Hell Week v.3.2.0


GANAP ko last week. Eto yung mga panahon na di ako kumakain ng tanghalian, natutulog ng alas dos tapos gigising ng alas-singko, walang creativity sa utak, at napaparanoid tuwing nag-iisa. HAHAHA

Last week: Tinapos yung shooting ng film, commercial, at public service announcement; Nag-defense sa philo, ginawa yung film evaluation πŸ™‚

LUNES – Ginawa ko yung research paper nung umaga sa library, pero actually hindi talaga <\3 may topak nga kasi ako nun kaya kahit anong pagbabagyo ng utak (brainstorming) ang gawin ko eh wala akong mailagay sa research! Pasahan nga dapat ngayon eh, pero di kami nagpakita kay madam hahaha marami pa kasing kulang. Nung madaling-araw naman, ayun ginawa ko pa rin yung research.

MARTES – Showing na sa mga sinehan yung pelikula namin! Charot. Ipinalabas na sa school yung mga entries para sa film fest ngayong taon, syempre kasama yung 'foto' πŸ™‚ nakakahaggard pero ang saya kasi alam nyo ba di ko inasahan na maraming-marami talaga ang nanood nung entry namin! Oo sobrang ganda kaya nung film namin, gusto ko ipagmayabang kahit di ako yung nag-edit hahahaha. Ang di ko lang in-expect eh kahit di namin gaanong na-promote yung film, kahit wala kami gaanong kakilala sa school, eh marami talagang nanood! (Baka dahil na rin kasi may SPG scene haha! Pero very very light lang naman yun don't worry) at marami akong natanggap na positive feedbacks mula sa viewers πŸ™‚ sayang! Kung pwede ko lang talagang ipakita sa inyo yung 'foto' eh. Nakwento ko na ba na horror film yun? Haha. Yung tipong kada screening eh punung-puno yung room, tapos sa labas din ang daming nag-aabang para panoorin yun πŸ™‚

MIYERKULES – Exam namin ngayon, pero wala eh. Wala (IYKWIM!). Nung madaling-araw ay tinapos ko na yung book report πŸ™‚ sinipag akong magbasa ng Sophie’s World ng mabilisan ah! Kaso di ko pa rin naiintindihan gaano yung kwento! Haha, naka-23 pages ako! Ang gastos! Nakakainis! Lalo ako namulubi XD I tried my best to make my chapter by chapter analysis shorter than ever, kaso ganun pa rin eh!
Tapos nung hapon ay pumunta ako kila CJ. Birthday niya ngayon! (May hiwalay akong entre sa book report tsaka sa birthday ni CJ hehe) Pinasa na ng mga kagrupo ko yung research paper kahit hindi pa tapos. Frustrated ako kasi bakit ganon lang natapos namin? Oh. Wala nga pala kasi akong mailagay dun. Hahahahaha! Sinubukan ko pang gawin yung mga kulang namin (lalo na sa may Chapter 4 – Results and Discussion) kaso wala talaga ako sa mood mag-isip eh 😦 wala na di ko na din dinagdagan!

HUWEBES – Inumpisahan ko ng maglayout ng magasin. Gusto kong mawarla kasi ang konti-konti lang ng mga articles namin hahahaha eh ano magagawa ko yun pa naman yung ‘least prioritized project’ nila 😦 sabi ko pa naman dito ako babawi mula sa pagkukulang ko sa ibang subjects! Akala ko madali ko lang siya matatapos, kaso hindi eh, namomroblema ako sa design. Wala nanaman akong idea! Hahaha! salamat nga pala ng marami kay friend πŸ™‚ sa pagprovide ng laptop na ginamit ko :” ayaw na magbukas ng computer sa bahay eh! Takbo agad ako kay friend πŸ™‚ huhu buti na lang. Halos buong mag puro articles ko na hahahahahaha yung totoo XD lahat ng pangit sa mag, minadaling gawa ko lang. Eh halos lahat yun panget, lamnadis!

