Sana’y di na magising, kung nangangarap man din.


UMATTEND ako last friday nung Graduation ceremonies ni Anye. Wag na tanungin kung bakit ako ang umakyat ng entablado kasama niya sa pagkuha ng diploma xx

Share ko lang to: kasi yung salutatorian nung batch nila, hakot awardee! As in super dami niyang medal, mas marami pa sa bilang ng daliri ko sa kamay :D. Nung tinawag na yung pangalan niya sa stage at isinabit ang mga medalyang iyon, palakpakan ng bongga ang mga tao! Ang galing galing niya kasi, bukod sa umeexcel siya academically eh lagi siyang first place sa mga district competition – sa Journalism, at bukod pa dun ay inilalaban din siya sa sports (swimming yata yun). Amazebols ako pero at the same time naiinggit. Nanaman hahahahaha

Tumu-throwback tuloy yung utak ko. Ano bang nagawa kong matino nung elementary at high school? Haha. Never akong nagkaroon ng medalya, kahit palagi akong nasa top 10. Nakakainis kasi eh, hanggang 4th honors lang naaabot ko. Hanggang dun lang. Kung tutuusin kayang-kaya ko naman talunin yung mga mas nakakataas sakin (di sa nagmamayabang, pero ganun na din), pero yung mindset ko kasi nun, tamad talaga ako gumawa ng mga project hahaha. Halimbawa, kapag di ko gusto yung topic namin sa formal theme/sulating pangwakas eh di ko na siya gagawin. Kapag di ako marunong mag-stitch eh wala na rin akong balak magpasa. At ngayon ngang college, kapag di ko bet yung tanong sa essay, di ko na sinasagutan! Haha! Ngayon eh sising-sisi nako na di ako nag-effort ng bongga noon. Kalandian kasi inuuna eh *.* pero eto nga, super inggit ako sa mga hakot medal awardee, tulad nung sinasabi ko kanina.

Noon din naman, inilalaban ako sa mga contests, kaso di ko rin pala nagamit yun ngayong college. Puro math competition kasi yun eh! Mga quiz bee, tagisan ng talino, etc. Kung alam ko lang na magc-comm ako, e di sana nung elementarya pa lang eh cinareer ko na yung mga news writing contests noon sa Gentri! Kung di ko sinayang yung panahon noon, sana pinush ko lumaban para magka-medal! Alam mo yung ‘almost’? Yung alam mong kaya mo naman pero di mo ginawa? Haha sayang talaga! Noon nga nung high school ako, sabi ko nun, “babawi na lang ako sa college. Dun ako magpupush ng bongga sa pag-aaral.” Kaso anyare? Lalo akong lumagapak ngayon hahahahaha.

Sabi nila, di naman ganun ka-importante yung mga medals na yan. Parang grades din yan na di naman daw magagamit sa trabaho balang araw. Pero frustrated ako eh, kasi nakakataas kaya ng self-esteem yun, yung feeling na kapag nananalo ka sa mga ganun, tapos may honor ka, ang sarap sa feeling, na proud sayo yung mga nasa paligid mo, yung tinitingala ka, academically man or sa sports, yung maranasan man lang kahit papaano na ikaw yung pinakamagaling sa lahat. Ang saya kaya nun!

Ngayon, mangangako nanaman ako. Sasabihin kong babawi na lang ako kapag nagtrabaho na ako. Mag-aambisyon ulit ako ng mas mataas pa, baka sakali magkaroon na ako ng matinong award πŸ˜‚ tapos yung makikilala na ako ng mas marami pang tao dahil sa mga achievements ko.

Teka. Parang nagpost na ako ng ganito noon ah. Eto ba yun? xx

Eto na, nung patapos na ang program eh pinatugtog na yung graduation song nila – “Iingatan Ka”. Nung unang nalaman ko na yun yung kanta nila, sinabi ko pa nun kay Anye na, ‘seriously? Graduation song nyo to? Why?’ Kasi feeling ko lang di bagay yung kanta. O baka di lang ako sanay na ganun na yung tema ng mga grad song ngayon.

O eto na talaga, nung tumugtog na, umiyak ako! Hahahahha! Nakakainis kasi di naman ako iyakin, pero yun nga. Yung kanta kasi eh! Haha. Yung moment na pinatutugtog yun, tapos yung mga graduates sabay sabay nilang kinanta yun, tapos yung isang estudyante lumapit sa nanay niya, niyakap, at nag-iyakan sila with matching Thank you message pa, sinong di maiiyak dun??? Baka naiyak lang din ako dahil frustrated akong walang medalya XD

