Night Changes


Nagising ako ng 4AM. Hindi na ako nakatulog ulit. Nag-wordpress ako. Nakalimutan ko yung password ko dito. (Nagreset ako ng pw thru e-mail)

Sa loob ng isang buwan, ang daming nangyari. After a long time, ngayon lang ulit ako hahanash about sa life. πŸ™‚

W O R K

Hanggang ngayon, wala pa rin akong trabaho. Tatlong buwan na akong naka-tengga dito. Anyare? Mahigit isang daan na kompanya na ang inapplyan ko sa Jobstreet. Nakaka-apat na walk-in na ako, pero wala pa rin. Sabi tatawagan na lang, sabi bumagsak sa exam, at yung isa, okay na pasado na, pero inayawan ko pa.

Puro BPO companies ang inapplyan ko, na dati sinabi ko eh yun ang hinding-hindi ko aapplyan. Dahil nga sa hindi ako palasalita, weak sa Oral Communication Skills, mahina din sa English, hindi talaga ako para dun. Ang gusto ko talaga eh mapunta ako sa field, pangarap ko na magtrabaho sa production company na nag-oorganize ng mga concerts, kaso ano, hindi ko alam kung paano mag-aapply dun! Nagsearch na ako online, pero wala eh. Tapos ang problema, karamihan sa mga ganitong company ay sa QC matatagpuan. Taga-Cavite ako. Lugi sa sweldo kung ipu-push ko pa rin di ba.

Wala akong ibang choice. Call center lang ang malalapit dito. Mas mataas ang sweldo. Pero ayun nga, naka-ilang apply na ko. Pero wala pa rin? Hindi talaga ako pang-call center. Na-realize ko ngayon ngayon lang. Ayoko nang ipilit pa masyado ang sarili ko. Pero ang tanong, saan at paano ako mag-aapply?

Paulit-ulit akong tinatanong ng bf ko, Ano bang plano mo sa buhay? Ano bang pangarap mo? Ano bang gusto mong mangyari? Ang sinasagot ko lagi, gusto kong magkatrabaho. Gusto ko magkapera. Yun lang. Ang sabi niya, para lang daw akong naglalaro ng darts, tira ng tira, pero hindi sumasapul sa gitna. Apply ako ng apply, pero hindi ko naman talaga alam kung ano ang inaapplyan ko. Dapat may focus ako. Dapat may specific goal ako. May mga pangarap nga ako, pero ano bang ginagawa ko para maabot ko yun? Wala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Binigyan niya ako ng 2 linggo, tuturuan at tutulungan niya ako para sa susunod kong pag-aapply, makapasa na ako hanggang final interview. Palagi kaming nagma-mock interview. Kailangan after 2 weeks, may mag-improve sakin. Yung comm skills ko, yung confidence ko, at dapat maalis ang takot ko. Nakaka-ilang araw pa lang kami, pero ngayon nga na-realize ko: Paano kung hindi pala talaga call center ang career ko? Paano kung sa ibang bagay pala ako karapat-dapat?

Yun nga, suko na ako sa call center. Ang nakikita kong options ay: 1) Pag pumasa ako ng Civil Service Exam, papasok na ako sa government. 2) Pag hindi ako pumasa, gagalugarin ko ang Maynila at mag-aapply ako sa newspaper companies.

F A M I L Y

Nitong katapusan lang, umuwi ulit ang tita ko na OFW sa Dubai. Na-renew ulit yung contract niya (another 2 years ulit) so parang bakasyon lang siya dito. Tatlong linggo. Dumadami ang puting buhok niya. Nagiging makakalimutin na sa pangalan. Dun ko lang din na-realize yung quote na, “Tumatanda ka, pero hindi mo napapansin na tumatanda din ang mga magulang mo.” Finally, sa wakas naka-graduate na nga kami. Lahat ng hirap at pagod niya sa ibang bansa, may ibinunga na. Kaso nga ngayon, wala pa rin akong trabaho. Kailangan niya ulit mangibang-bayan, hangga’t hindi pa ako nagkakaroon ng stable na career.

