OUT OF THE BLUE

Ganito yun: sa loob ng ilang araw ay nagbago ang mundo ko. Alam mo ba, for the first time in forever, MAY NAGKA-INTERES NA SAKIN HAHAHAHAHA sa wakas, unrequited no more!!

Nag-umpisa yon nung in-add niya ako sa facebook, in-accept ko, minessage niya ako. Nung una, nagconfess siya na that day was one of the worst days of his life, kasi kakatanggal niya lang sa trabaho nun, tapos kaka-break lang nila nung jowa niya for almost three years. Ang weird di ba kasi, bakit nga naman ikaw magkukuwento sa isang stranger? Hanggang ngayon hindi ko rin alam kung bakit ako? So okay, syempre ako, kahit di ko siya kilala, go go tagapayo lang, kahit wala akong knowledge gaano sa mga relationshit na yan, sabi ko lang sa kanya nun, β€œMakakapag-move on ka din” at β€œTomorrow is another day.” 🌈🌻

Then sabi niya, ang laki ng pasasalamat niya sa’kin, kasi ako lang daw ang nakapagpahilom sa mga sugat ng nakaraan niya (wow), ako raw ang kanyang silver lining. Di ko rin alam, ang ginawa ko lang naman eh nagbigay ng advice?? Nung una nga may doubt ako sa kanya, kasi baka tulad lang siya nung mga common na nagchachat sa’kin na kesyo may problema daw sa ganito, sa ganun, pero may hidden agenda pala. Sabi niya na hindi naman daw. E di okay, since di ako snobber, go lang. Hindi ko namalayan na ang laki pala ng impact nung pagchat ko sa buhay niya (sabi niya).

That day din, unti-unti niya akong nakilala, yung ugaling meron ako (na weird na ewan basta yun), and he find it interesting ha. Sabi niya, gusto niya raw akong mas kilalanin pa. Okay. So ayun, sinasabi niya kung ano yung tingin niya sa’kin, at lahat yon tumutumpak!! That time di pa ako gaanong nagkukuwento sa kanya kung sino ako, hinuhulaan niya lang ata pero ang galing ha. So interesado nga siya sa’kin. Bihira lang yung taong nakakaintindi sa kung anong klaseng tao ako. Aba choosy pa ba ako? Kaya pinush ko na siya.

Lumipas na ang mga araw, palagi na kaming magkausap. Tinanong ko siya nun, kung ano bang gusto niyang mangyari, friendship ba to o more than that? Sabi niya β€˜friends’ lang kami, kasi kinikilala pa namin ang isa’t isa. Friends ba yun? Magkatawagan ng hatinggabi? Hahahaha! Pero sinasabi niya naman, malinaw, na gusto niya ako. Pero hindi siya nanliligaw. But the way he talks to me. The way he treats me. May something eh, ramdam ko yon!

Pero ang iniisip ko lagi-lagi, hindi ba masyadong maaga para magkaroon ng feelings para sa’kin? (Bakit, anong oras ba dapat? Charr) Yun nga, naiisip ko na totoo ba kaya yung mga sinasabi niya? Hindi ba joke time lang to? Hindi kaya pang-rebound niya lang ako? Paulit-ulit ko siyang tinatanong kung sigurado na ba talaga siya sa’kin? At hindi niya pa ako nakikita sa personal!!!!! Syempre malaki ang chance na pag nakita niya ako, iwasan niya na lang ako bigla (lam mo naman hitsura ko di ba, kaya nga NBSB) Kaya hangga’t maaari, ayoko munang ma-attach.

Alam mo ang maganda sa kanya, he’s been honest the whole time. Lahat ng mga nasa isip ko, tinanong ko sa kanya. At sinagot niya naman yun, with assurance na okay ipagpapatuloy niya to ano man ang makita niya sakin, ganito ganun. Sabi nga niya, baka daw ako ang ma-turn off pag nakita ko siya. Hala, kung makita mo lang mga pictures niya, ang gwapo niya kaya! Di ko lang sinasabi yon sa kanya, baka kiligin. Charot. Ayun nga, nakikita ko sa mga sagot niya sobrang sincere siya at pursigido. Kaso, dapat na ba akong maniwala? Eh ilang araw ko pa lang siyang kilala?