Pero hindi, ang totoo kasi nun, naalala ko si Mommy nun. Dun lang ako nalungkot ng labis labis dahil wala siya πŸ˜₯ oo. Never siyang umakyat ng stage kasama ko para kumuha ng diploma. Never niya akong nasilayang grumaduate. Dun ko lang dinamdam yun ah. Nun ko lang na-feel kung gaano kaimportante ang magulang. All my life di ko gaano ikinalungkot na wala sila, pero nung time na yun naiiyak ako, kasi di ko sila kasama. Ang drama nu? Di ako yung grumaduate pero ako yung emotional. Nung grumaduate nga ako nung elementary at high school, di ko iniyakan yung mga kaklase ko. Ang korni eh haha. Pero eto ako ngayon, umiyak haha. Di nga pala alam ni Anye yun. Hiwalay kasi kami ng pwesto. Pero nahiya rin ako sa mga katabi kong magulang. Sila lumuluha lang, ako sobrang iyak na humihikbi pa. Hahahaha.

Ngayon isusumpa ko talaga sa sarili ko, kung magkakaroon man ako ng anak, di ko ipaparanas sa kanya yung mga pinagdadaanan kong hanash. Hahaha. Kailangan talaga i-push ko ng matindi sa trabaho. Para di na kami magdusa. Tsaka tutuparin ko pa yung nasa goals list ko nu! (Nasa susunod na post ito hahaha) good luck!

PS: After neto nainis nako ng matindi kay Anye. Siya na yung gumagamit ng cellphone ko buong araw eh. Wala akong magawa, ako kasi sinisisi ni mudra niya kung bakit nabasag yung tablet niya. Di ko daw binilhan ng Jelly Case. Mula ngayon eh araw araw na akong nagdurusa kasi may nakikihati sa oras ko sa cellphone. Nakakabanas. Hahahahahaha

15 thoughts on “Sana’y di na magising, kung nangangarap man din.

  1. Pingback: Liebster Award
  2. Ahh may mga ganun po pala talagang magulang, yung gustong ikaw lagi yung pinakamagaling sa lahat 😦 okay lang po yun atleast di kayo tumigil sa pag abot sa mga pangarap nyo kahit may asawa ka na πŸ™‚ salamat po sa pagmotivate πŸ˜€ pag may dumating na opportunity gagalingan ko na ☺ hehe

    Liked by 1 person

  3. Nung elementary ako lagi akong may medal. Si mommy hindi sya mashadong happy kapag di ako first honor. Gusto nya lagi first ako. Kaya nung grade 6 top 5 ako di sha super saya. Haha. Ang tatay ko ang ever supportive kaso wala na sya. Nung college sya ang kasama ko nung graduation, katabi sila ng asawa ko. Hehe. Oo bago pa ko mgtapos ng college nagasawa nako. Wag ka susuko lagi namn pwede bumawi. Basta simulan mo na ngayon πŸ™‚

    Liked by 1 person

  4. sinabi ko din yan magaaral at babawi ako sa college hndi na ako mahihiya. pero potek nakakatamad pala sa college hahaha

    Liked by 1 person

  5. Hahahaha years in the making! πŸ˜€ kunsabagay wala pa rin kasi akong ideya naiisip para dun eh haha saka na lang 😊

    Liked by 1 person

  6. hahahahahaahhaha oo nga…who knows kung ano nang kahanshan ang pinagsasabi natin dito πŸ˜€ malay mo tapos na din yung collab nating Royal Tru Orange by that time hahahahahah

    Liked by 1 person

  7. Sige sana di ako sumuko sa pagbblog, tsaka sana nandito pa rin ikaw tsaka yung iba ko pang nakakasalamuha hahaha

    Tsaka siguro level up na yung mga hanash ko sa future hahshaha

    Liked by 1 person

  8. bwahahahahahah….malalaman natin yan kung after a few years ay nagboblog ka pa rin about sa mga kahanashan mo and kung nagboblog pa rin ako hahaha

    Liked by 1 person

  9. Si Anye yung anak ni Ate Vky bale pinsan ko siya. Walang may balak umakyat ng stage para sa kanya, kaya ako na nagparent *.* (busy daw yung iba naming tito/tita hahaha)

    Tama 😊 pero bata pa lang ako pinangarap ko nang magkaroon ng super daming mga medal kaya frustrated ako nung tumanda hahaha. Bawi bawi na lang ako pag nagwork na πŸ˜€

    Liked by 1 person

  10. Hahaha. Sabi ko na. Bakit looks fam yung title. Hahahaha. Teka sino si Anye? Bakit ikaw ang ‘parent’ nya haha….

    Andami kong tawa sa post na tooooo hahahaha…..totoong di mo naman magagamit yang mga medalya ek ek sa work. Lalo pa kung magaabroad ka jahahaha….minsan din kung sino pa mga achievers nung HS or college eh hindi maganda napupuntahang work or what hahaha…but it depends…. πŸ˜€ samin kung sino pa yun mga average lang nung HS eh sila pa yung matitino ngayon haha….

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.