Naninibugho

TAPOS NA ANG TERM! dahil dyan, brace yourselves for another series of rants x hate x realization posts mula sakin bwahahaha 😈 ang dami ko ring naipong drafts, eto na ang tamang panahon para maghasik ng lagim πŸ˜€ last two weeks kasi ay napalaban ako sa sandamakmak na stress sa school at sa bahay (na ikukuwento ko rin naman later). So let’s start with ‘naninibugho’. Kasi nagpupuyos ang kalooban ko at nagkanda-durug-durog ang puso ko netong mga nakaraang araw. Here’s how:

Tinamad na akong gumawa ng mga project, lalo na yung research paper. Alam mo ba kung bakit? Kasi ayoko ng maulit yung ganap noon: nagsikap ako na maipasa lahat ng subjects ko noong first year second semester, kaso bumagsak pa rin. Di kasi ako nakakapag-exam. Nagpakahirap ako noon sa documentary, sa declamation, tsaka sa case study, tapos ayun! Babalikan ko pa rin yung mga ibinagsak ko? Sayang di ba? Naisip ko, paano kung ganun ulit yung mangyari ngayon? Full effort ako sa film, philosophy, book report, PSA/AD, magasin, tsaka research paper, tapos babagsak din naman pala ako? Na uulitin ko ulit yun next year? Kaya netong nakaraan talaga wala na ako sa mood maggawa ng matinong project. Yung research paper nga super late nang napasa tapos di siya kumpleto, wala eh di na nagana utak ko *.*

Nung nakaraan sinabihan ako nung prof ko sa Valform, 50% ang tsansang bumagsak ulit ako dun. Pag ganun, next sem, ite-take ko nanaman siya, sa ikatlong pagkakataon.

Naf-frustrate ako kasi ang tingin sa akin ng maraming tao – ‘brainy’, tapos eto ako bumabagsak. Nakakababa ng pagkatao kaya yun! Naaapektuhan yung ego ko hahahahaha!

At isa pa, kapag inuulit ko yung mga subjects na yun eh di dagdag bayad yun sa tuition! Nakakapanghinayang kaya sa pera, parang tinatapon ko lang! Pero wala akong magawa, di kasi ako nakakapagbayad ng matrikula on time kaya di ako nakakapag-exam! Ang saklap di ba

Tsaka paano kung yung mga babalikan kong subjects eh conflict sa oras? Mahihirapan ako nun, kasi pag di ko nakuha lahat yun within this year, HINDI AKO MAKAKA-GRADUATE. Waaa ayoko natatakot akong hindi makatapos sa 2017.

—–

Yung mga ka-batch ko, magsisipagtapos na! Sunud-sunod na silang nagpopost ng mga #gradwaiting status, naiinggit ako ng bonggang-bongga! Yung naiisip ko aw kasabay sana nila ako ngayon. Kaso hindi eh. Oo kahit papaano mas naging makulay yung buhay ko nung tumigil ako ng isang taon, pero di ko maiwasang mainggit! Nakakainis!

—–

May issue din ako sa iba kong mga kaklase kasi alam ko at this moment negative na yung naiisip nila sa akin, feeling ko super walang silbi at pabigat na ako sa lipunan! pero kung alam nyo lang, di ko ginusto tong buhay na to hahaha! Ewan ko kung totoo ba ito o baka paranoid lang talaga ako! Baka wala naman talagang mali, feelingera ko lang! Kasi eto nanaman ako sa stage na kung saan pakiramdam ko ‘outcast’ ako, na di na ako belong. Pagkatapos ng ilang araw na di ako nakakapasok (dahil kay *****) eh mukha na akong napag-iiwanan. Kaya minsan din di na ako humahalubilo sa kanila kasi OP ako. Lalo na pag may mga moment na ang saya saya ng mga ganap nila sa buhay tapos hindi ako nakaka-relate. Tapos sabi ng boses sa utak ko: ‘naaalala ka lang naman ng mga yan kapag may silbi ka sa kanila eh.’ Pasensya na, paranoid lang talaga ako! Pero di naman ako mala-wence ha! Lol