Ang sipag niyang magchat, yung kahit may ginagawa siyang very important (hal. Mamimili ganern) chinachat niya pa rin ako, di tulad ko pag sinabi kong my gagawin ako, di ko talaga gagalawin yung phone ko hahahaha. At alam ko na rin ang mga flaws niya, pasaway sa magulang, nagyoyosi siya, nag-iinom (na dati sabi ko ayaw na ayaw ko sa lalaki na ganun, na katulad ni Papa at Kuya), bad boy na kung bad boy, pero wala eh, ayan na. Matututunan ko rin sigurong tanggapin yun balang araw.

Ang sweet niya. For the very first time ulit, nasabihan ako na maganda ako, na ako ang bumubuo ng araw niya, tapos ang dami niya nang plano para sa future naming dalawa, tapos basta! Ang dami na naming napag-usapan. Sinabi namin na β€œMag-iisang linggo pa lang kaming magkakilala, pero parang ang tagal na.” Yung parang nagkatagpo na kami somewhere, sa ibang panahon, hahaha! Ang weird lang din kasi since introvert ako, hindi ako pala-kwento sa mga tao ng saloobin ko. Pero sa kanya, ang dami kong chinichika! Ipinabasa ko sa kanya yung blog ko, at binasa niya nga! Dun ako natuwa, kasi kung hindi nga siya interesado sa’kin, bakit siya mag-aaksaya ng oras na pumunta ng comshop, para lang basahin yung mga kadramahan ko sa WordPress? Di ba?

Sabi ko sa kanya, hindi ako sanay sa ganitong set up, yung magkausap palagi, yung may magtatanong sakin kung ano na ang ginagawa ko, kung ano yung gusto ko, kung ano yung nararamdaman ko. Okay lang daw sa kanya, sabi ko siya na lang muna ang mag-adjust, since newbie pa lang ako dito. Ang kailangan niya lang sa’kin, eh Love, Trust, Commitment, lalung-lalo na ang Honesty, which is hirap akong ibigay! Di naman sa sinungaling ako ha, pero I’m not used to tell someone kung saan ako pupunta, kung sino ang kasama ko, kung anong oras ako uuwi. Alam mo naman ako di ba, kahit sa mga kamag-anak ko, hindi ako nagsasabi kung anong ganap ko. Tapos yun pala yung importante sa kanya. E di sabi ko susubukan ko, hindi ko pa maipapangako, because I’m good at breaking promises.

Yung mga pag-aalinlangan ko, sinasabi ko rin sa kanya, tulad nung paano kung pansamantalang landian lang pala to lahat? Na kung anong bilis ng pagdating, ganun din kabilis ang pag-alis? Paano kung after a month, wala nang sparks? Ayoko pa naman ng iniiwan sa ere (kaya wag ma-aattach). Sinagot niya, sabi niya hindi daw siya magsasawa na mahalin ako. Seryoso daw siya, though hindi ko makita kasi nga bago pa lang. Kinilig ako nung sinabi nya yon ha! Pero sinabi ko lang, β€œOkay”. Totoo man o hindi yung mga sinasabi niya, wala laban laban na to. There’s no going back.

At yun na nga nasundan pa ng nasundan ang late nite talks. Ang dami nang nangyari, nag-Iloveyou-han na kami, may cs na, at yung iba pang kakornihan na ginagawa ng magjowa, nangyari na. Pero hindi pa officially kami. Di ko alam kung ano ba kami? Pero di ko rin siya tinatanong. Idk. Sinabi ko na sa kanya na mahal ko siya, oy nagtatatalon ako nung mga moment na yon hahahahaha! Pero napapaisip din ako, sinabi ko ba yun kasi mahal ko nga talaga siya? O sinabi ko yun kasi sinabi niyang mahal niya ako, at syempre yun ang kailangan niyang marinig in return? Ang unfair ko ba?

Alam kong kukurutin nyo ako tas sasabihin nyo, aba mahal mo agad? Kakakilala mo pa lang? Yun nga hindi ko alam kung totoo na ba tong nararamdaman ko o kalandian feelings lang? Nababagabag ako kung tama nga ba ang ginagawa ko? Padalus-dalos ba ako? Nahihibang na ba ako? Paulit-ulit sinasabi ng utak ko na, DON’T. Wag maa-attach. Pera muna bago lovelife. Pero heto ako, days after, naiinlove na din sa kanya. Alam ko hindi magiging maganda ang tingin nyo sa’kin, sa’min. Pasensya na, babae lang din ako, mabilis ma-fall sa salita, marupok. Nagiging mapusok ang damdamin at naging padalus dalos. Ang nais ko ay maranasan ang umibig, at masuklian din ng pag-ibig. Charot!