BIYERNES – Diri-diretso pa ring layouting yan! Tinapos ko lang maghapon lahat-lahat, Pumasok ako ng maaga sa school. Dun ako naglayout, pero di ako nagpakita buong araw sa mga kaklase ko. Kasi di ako makakapagconcentrate sa ginagawa ko kapag kasama ko sila, pangalawa ayoko lang talaga muna silang makita hahahaha (pero wala akong issue ah). Nung una nasa library ako, nung dumami na yung madla lumipat ako sa may basement (kasi dun may charger), ayos nga yun eh kasi rinig na rinig ko yung harutan nila *.* excited sila nun para sa awarding. Alam mo yung gustong-gusto ko silang puntahan nun, kaso di pa tapos yung magasin! Tiis lang muna xx Nung tapos na ko mag edit, sakto nasa audi na sila nun. Inantay ko si Mam Tetay sa may ‘umbrella’ banda, yung malapit sa tambayan nila Francis XD para ipasa na yung magasin. After nung awarding pala, nandun na sila sa may bench. Hahahaha di nila alam pader lang ang pagitan namin hahaha! Syempre naririnig ko pa rin sila. Pero sabi ko, ‘ah di na ako magpapakita’. Na-stress ako nun kung paano ako makakalabas ng school! Baka makita nila ako! Hinintay ko pa silang magsi-alisan bago ako nakalabas ah! Haha!
Best Picture. Best in Cinematography. People’s Choice Award. Yan ang mga napanalunan namin hahaha! Maraming maraming salamat sa lahat po ng sumuporta sa pelikula namin! Sa lahat ng nanood. Sa mga kaklase ko na full pack ang effort since version 1 ng Foto. Salamat sa inyo! Deserving talaga kayo tayo para sa mga awards na yun. At para yun sa mga umalipin at nag-underestimate sa amin nung theater days. Oo na alam naman naming di naging kabog yun! Alam naman namin yun eh! Bakit nyo pa ipinangangalandakan sa iba T_____T tanggap din naming kaunti lang yung sumuporta sa ‘The Bomb’ pero look at what we had done now! Ipapamukha ko yung film namin sa inyo hahahaha! Ano? Sadyang film ang forte namin at hindi theater. Haha
Special mention ko na pala – si Justin Tocao. Siya ang nasa likod ng buong film namin hahahaha kung hindi dahil sa kanya baka sablay din kami sa dun! Siya yung nag-edit mag isa lahat niyon, tapos cameraman, make-up artist, plus konting pagdidirek, haha elibs na elibs ako. Sana kasing-creative ko rin siya nu? Haha

 photo 12837278_10208488747766938_2104662331_o_zpsrbubxhhc.jpg

Flattered ako kasi kahit wa ako slibi, kasama yung pangalan ko sa poster 😂 ang saya lol

 photo fb_img_14584056696029457_zpsucvdpebs.jpg
(C) Angel. Di ako makapagscreenshot ng maayos ng scene mula sa film eh hahahhaha

 photo screenshot_2016-03-20-00-28-38-1_zpshuqnxnkk.png

 photo screenshot_2016-03-20-00-28-59-1_zpsbnoeucxg.png

 photo screenshot_2016-03-20-00-29-30-1_zpsgripzflh.png

 photo screenshot_2016-03-20-00-29-52-1_zpsbfadumwc.png

Eto lang yung kabog kong layout sa magazine nakakainis! 4/17. Mema lang yung cover namin, yun kasi yung huli kong ginawa eh -.-

Ranking ng mga ginawa namin ngayong finals, mula sa pinakamaganda hanggang sa pinakachaka:
1. FILM – sasabihin ko pa rin ba kung bakit?
2. Magasin πŸ™‚ kahit below my expectations, keri lang.
3. Commercial/Public Service Announcement. Napalaban ako dito friend! Nakakahiya yung mukha ko dun hahahahaahahha nakakainis! Last ko na yun ah!
4. Book Report. Nakakapagpabagabag yung isinulat ko sa Philosophical Reflection ah! Dahil dito, lalong dumami ang tanong sa utak ko :3
5. Film Evaluation, kung tutuusin eto yung pinakamadali ah! Magsusulat ka lang ng full pack 5-page assessment at ipopost mo sa wordpress, at hindi naman chinicheck yung content. Mema lang talaga *.*
6. Philosophical Defense, or shall I say, reporting? Wala si mam sa mood para gisahin kami. Nanghinayang ako.
7. Research Paper. Panglimang research na namin to. Naumay na siguro kami. Hahahaa!

After this, grades na lang problema ko? Haha

One thought on “Hell Week v.3.2.0

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.