Medyo nakonsensya din ako sa part na, pag-uwi niya, akala niya trabaho ang mahahanap ko. Boyfriend pala. Nabigla siya. Sabay kasi kami halos ni Don Hae na nagka-lovelife. Na-stress siya ng bongga tbh. Nag-aalala siya na baka magsipag-asawa na kami. Na baka pag-uwi niya ulit next year, may apo na siyang dadatnan. Hahahaha. Paulit-ulit ko rin namang sinasabi sa kanya, may priorities ako. Kailangan ko muna mag-payback sa lahat ng ginawa niya para lang makapag-aral ako ng kolehiyo. Kailangan muna naming umangat sa laylayan. Ayoko nang maranasan pa na laging kinukulang sa pera. Ayoko nang mangutang pa. Kaya dapat talaga trabaho muna.

Yung tita ko, kung tutuusin ang gastos niya. Ang dami niyang binibili na gamit, kahit di naman talaga namin kailangan. Ang dami niya ring ginagastos para sa iba naming kamag-anak, pati grocery, lamesa, atbp. na di naman niya dapat gastusan para sa iba, go pa rin siya. Ang daming nangutang sa kanya pagbalik niya dito. Masyado siyang mabait eh. Sabi niya tumutulong lang siya. Eh sabi namin, paano kung kulangin na naman kami sa pera sooner or later? Nung kami ba nangailangan, tinulungan ba nila kami? Hindi naman ah. Bakit kailangan gumastos para sa iba? Sabi niya, magpapadala naman siya pagkabalik niya doon. Eh kaso, yun nga, wala pa rin siyang ipon. Lahat ng ipinapadala niya, nagagastos. Nakakalungkot di ba, kaya gusto ko pag may trabaho na ako, mag-iipon lang ako. Wala naman akong luho sa buhay eh.

O, yung tungkol naman sa pagb-bf ko, tutol ang mga kamag-anak ko. “Trabaho muna!” yan ang sabi nila. Bakit, hindi po ba pwede pagsabayin yun? Tsaka daw baka lokohin lang ako, o mabuntis. Nung una nainis din ako, kasi wala ba silang tiwala sakin? Alam mo yung wala naman kayong ginagawang masama, pero iniisip nila lagi na may gagawin kami. Sabi nila, maghiwalay na daw kami, sabi wag muna kaming magkita, sabi wag daw akong pupunta sa kanila sa Novaliches, bla bla bla. Pero bakit po? Tinutulungan pa nga ako ng bf ko para makapasa sa pag-aapply eh, sa aming dalawa, siya yung mas nag-eeffort. Siya yung mas pursigido na mag-improve ako. Kaso ano, hindi pa rin maganda ang tingin nila.

Pero narealize ko din, nag-iingat at nag-aalala lang din sila. Ayaw na nilang maulit ang pagkakamali ng nakaraan. Ako rin naman, ayoko na. Ayokong maranasan ng mga descendants ko yung naranasan ko, gusto ko rin magkaroon ng magandang buhay balang araw. Tsaka hindi ako nag-aral ng 15 years para lang magpabuntis at matengga lang sa bahay. Okay po?

Β 

Ang complicated na ng life ngayon. Parang nung nakaraan lang, ang pinoproblema ko lang eh kung paano ko gagawin yung mga projects ko, kung paano ko mababayaran yung kinupit kong tuition, kung paano mapapansin ni crush! Ngayon heto na, level up ang hanash. Kailangan ko nang may mapatunayan sa iba, kailangan ko nang hanapin ang sarili ko, kailangan ko nang alamin ang purpose of existing ko sa Earth. Hayyy buhay.