Nakakalungkot lang din na nawala na ng tuluyan yung talino ko hahaha! Di na ako nakakapag-isip ng matino, feeling ko eng-eng nako. Naffrustrate ako na wow matalino ako noon pero nganga nako ngayon. Feeling ko Sheila nako haha pis! Pero seryoso, at this moment naiinis ako na nag-ABCOMM ako. 😦 Nung film namin wala akong nai-contribute na idea kahit isa, assistant director pa naman ako (kunsabagay di ko naman ginusto ma-appoint nun eh!) Tsaka kapag may mga pagkakataon na hinihingian ako ng idea sa mga project namin, wala na akong naiisip 😦 kaya feeling ko talaga wala na akong silbi sa school haha nakakaiyak. Nung theater pa pala itong sakit ko – Creativity Block. Baka di na ako gumaling at mawalan nako ng creativity ng tuluyan 😦 kainis. Alam nyo noon, mas gusto ko lagi nasa school, kasi dun ako masaya. Pero ngayon, mas gusto ko na di na lang ako pumapasok sa school at pumupunta na lang sa kung saan man, kasi nasstress lang ako kapag nasa school eh.

Nung film na nga, Assistant Director nga ako di ba, pero feeling ko nanaman wala akong silbi nung nagshushooting tayo. Ako si tiga-takbo sa ganito, sa ganun, sanay naman ako sa ganun. Pero nung one time, habang bumibili ako nung food coloring tsaka cornstarch, napag-isip isip ko, bakit pakiramdam ko naaalipin nanaman ako? haha. Alam ko namang di nyo naman sinasadya na ganun. Pero bakit naiiyak ako. Haha kasalanan ko rin naman kasi nga nakatunganga lang din naman ako dun, kumbaga yun lang ang pwede kong maibigay na tulong. Pero bakit sumasama ang loob ko XD hahaha. Yung feeling na, sana di na lang ako naging AD. naffrustrate ako nakakainis. Kaya yung sa resume ko; di ko na inilagay yung mga group projects natin. Naaalala ko lang lalo na production julalay lang talaga ako eh. Tsaka isa pa, di na ako gaano nag-effort nung film, nadala na ako nung theater eh, ganun din naman maghirap ka man o hindi, pare-pareho pa rin grades nyo! Haha ayoko na hahahaha.

—–

At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa tuition fee na kinupit ko 😂

—–

Eto pa, naiinis ako sa isang lalaki na itago na lang natin sa pangalang ‘Kanye West’ :p hahahaha! May personality ako na ayaw niya, pinipilit ko namang tanggalin yung attitude na yun, pero di ko pa rin nagagawa. Pero di yun yung point ko, tanggap ko namang galit siya sa ugali kong yun, pero naman! Yung crush niya, ganun din naman yung ugali! Yung tropa niya ganun din ugali! Bakit yung sa kanila tanggap niyang ganun? Bakit pag sa akin nagagalit siya? Nakakainis pa, ang landi landi ni Kanye sa crush niya! Sa harap ko pa! Di naman nila sinasadya, nagkakataon lang na kapag may gathering eh nandun ako, siya, yung crush niya. Naiinis ako kapag nakikita kong nagkikita sila HAHAHAHAHA! Naiinis ako kapag nakikita ko siya na may kasamang ibaaaaa. Lol

