Hindi ako sigurado kung ikaw nga yung nakatabi ko sa jeep kanina. Nakayuko ka lang buong biyahe kaya di ko masyadong maaninag kung ikaw nga. Baka naghihinuha na naman ako.
Pero,
Yung relong suot mo,
Yung amoy ng pabango mo.
Yung buhok mo.
Ikaw na ikaw eh. Kahit anim na taon na tayong hindi nagkikita, feeling ko ikaw yun.
Pero wala na, ang mabilis na pagtibok ng puso ko kapag naiisip kita. Wala na rin akong maalalang βmomentβ natin sa nakaraan.
Tapos na, hindi ko na nararamdaman yung ‘sense of longingβ, yung pagka-miss, yung pag-asa na sana balang araw maaari nang maging tayo. Wala na π
Kung hindi ikaw yun, bakit kaya bumaba ka sa inyo? Di kaya coincidence lang din na taga-doon yung katabi ko na inakala kong ikaw? Oo nga, nasa El Nido ka na namamalagi di ba? Paanong nandito ka sa Cavite?
Pero kung ikaw nga yun, bakit hindi mo na ako maalala? Ako yung lagi mong kasabay na umuwi noon. Wala namang pinagbago sa hitsura ko, panget pa rin. Di mo kaya ako namukhaan?
Di bale, mukhang heto na rin ang huling beses na babanggitin kita. Kung pagtatagpuin ulit tayo ng kapalaran, e di okay, pero kung hindi e okay din, wala naman na rin akong interes pa.
Kasi dapat talaga matagal na kitang ibinaon sa limot.