Ang sakit pa rin ha.

NUNG last week, na-paranoid ako. Kasi naman, nun sinearch ko yung profile ni JDΒ sa facebook, di ko na makita. Aba, baka ni-block ako nung mokong na yun. Nakakainis. Minsan ko na nga lang siyang i-stalk eh. Tapos ganun pa!? Ang daming pumasok sa isip ko: -baka nalaman niya na hanggang ngayon eh tinitingnan ko pa rin yung account niya, -or baka may iba nang gumagamit ng account niya (baka jowa) tapos pinagba-block yung mga kahina-hinalang babae, including me (paranoid gf’s be like). Pero nakakainis eh. Mag-aapat na taon na kaming hindi nag-uusap oh. Yung pagtingin na nga lang sa profile niya yung tanging paraan para magkaroon ako ng update sa buhay niya. Kung ano nang ganap niya. Kaso wala eh, mukhang ni-block pa ako. Pero naisip ko din, bakit ngayon lang? Lol.

Di ako nakuntento. Hinanap ko yung account nung mga tropa niya ngayon. Di ko rin makita. Grrrrr. Hiniram ko yung account ng bespren ko, wala din. Araw-araw kong chinicheck baka sakali magpakita na yung profile niya. Hmmm.

Hanggang sa kani-kanina lang, nakita ko na ulit yung facebook account niya. Yey! Ang saya! Sa wakas maii-stalk na kitang damuho ka. Bwahaha. Baka naman nag-deactivate lang siya ng ilang araw. Pero bakit kaya? Haha. Hindi pala ito yung unang beses na naparanoid ako dahil sa block thingy na yan. Naalala ko, nung nawala din yung account nung crush ko nun (hindi si JD, iba to XD), umiyak-iyak pa ako sa bespren ko nun! Kasi assumption ko ni-block niya ako eh! Nakakahiya hahahaha! Katabi pa namin yung classmate namin nun! Tapos nung ending nalaman ko na nag-deactivate lang pala siya, tapos gumawa siya ng bagong account, tapos ang maganda dun alam ko pa yung password niya nun πŸ™‚ pero di ko nira-rak yun ah. Syempre crush ko pa yun nun eh. Pero in the end wala na rin. Kaya nakakahiya na talaga ngayon yung iniyakan ko noon dahil lang dun hahahahahaha

Balik tayo kay JD. Tiningnan ko nanaman for the nth time yung lahat ng laman ng account niya. Minsan lang yun mag-update, kaya halos kabisado ko na yung profile niya. Hahahahaha :’) kaso, kaso, may bago akong nakitang comment. Actually nung August 11, 2015 pa yung comment na yun, pero bakit ngayon ko lang to nakita? Ano ba yan!

– Tita niya: sno cia JD?
– Siya: Girlfriend ko po tta glen.
– Friend niya: ganda ng gf mu pre..

Nagpalit kasi siya noon ng cover photo ng isang magandang babae. Aba malay ko naman na baka crush-crushan/pantasya niya lang yan. Kilala ko yan. Nung second year nga kami yung classmate namin na babae na crush niya yung picture sa wallet niya eh. Feeling niya gf niya na yun, hahaha. So inisip ko ah di niya jowa to. Wapakels ako sa cover photo niya noon.

Kaso, kaso nung nakita ko to kani-kanina lang, eng sheket sheket! What the heck! Paano mo naging girlfriend yan? Sa ganda niyang yan, papayag yang maging girlfriend mo? Mukhang imposible. O baka naman ilusyon mo lang na kayo na. Bwahahahaha. Di ko pwedeng ipost yung picture nung babae dito eh. Pero napaka-imposible talagang maging jowa mo yun. Maniniwala lang ako kapag nagpost ka ng picture nyong dalawa na sweet, tsaka kapag naka in a relationship na yung status nyo sa facebook. Hmmm magkakasubukan tayo dito XD. Since nung August pa yan last year, baka naman nagbreak na sila ngayon. HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA sana nga lolol.

‘Girlfriend ko po tta glen.’

– hindi. Di ako naniniwala. Di mo gf yan, keme mo lang yan!

– pero who knows baka malakas na ang appeal niya ngayon at nakasungkit talaga siya ng isang magandang bituin.

Pero kung iniisip nyong napaka-bitter ko. Well, di ako bitter! Sa ganitong lagay ko, okay lang ako! Di ako nasasaktan! Hahahahahaha apat na taon na rin naman ang lumipas, wala nakong pake haha charot lang!!

Kaya di nyo talaga ako masisisi kung bakit mukha akong mabait, pero salbahe ako pagdating sa mga babaeng chix (literally maganda), di ko sila pinatutunguhan ng maganda, as in! Kasalanan nila to eh! Hahahaha

Tulad nung sa babaeng kinababaliwan nung crush ko ngayon (di ulit si JD to. Iba rin to sa tinutukoy ko kanina. Etong si crush ngayon yung palagi kong bukambibig sa mga previous rant posts ko). Kahit walang ginagawang masama sakin yung girl, ang sama sama ng tingin ko sa kanya hahahahah, maganda lang naman kasi siya! Nakakainis kasi palagi kong nakikita yung babaitang yun, tapos mas nakakainis kasi nagiging close nanaman sila ni crush ngayon. Hmmm

Ngayon lalo kong napatunayan na normal na babae pala talaga ako. Napaparanoid din hahahahaha

Ang kulit kasi wagas ako makareact dito, pero sa facebook ingat na ingat akong wag maglike at magcomment sa mga posts niya at wag magbabanggit ng kahit ano tungkol sa kanya, kasi baka malaman niya na hanggang ngayon sinusubaybayan ko siya hahahahaha πŸ˜€

Pero kung iniisip nyo rin na ito ang dahilan kung bakit gising pa rin ako ng ganitong oras, mali kayo XD nagbabantay ako ng sanggol kaya inaabot ako ng madaling-araw. Eh since wala na akong ibang mapagdiskitahan, stalk na lang ako ng stalk.

Salawahan din ako eh, may JD na nga ako tapos may crush pa akong iba. Hmmm nakakaloka haha!

Nakakaloka talaga tong post na to. Pagbigyan mo na, minsan lang ako magkaganito haha (minsan nga lang ba?)

After several days. nagdeactivate nanaman siya ng account niya *.*

Advertisements

18 Replies to “Ang sakit pa rin ha.”

            1. Hahahaha πŸ˜€ para di ako makilala nung mga kakilala ko hahahahaha

              Ah ganun pala yun, yung sa akin tinanggal ko email subscriptions ko haha kasi sa reader ko na binabasa eh

              Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s