Same Old Hanash


IBINALITA sa akin ni Ate Vky na uuwi na siya ng Pilipinas sa Mayo. Sa Mayo. Buti naman, makakasama na namin siya ulit dito πŸ™‚ kaso, kaso, isa lang ibig sabihin nun, wala na siyang trabaho. Wala nanaman kaming pera. At malaki ang tsansang hihinto NANAMAN ako sa pag-aaral.

Dapat ga-graduate na ako ngayong Mayo, kaso tumigil ako sa pag-aaral nung taong 2013, kasi nga wala na kaming pera noon. Nung nag-Dubai na si Ate Vky, nakabalik naman ako nung sumunod na taon.

Nung una hindi ko matanggap yun, syempre sino ba naman ang gugustuhing ma-tengga sa bahay at feeling walang silbi? Wala pa akong disi-otso nun kaya hindi pa ako pwedeng magtrabaho. Wala akong ibang ginawa nun kundi gising-kain-linisbahay-twitter-fangirling-landi-tulog. Sa loob ng isang taon yan ang routine ko. Nakakasawa kaya. Gustong-gusto ko talaga mag-aral at matuto nun.

Pero yung pag-stop ko nun may magandang naibunga naman. Kasi dahil dun nakilala ko yung mga kaklase ko ngayon πŸ™‚ kung yung bebecoms eh yung ‘pinakamababait kong mga kaklase’, yung ABCOMM naman ngayon eh ‘they brought out the best slash the worst in me’ πŸ˜€ as in. Nagbago yung ugali ko ng mga 1 inch dahil sa kanila πŸ˜€ may maganda at masamang epekto yun. Hahahaha

Balik ulit tayo sa hanash. Kung titigil nanaman ako, kawawa naman ako! Lalo akong maiiwanan ng mga ka-batch ko! Waaaaa ayoko na. Ayokong matengga nanaman ng matagal. Gusto ko na grumaduate o. Huling taon ko na sa pag-aaral, tapos mauudlot pa? Grabe namaaan. My pride, my ego, my needs, and my selfish ways, matatapakan nanaman lahat!

Naiinis ako sa sarili ko, kasi tinaken for granted ko nanaman lahat. Ang dami kong kalokohan nung last two sems ko. Gastos here, gastos there, di pa ako nagseseryoso sa mga exams ko. Pabebe lang ako netong mga nakaraan. Di ko inisip na nasasayang yung mga pinaghihirapan nila sakin. Puro ek-ek lang ang ginagawa ko ngayong nag-aaral ako. Pero nung nagstop ako nun desperadang-desperada ako para makapag-aral lang! Nakow!

Pero paano nga yun, pag-uwi niya, aasa nanaman kami sa pensyon ko na dalawang libo lang kada buwan. Saan kami pupulutin neto, haha! Di na matutustusan yung pag-aaral ko. Nakakaloka.

Wala akong choice, kung gusto ko makapagtapos sa 2017, kailangan ko ng magtrabaho!! Wala na akong pakialam kung gyerahin man kami ng SSS, hahaha. Hmm, namomroblema pa nga ako ngayon sa Internship, tapos heto kailangan ko na ng totoong trabaho 😂 dapat mapupunan yung pangangailangan kong pinansiyal. Limang libo na tuition kada buwan plus Isang libo para sa pamasahe, bale 6k din. Hahahaha kinwenta ko agad, baliw. Basta anuman ang mangyari, hinding-hindi ako mag-aapply sa mcdo. Bwahahaha. Jollibee pwede pa πŸ™‚ #pridenanaman

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata. Pero sana talaga di na ako mag-stop. Pls lang.

Basahin nyo na rin yung pinost ko noon bago ako mag-stop noong 2013.

16 thoughts on “Same Old Hanash

  1. Hmm parang pag-ibig lang hahaha. Kung kailan mo kailangan saka naman siya wala <\3 bat ganon lol XD di bale makakahanap ka rin, tiwala lang hahaha

    Liked by 1 person

  2. Hahahahaha wala namang hinanakit…kaso ito yung time na sobrang hirap maghanap ng work dito…last year kahit di ako magapply ako pa yung tinatawagan…ngayon wala. Dedma lol

    Liked by 1 person

  3. Ah tita ko siya (bale ate lang tawag ko haha) hindi naman. Gusto niya na daw umuwi eh kasi pagod na siyang mag-alaga ng bata (babysitter siya dun). Ayun. Di ko na alam anong mangyayari. Haha

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.