O ngayon, ang main hanash ko eh, saan kaya ako pwede mag-apply? Yung babagay naman sa skills at sa tinapos ko hahahaha

Β 

PS: Nami-miss ko na magbasa ng mga blog posts nyo πŸ˜₯

Advertisements

23 Replies to “Night Changes”

  1. Level up hanash na nga 😭 baka ganyan adulthood huhu, go lang makakahanap ka rin ng trabaho na maeenjoy mo rin at the same time. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  2. Awww. Ramdam kita regarding dun sa paghahanap ng work. May mga inapplyan ako, pumasa, pero di ko pinush kasi pakiramdam ko mali, o iba. O hindi tama. Hindi ko alam. Tapos magrereklamo ako na wala pa rin akong trabaho. Nakakagago.

    Kaya natin ‘to bes!! Hirap ng adulting pero matibay tayo! Hehe

    Liked by 1 person

  3. Well ganyan talaga shai sa simula ng pagiging adult marami ka dapat iexpect especially pagdating sa paghahanap ng work di madali maghanap but as long as motivated ka at pursigido maghanap darating at darating din yan. wag mo rin sisihin sarili mo at wag mo idown sarili mo marami kang kayang gawin you’re honest and smart kulang ka lang sa motivation and willing ako tulungan ka para magka work ka ☺

    work muna bago lovelife
    labyu po hehehe

    p.s Boyfie.
    πŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ‘Œ

    Liked by 1 person

  4. Di na yata ako pwede mag-intern, kasi naka-graduate na ako eh πŸ˜₯ pero try ko pa rin mag-apply diyan kung sakali ☺ salamat ate hihi

    Like

  5. nag-apply na ko online kaso walang kumu-kontak sakin from media companies eh πŸ˜₯ karamihan mga call center pa rin. Hehe salamat po β™₯

    Like

  6. If you want pwede kang magtry ng homebased jobs. Hawak mo pa oras mo. Mahirap lang ang adulting sa umpisa, makakaya at malalampasan mo rin yan.

    Try mo lang din baka may makita ka na Makati, Taguig or ParaΓ±aque para medyo malapit sa’yo. Hindi naman lahat nakakahanap agad, magkakawork ka din. Kaya mo yan. 😊

    Liked by 1 person

  7. Kaya mo yan Shai, may mahahanap ka rin. Try mo mag-apply na writer kaya? Sa Sassy Manila, naghahanap sila ngayon interns nga lang for editorial and marketing, pero malay mo diyan ka magsimula? Try mo lang as experience kung wala ka pang ibang mahanap, at least may mailalagay ka na sa resume mo na sort of experience kahit internship lang
    https://www.sassymanila.com/career-jobs/

    Liked by 1 person

  8. Try mo mag-apply sa PULP or sa Karpos ganun. Send ka lang ng e-mail siguro haha pero ayun, yung friend ko sa PULP nagwowork, pero parang 2 years yata sya nagwait para maprocess yung application nya pero ganun talaga. Nothing worth having comes easy daw. πŸ™‚ Okay lang yan! Magkaka-work din tayo!

    Liked by 1 person

  9. Hey, hugs. Sa callcenter ako nagttrabaho. Nung una ayaw ko rin dito kaoso dahil nga sa sweldo e sinubukan ko. Kung sakaling balak mo pa ipush, email mo lang ako baka mabigyan kita ng onting tips. Medyo komplikado na nga ang buhay pagka-graduate but I am sure malalagpasan mo rin yan. Your experiences will make you stronger. Hope to read a happier post next time. Kapit lang πŸ™‚

    Liked by 1 person

  10. Welcome to adulthood. Hahaha. Buti nalang at never akong kinuyog ng pamilya ko re mabuntis buntis eme. Buti nalang at lesbiana ako. :p

    And wag mawalan ng pag-asa, gurl. Tiwala lang. Magkakatrabaho ka rin. Struggle is real talaga sa umpisa.

    Liked by 1 person

  11. Uy, may friend ako na naging events organizer para sa GMA, so siguro try mo sa job listings ng media companies? ‘Yun nga lang nasa Maynila ang mga kaganapan. Kung pangarap mo talaga girl, baka naman worth it na lumipat ka sa Maynila? Hehe. In any case, ‘wag ka panghinaan ng loob. Push lang! I’m sure makakahanap ka rin ng work! Aja! πŸ™‚

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.