niya rin ako kalaunan. Minsan din naiisip ko, kung ihinto muna kaya namin to, tapos saka na lang itutuloy pag mature na ako physically at mentally? Paano kung hanggang life-saver lang talaga niya ako, at hindi naman pala talaga kami para sa isa’t isa? Sabi nga ni Adam eh, “If I show you my flaws, if I couldn’t be strong, tell me honestly would you still love me the same?”πŸ˜₯

The first letter of confession β™₯

Eto naman yung slideshow vid na ginawa niya.

β™‘ (@ShairaMaeC) tweeted at 6:04 AM – 4 Aug 2017 :

Another one 🌽🌽🌽🌽🌽 https://t.co/V8weSjCOX7 (http://twitter.com/ShairaMaeC/status/893457513370198017?s=17)

8 thoughts on “Week 3

  1. Haaay pag-ibig. Hahaha. Congrats, babe. Wag masyadong i-doubt ang sarili. Just give it your best and don’t half-ass anything. If it’s for you, it’s for you πŸ™‚

    Liked by 1 person

  2. Salamaaaaat Angel hahahaha natutuwa ako ng sobra talaga kasi supportive ka samin πŸ˜„πŸ˜‚ medyo speechless ako atm pero oo sana nga siya na si the one hahahahaha

    Like

  3. KINIKILIG AKO SHAIRAAAA. BAT GANON??? HAHAHAHAHAHAHAHA! Oo, wag mo basta basta papakawalan yan. Endangered na ngayon yung ganyan. Never ending naman ang getting-to-know-each-other. If magbreak kayo, masasad ako. I swear!!!! Hahahahaha

    Liked by 1 person

  4. Friendly advice lang πŸ™‚ Kung may gusto kang baguhin sa sarili o kung may gusto kag makuha; remember hindi naman overnight kayang mong magbago o makuha yung success. Kaya tyaga tyaga lang πŸ™‚

    Liked by 1 person

  5. Ayeee, masaya ako para sa ‘yo! At kahit hindi mo ako kakilala in person, agree ako sa advice ng mga kapamilya mo. Saka na ang pagbubuntis, hehe. At good luck sa paghahanap ng trabaho! Mas galingan mo pa sa susunod! πŸ™‚

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.