The night bago kami magkakilala, nagtweet pa ako na, β€œWag na wag kang mafo-fall sa mga taong nakilala mo sa chat! Hindi true love yan!” Ayoko talaga ng ganung idea na magkakaroon ka ng bf, o gf, na hindi mo pa nakikita sa tunay na buhay. Kasi, may mga ugali yan na hinding hindi mo makikita sa chat. Yan ang ikinakatakot ko. O ngayon, kinain ko na lahat ng sinabi ko di ba. Hahahahaha.

MEET UP
Inedit ko na para isahang post na lang.

So napagdesisyunan namin na magkita sa MOA. Taga-Novaliches siya. Taga-Cavite ako. Lugi siya di ba hahahaha. Ilang oras din kaming bumiyahe para magtagpo. First time niya pumunta dun mag-isa. First time ko din. Magkatawagan kami nun the whole time pero hindi kami magtagpo. Sabi niya, sa Jollibee daw kami magkikita. Pero pareho na kaming nasa Jollibee nun, pero bakit hindi kami magkita? Aba, malay ba namin na tatlo pala ang Jollibee doon? So ayun nga, magkaibang Jollibee pala ang pinuntahan namin hahahahaha! Inisip ko nga, baka natulad kami sa Kimi No Nawa, magtatagpo sana pero magkaiba pala kami ng panahon kaya hindi magkita, charot. Sabi niya sige, dun kami sa malaking globo magkita, siguro naman nag-iisa lang yon sa MOA di ba? More lakad more fun ako, ganun din siya. Hanggang sa nakarating na kami sa sphere. Hanggang sa nakita niya na ako doon.

O anuna? So ayun, dumiretso na kami ng Jollibee (yung pinuntahan niya) para kumain. Sabi niya ako daw ang mag-oorder ng pagkain namin. Nasabi ko kasi sa kanya na takot ako umorder ng pagkain, kasi nahihiya ako tsaka baka mali ma-order ko. So sige sasanayin na kita. At yun, yung naorder ko, kulang pala ng itlog hahahahaha sabi sayo eh mali na naman ako eh, sabi niya okay lang daw. Pagkatapos nun, umikot-ikot na kami ng MOA. Nag-mock interview kami (since bihasa na siya sa BPO Industry, nanghingi ako ng tips sa kung paano sumagot during interview, kasi nga di ba natataranta ako ng matindi kapag iniinterview na ako). Sabi niya may grammar lapses, wag daw magsasabi ng isang bagay kung hindi ko maeexplain ng mabuti, ano pa ba yun, basta yun na yun. I-improve ko daw muna yung sarili ko at maging confident. Hmmm okay.

Tapos nung naupo kami dun sa malapit sa baybayin, nag-usap kami ng very very deep tungkol sa sitwasyon namin. Alam mo ba, sinabi ko nun na sige, go go lang ako, ituloy na natin to. Pero habang sinusulat ko tong post na to, napapaisip na naman ako, wait lang, ready na ba talaga ako? O baka sinabi ko lang yun kasi kinikilig talaga ako sa kanya?? Ang nadiscover ko sa kanya, he’s dominant, he likes to take control of the things. Hmmm okay. Ang nakikita kong problema dito, is siya, ang dami niya nang napagdaanan sa buhay, sobrang mature na ng pag-iisip niya. Ako naman, lalabas pa lang ng lungga. Bata pa rin ako mag-isip. Yung point-of-view niya ay iba sa point-of-view ko. Tama nga bang opposites do attract? Ano, kaya ko ba talagang sabayan yung mga trip niya? Kaya ko bang magbago at mag-improve?