—–

Pag nagbabantay ako kay bibi, marami akong mga bagay na napagtatanto, isa na roon eh hindi na talaga ako mag-aasawa! Ayokong igugol ang mga susunod na taon ng aking buhay sa pag-aalaga lang ng bata, at pagpapasensya sa asawa! Di bale nang forever alone ako, sanay naman na akong mag-isa eh. Di nga. Di ko feel ang pagiging babae. Ayokong maging housewife. Ramdam ko na ngayon kung gaano kahirap ang maging yaya/maid/nanay. Naiinis ako kasi bakit ganun ang kapalaran natin? Ma-iinlove ka sa isang lalaki, tapos nun ibibigay mo na ang buong buhay mo sa kanya, tapos magkaka-anak kayo, tapos mag-aalaga ka na lang hanggang sa pagtanda mo, huhuhuhu ayoko nun pramis 😦 sorry. Kaya talaga ipinapayo ko sa mga mag-aasawa pa lang, siguraduhin nyo na ang pakakasalan nyo eh willing kang tulungan na mag-alaga at magpalaki ng bata. Yun lang xx baka isipin nyo ang laki ng issue ko sa bata, di naman! Behave nga yun eh, di siya iyakin. Kaso kasi di ko lang talaga matanggap na babae ako, at yun ang tadhana ko </3

—–

Feeling ko kaya ako nagkakaganito, dahil sa micro-nutrient deficiency eh. Seryoso. Ilang linggo na kasi akong hindi nakakakain ng tama (minsan skip meals, minsan wala talagang makain), wala rin akong tulog, at wala akong ibang dahilan para maging masaya :((((( sadlyf beh.

Gustung-gusto ko humingi ng tulong sa iba, kaso kasi, takot akong ma-reject! Tsaka may pagka-OA yung problema ko kaya ayaw kong ikwento sa iba. Pero ang lakas ng loob ko magpost ng mga ganitong bagay dito no? Hahahahaha

Naiinis ako sa mga bagay bagay na nangyayari sa buhay ko, pero wala akong ibang magawa para mailagan ko man lang yun! Haha!

Naiisip ko din, yung iba nga mas matindi ang pinagdadaanan. Pero di sila nagrereklamo. Ako ang dami kong reklamo. Hahaha.

Advertisements

10 Replies to “Naninibugho”

  1. bwahahahahahah. angdami kong tawa sa mga national and economic issue mo kay Kanye West at sa pag-aasawa at sa micro-nutrient deficiency. Anu ba? ha ha ha anong nangyayari?

    Pero bukod sa lahat, ang shaket sa mata pagtapos magbasa dito. Kumikinang na ata yung mata ko

    Liked by 1 person

    1. Yung kay kanye – naiirita lang ako kapag may kalandian siyang iba. #AngGandaKo

      Kulang ako sa MND kaya kailangan ko ng bear brand. Lol. Di na ako nakakapagfocus sa gawain ko dahil kulang din kinakain ko πŸ˜‚

      Sa pag-aasawa: bitter ako wala akong forever, kaya ganun hahahahaha

      Ay ganun ba, natuwa kasi ako sa stars kaya ibinackground ko. Di pala siya kabog pag nagbabasa na. Sige palitan ko na hahahahaha

      Liked by 1 person

  2. Hala na fefeel ko to. Yung pressure, yung walang kain, yung walang pera, yung feeling mong pabigat ka. Lels. Pero magkaiba lang yung field natin. Kasi nagtatrabaho na ako pero nag aaral ka pa. I mean, our situation is completely the same. Pero alam mo mas okay kung maging open ka sa lahat, pero depende pa rin yun, basta ako pag feel kong hindi ko na feel, lumalayo ako, naghahanap ng pagkain, nag sesenti sa isang lugar hanggang sa gumaan ang loob ko. Iniisip ko happy memories. Actually,most of the time ako naman kasi ang motivator, kaya wala masyadong nagtatanong kung okay lang ba ako. Pero alam ko kaya mo yan! You can Do IT!

    Liked by 1 person

    1. Salamat πŸ™‚ noon pa man pinagdadaanan ko na yung pressure sa school. Ang iba lang ngayon, wala na akong dahilan para maging masaya. Yung di na ako maligaya sa ginagawa ko. Unlike noon keri ko lang tiisin lahat kasi at the end ma-bebenefit naman sakin to πŸ™‚ marami tayong bagay na narerealize kapag nagmomoment at senti mag-isa. Oo yun nga mahirap sa motivator, akala nila siguro di ka rin namomroblema. Hehe kaya natin to. Kayanin natin to πŸ™‚ πŸ™‚

      Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s