Tinanong ko siya kung paano ko siya pasasayahin? I mean paano ako makakapag-give sa kanya? Hindi yung ako lang lagi ang take ng take? Aside sa sinabi niya kanina na i-improve ko yung communication skills ko, i-improve ko daw yung sarili ko. Mag-ayos, matutong magsuot ng damit na bagay talaga sakin, at iba pa. Tapos matuto na daw ako na magdesisyon para sa sarili ko, hindi yung laging nakadepende na lang sa kanya/sa ibang tao. Sabi ko sa kanya, okay sige gagawin ko. Pero ngayong nandito na ako sa bahay, parang nag-aalinlangan ako. Bakit parang ayoko pang magbago? Siguro di ako sanay? Siguro ba natatakot ako? Siguro nga naninibago ako. Weeks ago, I’m very different, tapos in an instant hmmm eto na, kailangan ko nang maging Woman. Paninindigan ko na ba?

The whole time na magkasama kami, ang tipid ko lang sumagot. Samantalang siya eh ang dami niya nang nakwento tungkol sa buhay niya. Ganito talaga ako in real life, hindi magsasalita hangga’t hindi mo tatanungin. Iniisip ko lang nun kung paano ba kumilos ang isang girlfriend? Dapat ba akong maging sweet? clingy? Pabebe? Ay ayaw pala niya ng pabebe. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin/sabihin, kasi first time lang yon lahat. Nangangapa pa siguro ako. Paano kung isang buwan pa lang, mapagod na siya sakin kasi wala akong alam sa ganito? Sad. Wala siyang ginawang mali. Ako lang talaga ang may kulang.

Oh may ghad. Sana sa mga susunod na araw, sipagin na akong baguhin ang sarili ko. Go go go Shai!!!!! πŸ˜₯

—–

Beb, alam kong inaabangan mo talaga tong post ko. Pasensya na, may mga bagay pa rin na bumabagabag sa’kin na hindi ko pa nao-open up sayo, pero heto na yun. Wag ka sana magalit πŸ˜—

Advertisements

38 Replies to “OUT OF THE BLUE”

  1. eeeeiii… allow me na kiligin kahit lalaki ako..haha. ganyan na ganyan kc kami ni misis, btw ‘sharie mec’ ang name nia magkatunog πŸ™‚ although hindi ideal kung iisipin, nevertheless online chat is a (convenient) medium to begin with, and the fact na nag meet ups na kayo gesture of sincerity and commitment yun. I knew how it feels ung first-time encounter, ung awkwardness, ung gusto mo ‘balik na lang sa chat’ hehe.. i can tell in your post you’re smart, just don’t let your guard down unless you are fully convinced na ‘this is it’ na nga. God bless sa #relationshipgoals.. P.S. nakilig pa rin ako hehe

    Liked by 1 person

  2. Kainis! Shairaaaaaa! Kinikilig akooooo! 😍 alam mo, swerte ka kay kuya. Kasi nag eeffort talaga siya mag dig deeper para makilala ka. Kung baga consistent and maeffort siya 😊 atsaka, wala namang oras kung kailan maiinlab ang isang tao eh. Normal ka naman, don’t worry 😊 may mga tao talagang mabilis mafall, meron namang hindi.

    If madami kang questions, yeah, ask him or tignan mo din yung actions niya of true or not. Pero happy ako sayo shai-shai 😊 meron ka ng consistent na travel buddy. Yayyyy! ❀

    Liked by 1 person

  3. Siguro hindi lang ikaw ang dapat magbago, siya din sana sa parr na pagiging di niya okay sa magulang, pagyoyosi at pag-iinom. Kung willing ka magbago para sa kaniya dapat siya din willing magbago para sayo.

    Di ako boto pero di rin ako kontra πŸ™‚ ang masasabi ko lang kilalanin mo maigi at wag ikaw yung lagi as in lagi mag-adjust. Ingat lagi πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. Ah di ko naman siya pinipigilan sa ganun, kasi wala pa ako, yun na yung nakakapagpa-ease sa kanya eh, di ako pwedeng magdemand agad ng ganun hehe, pero nasa sa kanya naman yun kung willing siya na bawasan/itigil yun, okay lang naman sakin. Ayy yes ate hehe salamat sa payo β™‘

      Like

  4. Sasali ako. πŸ˜€ Binasa ko lahat Shai pero kinilig ako konti, mga 12 ganun. Hindi ako madaling magtiwala sa mga taong nakilala online PERO naniniwala ako sa pakiramdam ko aksi alam kong matalinong tao ka. Basta take it slow, mas kilalanin niyo pang mabuti ang isa’t isa at ienjoy niyo kung anong meron kayo. Namnamin ang first (and hopefully last) love. ❀

    Liked by 1 person

  5. abababababa! iba na ang hanash mo ha! hehehehe…
    i’m happy for you… but take your time. it’s not going to be easy but i know you’ll be okay.
    Abangan ko pa yung ibang mga posts mo. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  6. ganyan talaga sa simula.. kapaan ng ugali hehe. sobrang nanibago din ako dun, kasi matured din sya tas ako isip bata. sanay din ako na lagi akong pinagsisilbihan. ngayon sa kanya ako ung nagsisilbi waha. tas di ubra yung ugali ko na magastos.. sya kasi wise sa pera. sobrang marami kaming pinagkaiba. at sobrang iba sya dun sa ex ko kaya nanibago ako talaga. pero di mo kelangan pilitin sarili mong magbago.. mararamdaman mo na lang un. halimbawa yung pagkatamad ko at prinsesa sa bahay.. pag kasama ko sya feeling ko gusto ko sya pagsilbihan e. so ayun, nagiging masipag ako at may kusa. gusto nyo naman ang isa’t isa. okay lang yan hehe, taraaaay ng “follow me to” pose. may ganyan na din kaming kuha sa wakas, kilig noh?? :”> wala naman yan sa tagal o ikli ng pagkakakilala, nasa unawaan nyo un na kayo lang ang nakakaalam. ung ex ko 13 years kame at 2 yrs ako niligawan hehe. ung ngayon ko walang ligaw ligaw tapos super close naman kami agad at komportable ako sa kanya. BASTA mag ingat pa din at magtira para sa sarili. mas mahirap yang sa inyo kasi magkalayo kayo. hayy. good luck pa din. enjoy mo lang ung feeling ng kilig πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. Ayyyyy ate hahahaha salamat din sa pagshare ng story mo, mas namotivate ako ngayon para samin πŸ™‚ sana nga maging ganyan din ka-successful ang kwento namin. Hayyy haha

      Like

      1. Oo hehe kaso bata ka pa, kaya doble ingat okay? Maganda rin yan tinutulungan ka nya iimprove ang sarili mo para maging confident. Kung maganda naman ang naidudulot sayo, why not diba? Pakilala mo na din kay tita!

        Liked by 1 person

        1. Tama hehehe. Gustung-gusto ko na siya ipakilala dito kaso… hindi pa pwede kasi alam kong hindi magiging maganda yung tingin nila samin, na bago pa lang na magkakilala. Kaya ayun siguro palilipasin ko muna ng ilang linggo/buwan.

          Like

  7. Kada post mo nabibigla ako 😱 haha jk wala akong advice na sasabihin kasi wala kong alam sa ganyan ganyang topic ahaha. Ano nalang, pag-isipan mong mabuti ang mga desisyon mo. Naks panggap na naman akong may alam ahahaha.

    Liked by 2 people

  8. ayiieee!!! ingat ka lang lage haha. at maganda yang ganyan open ka sa kanya, sinasabi mo lahat. galing ako sa long term relationship at nung nagbreak kami sobrang di ko alam pano makipagdate at san maghahanap ng lalaki! e nabuang ako nun.. nag-tinder ako waha. ayoko rin magsayang ng oras sa chat chat na yan na puro landian. ayoko na ung “parang kayo pero hinde” kasi may ganun na din ako at tumagal ng one year walang nangyari waha! so ngayon etong si tinderboy wala pa 24hours kong ka-chat e kinita ko kaagad. although walang intensiyon ng romance or pang lovelife or whatever.. ayun din naman gusto ko. para magkaalaman kung pang-friends ba o pede potential boylet hihi. nag swak naman. ayun.. hanggang ngaun kami pa rin πŸ™‚ pero delikado nga yung ginawa ko. sinuwerte lang ako kasi hindi sya rapist or serial killer :p

    Liked by 2 people

  9. Naks, dalaga na siya. Abangan ko ang kwento ng meet-up n’yo. Sana safe naman at sana marami kang matutunan sa bagong chapter na ito. Ingat ka lang lagi; stay safe (if you know what I mean). πŸ™‚

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s